LOGINPanay lang ang pindot ni Raveia sa camera niya, at hindi tinitingnan kung maganda ang kuha niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakaka-move on sa ginawa ni Ranier three days ago.
Hindi naman siya pinagalitan ng parents niya. In fact, her mom was kind of supportive if ever she happened to have a real boyfriend, while his dad wanted to meet the guy before she could say yes and make it official.
Pero…
Hindi iyon ang inaalala niya!
Naiinis siya dahil ang low key na nga ng mga galawan niya, napansin pa rin iyon ni Ranier. And he just shut her up by saying he’s her big brother and she was nothing but a naïve little sister to him!
Hindi ba pwedeng tingnan siya nito bilang babae? She’s old enough to be his girlfriend! Dapat nga, matuwa ito dahil may isang Raveia Cruz na hindi siya sinusukuan.
Tapos sa nakalipas na araw, hindi na siya masyadong pinapansin ni Ranier. She had no choice but to grab his attention sa paraan na napaka-childish. It’s either mapansin siya nito dahil magaling siya sa ginagawa o dahil sa mga katangahan.
Nabawasan na rin ang pagtawag-tawag nito sa kanya during recitation. At alam niya na unti-unti nang nagbi-build up ang wall sa pagitan nila. Kung mayroon mang hindi nagbago kay Ranier, iyon ay…
Ang itukso siya kay Alex!
“Hoy, ayusin mo naman iyang pag-picture mo. Ipapasa natin iyan kay Sir Ranier. Todo pose at pagwapo pa ako rito, hindi ka naman diyan nagseseryoso.”
Nanlilisik ang mata niya na tumingin kay Alex.
Isa din itong lalaking ito, eh! Mukhang gustong-gusto talaga ni Ranier na ipagtulakan siya palayo at panay na ang ship nito sa kanya at kay Alex. Palagi rin itong number one kung manukso sa kanila sa gitna ng klase na para bang walang mali sa ginagawa nito. He even arranged their seats. Pinagtabi sila nito para raw matulungan siya sa recitation kapag hindi siya nakasagot agad. At hindi pa nga nakuntento ang lalaki, ito at may ‘activity for two’ pang nalalaman—ang isa ay cameraman, at ang isa ay model.
Ayaw niya sanang maki-partner kay Alex, pero no choice na siya dahil maging ang buong klase ay nadala na sa shipping hobby ni Ranier.
At dahil kay Ranier lang naman siya nagpapaganda at magpapaganda, minabuti niyang maging cameraman. Ngayon nga ay reklamo ang naririnig niya sa partner niya.
“Pwede ba? Kung ayaw mo ng kuha ko, eh ‘di magsarili ka. Set up the camera timer, then pose!” she said, rolling her eyes at him. “Bakit ba kasi kailangang ikaw pa ang maging partner ko?”
“Maybe because no one knows how to handle you?”
“Bakit? Kaya mo?” pagtataray niya rito.
“Hindi. Pinagtiya-tiyagaan lang kita.”
Hindi naman siya spoiled brat, at lalong hindi gano’n kasama ang ugali niya. Talagang simula nang mag-start ang klase sa photography, palagi na lang mainit ang ulo niya. Maling-mali talaga ang desisyon niya na mag-enrol sa klase ni Ranier para lang makasama at makita ito araw-araw.
Kung mayroon lang ibang paraan para makasama niya ang lalaki, ginawa niya na. Hindi siya magtiya-tiyaga na matuto ng bagay na hindi niya gusto, tapos magiging past time lang ni Ranier ang presence niya? The nerve!
“Look… I just wanted to graduate with flying colors. So please, do me a favor and be serious with these activities,” sabi ni Alex sa mahinahon na boses. “Huwag ka na magalit diyan. Humahaba ang nguso mo. Sige ka, wala nang magkakagusto sa iyo niyan.”
“I don’t need your concern, at lalong I don’t need someone to want me.” Except Ranier, dagdag ng isip niya.
Binigay niya na rin dito ang camera. Bahala na ito sa buhay nito, mag-picture ito maghapon!
She turned around and was about to leave when Alex grabbed her hand. Hinila siya nito paharap dito, and just a split of second, she heard a click sound.
