"Ayoko nang mag-aral!"
Napangiwi ako sa reklamo ni Rein na padabog pang isinara ang librong binabasa.
"Gusto ko na lang bumalik ulit sa pagiging grade 9!""Kung kailan grade 10 na tayo…” Mavros drawled."Just… look at these!" Rein gestured the pile of books and papers that are scattered on our table with an offended face. "Hindi pa tayo senior high, puro research na agad ang ipinapagawa sa atin! May pa 'Save Mother Nature' pa silang theme last month. Hindi ba nila alam kung saan gawa ang mga papel!?"I sighed and glided my eyes back to what I was reading. Kasalukuyan kaming nasa kiosk kung saan malapit sa Eco Garden. Halos pinuno naming magka-kaklase ang lahat ng pwesto para sa ginagawa sa English 11. We’ve been stuck here for almost one and a half hour as we gather our data to comply with the activity.
"Ayaw mo pa lang mag-aral, bakit ka pa nag-enroll?" patuya ni Mavros.Rein pouted. "Excuse me, may pangarap din naman ako sa buhay, 'no!""Wala kang matatapos kung puro ka reklamo."
"Sino ba namang hindi magrereklamo, ha? Wala pa akong tulog simula pa noong isang araw!"
Kasabay ng aking halakhak ang pagbatok sa kaniya ni Mavros bago siya sininghalan. Ngunit may maliit na ngiti pa rin sa labi dahil sa natatawa. Iyon tuloy at tuluyan na kaming na distract sa ginagawa at nag-asaran na lang sa ilang minuto na natitira. Kung hindi pa namin napakinggan ang bell ay hindi na namin iyon mamamalayan.I groaned with the attempt of carrying the thick books. Tatlong makakapal na libro laban sa payat kong dalawang braso.
"Ayoko na, puñeta! Sana naging dinosaur na lang ako!" Rein continued her wailings as she grunted.“Isang roar naman d’yan, Rein!” si Atticus na biglang sumulpot sa gilid namin.
Kasabay nang pagkawala ng bigat sa aking kamay at braso ay ang aking pagsinghap sa gulat. Rafael grinned at me as he took away the books from my hold and carried it instead. He winked and chuckled when he saw my stunned reaction. Sinaman ko tuloy siya ng tingin.
"'Wag kang buhat nang buhat. Kaya hindi ka na tumatangkad, eh."“Should I praise you for being tall then?”He shrugged his shoulders and smiled. “I didn’t say as such, Sebi.”
“Akin na nga ‘yan.” Sinubukan kong kuhanin mula sa kapit niya ang mga libro ngunit iniurong niya lang ang sarili para umiwas. My lips faintly pouted in exhaustion. Marahan naman siyang tumawa at maingat na kinuha ang kaliwa kong palapulsuhan ng libreng kamay.
Completely stunned with his bold move, my eyes immediately roamed around to see if someone is watching us. Noong makitang wala naman ay ibinalik ko ang tingin kay Rafael. I caught him watching me with his eyes filled with amusement, slightly biting his lower lip to stifle his teasing smile. I glared at him and removed his hold from my hand.
“’Wag kang lapit nang lapit, ayokong may makakita sa atin!”
Tumango-tango siya, may maliit na ngiti sa labi. “I just wanted to help you out.”
“Kaya ko naman.”
“Pero ang pula na niyang braso mo.”
"Anong pakialam mo?"He snickered. "Babe, don't ask me that. Baka manginig ka kapag narinig mo ang sagot ko."Umawang ang labi ko at mabilis siyang hinampas sa braso ng hawak kong pad ng papel! He let out a growl of laughter as he pointed at my probably flushed face. Sa inis ay nanguna na ako sa paglalakad at iniwan siya roon."You still haven’t greeted me yet!” he shouted just behind me as he tries to catch up. "Birthday ko, Sebi!"
"Anong gusto mo, magpa-party ako?"
Tumatawa niya lang akong hinayaan muling manguna sa paglalakad.
