Share

Chapter 1 | Saved

KATRINA'S POV

"I missed you, dad." I muttered as I wake up with tears on my cheeks. I had that dream again. The painful scene when my dad... 

I shook my head as if it will make me forget that painful memories that still haunting me for 7 damn years.

"Happy Birthday, Katrina!" Ito agad ang bumungad sa'kin pagkababa ko.

Pilit na ngiti lang ang isinagot ko sakanila. Alam kong inaasahan na nila yun pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ayaw nilang tumigil sa ginagawa nila. They're just wasting their time and efforts because my decision won't change. Mula noong iwan niya kami, I decided not to celebrate my birthdays anymore, but here they are. Still preparing some bullsh¡ts to celebrate my damn birthday again.

"Kat," boses iyon ng pinsan kong siyang pasimuno ng lahat ng ito kaya hindi na ako lumingon pa.

Dumeretso ako sa kusina para uminom ng gatas. Namiss ko tuloy ang hot choco na pineprepare sakin ni Yawie tuwing umaga.

"Kelan ang balik ni Yawi?" I asked without even throwing a glance at him.

"Next week pa. Kami ba? Di mo man lang hahanapin?" Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

I chuckled sardonically. "Why? Did you have also vacation?" Pamimilosopo ko pero sa itsura niya ay mukhang seryoso siya. 

I'm about to leave when he blocked my way.

"Pitong taon na, Kat. It's been 7 years since your da---"

"Get.out.of.my way." I cutted him when he's about to mention that person.

"Why? You want to leave? Again?" Nanatili siyang nakatayo sa harap ko at ganun din ako. Kung nakamamatay lang ang masamang tingin--kanina pa walang buhay ang taong 'to.

"Tatakasan mo na naman kami?!" Pinandilatan niya ako pero hindi ako nasisindak sa mga ganyan niya.

"Hindi naman ako preso--ba't ako tatakas?! Tsaka naalibadbaran ako sa'yo kaya umalis ka na jan kung ayaw mong sirain ko ulit yung---" 

Hindi niya na ako pinatapos pa at agad na itong tumabi. Iminuwestra niya pa ang daan nang may pilit na ngiti na para bang isa akong prinsesa, tss. Palibhasa'y takot na takot na sirain ko pa ang gitara niya dahil nagawa ko na yun dati at hindi ako mag-aatubiling gawin ulit yun kung iinisin niya pa ako.

Akmang babati ulit sina mom at ang mga bwisita niya nang iharap ko sakanila ang palad ko. Tamad akong umakyat sa kwarto ko, nagsisisi na bumaba pa kahit alam ko namang ito ang maaabutan ko.

Maybe some people or I must say many people feel excited for their birthdays but I'm not one of them now. Instead of having fun, here I am, alone in my room. This is what I want, though. I am living like this for 6 years already. Pitong taon kung isasali pa yung isang taong pagiging miserable ko.

Yes. I spend a year waiting for him to come back. Kakaunti lang akong kumain--minsan nakakaligtaan ko pa nga. Hindi rin ako lumalabas liban nalang kung may bisita, sa pag-aakalang bumalik na siya. Pero hindi. He never came back.

Natigil ako sa pagmumuni-muni nang makarinig ng katok mula sa labas ng kuwarto.

"Kat?" It's mom. "Papasok na ako ha?"

I don't give her any response. Instead, I shut my eyes to pretend that I'm asleep.

"I know you're awake." Ramdam ko ang paglubog ng kama sa tabi ko pero hindi parin ako gumalaw.

"Nasa baba ang mga pinsan at tita mo, 'di mo man lang ba sila kakausapin?"

Tumalikod ako sakanya. "I want to rest." I said coldly.

"But you're resting here since yesterday---"

"I'm tired." Lumunok ako nang may maramdamang kung anong nakabara sa lalamunan ko. Sh¡t! I really hate myself for being so damn emotional. 

"I'm always tired." I whispered but I know she still heard it.

She cleared her throat as she get up from my bed. "O-Okay, if you want anything just tell us, okay? Don't worry, pagbabawalan ko narin si Kiel na guluhin ka dito." Yun lang at muli kong narinig ang pagbukas-sara ng pinto ng room ko.

Bumangon ako nang makaalis si mom. I wipe those tears that loom around my eyes using the back of my palm. Muntik na namang bumuhos ang emosyon ko, buti nalang at na-control ko, ulit.