Napasinghap siya sa ginawa nito. Pero ang lalong ikinabigla niya ay ang reaksyon nito.
He was smiling and showing off his dimples as he looked at the shot. He looked innocently and harmlessly handsome.
Saka niya lang din napansin na wala itong suot na malaking salamin. Hindi na rin ito nakasuot ng malaki at maluwag na polo at pants. Fit na fit ito sa suot. Kung hindi niya lang kilala ang lalaki, malamang na iisipin niyang professional model ang nasa harap niya.
And those eyes…
She could finally see them clearly. They were like a ray of light that could see and read your mind.
“Maganda ka pa rin pala kahit umuusok ang ilong mo sa galit. Bakit hindi na lang ikaw ang nag-model? Kailangan ko pa tuloy manghiram ng damit.”
Napalunok siya nang ilang beses ng mabawi niya ang mata rito.
So he just borrowed his clothes for this activity. Akala niya, nag-transform ito dahil sa kanya.
No! Why would you think that, Ravi?! Inis na saway niya sa sarili.
“I—I-delete mo iyan! Huwag mong titigan!” utal na sabi niya.
Nakipag-agawan siya sa camera. Hawak pa rin nito ang kamay niya, pero kahit na gano'n ay hindi niya pa rin mahuli ang isang kamay nito na may hawak na camera. Halos magkasingtangkad lang naman sila pero mahaba ang braso nito.
"Alex, i-delete mo nga kasi!"
"Ayaw ko. Maganda ka nga, bakit ko ide-delete?"
Para siyang nawalan ng sasabihin dahil sa paraan ng pagpuri nito sa kanya. It was so natural, as if Alex was so good at praising women.
No, he was simply genuine with his words.
Hindi siya kinikilig, pero parte ng puso niya ay natutuwa na may taong nakaka-appreciate ng ganda niya. Pero bahagi rin ng puso niya ang piping humihiling na sana si Ranier ang taong iyon.
Palagi naman siyang nakakarinig ng papuri, mostly ay ang pagiging talented niya sa iba't ibang larangan ng arts—from dancing, drawing, singing and acting. But when it comes to physical appearance, palagi siyang hinahalintulad sa mga magulang niya na maganda ang lahi.
Kung sana nakikita iyon ni Ranier…
"Ba’t malungkot ka yata? Wala pa bang nakapagsabi sa iyo na maganda ka?"
"Mayroon! Hello? Palagi akong sinasabihan na maganda ako. At hindi ko kailangan na madagdagan pa ang mga nagsasabi no'n, not you! Papansin ka lang talaga! I-delete mo na nga kasi!" pamimilit niya rito.
Muli niyang sinubukang kunin ang camera rito pero nagawi lang ang mata niya sa direksyon ni Ranier. Napalilibutan ito ng mga kaklase niyang babae habang nakabuntot lang ang mga lalaki sa grupo. Sa nakikita niya ay binibida ng mga ito ang kuhang larawan. And Ranier seemed happy that he was surrounded by young girls.
Wala sa sariling naibunton niya ang inis kay Alex.
“Sa iyo na! Kainin mo nang buo!” Tinulak niya pa ito.
Pasalampak siyang naupo sa damuhan. Niyakap niya rin ang sarili na para bang aping-api siya.
Naiinis siya. Bakit sa iba, palaging nakangiti at tuwang-tuwa si Ranier, pero sa kanya, kung hindi siya nito ishi-ship sa iba ay hindi ito ngingiti?
May mali ba sa kanya?
Ano pa bang kailangan niyang gawin para sa kanya lang ang atensyon ni Ranier? Na mapasakanya na nang tuluyan ang lalaki?
Hindi ba pwedeng siya lang ang nakikita at nagpapangiti rito?
“Oy, sorry na. Ito na, idi-delete na,” Alex said, feeling sorry. Tumabi rin ito sa kanya at pinakita pa sa kanya ang pag-delete nito ng photo niya.
Hindi siya umimik at nagbunot na lang ng damo sa palibot niya.
Hindi niya alam na mahirap pala ma-in love. When she listened to her mom as she told her the story of her and her dad, pakiwari niya ay parang fairytale lang ang lahat. No problem, just rainbow and butterflies.