Noong makapasok na sa classroom ay agad na nasaksihan ang paglapit ni Mae, ang treasurer ng klase, kay Rein na mukhang sinubukan pang takasan ito. Napailing na lang ako dahil alam na kung anong kaganapan iyon.
"Hoy, five pesos, 'di ka pa bayad," Mae billed her."Kakaupo ko lang, Mae. Pwedeng mamaya? Pwede 'yon, ha? Atat ka?""Magbayad ka na kasi!""Bukas!""‘Yan din yung sinabi mo kahapon at noong isang araw!""Wala nga kasi akong pera!"“Nakakabili ka nga ng siomai sa labas!”
“Oh? Bawal ‘yon? Bawal magutom?”
"Ewan ko sa 'yo! Palibhasa, hindi ikaw ang mapapagalitan!" Nagdadabog itong umalis doon at lumipat sa iba pa naming kaklase.Umupo na ako sa tabi ni Rein at pabirong hinila ang buhok niya. Inis siyang bumaling sa akin at sumimangot."Magbayad ka na. Napapagalitan na 'yan ni Ma'am dahil malapit na ang deadline.""Napaka-corrupt naman kasi ng school natin! Ang daming hinihinging bayarin! Akala ko ba public school 'to!?"“Nandyan na si Ma’am!” anunsyo bigla ni Angelica, nakasilip sa bintana. “Ay, sino ‘yon? Transferee?”“Huh? Patingin! Gwapo ba?”
Hindi ako nakihalubilo sa mga kaklase kong sumugod sa bintana para maki-chismis. Their murmurs reached my ear. Napalingon lang ako noong mapakinggan ang aking pangalan. Tumaas ang kilay ko sa pagtataka at sa huli’y iniwas ko ulit ang paningin at bumaling na sa unahan.
“Hala!” ani Rein at napataklob pa sa kaniyang bibig.
Umawang ang labi ko at nanlaki ang mga mata noong makita kung sino ang kasama ni Ma’am Santos na tinutukoy nila!
“Good morning, class!” masiglang bati ni Ma’am Santos.
Ang mga kaklase ko, palibhasa’y mga kapwa gulat din, alinlangan ang pagtayo ngunit pinanatili ang masiglang boses sa pagbati. While I remained frozen on my seat in surprise.
Why is he here? Don’t tell me he’s going to transfer again?
“Levi James Fernandez, nice to meet you all… again,” he drawled languidly and seconded it with his chuckle.
Masaya siyang binati ng mga kaklase ko, lalo na ng mga kaibigan niya kaya't lalo siyang natawa.
“Oh? I see you already have a few friends here.”
“Classmate po namin siya noon, Ma’am!” saad nila.
Nagbaba ako ng tingin noong maramdamang nagtinginan sa akin ang iba. Damn it! They didn’t have to do that! I am completely aware of his presence in front, I am literally just a few seats away from him! I wouldn’t even be surprised if he already saw me!
Sa pagpapatuloy ng klase ay nanatili akong tahimik at walang nililingon. I’ve got no plans of being noticed by anyone at this moment, especially by Levi. Ngunit talagang hindi nakikisama ang panahon dahil nabunot ang index card ko ni Ma’am Santos at tinawag para sa recitation.
“Social media platforms have given us false sense of access towards other peoples’ lives and issues. Do you agree or not?”
“I agree with the statement, Ma’am.”
“Why?”
“Social media is a rampant access to all types of social interactions through the help of technology. That includes the access to comment, post, like, and share posts in terms of your own preference. Nevertheless, it’s terrifying to see how giving comments and critiques to a person’s life is done and assumed as an acceptable matter in the name of activism,” I said. “The social media have given false access to people and users have too much spaces and time to actively share their every personal experience and involve themselves in places where they don’t even belong to.”
“Yes, Mr. Fernandez?” biglang baling niya sa likod ko.
I nonchalantly looked behind me and saw Levi raising his hand to recite. Napakurapkurap ako noong magsalubong ang mga mata naming dalawa. I cleared my throat and immediately tore my eyes away from him, feeling awkward. He, on the other hand, stood up to say his sentiments. Always, always trying to get on my way in any possible circumstances!
