Share

Chapter 4 | Bizzare Feeling

Katrina's POV

"As usual, ang dami na naman nila," he chuckled. 

I am busy staring at his face when he turned to me. Nataranta agad ako nang mangunot ang noo niya kaya tumayo na ako para sana tumakbo palabas nang bigla nalang akong matalisod. Inabangan kong tumama ang katawan ko sa sahig pero hindi iyon nangyari.

Before I even notice, I bumped into his hard chest when he pulled me back. Huli ko na narealize na nakayakap na ako sakanya!

"S-Sht. I-I'm sorry, I have t-to go." Hindi na ako nag-aksaya ng oras para intindihin pa ang pagtawag ni Dean sakin. Tumakbo ako nang tumakbo sa kung saan-saan kahit na hindi ko naman alam ang pasikot-sikot dito.

Hingal na hingal ako nang tumigil sa gitna ng hallway. I hold my knees to get some support while panting.

Bakit ba lagi nalang nangyayari ang ganun kapag nagkakaharap kami?! Saka, nakilala niya kaya ako? Sht! What if he recognized me? Gosh! Nakakahiya yung ginawa ko sakanya!

Nang makabawi ng lakas ay napagdesisyunan kong tumuloy na sa paghahanap ng room ko—Damn! My schedule! Hindi ko nakuha kay Dean yung sched ko dahil sa biglaang pagdating nung lalaki!

"B*llsht!" I screamed in my mind as I pulled my hair out of frustration.

Kahapon malas na—pati ba naman ngayon?! Gosh. My life really sucks.

"Kat?" Umangat ang tingin ko sa nagsalita.

Umayos ako ng tayo habang naniningkit ang mga mata sa pinsan kong ulupong.

"Are you ditching classes?!" 

My brows automatically furrowed. "Hell no!" 

"Eh bakit nandito ka parin sa labas?" He crossed his arms over his chest.

"It's none of your business." I rolled my eyes. "Eh ikaw?! Ba't ka nandito? Pinapabantayan na naman ba ako ni mom?!"

He laughed, histerically. "Huwag kang mag-assume, nandito ako para mag-aral hindi para magbantay ng 'grumpy baby'!" He mocked.

I'm about to punch his annoying face when my eyes accidentally saw the guy earlier. He's walking towards our direction, hands on his pockets. Nanlaki ang mata ko nang umangat ang tingin nito samin.

"I-I gotta go." I mumbled before I ran away again. Sht! Hanggang kailan ba ako tatakbo?! At saka...why the hell am I running?!

Ugh! I can't understand myself when he's around. I can't explain this bizzare feeling in my chest. He is really something.

I shook my head, trying to forget this unknown feeling. Bumalik ako kay Dean para kunin ang naiwan kong schedule sakanya. Natawa pa siya nung sabihin kong naiihi na ako kaya bigla nalang akong tumakbo kanina. Damn it. Ang daming mairarason, yun pa talaga?! Tsk.

"Good morning, Miss. Sorry if I'm late." Nakayukong bati ko sa lecturer na nagtuturo na sa harapan. Buti nalang at hindi na ako nahirapan sa paghahanap nitong first class ko.

"You are the exchange student from Tremson High, right?"

"Yes miss," nakayuko paring sagot ko.

"Okay. Come here infront and introduce yourself," kalmadong aniya. 

Bahagya paring nakatungo, sinunod ko ang sinabi niya.

"Hello, I'm Katrina Jean Sky Lizzaro. It's nice to meet you all." Hindi gaya ng tipikal na nagpapakilala, sinabi ko 'yon nang hindi man lang tumitingin sa kahit na sino sa mga kaklase ko. Nakapirmi lang ang mga mata ko sa sapatos ko na nababalutan na ng alikabok. Hindi ko na maalala kung kelan ko pa ito nalinisan. Palibhasa'y matagal na nawala si Yawi.

"You may take your seat now beside Miss Devilla." Doon lang ako nag-angat ng tingin sa mga kaklase ko. Agad na may nagtaas-kamay senyales na siya iyong tinutukoy ni miss.

"Hi! I'm Althea Devilla, Thea for short!" Bungad sakin nung babaeng nagtaas ng kamay. She offered her hand so I took it.

I shyly smiled. "I'm Katrina Jean Lizzaro, but Kat is enough."