Pero bakit sa kanya? Bakit kailangang para siyang tanga kung maghabol?
Nagmamahal lang naman siya ah? Anong pinagkaiba no’n sa happy ending ng mga magulang niya?
They ended up together, dapat siya rin at si Ranier!
“May kulang ba sa akin?”
“Kulang sa iyo? Pasensya. Palagi kang sumisigaw.”
Napapikit siya nang mariin at humugot ng malalim na hininga. Pasensya ba kamo? Wala talaga siya no’n!
“Pwede ba?! Hindi ikaw ang kausap ko!” sigaw niya kay Alex.
Pumihit din siya paharap dito para sundan iyon ng sampal, pero bigla siyang napaatras. Sobrang lapit nito sa kanya. He was examining her as if she was some kind of crazy woman na walang ibang ginawa kung ‘di ang sumigaw.
Or so she thought.
Kasi…
Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa mata at labi niya.
Kinakapos na siya ng hangin, dahilan para bumilis ang tibok ng puso niya. Gusto niya itong itulak pero parang dumikit na sa damuhan ang mga kamay niya at hindi niya na iyon mahila o maiangat man lang.
“See? Siguro kung mapagpasensya ka lang, baka pinatulan na kita. You’re just physically attractive, Raveia, nothing more.”
Natawa siya ng pagak, pilit na nagpapaka-normal. “Thanks for that honest opinion, jȇrk.”
Lalo itong lumapit sa kanya, kaya umatras siya. Saglit itong tumingin sa likod niya pero agad ding binalik ang tingin sa kanya. Sa pagkakataong ito ay titig na titig lang ito sa mata niya.
“W-What do you think you’re doing?” halos pilit niya na lang na ilabas iyon sa bibig niya.
“On second thought, why not give us a chance? Tutal, marami naman ang boto sa atin. Even Sir Ranier said, we’re a good match.”
“N-No! Asa ka. I will never like you. Itaga mo iyan sa bato!”
Mabilis siyang tumayo. Bahagya pang nagkiskis ang ilong nila ni Alex, pero hindi niya na pinansin iyon. Gusto niya na lang makaalis sa harap ng lalaki.
Umikot siya para makaalis na, pero nabangga lang siya ng matigas na bagay. Akala niya ay puno iyon, pero pagtingin niya ay nakatayo sa harap niya si Ranier.
Madilim ang mukha nito. Hindi rin ito ngumingiti. Diretso lang ang tingin nito sa kanya, pero hindi naman nagsasalita.
Hindi niya mabasa ang nasa isip nito.
“S-Sir!” wala sa sariling sigaw niya.
Lalong dumilim ang mukha nito.
“Sir? Am I hearing things, Ravi?”
Naningkit ang mata nito. Hindi niya alam kung nagagalit ito. Pero bakit naman ito magagalit?
“Bumait ka yata?” mapanuyang tanong nito. Tumawa pa ito nang pagak, tila ba sinasabi nito na hindi nito nagustuhan ang pagtawag niya rito ng sir. Ayaw niya namang magdelusyon sa harap nito, not now na naiinis siya sa mga babaeng nakabuntot pa rin dito hanggang ngayon.
Ilang saglit pa ay bumaling ito kay Alex. “Epekto ba iyan ng pagbo-boyfriend?”
Alex stood up. Nakipagtagisan na rin ito ng tingin kay Ranier na animo’y ka-level nito ang kaharap.
“No kissing in front of me, Ravi—not on my watch.”
“What? I did no—“
“Baka nakakalimutan mong binilin ka sa akin ng mga magulang mo? Your brother’s not here to educate you, and it’s my responsibility to look after you. I know you’re old but not old enough to do this shȋt.”
“Not old enough to do this shȋt, you say?” Now, it’s her turn to laugh. Hindi niya maintindihan ang pinupunto ng lalaki. Ni hindi nga sya nito hinayaang tapusin ang paliwanag niya.
“I want you to look at me, but not this way. Pagalitan mo na ako, sermunan at kung ano pa. Ang ayaw ko lang, iniisip mo na nakikipaghalikan ako. Do you think I would do that? Me? Think again, Ranier. And even if that was the case, that I am in a relationship and being intimate and shȋtty with this imaginary boyfriend—please do keep in mind—that in this school, I am your student, and you’re ‘just’ my teacher. Responsibility? Your only responsibility is to teach ‘us,’ not to meddle in your student’s private life.”