“I somehow disagree with Ms. Velasco, Ma’am,” aniya. Mariin akong napapikit at palihim na kumuyom ang kamao. “I believe that engaging yourself in social medias also requires the responsibility of being the manipulator. Yes, the platform has a wide scope of access yet it is still under our responsibility to control our ways of manipulating our accounts as one–”
“Mr. Fernandez,” matapang akong bumaling sa kaniya. He got stunned by it although he managed to compose himself quickly. Tumaas ang kilay ko. “Always mind the business that pays you. The social media life has implanted eyes everywhere, you are always watched and people are waiting for you to give them a reason to attack you and be cancelled from it. That’s why the moment you step onto someone else’s path, you give them parts of you to claim their judgment. Responsibility comes with self-awareness and users aren’t completely attentive with this matter.”
“Ms. Velasco, you are figuratively suggesting that people are imprudent enough to know the dos and don’ts.”
“Because people are impulsive, Mr. Fernandez, when it comes to labeling restrictions.”
“Well, that’s an accusation and a judgement. Lumilihis ka sa argumento.”
“Ikaw ang unang lumihis.”
Nagsinghapan ang mga kaklase ko dahil sa tensyon na nararamdaman mula sa amin. Tumikhim ako at mariing itinikom ang bibig noong maintindihan kung bakit gano'n na lamang ang mga reaksyon nila. I didn't mean it like that!
Nag-iwas agad ako ng tingin at humarap muli sa unahan na parang walang sinabing kababalaghan kanina.
“Marvelous!” pumapalakpak na sambit ni Ma’am Santos. “Very good!”
My face remained blank and remorse from the dispute that happened and the memories that appeared inside my head like a massive pull of remnants. It felt like a ghost from the past is suddenly knocking on my door in attempt to live again.
Natapos agad ang klase at naging mabilis ang iba pa. Siguro ay dahil nanatili akong lutang at hindi mahagilap ang katinuan.
Lunch break came so fast in my perspective. Naging maingay ang lahat sa pagkanta ng ‘Happy Birthday’ kay Rafael na maliit na ngiti lang ang isinukli sa kanila. Nanatili akong tahimik na nakaupo sa upuan ko, hindi magawang makisali. He blew the candle and suddenly caught my eyes. I blinked and drifted it away from him, conscious about my state.
Rafael always throws a simple party in our class every time his birthday comes. Nagdadala ng mga handa, mayroon ding mga nakabukod para sa mga teachers. That’s the reason why his birthday is marked on our calendar, considering as one of the most awaited events in our class.
“Can I sit here?”
Natigilan ako sa pagsubo noong biglang sumulpot si Levi sa gilid ko. Narinig ko ang pagkasamid ni Rein dahil doon. Pakiramdam ko ay pinapanood kami ng lahat dahil sa kanilang pananahimik. I wanted to protest and tell him no but the lump on my throat is a real bother. Sa akma kong pagsasalita ay may bigla namang umupo sa bakanteng upuan na itinutukoy niya.
Rafael, with his solemn aura, sat on the vacant seat. Bahagya pang padabog iyon kaya’t naglikha ng ingay. Nagpatong siya ng plato sa unahan ko at may laman iyong mojos.
“Eat,” he coldly said.
I glanced at Levi and saw his sharp look towards Rafael who kept himself busy with the arrangement of my plate. Wala na siyang nagawa kung hindi ang umupo sa tabi nila Tristan dahil naunahan ni Rafael at tinanggap ko na rin ang platong inilahad nito. Tahimik akong sumusubo at kumakain kagaya ng iba. We were all taking careful glances to the both of them, alarmed and waiting for the live brawl. I remember that they never really got along before. Hindi lang isang beses na nagsuntukan ang dalawa noon. Kaya pare-parehas kaming nakabantay.
Patapos na ako sa aking kinakain noong may biglang naglapag naman ng plato sa lamesa ko, may laman itong slice ng cake. Sa pag-angat ko ng tingin ay nakasalubong ang maaliwalas at nakangiting mukha ni Levi. Iimik pa lang ako para itanong kung para saan iyon noong bigla naman itong kinuha ni Rafael at inipod sa tapat ni Rein na nagulat din.
