Share

03

Tangina! Tangina!

Bakit hindi ko nakita na pareho pala sila ng bag ni Sammuel? Baka akala ng lalaking 'yon na siya ang binigyan ko ng love letter, naalala ko pa naman na hindi ko nalagyan ng pangalan ni Sammuel doon. Wala ng 'Dear, Sammuel' na nakalagay!

Nakakahiya pa kanina, napagkamalan pa nila akong magnanakaw. Grabe sila makatingin sa akin kanina parang may ginagawa akong masama kahit wala naman.

Lalo na 'yong mga babaeng sinisigaw ang pangalan ni Sammuel, ang sarap dokutin ng mga mata nila. Kung makatingin parang ang sama ko ng tao.

"Bakit busangot ang mukha mo?" Tanong ni Maika, kami lang dalawa ang magkasama ngayon kasi may ginagawa rin ang dalawa.

"Nakakainis kasi eh!"

Halos magpapadyak na ako sa kahihiyan na sinapit ko kanina. Hindi ko na alam kung may mukha pa ba akong maihaharap kay Sammuel.

Kasi maging siya tinignan ako ng masama, parang hinuhusgahan niya ako. Ang mga maririin niyang tingin na tagos hanggang kaluluwa. Hindi ako nahiya dahil pinagtitinginan ako ng mga estudyante kanina, ang ikinahihiya ako ay pati si Sammuel gano'n ang tingin sa akin. Paano kung ma turn off ang crush ko sa akin? Nakakahiya talaga!

"Naiinis ka kasi nagalit sa'yo si Sammuel noong iniwan namin kayo doon sa computer room?"

Lumingon ako kay Maika at inirapan siya. Pati din 'yan. Naiinis din ako kanina sa plano nila. Imbis na mag-usap kami mas lalo pa siyang nagalit sa akin tapos nasabihan pa ako na malandi!

"Sana naman doon niyo kami kinulong sa isang romantic place! Anong nakakakilig doon sa computer room?"

Umirap ulit ako at ginulo ang buhok. "Nakakahiya! Nakakahiya!"

Dahil sa hiya na nararamdaman ko parang gusto ko na lang maging tae. Nakakainis! Imbis na magustuhan ako ni Sammuel baka mas lalong bumaba ang tingin niya sa akin.

"Bakit ba kasi?! Ano bang nangyari? Kanina ka pa d'yan eh," inismiran ako ni Maika.

Pumikit ako. Kinalma ang sarili.

Inhale... Exhale...

"Kanina kasi..." Bumuntong hininga ako at napatingala.

Napansin ko ring tumingala si Maika, ginaya ako ng gaga. Tumingala siya na parang nandoon ang sagot sa kalangitan.

"Bakit ka nakatingala?" Kunot noo kong tanong at mahina siyang sinapak.

Nagkamot siya ng ulo, lumingon sa akin si Maika. "Akala ko kasi may makikita ako sa itaas hehe."

Umismid ako at bumuntong hininga ulit. "Kasi kanina gumawa ako ng love letter ulit kay Sammuel. Nagpractice pala siya kanina kaya doon ko siya pinuntahan sa gym kaya palihim kong nilagay ang love lettet sa bag niya, pero..."

Tumigil ako at napapikit ulit. Ginulo ko ang buhok ko dahil naalala ko na naman ang kahihiyan na ginawa ko kanina.

"Pero? Anong sunod?" Titig na titig si Maika sa akin, hinihintay ang sunod kong sasabihin.

"Pero... Nagkamali ako! May kapareha pala ng bag si Sammuel sa ka-teammates niya! Sa kanilang Captain ko nailagay ang love letter imbis na kay Sammuel! Tapos napagkamalan pa nila ako ng magnanakaw kasi naabutan nila akong binuksan ang bag ng Captain niya!"

Kunin sana ako ng aliens ngayon at dalhin sa planeta nila, gusto ko ng maging taga linis ng dumi ng mga aliens sa mars! Pwede ring maging alien na lang sana ako!

"Hala! Paano 'yan?! What if ma-in love sa'yo 'yong Captain nila—"

"Ikaw ba ay nabubuang na? Tangek! Hindi 'yon mangyayari! Si Sammuel lang ang nilalaman ng puso't isipan ko! At kahit magkagusto pa ang Captain nila sa akin wala pa rin siyang pag-asa sa akin kasi buong pagkatao ko ay si Sammuel lang ang gusto."

