Share

Chapter 2 | Familiar?

Katrina's POV

Tila tinakasan ako ng hininga sa sinabing 'yon ng driver ng kotseng muntik nang makasagasa sa'kin, pero ang mas nakapagpatindi sa nararamdaman ko ay ang kakaunting pagitan namin ng lalaking sumagip sa buhay ko. 

"Are you okay?" 

When I realize that he still holding my waist I quickly flinched back. The next thing I knew, I'm running under the rain from that place to my house. I didn't know I can run this far just because of that guy. 

What the hell is that?! The feeling. It felt like my heart wants to get out of my chest. It is beating so loud and fast until now. And, his face. It looks so familiar. I think I already saw him somewhere? Ugh! He made me so frustrated and I fvckin' don't know why!

"Kathrina! I'm asking you!" 

Napahawak ako sa magkabilang tenga ko nang bigla nalang siyang sumigaw sa mismong harapan ko.

"The hell, Ezekiel! Are you insane?" I hissed as I glared at him.

"Are you insane?!" Balik niya sa tanong ko. "Kanina pa ako kuda nang kuda dito-ni isa ba dun ay may pinakinggan ka?!" 

Natutop ako dahil ni hindi ko nga napansin na nandito na siya sa harapan ko. Nakaligo narin ako nang hindi ko namamalayan. Masyado akong nalunod sa kaiisip sa estrangherong iyon at sa kakaibang naramdaman ko kanina lang.

"I'm thinking about something, okay?!"

"About what?! Pero bago yun, pwede bang sabihin mo muna kung bakit ka lumabas at umuwi nang basang-basa?! Nagpaulan ka ba?!"

"Hindi. Naligo lang ako sa kapitbahay natin--"

"Don't answer me sarcastically!" He shouted.

"Duh! Obvious ba? Alangan naman kasing--"

"Okay! Damn, ano pa bang aasahan ko sayo," he mumbled. "Bakit ka nga lumabas?!" 

"Bumili lang ako ng paint!"

"Paint?" Nangunot ang noo niya na para bang hindi kapani-paniwala ang sinabi ko. "Then, where the hell is that?"

Ako naman ang nagtaka sa tinuran niya. Bumangon ako sa kamang kinauupuan ko, nilibot ko na ang kuwarto at study room ko pero wala yung binili kong mga pintura!

"Sigurado ka bang may binili kang paint? Eh wala ka namang dala pagkauwi mo."

Sht. Naiwan ko dun sa kalsada! Ugh! How clumsy and stupid I am! Nandoon yung wallet ko!

Nanlulumo akong bumagsak sa kama. Nagdabog pa ako na parang bata dahil sa sobrang panghihinayang ko sa nga binili ko at lalo na sa wallet ko!

Nandoon din yung nag-iisang alaala sakin ni dad. Yung kwintas na ibinigay niya nung 10th birthday ko. The last gift he gave to me before he left.

"Hoy! Ano bang nangyayari sa'yo?!" I ignored him. Alam kong naguguluhan na siya sa inaakto ko pero wala ako sa mood na makipagkuwentuhan sakanya.

"Kiel? Kath?" 

Narinig kong bumukas ang pinto ng kuwarto ko pero hindi parin ako umalis sa pagkakadapa sa kama ko. 

I buried my face on the pillow when I felt that my emotions might burst out again.

"What happened? Naririnig ko ang sigawan niyo mula sa baba. Is she okay?" Mom asked.

"I think she's not. Kanina ko pa tinatanong yan-puro pamimilosopo lang ang sinasagot!" 

I mentally rolled my eyes. Here comes my sumbongero cousin again.

"Kath? What happened?"

I want to tell her. I want to cry in front of her like I used to do when I was a kid. Bigla ay gusto kong magsumbong sakanya. 

"L-Leave me alone. I want to be alone." Pero ito ang lumabas sa bibig ko, ulit.

"Put*k, ayan na naman siya sa paboritong linya niyang yan!" Kiel shouted.