“Para sa ‘yo raw.”
Rein pointed at herself. “S-Sa akin?”
“Para kay Sebi,” ani Levi. Sinubukan nitong kuhanin ang plato at iipod ito ngunit mabilis na hinawakan ni Rafael ang kabilang gilid ng plato upang pigilan siya. Ang matalim na tingin ni Levi ay nag-iinit sa pagkapikon. “Bitawan mo, Alfonzo.”
“Paano kung ayoko?”
“Kinuha ko ‘yan para kay Sebi, hindi para sa ‘yo o kay Rein. Kaya bitawan mo.”
Ang tunog ng pagngisi ni Rafael ay tila isang insulto para sa kausap. Lalo na’t mayabang ang kaniyang pustura.
“Nakalimutan mo na ba?”
“Ano?”
“Hindi siya kumakain ng cake.”
Napangiwi ako.
Bahagyang umawang ang labi ni Levi at bumaling sa akin. “I… forgot, sorry.”
“Tanga,” Rafael mumbled.
“Anong sinabi mo?”
Mabilis ang naging pagtayo ko noong hinablot niya ang kwelyo ng uniform ni Rafael at pinatayo ito! The latter just equaled his glare and also very ready to throw his aggressive punches to his face!
“Ang sabi ko, ang tanga mo.”
Inulit pa!
Nagtilian ang lahat noong inangat na ni Levi ang kamao niya upang suntukin ito. However, Tristan was able to catch his hand and pulled him away from Rafael with the help of our other male classmates. Samantalang sinusubukan ko namang pumagitna para pigilan sila.
“‘Tang ina mo, akala mo kung sino ka?” galit na wika ni Levi at dinuro siya. “Binabakuran mo, sa ‘yo ba?”
Rafael was fuming mad as he advanced his steps and was aiming for a punch. Agad siyang dinaluhan ng mga kaibigan at hinarangan.
“You piece of shit!”
“Bakuran mo kung sa ‘yo!”
Nakawala si Rafael sa mga nakahawak sa kaniya at mabilis na inabot si Levi para sapakin. Kahit kabado at natatakot na matamaan, mabilis akong pumagitna at malakas na itinulak ang dibdib niya. Bumaba ang tingin niya sa akin, hinihingal sa galit.
“I said, enough!”
Natahimik ang lahat ngunit nanatiling kabado. May mga nalaglag na mga plato at natumbang mga upuan. Napasapo ako sa noo at napahinga nang malalim para pakalmahin ang sarili. Bago pa man ako makaimik ay biglang tumalikod si Rafael at mabibigat ang paang nag martsa palabas ng room.
I didn’t know what gotten into me that I immediately walked away too and ran towards him.
“Rafael!”
He remained walking in a fast pace as he passes through the hall. Lumiko na siya sa hagdan para makababa at mabilis akong nakasunod. Agad kong hinawakan ang braso niya para pigilan siya. He halted and looked at me then. Eyes flaring in madness, but I saw something softer.
“Let go, Siorse.”
Umiling ako. “Where are you going?”
“Aalis.”
“P-Pero… hindi pa tapos ang celebration. Birthday mo…”
"It's already done. Hindi mo ba nakita?"
“Huh?”
Pumikit siya nang mariin at pumihit ulit paalis kaya't hinigpitan ko ang kapit sa kaniyang braso. Mumulat siya at doon agad dumapo ang kaniyang paningin bago muling ibinalik sa akin. Namumungay na ngayon.
"I'm sorry," he sighed. “Bumalik ka na roon. Kailangan ko lang magpalamig.”
“Ayos k-ka lang ba?”
“Bumalik ka na, Sebi.”
I gulped and looked down. I nodded gradually and slowly gripped off his arm. Hindi na siya muling lumingon noong umalis. Samantalang nanatili akong tulala, hindi alam kung bakit nanghihina.
