LOGINBinilisan ni Raveia ang paglalakad, hoping she could keep a certain distance from Alex, but she couldn’t. Ang bilis nitong maglakad at nagmumukha siyang pandak na may maliliit na legs na sobrang liit ng mga hakbang.
Hindi nagtagal ay may tumigil na sasakyan sa harap niya. Hindi naman siya nasagi pero mabilis pa rin siyang hinapit sa beywang ni Alex at tinago sa likod nito.
Hindi agad siya naka-react para singhalan ito. His arms still wrapped around her waist!
“Ravi, gabi na. Hindi ka ba pagagalitan nina tito at nakuha mo pang makipaglandian sa gitna ng daan?”
Napasinghap siya. Nanlaki rin ang mga mata niya nang mabosesan ang lalaki.
It was Ranier!
Akma niyang sasagutin ito para pabulaanan ang sinabi nito na lumalandi siya pero agad din nitong binaling sa iba ang atensyon.
“At ikaw lalaki—Alex, I mean. Take your hands off her.”
She could sense a protectiveness and warning tone in his voice.
Mabilis niyang kinalas ang mga braso ni Alex sa beywang niya. Kinuha niya rin ang mga gamit niya rito at walang sabi-sabi na nilagay iyon sa backseat ng kotse ni Ranier. Umikot din siya papunta sa tabi ng driver's seat at umupo ro'n. Hindi niya na rin inabala pa ang sarili na tingnan ang reaksyon ni Alex. She was just happy na si Ranier pa rin ang huling lalaki na makikita niya sa pagtatapos ng araw na ito.
"What do you think you're doing, Ravi?" litong tanong ni Ranier.
"Aren't you here to pick me up?" balik na tanong niya rito in her most innocent face and voice.
"Heck no! Hindi ka ba nagpasundo sa daddy mo?"
"Hindi.” Mabilis siyang umiwas ng tingin at tumingin sa labas ng bintana. Magso-sorry na lang siya sa daddy niya mamaya kapag may pinapunta na itong susundo sa kanya tapos wala na siya sa school.
“For sure kasi na magde-date na naman sila ni mommy kaya... Ayaw ko na lang istorbohin." Pagdadahilan niya pa.
“Are you for real?”
“Ihatid mo na lang ako sa amin. Gusto mo ‘kong iwan sa lalaking iyan? Bakit? May date ka ba?” Nakaramdam siya ng pagbara sa lalamunan dahil sa sariling tanong. Ayaw niyang malaman na may kakatagpuin ang lalaki.
“Magsama kayo. Nagpayakap ka na nga do’n sa tao.”
“I did not!” defensive niyang sigaw.
Tinitigan siya nito. Bahagya siyang nailang dahil hindi niya mabasa kung anong iniisip nito. Blangko rin ang mukha nito. Mayamaya ay ngumisi ito.
“W-What?”
Hindi ito sumagot, bagkus ay tumingin ito kay Alex.
“Alex, crush ka raw ni Raveia.”
“What? No!” sigaw niya.
“Sus, kunwari pa.” Tukso pa ni Ranier.
Nang tumingin siya kay Alex, nakayuko ito pero kita niya pa rin ang ngiti sa labi nito.
Nanlaki ang mata niya at dali-daling nakisilip sa bintana. She even scooted over the driver’s seat and stuck her head out of the window, unaware that her weighty breasts were resting between Ranier’s arms.
“Huwag kang maniwala sa lalaking ito. Hindi kita crush!” defensive na sigaw niya kay Alex.
Alex just stood there, perplexed. Nagpalipat-lipat din ang tingin nito sa kanila ni Ranier, tila ba hindi nito alam kung ano na ang ire-react sa nakikita at naririnig. Mayamaya ay nag-wave ito.
“I-Ingat sa pag-uwi, Ravi,” nahihiyang sabi nito.
“That’s Raveia for you!”
“Ok! Tama nang landian iyan. Magba-bye ka na.” Awat ni Ranier.
Ilang saglit pa ay humarang sa pagmumukha niya ang palad ni Ranier at tinulak siya pabalik sa upuan niya. At kahit wala na sa mukha niya ang kamay nito ay nag-stay pa rin sa ilong niya ang amoy nito. It was manly and seductive she could feel her female itching for some touch.
And just like that, nag-sink in sa kanya ang sitwasyon niya. Napalunok siya nang ilang beses. Ito ang unang beses na mapag-isa siya kasama si Ranier!