Pumunta ako sa maliit na study room sa loob nitong kuwarto ko. Agad na bumungad sakin ang mga nagkalat na canvass na may mga drawings at paintings na hindi pa tapos. Maging yung lalagyan ng paint brush ko ay natumba na sa ibabaw ng mesa ko. Pinulot ko yung mga nahulog na paint brush at inayos sa lalagyan. Kumuha ako ng isa at inilagay muli iyon sa maliit na tukador na pinaglalagyan ko ng mga gamit ko. Nangunot ang noo ko nang mapansing wala na akong paint doon. Hayst. Maghapon akong nakahilata sa kama kahapon kaya di ko na napansing ubos na pala ang paint ko. Bored na bored pa naman ako ngayon. 

I have no choice but to buy some new paint so I quickly took a bath and dressed up. Simpleng white T-shirt and shorts lang ang suot ko since may malapit lang naman na bilihan ng school supplies dito. After I prepared myself, I grabbed my phone and went outside. Sinilip ko pa kung nasaan sina mom pero tingin ko ay nasa garden na silang lahat. I grabbed that chance to go out. Mabuti na yun dahil wala naman akong balak na mag-paalam sa kahit na sino sakanila. I can handle myself so I don't need anyone's permission.

"Ma'am saan po ang punta niyo?" Muntik nang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko nang bigla nalang sumulpot sa tabi ko si Mang Pedring, bagong driver namin.

"First of all, pwede ho bang wag kayong nanggugulat?" I rolled my eyes. "Tsaka ilang beses ko po bang sasabihin sainyo na Kat nalang, wag nang ma'am, okay?" Litanya ko habang palinga-linga sa paligid. Mahirap na baka makita pa ako ng pinsan kong hari. Hari ng kakulitan.

"Pasensya na po ma--Kat, hehe," napakamot pa ito sa ulo. "Pinagsabihan po kasi ako ng mommy niyo na---" 

"Bibili lang ho ako ng paint. Malapit lang ho. Di naman ako magtatagal," ngumiti ako ng alanganin. Pinipilit siyang makumbinsi. 

"Ahm, pwede ho bang wag niyo nalang sabihin? Ako na hong bahalang magsabi pagbalik ko." Napalingon ako sa gawi ng garden namin nang marinig na may paparating.

Sumenyas nalang ako kay Mang Pedring bago kumaripas ng takbo paalis. Buwiset, para tuloy akong rebeldeng anak na tumatakas sa magulang para magwalwal.

Tumakbo lang ako hanggang sa marating ang shop na binibilhan ko ng paint na... Sarado?! Bakit sarado?! Is it holiday?! 

"Great. Now I have to go to a fvcking mall to buy those freaking paints." 

Nanlulumo akong pumara ng taxi. Wala na 'kong paki kung wala mang kaayos-ayos ang itsura ko. Pinusod ko lang naman kasi ang buhok ko nang hindi ito sinusuklay. Pambahay lang din ang suot ko, but who cares? Kung sila may paki--pwes ako wala. 

"Sure ka bang dito sa mall ang punta mo, Ineng?" Instead of defending myself, inignora ko nalang ang sinabing yun ng driver saka ako bumaba.

I rolled my eyes as I walk inside the mall. Agad akong naghanap ng bilihan ng school supplies ang luckily, I quickly found it. 'Di na ako nagsayang pa ng oras. Hinanap ko na ang mga kailangan kong bilhin at binayaran ito sa counter. Matapos nun ay lumabas na ako. Naiilang narin kasi ako sa tingin ng mga taong nakakasalubong ko kaya binilisan ko na ang paglalakad palabas ng lugar na ito pero tila napakamalas ko ngayong araw.

It is raining. Hindi lang basta ulan dahil malakas rin ang ihip ng hangin. And worst, wala na akong payong, hindi pa akma ang damit ko sa panahong ito! Mukhang wala pa namang balak tumigil ang ulan na 'toh. B*llsh¡t! I really hate this damn day. This is the worst day of my life! Gosh!

I have no choice but to run and ignore the rain. Nakayuko ako habang nakatakip ang dalawang kamay sa ulo na para bang hindi ako mababasa sa paraang yun. I'm about to cross the street when someone held my wrist ang pulled me back. Muntik pa akong matumba pero agad niyang nasalo ang bewang ko. 

"Ano ba miss! Tumingin ka naman muna sa kalsada bago ka tumawid! Muntik na kitang masagasaan!" 

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status