Share

Chapter 4.1:

I can still vividly remember what happened two years ago.The first time that I let myself break free from the stigma that I made with regards about the romantic affection that the reality can only offer. Flawed and imperfect like us humans.

It’s funny that when I opened my heart for it for the first time, I received the consequences that I’ve been avoiding ever since I grew conscious of that feeling.

Levi proved to me that a single affection can ruin your multiple principles in this lifetime. I knew then that love really isn’t for me. It wasn’t something that I can comprehend immediately. Although, I didn’t reach that level of fondness, I still know that I was almost embracing its sensation.

Ang nakangiting mukha ni Seira ang sumalubong sa akin pagkapasok ko sa bahay. Nagtatanggal pa lang ako ng sapatos noong pasugod siyang lumapit at kinuha ang dala kong paper bag na may lamang mga pagkain mula sa handa ni Rafael. Tumakbo na si Seira sa kusina noong makuha na ang pakay. Hindi man lang ako binati!

“Si Mama? Nand’yan na?” sigaw ko mula sa sala para mapakinggan niya.

“Wala pa, ate!”

“Sinong sumundo sa ‘yo?”

“Si Mama! May work pa raw siya!”

“Kanina ka pa?”

“Hindi, ah! Kakarating ko lang. Halos magkasunod lang tayo, ate!”

Tumango na lang ako at hindi na sumagot dahil tinatamad nang sumigaw. Nag paalam na akong aakyat na sa kwarto para magbihis at sumigaw naman siya nang pagsang-ayon.

Pagkatapos maglinis ng katawan at magbihis ay dumiretso na agad ako sa study table ko para gawin ang mga school works ko. Ngunit ilang minuto na ang nakalipas at nanatili lang akong nakatutula at nag-iisip. Inaalala ang mga nangyari kanina.

Levi apologized to me because of the commotion and I just shrugged him off because I wasn’t in my right mind at that time to talk to him. I was dumbfounded with everything. Rafael didn’t return. Kahit ang mga panghapon naming klase ay hindi na niya dinaluhan. Tulala pa ako noong abutan ako ng paper bag ni Renz at sinabing pinabibigay ni Rafael, iyon ‘yong balot ng mga handa niyang nakasanayan na niyang padalhan din ako sa bahay para kay Mama at Seira. Wala ako sa sarili noong umuwi at… hanggang ngayon.

Is he okay?

I sighed deeply and palmed my face to wake my senses up. I’m just worried that his day was ruined because of what happened in our class. Birthday niya pa naman.

Suminghap ako noong may maalala. Hindi ko siya binati sa personal!

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa charger sa pagbabalak na padalhan siya ng text. I’ve been calling and texting him but he never returned any of it.

To: Rafael

Nasaan ka ba kasi? Hindi kita nabati.

To: Rafael

I’m worried, okay? Just tell me that you’re fine and I’ll stop bombing your phone.

To: Rafael

Just… please enjoy your day. Text me when you’re finally sane to do it.

Noong dumating na si Mama ay agad na rin siyang nagluto ng ulam. Napapangiwi kami ni Seira habang pinapagalitan dahil sa mga nakakalat niyang laruan sa sala at ang pagkalimot ko magsaing.

“Simpleng gawain lang ay hindi niyo pa magawa! Paano na lang kung wala ako? Ha? ‘Wag kayong tatamad-tamad!”

Napakinggan ko siyang nagsasaing na kaya hindi na ako nagbalak na pumuntang kusina dahil baka lalo siyang magalit. Sa halip ay tinulungan ko na lang ang kapatid kong tahimik na humihikbi habang iniimis ang laruan niya. Mas lalo akong napangiwi dahil doon.

“Sabi ko kasi sa ‘yo ‘wag mong ilabas lahat para hindi ka mahirapan sa pag-iimis,” wika ko sa kaniya habang ipinapasok sa box ang mga laruan. Muli siyang humikbi at nakakaawang tingnan ang kaniyang itsura. I chuckled and ruffled her hair. “’Wag ka nang umiyak, mas lalo kang mapapagalitan.”

“I just wanted to play, ate…” umiiyak niyang saad.

“Mama’s just exhausted from work, hayaan mo na. Mag-imis na lang tayo.”

Tumango siya at pinahiran ang mga luha bago muling kumilos. Napabuntonghininga ako bago ko siya nilapitan para punasan ang luha niya. I grabbed her towel and wiped her sweat from the back. I tapped it lightly before telling her to go to her room and change her clothes. Maikli siyang ngumiti at sinunod ako pagkatapos.