Pwede niya kayang gawin ang mga nababasa niyang galawan ng babae? That kind of seduction while the man was driving, where the woman touched his private parts? Kayanin kaya ng powers niya?
Pero…
Hindi pa siya nakakakita no’n, paano niya naman gagawin iyon?! Baka mamali pa siya ng mapisil at lalo lang ma-turn off sa kanya si Ranier. Baka lalo lang din nitong ipaggiitan sa kanya na masyado siyang bata para rito dahil wala siyang kaalam-alam sa mga gano’ng bagay.
Kailangan niyang mag-aral ng seduction techniques!
Bumalik sa katawan niya ang isip niya ng magsalita si Ranier.
“Ingat ka raw sa pag-uwi sabi ni Ravi. Thank me later!” Matapos sabihin ni Ranier iyon ay pinaharurot na nito palayo ang sasakyan. Nagulat pa siya sa bilis ng pagpatakbo nito.
She immediately fastened her seatbelt.
Sa bilis nitong magpatakbo, para na silang lumilipad sa kalsada. At ilang minuto lang ay nasa tapat na sila ng pamamahay nila.
Bigla siyang nanlumo.
Para tuloy pinamukha sa kanya ni Ranier na hindi nito kayang maatim na nasa iisang close space ito kasama niya.
At dahil hindi siya papayag na gano’n lang kabilis mawawala ang rare opportunity na ito na mapag-isa sila ni Ranier, ay hindi agad siya bumaba.
She sulked on her seat. Kahit hindi na sila mag-usap, basta kasama at katabi niya ito, wala na siyang pakialam.
Pareho lang silang tahimik. Hindi rin naman siya pinagtutulakan palayo ni Ranier na bahagyang nagbigay ng kiliti at tuwa sa puso niya.
Matapos nang mahabang sandali ay binasag ni Ranier ang katahimikan.
“Don’t do that again, Ravi,” he said in a warning tone.
“Ang alin?” inosenteng tanong niya.
Tinitigan lang siya nito na para bang sinasabi nito na alam niya ang sagot.
Ilang saglit pa ay na-realize niya kung ano ang tinutukoy nito.
Kumapit siya sa braso nito na parang nagpapaawa. She even made sure that she had his arm between her breasts.
“Ranier, huwag mo ‘kong isumbong kay daddy’t mommy. Hindi naman ako lumalandi. Talagang na-enjoy ko lang iyong pagsayaw ko kaya ginabi ako. Alex happened to be there. I swear, I didn’t do anything with him!”
Nahilot nito ang sentido at umiwas ng tingin. Malalim na rin ang paghinga nito na tila ba nagpipigil ng inis o galit.
“I just told you not to do—Fine! Bumaba ka na.”
“Pinky swear muna.” She pouted. She stuck out her pinky only to be pushed away.
“Baba.”
Inis na bumaba siya. Kahit kailan talaga, hindi nito tinatanggap ang pinky swear niya. Simpleng promise lang naman iyon, ah!
Sa verandah ay sinalubong siya ng mommy niya. Nagtataka pa ito na makita siya na kasama ni Ranier.
“Where’s your dad? ‘Di ba nagpasundo ka—“
Napasinghap siya. Mabubuking siya ni Ranier! She just lied about it.
“Mom, I’m home!” sigaw niya, umaasa na hindi narinig ni Ranier ang sinabi ng mommy niya.
“Tita, hinatid ko lang ang anak niyo. Aalis din po ako agad,” magalang na sabi ni Ranier sa mommy niya at nagmano pa ito.
“Oh! Baka gusto mong mag-dinner muna? Nakahanda na rin naman ang mesa. Magdala ka na rin ng food para sa daddy mo. Teka, ihanda ko lang.” Nauna nang pumasok sa dining area ang mommy niya, at naiwan sila ni Ranier sa verandah.
She was about to tiptoe and walked away, but Ranier grabbed her by the back collar of her clothes.
“You lied,” he whispered close to her ear.
Hindi ito gano’n kalapit pero ramdam niya pa rin ang init ng hininga nito sa leeg at tainga niya.
Para nang nagwawala sa loob ng dibdib niya ang puso niya. Umiinit na rin ang pakiramdam niya.
Crap!