I can still vividly remember what happened two years ago.The first time that I let myself break free from the stigma that I made with regards about the romantic affection that the reality can only offer. Flawed and imperfect like us humans. It’s funny that when I opened my heart for it for the first time, I received the consequences that I’ve been avoiding ever since I grew conscious of that feeling. Levi proved to me that a single affection can ruin your multiple principles in this lifetime. I knew then that love really isn’t for me. It wasn’t something that I can comprehend immediately. Although, I didn’t reach that level of fondness, I still know that I was almost embracing its sensation. Ang nakangiting mukha ni Seira ang sumalubong sa akin pagkapasok ko sa bahay. Nagtatanggal pa lang ako ng sapatos noong pasugod siyang lumapit at kinuha ang dala kong paper bag na may lamang mga pagkain mula sa handa ni Rafael. Tumakbo na si Seira sa kusina
Inimis ko muna ang mga gamit pang eskwela ko bago ako dumiretso sa banyo para maglinis ng katawan at mag toothbrush. I went straight to my bed after. I was constantly shifting my position on my bed as I try to fall asleep. But something is still bothering me. I looked at my wall clock and saw that it’s been an hour since I laid on the bed. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakatulog. I groaned and decided to grab my phone under my pillow to check up on him. I bit my lower lip as I open our inbox, walang reply. Kahit return ng calls ay wala. 10 pm pa lang. Alam kong gising pa siya dahil madalas siyang maglaro muna ng computer games bago matulog, minsan ay inaabot pa siya ng madaling araw kapag masyadong nawiwili. I don’t know if today’s an exemption though. Since it’s his birthday. Isang tawag lang, kapag hindi pa rin siya sumasagot ay bahala na siya sa buhay niya. I dialed his number as I tensely bit my fingernails, silently hoping for him to answ
Ilang beses akong napapalingon kay Rafael na katabi ko sa tricycle. His silence made me feel weird. Seryoso lang siyang nakatingin sa unahan, ang kaliwang kamay ay nilalaro ang labi na alam kong ginagawa niya lamang kapag malalim ang iniisip. Hindi ko tuloy maiwasang mabahala dahil doon, inaalam kung may kinalaman ba ako. Pinili ko na lang rin manahimik para hindi siya maistorbo. He paid for our ride and I remained watching him still. Kahit isang beses ay hindi siya lumingon sa akin. Kahit noong sinenyasan niya na akong mauna sa paglalakad ay nanatili siyang sa iba nakatingin. My forehead creased out of confusion as I gradually walked past through him. I tilted my head as I try to think of an answer of why he is acting so weird. Sa huli ay umiling na lang ako. "Sebi! Hulog ka talaga ng langit!" Ang natatarantang si Rein ang nadatnan ko noong makapasok na sa room. Sinalubong niya ako at halos hilahin paupo sa pagmamadali. "Nagawa mo yung assignment nat
“I’m sorry I’m late, Sir,” saad ko sa guro naming nasa loob na ng classroom. Tumango lang ito sa akin at itinuro na ang upuan ko bilang pagpayag na pumasok na ako. Nanatiling nakatungo ang aking ulo sa takot na may makasalubong ang aking paningin. Sa takot na matulala at mag-isip ng kung ano, pinili ko na lang na maging aktibo sa klase. To distract myself from overthinking too much, I’d rather focus myself on something more relevant. “There is no set of qualifiers for labelling an act as a sexual assault other than lack of consent and approval. Victims are not required to explain or share what they were wearing at that time or if they were drunk. Rape happens because a rapist took advantage of it. It is against the law of humanity and an abuse of physical and emotional power to take over,” seryoso kong pagpapaliwanag. “It is not because of the tight jeans or short skimpy skirts, the alcohol consumptions or in a drunken state, and the lack of power to fight an