Hindi niya na napigilan pang ilabas ang sama ng loob niya sa lalaki. It was just a portion, though. Kung wala si Alex sa paligid, baka sinumbat niya na rin kay Ranier ang mga pag-ship nito sa kanya sa ibang lalaki gayong alam naman nitong may gusto siya rito.
Nagagalit din siya rito. Nasasaktan din siya dahil para bang mababang uri ng babae ang tingin nito sa kanya. Kilala siya nito, kaya gano’n na lamang siya kung manliit sa mga sinabi nito. Alam din nito na hindi niya kayang gawin ang mga paratang nito. Hindi naman siya gano’n kadesperada sa lalaki para magpahalik lang basta-basta! Hindi siya magpapahalik sa kahit sino!
At para hindi na humaba ang usapan at mapunta pa sa kung saan ang mga sinasabi niya, kinuha niya ang camera kay Alex na tahimik lang kanina pa.
Padabog niyang binigay ang camera kay Ranier.
“Iyan! I-check mo na lang iyan like a teacher should be doing.”
Matapos niyang sabihin iyon ay nilagpasan niya na ito.
Nang makalayo siya, hinayaan niyang tuluyang bumuhos ang mga luha niya sa mga mata niya.
Kasalanan ito ni Ranier.
“Seriously, Ravi, bakit ka nga ulit na-in love sa lalaking iyon?” mapanuyang tanong niya sa sarili.
MATAMANG pinagmamasdan ni Raveia ang photo album niya simula pagkabata. Iyon ay ang album na sila lang ni Ranier ang nasa frame—mga larawan kung saan nanalo siya ng mga parangal sa ballet contest. Mabigat ang puso niya ngayon. She felt like she was slowly saying goodbye to these feelings she had all her life, as if it was all a lie—a dream she needed to wake up to.Kanina nang dumating si Ranier, para siyang maamong tupa sa harap ng lion. Madilim ang mukha nito at kita sa mga mata nito ang galit. Kahit alam niya na ang dahilan ng ikinagagalit nito, hindi niya pa rin maiwasang masaktan.Pinaubaya niya lang agad si Alex dito at walang lingon-likod na iniwan ang dalawa.Naramdaman na lamang niya na sunod-sunod na ang pagpatak ng luha niya.“Congrats, Ravi! Your first heartbreak.” Natawa siya nang pagak. All of the realizations, jealousy, and pent up frustration burst out na para bang ngayon lang nag-sink in sa kanya ang lahat.Naninikip ang dibdib niya. Parang tinutusok ang puso niya a
"RAVI, PAHIRAM muna ng phone mo."Nasa salas sila ng kanilang bahay at abala sa pag-scroll sa kanyang social media account si Raveia nang magsalita sa likod niya ang Uncle Brix niya.Napanguso siya."Why? This is my private property.""I'll just make a little modification on your phone," sabi ni Brix at umupo sa harap niya. "After what happened to your brother, I can't just sit still and hope that it won't happen again."She sighed.Tama ang uncle niya. Kahit alam niya sa sarili niya na wala naman siyang kaaway at tinatapakang tao, it is better to be cautious than sorry."But Uncle..." she said, hesitating to give the phone."Don't worry, wala akong bubuksan na kahit anong app sa phone mo.""Pinky swear?""Of course. I know how scary you women are when it comes to private matters." Napangiwi pa ito na tila may naalala. Binigay niya na rito ang phone. Mukha namang gusto ng uncle niya na panatag siya dahil sa harap niya pa nito kinalikot ang phone."Uncle, hindi ka ba magtatanong kung