Sa mga novels niya lang nababasa ang mga ganitong description pero hindi niya alam na possible pala talagang maramdaman ito. Kinakapos na rin siya ng paghinga, lalo na ngayon na pinihit siya paharap ni Ranier. Hinuhuli rin nito ang mata niya. Iwas na iwas naman siya dahil baka mabasa nito kung gaano karumi ngayon ang isip niya.
At kahit hindi niya nakikita ang mukha nito, ramdam niyang nakatitig ito sa kanya na tila ba naghihintay ng paliwanag.
But no! She won’t give in.
Naputol lang ang pagtitig nito sa kanya nang dumating ang daddy niya.
“Ranier? Nakita mo ba sa school si Rav—” Hindi nito natapos ang sasabihin nang tumingin ito sa kanya. Lalo siyang nanliit sa hitsura niya. Para siyang pusa na nakalambitin sa kamay ni Ranier. “Ravi! What’s going on? I thought you…”
Mabilis na bumitaw si Ranier sa kanya at humalukipkip. “Nakita ko po sa daan si Ravi kaya sinakay ko na.”
“I see. Kung hindi pa nag-text ang mommy mo, baka hinalughog ko na ang buong school kakahanap sa iyo.”
Her dad sighed in relief, pero agad din iyon napawi nang magsalita ulit si Ranier.
“Nakita ko po siya na may ka-date sa dilim.”
What?!
Gusto niyang pabulaanan ang sinabi nito dahil wala siyang ka-date. At isa pa, nag-promise ito na hindi sasabihin iyon dahil hindi naman talaga iyon totoo!
Pero bago pa niya madepensahan ang sarili ay muli na naman itong nagsalita na para bang inaasar siya that she had no way out of this.
“At bilang ‘kuya’, hindi ko naman pwedeng hayaan ang kinakapatid ko na maligaw ng landas sa dilim, ‘di ba po?” he said, emphasizing the words kuya and kinakapatid. It was as if he knew what she was doing all along, and he was putting her back to the place in his life where she belong.
MATAMANG pinagmamasdan ni Raveia ang photo album niya simula pagkabata. Iyon ay ang album na sila lang ni Ranier ang nasa frame—mga larawan kung saan nanalo siya ng mga parangal sa ballet contest. Mabigat ang puso niya ngayon. She felt like she was slowly saying goodbye to these feelings she had all her life, as if it was all a lie—a dream she needed to wake up to.Kanina nang dumating si Ranier, para siyang maamong tupa sa harap ng lion. Madilim ang mukha nito at kita sa mga mata nito ang galit. Kahit alam niya na ang dahilan ng ikinagagalit nito, hindi niya pa rin maiwasang masaktan.Pinaubaya niya lang agad si Alex dito at walang lingon-likod na iniwan ang dalawa.Naramdaman na lamang niya na sunod-sunod na ang pagpatak ng luha niya.“Congrats, Ravi! Your first heartbreak.” Natawa siya nang pagak. All of the realizations, jealousy, and pent up frustration burst out na para bang ngayon lang nag-sink in sa kanya ang lahat.Naninikip ang dibdib niya. Parang tinutusok ang puso niya a
"RAVI, PAHIRAM muna ng phone mo."Nasa salas sila ng kanilang bahay at abala sa pag-scroll sa kanyang social media account si Raveia nang magsalita sa likod niya ang Uncle Brix niya.Napanguso siya."Why? This is my private property.""I'll just make a little modification on your phone," sabi ni Brix at umupo sa harap niya. "After what happened to your brother, I can't just sit still and hope that it won't happen again."She sighed.Tama ang uncle niya. Kahit alam niya sa sarili niya na wala naman siyang kaaway at tinatapakang tao, it is better to be cautious than sorry."But Uncle..." she said, hesitating to give the phone."Don't worry, wala akong bubuksan na kahit anong app sa phone mo.""Pinky swear?""Of course. I know how scary you women are when it comes to private matters." Napangiwi pa ito na tila may naalala. Binigay niya na rito ang phone. Mukha namang gusto ng uncle niya na panatag siya dahil sa harap niya pa nito kinalikot ang phone."Uncle, hindi ka ba magtatanong kung