Matapos naming magpakilala sa isa't isa, pinaupo niya narin ako sa wakas. Pero mukhang wala siyang balak na tumigil sa kadadaldal kaya wala rin akong nagawa kundi magkunwaring nakikinig kahit na na'kay miss ang buong atensyon ko. Tuloy ay nakasimangot na siya nang malingunan ko.

"What?" I chuckled. "Naglelesson na kasi si miss, baka mapagalitan tayo." Napakamot pa ako sa ulo. Mukhang hindi na ako tatantanan ng babaeng 'to.

"Tara sa cafeteria!" 

Hindi na ako nakapalag nang hilahin niya na ako kaya hindi narin ako nagreklamo. Plano ko sanang maglibot-libot ngayong breaktime namin kaso mukhang gutom na gutom na 'tong kasama ko kaya mamaya nalang siguro. Kapag nakatakas na ako sa kamay nitong babaeng laging umaapaw ang enerhiya.

"Bakit ka ba nagmamadali?" I tried to escape on her grip but I failed. Hindi niya na binibitawan ang kamay ko.

Hindi ako sanay na may gunagawa ng ganito sakin dahil never pa akong nagkaroon ng kaibigan. Lagi akong iwas sa mga tao kaya wala ring nagtatangkang makipagkaibigan sakin except dito sa kasama ko ngayon na daig pa ang nangangampanya. Lahat ng taong madaanan niya binabati niya. Hindi na ako magtataka kung kasali siya sa Student Counsil ng school na 'to.

"Bilisan mo nalang girl, mamaya na ang chika!" She giggled. 

When we finally reached the cafeteria, naghanap siya agad ng mauupuan sa gitna. As in sa mismong center aisle na dinadaanan ng mga taong pumapasok at dumederetso agad sa counter.

"Bakit dito? I mean pwede namang dun sa unahan," I scratched the tip of my nose. "Hindi kasi ako sanay--"

"OMG! Nandyan na sila!" Natigilan ako nang bigla nalang may pumasok at isinigaw ang mga katagang 'yon. Hingal na hingal na ito pero halos mapunit na ang mukha niya sa sobrang laki ng ngiti niya.

"Girl! Hala! Do I look okay?" Parang kiti-kiti ang likot nitong kaharap ko. Medyo naiirita na ako pero nagawa ko paring ngumiti, kahit medyo pilit.

"Of course, you look gorgeous." I said sincerely that made her giggle.

"Well, I know that since born, but I want to make sure." Napangiwi ako sa kayabangan niya.

Hindi pa talaga siya nakuntento at naglagay pa ng lip tint at foundation. Medyo kumapal na ang make up niya but it didn't ruin her beauty. Mas lalo lang nitong pinalabas ang ganda niya.

Bigla tuloy akong nanliit. Tamad akong mag-ayos kaya alam kong mas hagard pa ako sa pinaka-hagard.

"Tell me if nandyan na sila, okay? I'll just buy some drinks so I can offer them something!" 

Bago pa man ako makapagtanong kung sino ang tinutukoy niya, umalis na siya. Ngayon ko lang narealize na halos lahat ng kababaihan at kabaklaan dito sa cafeteria ay nagkakagulo na. I frowned when I saw some of them holding blue banners and balloons. Iwinawagayway nila ang mga 'yon na para bang may paparating na artista.

Pasilip-silip ako sa entrance para mag-abang sa kung sinumang papasok. Siguro ganun nalang kaimportanteng tao ang inaabangan ng mga 'to.

Sino ba kasi ang tinutukoy ni Thea?! Pano ko siya masasabihan kung hindi ko naman alam kung sinong pinapabantayan niya? Gosh! Naiistress na ako dito.

Napatakip na ako sa tenga nang mas lumakas pa ang ingay sa silid na ito. 

"I love you Grae Fortalejo!!!!" Biglang sigaw ni Thea na nandito na pala sa harapan ko. Nakatalikod siya sakin at nakaharap sa entrance.

My eyes gets wider when I saw the guy who saved my life slowly walking towards our direction. Wearing his poker face, hands inside the pockets of his grey slacks, he suddenly look at me which made me feel again something I cannot explain.

Hindi na ako nakagalaw nang tumigil siya sa tabi ko at dahan-dahang humarap sa akin.

"I think this is yours." 

May inilagay siya sa mesa namin pero hindi ako natinag sa pagtitig sa mga mata niya na tila nanghihigop at nakakalula. His eyes are deep as an ocean. Pakiramdam ko ay nalunod na ako at sa tingin ko ay mahihirapan na akong makakaahon.

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status