TAHIMIK ANG paligid. Tanging maririnig lang ay ang pag-ihip ng hangin.Nakahinga nang maluwag si Raveia. Pakiwari niya ay nakaligtas siya sa masamang balak ng mga lalaki ngunit nanatili lang sarado ang mata niya. Natatakot siya na kapag minulat niya ang mata ay nasa kalagitnaan pala siya ng pananamantala sa kanya ng mga hayóp na lalaki. Mas mabuti pa dito sa dilim."Ravi?"Tama, dito na lang ako. Here, I can hear Alex' soft voice. We're safe here.Napangiti siya nang mapait. Nagi-guilty siya. Hindi niya alam kung paano pa haharapin si Alex ngayon, lalong lalo na si Ranier. Tiyak niya na galit ito sa kanya lalo’t nilagay niya sa kapahamakan ang boyfriend nito na tahimik lang sanang naghihintay sa meet-up place ng mga ito.Mas gugustuhin niya pang ma-comatose ngayon kaysa ang harapin ang galit ng dalawa."Ravi, kung gising ka na, bumangon ka na riyan. Hindi 'yong naka-smile ka lang. Baliw ka rin kahit tulog."Biglang kumibot ang muscles niya sa mata, at tila may bahagyang pagpitik pa s
MABILIS lang nahamig ni Jet ang sarili at walang pakundangan na sinugod ng suntok si Alex. Si Raveia ang napangiwi sa sakit dahil sa nakita. May dugo pa na lumabas sa bibig ng binata.“Alex!” sigaw niya.Hindi niya alam kung makakatulong iyon pero bigla na lang umayos ng tindig si Alex. He positioned himself in front of Jet. He was ready to give him an uppercut, but Jet was faster. Jet kicked his not fully healed leg.“That’s cheating, you jerk!” asik niya kay Jet.Natikom niya ang bibig nang tapunan siya ng matalim na tingin ni Jet.“You’re next, Raveia. Maghintay ka diyan.” He then gestured to his underlings. And in just a split second, hawak ulit siya ng mga ito.“Baliw ka talaga, Raveia Cruz!” sigaw sa kanya ni Alex na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakatayo sa sakit sa paa. “Bitawan niyo ‘ko, sampalin ko lang ‘yang lalaking iyan!” sigaw niya sa mga lalaki. Sinubukan niya ring magpumiglas ngunit hindi siya pinakawalan ng mga ito.Jet scoffed. “I’m not here to witness you loveb
RAVEIA paced back and forth, trying to figure out whether everything was just a simple misunderstanding or it was just her imagination. First, Alex — he had no reason to be at the university during that time because he had everything he could use to study in his house. He had all the books related to their course piled up on his sofa.Then there is Ranier. He should be in his company working.“Does it mean na noon pa—”Noon pa may nangyayari sa dalawa? Kaya ba walang girlfriend si Ranier ay dahil boyfriend ang mayroon ito? Hindi lang nito pinapaalam sa lahat dahil umaasa ang Imperial family rito bilang nag-iisang tagapagmana ay magbibigay ito ng marami pang tagapagmana na magtutuloy ng henerasyon para sa Imperial?“Well, too bad…” The Imperial family ends with Ranier.Bigla ay nanghina siya sa mga realisasyon na ito. Akala niya ay kilalang kilala niya na si Ranier, ngunit hindi pa pala. Napaluhod na lamang siya sa sahig, puno ng awa sa sarili.How could she let someone like him take
“SO…” pabitin na hayag ni Kira, isa sa mga classmate ni Raveia. Nangalumbaba pa ito sa harap niya.Ilang saglit pa ay napalibutan na siya ng iba pang kaklase. “Ano nang status niyo ni Alex? Is it official na ba?”“We saw those flowers left on your table. Was it from him? Hindi namin nakita kung sino ang nag-iiwan eh.”Of course, hindi talaga! Hindi magpapahuli ang isang professor na nililigawan ang estudyante niya. Sagot niya sa isip niya.Katatapos lang ng second subject nila at bakante sila hanggang lunch time. Nilibot niya ang tingin at walang bakas ni Alex sa paligid.Muli niyang binaling ang atensyon sa mga ito. She doesn’t remember being this close with her female classmates, but it’s good to have them around too.Napangiti siya. Ngunit iba yata ang naging epekto ng ngiti niya sa mga ito. Tila mga sinilaban ng apoy ang bunganga ng mga ito at napuno ng tili ang buong classroom.Bigla ay nairita siya.Ok, it’s not that good to have them around!Wala pa nga siyang sinasabi. Anong