Between the two of us, Seira is softer than I am. Dahil nga bata pa ay mabilis makaramdam ng pagtatampo at sama ng loob kapag napapagalitan. Mabilis din siyang umiyak at masaktan. Makulit at mahilig maglaro ang kapatid ko, aktibo sa lahat ng bagay. Masaya ang tawa at palaging nakangiti. Kaya nakakaawa siya kapag lumuluha na at nakasimangot.

“Nagawa mo na ba ang assignments mo?” ani Mama kay Seira noong kumakain na kami sa hapag kainan.

Kumibot ang labi ni Seira at namasa agad ang mga mata. Hindi iyon nakikita ni Mama dahil nagsasalin siya ng tubig sa kaniyang baso. My sister looked at me with pleading eyes, asking for help. I bit my lower lip and tried to think of a way to save her from this. But before I could, Mama already glanced at her and saw her guilty face.

“Hindi pa?” she concluded.

“Mama…” I tried calling her to grab her attention. Although, her narrowed sharp eyes are now very focused on my sister.

“Hindi ba’t sinabi ko na bago ka maglaro ay tapusin mo muna ang mga assignments mo? Ilang beses ko bang uulitin, Siera, at palagi mong nakakalimutan?” aniya. “Hindi ka gumaya sa kapatid mo’t mas inaatupag ang pag-aaral kaysa diyan sa paglalaro! Wala ka namang natututunan diyan!”

“Mama, tama na.”

Umiiyak na ngayong nakatungo si Seira at nakababa ang mga kamay. I sighed with the sight of her trying to stop her sobs.

“Umakyat ka na sa kwarto mo at tapusin mo ang assignments mo!”

Bumaling ako kay Mama. “Mamaya na, ma. Hindi pa siya tapos kumain-”

“Isa, Seira!”

Nagkukumahog na tumayo si Seira sa kaniyang upuan at agad na tumakbo sa hagdanan. Hindi man lang siya nakainom ng tubig!

Masama ang loob ko at walang imik na tinapos ang pagkain. I may have accepted my mom’s pressure when it comes to my studies, but I can never accept her strict attitude with Seira. I don’t want my sister to receive the trauma that I’ve been carrying ever since Mama left me on the edge. I don’t want her to lose the essence of education and just strive for it with the thought of making our mother proud. It caused me too much pain and insecurities and I don't want my sister struggling with the same feeling.

Pagkatapos maghugas ng plato ay umakyat na ako para dumiretso sa kwarto ng aking kapatid. Dalawang beses akong kumatok bago binuksan ang pinto. Naabutan ko siyang umiiyak habang nagsusulat sa kaniyang notebook.

“Seira…”

It was like a trigger to her. She suddenly started crying so hard that she was already trying to catch her breaths. Agad ko siyang dinaluhan at pinakalma.

“Shh… I’m sorry.”

“H-Hindi ko maintindihan ‘yung solution, ate. Ang h-hirap...” aniyang hindi ko pa naintindihan agad dahil sa kaniyang pag-iyak. Basang-basa ang papel niya dahil sa kaniyang mga luha.

“Tutulungan kita. ‘Wag ka nang umiyak, hmm?” I cupped her face and brushed my thumbs on her cheeks to wipe her tears. “Alin ba ang mahirap? Math? English? Alin dito?”

“L-Lahat, ate…”

Tumango ako at malamyos na ngumiti sa kaniya. I calmed her down before I started lecturing her with her assignments. Nakanguso pa rin siya habang tumatango kapag naiintindihan ang aking mga ipinapaliwanag. Inabot yata kami ng dalawang oras bago natapos dahil kinailangan ko pang ituro sa kaniya ang lahat ng iyon. After that, I told her to stay in her room as I grab her a glass of milk and cookies to fill up her stomach.

Nakasalubong ko si Mama sa labas ng kwarto ni Seira noong dala-dala ko na ang tray. She looked at me, eyes filled with worry. Finally realizing what she did a while ago.

“Kumusta ang kapatid mo?” tanong niya sa akin.

“Maayos na po,” simple kong sagot. Marahan akong umiling sa kaniya. “Ma, ‘wag niyo po siyang masyadong pagalitan. Nahihirapan siyang huminga kapag umiiyak. Alam niyo naman pong kakalabas lang niya sa hospital noong isang buwan.”

“Pasensya na. Pagod lang ako sa trabaho at… nabuntong ko sa kapatid mo,” she sighed heavily. Bumagsak ang mga mata niya sa tray na hawak ko bago muling tumingin sa akin. “Ako na ang magbibigay, Sebi. Magpahinga ka na.”

“Mag sorry ka sa kaniya, ma. Masama ang loob.”

“Oo, ‘nak.”

Inilahad ko sa kaniya ang tray at tinanggap naman niya ito agad. Noong nakapasok na siya sa kwarto ng kapatid ko ay saka lang ako umalis na roon at pumunta sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status