TAHIMIK ANG paligid. Tanging maririnig lang ay ang pag-ihip ng hangin.Nakahinga nang maluwag si Raveia. Pakiwari niya ay nakaligtas siya sa masamang balak ng mga lalaki ngunit nanatili lang sarado ang mata niya. Natatakot siya na kapag minulat niya ang mata ay nasa kalagitnaan pala siya ng pananamantala sa kanya ng mga hayóp na lalaki. Mas mabuti pa dito sa dilim."Ravi?"Tama, dito na lang ako. Here, I can hear Alex' soft voice. We're safe here.Napangiti siya nang mapait. Nagi-guilty siya. Hindi niya alam kung paano pa haharapin si Alex ngayon, lalong lalo na si Ranier. Tiyak niya na galit ito sa kanya lalo’t nilagay niya sa kapahamakan ang boyfriend nito na tahimik lang sanang naghihintay sa meet-up place ng mga ito.Mas gugustuhin niya pang ma-comatose ngayon kaysa ang harapin ang galit ng dalawa."Ravi, kung gising ka na, bumangon ka na riyan. Hindi 'yong naka-smile ka lang. Baliw ka rin kahit tulog."Biglang kumibot ang muscles niya sa mata, at tila may bahagyang pagpitik pa s
MABILIS lang nahamig ni Jet ang sarili at walang pakundangan na sinugod ng suntok si Alex. Si Raveia ang napangiwi sa sakit dahil sa nakita. May dugo pa na lumabas sa bibig ng binata.“Alex!” sigaw niya.Hindi niya alam kung makakatulong iyon pero bigla na lang umayos ng tindig si Alex. He positioned himself in front of Jet. He was ready to give him an uppercut, but Jet was faster. Jet kicked his not fully healed leg.“That’s cheating, you jerk!” asik niya kay Jet.Natikom niya ang bibig nang tapunan siya ng matalim na tingin ni Jet.“You’re next, Raveia. Maghintay ka diyan.” He then gestured to his underlings. And in just a split second, hawak ulit siya ng mga ito.“Baliw ka talaga, Raveia Cruz!” sigaw sa kanya ni Alex na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakatayo sa sakit sa paa. “Bitawan niyo ‘ko, sampalin ko lang ‘yang lalaking iyan!” sigaw niya sa mga lalaki. Sinubukan niya ring magpumiglas ngunit hindi siya pinakawalan ng mga ito.Jet scoffed. “I’m not here to witness you loveb
RAVEIA paced back and forth, trying to figure out whether everything was just a simple misunderstanding or it was just her imagination. First, Alex — he had no reason to be at the university during that time because he had everything he could use to study in his house. He had all the books related to their course piled up on his sofa.Then there is Ranier. He should be in his company working.“Does it mean na noon pa—”Noon pa may nangyayari sa dalawa? Kaya ba walang girlfriend si Ranier ay dahil boyfriend ang mayroon ito? Hindi lang nito pinapaalam sa lahat dahil umaasa ang Imperial family rito bilang nag-iisang tagapagmana ay magbibigay ito ng marami pang tagapagmana na magtutuloy ng henerasyon para sa Imperial?“Well, too bad…” The Imperial family ends with Ranier.Bigla ay nanghina siya sa mga realisasyon na ito. Akala niya ay kilalang kilala niya na si Ranier, ngunit hindi pa pala. Napaluhod na lamang siya sa sahig, puno ng awa sa sarili.How could she let someone like him take
“SO…” pabitin na hayag ni Kira, isa sa mga classmate ni Raveia. Nangalumbaba pa ito sa harap niya.Ilang saglit pa ay napalibutan na siya ng iba pang kaklase. “Ano nang status niyo ni Alex? Is it official na ba?”“We saw those flowers left on your table. Was it from him? Hindi namin nakita kung sino ang nag-iiwan eh.”Of course, hindi talaga! Hindi magpapahuli ang isang professor na nililigawan ang estudyante niya. Sagot niya sa isip niya.Katatapos lang ng second subject nila at bakante sila hanggang lunch time. Nilibot niya ang tingin at walang bakas ni Alex sa paligid.Muli niyang binaling ang atensyon sa mga ito. She doesn’t remember being this close with her female classmates, but it’s good to have them around too.Napangiti siya. Ngunit iba yata ang naging epekto ng ngiti niya sa mga ito. Tila mga sinilaban ng apoy ang bunganga ng mga ito at napuno ng tili ang buong classroom.Bigla ay nairita siya.Ok, it’s not that good to have them around!Wala pa nga siyang sinasabi. Anong