Patagilid ang higa ko sa lamesa habang nagbabasa ng libro. Seryosong-seryoso at siksik na siksik para walang makabasang iba. Rein didn’t even dare because she knew what I was reading. Siya ang nagregalo nito sa akin! Out of curiosity, I challenged myself to read it. I didn’t know that it will be this… intense. Though, interesting. Pakiramdam ko’y nahugot ko ang lahat ng hangin sa buong classroom noong suminghap. Ang walanghiyang si Rafael ay bigla itong inagaw sa akin at inangat bago basahin! “Rafael!” Unti-unting kumunot ang kaniyang noo at nagsalubong ang mga kilay sa pagtagal nang pagbabasa niya sa libro. Kumabog ang puso ko sa kaba at pagkabahala. Muli ko itong tinalon ngunit halos padabog niyang iniwas ito sa akin. He then looked at me in accusation, napangiwi ako bago sinamaan siya ng tingin. “Why are you reading this?” “Akin na sabi!” “You are corrupting your mind!” Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. He definitel
Pagkarating sa Coolab ay umupo na agad ako sa stool. Hindi ko naman alam ang gagawin ko kaya't papanoorin ko na lang muna siya. Anong gagawin ko rito? Pwede bang ako na lang ang maghuhugas ng plato at siya ang magluluto? Kasama ba 'yon sa scoring? "Lapit ka rito," Rafael commanded. He was already wearing his apron. Kaharap niya na ang chopping board at hawak na rin ang kutsilyo. Bumaba ang tingin ko sa kitchen counter at nakitang nahanda niya na rin pala ang lahat. Mabilis akong tumayo na sa stool para may maitulong naman sa kung ano mang sasabihin niya. "Ano?" He smiled. "Anong gusto mong lutuin?" "Ano ba raw ang main ingredient dapat sa cooking fest?" "Baboy daw." "Edi magluto ka ng baboy," walang kwenta kong sagot. Magaan siyang tumawa. "Ano ba 'yan, Sebi. Did you hit your head a while ago or something?" "Bakit ba kasi ako ang tinatanong mo? Wala ka bang sariling desisyon?" He chuckled and pinched my cheeks.
Isang linggo na ang nakalipas noong nagsimula na kaming mag-ensayo sa pagluluto. Iba't ibang putahe na rin ang nagawa namin at may isa na kaming napili. Ngunit sa isang linggo na iyon, ang tanging ginawa ko lang ay ang mag-abot ng ingredients at maggayat. Si Rafael ang bahala na sa lahat. Tutal at mapilit siya, edi sige. Kalagitnaan ng klase namin sa PE class ay nakaramdam na ako ng init. Palibhasa ay mainit nga ang panahon ngayon, patay pa ang aircon ng room dahil pinaayos kahapon. Inipon ko ang mga buhok ko sa kamay upang iipit ito. Habang hawak ang buhok ay nagsimula akong magkalkal sa bag ng panali ko. Ngunit mukhang naiwala ko na naman yata. Inis akong nagbuga ng hangin. Nangangalay na dahil hindi ko talaga makita ang puyod ko. "Yes, Mr. Alfonzo. Come here to the board to write your answer." Hindi ako lumingon doon. Ni-hindi ko nga alam kung ano ang pinapasagutan. Ang alam ko lang, mainit at gusto kong mag-ipit. My eyes immediately dropped from t
Hopefully though, we can start again as friends. "I just want to say good luck." He smiled. "I know you'll do well." "Salamat, Levi." "Are you nervous?" "Medyo," I genuinely answered. "First time ko kasi..." Tumango siya at biglang humakbang palapit. Bumaba ang paningin ko sa paa niya at nakita ang tinabunan niyang distansya. Before I could lift my head again to look at him, I suddenly felt something soft on my left cheek. Huli na noong mapagtanto kong hinalikan niya pala ako sa pisngi! "Good luck kiss," aniya. I blinked continuously, obviously unable to talk because of my shock. Ramdam ko ang panonood ng mga kaklase sa amin kaya’t agad kong inayos ang sarili. Tumikhim ako at marahang tumango, ayaw nang palakihin pa ang nangyari. Hanggang sa makaalis na sila ay patuloy ang pagkabog ng puso ko. Mainit rin ang magkabila kong pisngi, alam kong namumula ako at mas lalo ko iyong ikinahiya. Noong maramdaman ang bahagyang pagk