"Hayaan nalang muna natin siyang makapagpahinga, Kiel." Mom said after a short silence.

"Pero Tita--"

"Tara na. Kailangan mo pang magpaliwanag sa mommy mo patungkol dun sa babaeng nagugustuhan mo." I heard mom chuckled.

Narinig ko pang may nireklamo ang pinsan ko pero hindi ko na yun naintindihan dahil nakalabas na sila.

Just like that, I'm alone again. I don't understand why but I'm hoping I can tell them my problems. My struggles. My feelings. But, I can't. I'm still choosing to be alone rather than talking to them.

Tumayo ako at pumunta sa study room ko. Wala akong magawa kaya nilinis at inayos ko nalang ang mga gamit na nagkalat dito. Wala si Yawi kaya walang naglilinis ng kuwarto ko pati na rito.

"O, naglinis ka?" Napalingon ako sa nagsalita. Agad na lumiwanag ang mukha ko nang makita si Yawie.

I hugged her as I shouted, "Yawi!" 

"Aw, namiss ako ng alaga ko," she chuckled. "Parang isang linggo lang naman ako nag-bakasyon ah." Ngumuso ako nang kumawala na siya sa yakap ko. She just laughed at me. Mas lalo akong sumimangot pero agad ring napawi dahil nandito na ulit siya. 

Yaya Aurelia Samonte, but we're calling her Yawi, short for Yaya Awi. She's been my yaya since I was born. Siya rin ang nag-iisang taong napagsasabihan at nakakaintindi ng mga problema ko.

She roamed her eyes around my study room. Maya-maya pa'y napangiwi ito nang bumaling sa mga libro sa book shelf ko.

I scratched my head as I smiled awkwardly. "I'm not done yet. Kakasimula ko palang maglinis, Yawi."

Natawa siya sa sinabi ko. Nilapitan niya yun at siya na ang nag-ayos.

"A-Ako na po jan. Kararating niyo palang po, magpahinga na muna kayo." Tinangka kong agawin ang mga hawak niya pero inilayo niya ito. 

I stared at her smile. It's not her usual smile. Parang may bahid na kalungkutan ang ngiting 'yon.

"Happy birthday." Binati niya ako nang suot ang ngiting yun. "'Di ka pa ba napapagod?" 

Hindi ko gusto kung saan papunta ang usapang 'to kaya tumalikod na ako. Lumabas ako sa study room at humiga sa malambot na kama. I stared at the ceiling for a moment until Yawi sat beside me.

"Kath," hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na nakakalat sa mukha ko. "Alam kong pagod ka na. Tama nang pagpapanggap. Masyado mo nang sinasaktan ang sarili mo."

I didn't respond. Nanatili akong nakatitig sa puting kisame. Pinipigilang tumulo ang mainit na likidong bumabalot sa mga mata ko.

"Miss ko na yung dating alaga ko. Yung dating Kathrina na laging masigla at masaya. Yung batang napakakulit. Yung batang iyakin pero palaban parin. Yung batang--"

"Please stop," bumuhos na ang mga luhang pinipigilan ko. "I'm not that kid anymore. I know I've changed. I'm aware of that."

Naglakas-loob na akong tumingin kay Yawi na ngayon ay kumikislap narin ang mga mata dahil sa luhang nagbabadya naring bumuhos.

"But," I cleared my throat before I continue. "I have to do this. I have to change. I want to..."

"Pero hindi ka naman masaya." A bitter smile formed on her lips. "Pakiusap, 'wag mong hayaang balutin ng emosyon mong yan ang buong pagkatao mo. 'Wag mong gawing bato ang puso mo dahil lang nasaktan ka at nasasaktan parin. Palayain mo na ang masasakit na alaala jan sa puso mo, Kath."

I suddenly hugged her. I cried on her shoulder. Tila ngayon ko lang nailabas ang mga luhang 'to kahit na araw-araw naman akong umiiyak.

"Kausapin mo na siya. Nasasaktan din siya katulad mo."

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status