Umiling si Maika at humagpak. Sinamaan ko siya ng tingin at iniwan. Tawa pa rin siya nang tawa sa likod ko. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?!

"Baliw ka na sa crush mo, April. Malala ka na," sinabayan niya ako sa paglalakad.

"Bakit ikaw hindi ka ba baliw sa crush mo ah?" Lumingon ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

Ngumisi si Maika, "nasa talking stage na kami. Magcha-chat na lang ako sa'yo kapag kami na." Ang laki ng ngisi ni gaga.

"Isusumapa kita. Dahil tinawanan mo ako, hindi magiging kayo ng crush mo—"

"Paano kung kami na?" Pagputol niya sa sasabihin ko.

Nanlaki ang mata ko at napatigil sa paglalakad.

"Kayo na?!" Sigaw ko habang nanlaki ang mata.

"Hindi pero malapit na!" Humagpak siya ng tawa at tumakbo.

Naiwan akong nakanganga habang pinanood si Maika na tumakbo papasok sa bahay nila. Sa huli napailing na lang ako, hindi talaga ako naniniwalang malapit na maging sila ng crush niya, dati naalala ko pa na inuncrush niya 'yong crush niya dahil boring daw at nawala na ang sparks.

"Ma," nagmano ako ay Mama na nagluluto ng ulam namin mamaya.

"Sumabay ka sa amin ng Papa mo kumain mamaya ha?"

Nagtaka man sa sinabi ni Mama, tumango na lang ako at pumunta na sa kwarto para magbihis ng pambahay.

Sumabay ako kina Mama at Papa na kumain gaya ng sinabi Mama.

"Anak," napatingin ako kay Papa.

Construction worker lang ang Papa ko at minsan ding sumasideline sa palayan para lang may maikain kami. Hindi rin kami mayaman, kahoy lang ang bahay namin, mga magulang pa ni Papa ang nakatira dito at hanggang ngayon ay hindi pa rin narenovate dahil wala kaming saktong pera pero matibay pa naman ang bahay namin.

"Paano kung babalik ang... Mga totoong magulang mo?"

Natigilan ako sa tanong ni Papa, bumaling ako sandali kay Mama bago muling tumingin kay Papa.

Hindi ako nagsalita, tinitigan ako ni Papa sandali bago siya bumuntong hininga at tumingin kay Mama pagkatapos ay sa akin.

"Sasama ka sa totoo mong mga magulang kapag kukunin ka?" Marahang tanong ni Papa.

May dumaang sakit sa puso ko, kumirot ito ng bahagya ng makita ko ang sakit sa mata ni Papa.

"Bakit niyo naman po natanong? Alam niyo na po ang sagot, hindi po ako sasama sa kanila kung kukunin man nila ako. Masaya na ako na kasama kayo."

Bumuntong hininga si Papa at unti unting sumilay ang munting ngiti sa labi.

"Wala, natanong lang namin anak. Baka kasi uuwi sila at kunin ka sa amin—"

"Hindi po 'yan mangyayari." Pagputol ko sa sasabihin ni Papa.

Pumasok na ako sa kwarto pagkatapos kong hugasan ang mga plato. Hindi na rin inungkat pa nina Mama at Papa ang pinag-usapan namin kanina sa hapag.

Alam ko na dati pa na ampon lang ako, pinaampon ako ng totoo kong mga magulang. Ang sabi pa ni Mama at Papa na nasa ibang bansa raw sila ngayon. Kahit naman ampon lang ako tinuturing pa rin nila akong kanilang totoong anak.

Nagfacebook kaagad ako pagkahiga ko sa kama. Himala hindi online 'yong tatlo.

Ni-research ko ulit ang pangalan ni Sammuel sa f******k pero kahit gano'n gaya noong una ay hindi ko nakita ang account ni Sammuel.

Hindi talaga ata 'yon gumagamit ng social media.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Sabay ulit kaming apat na pumasok at ang isa dito pangiti-ngiti na parang timang.

Ngumingiti lang mag-isa si Vien kaya kaming tatlo ay nagtataka na. Hindi naman siya gan'yan dati. Ngayon lang siya nging buang.

"Anong nangyari sa group study kahapon, Vien?" Biglang tanong ni Clouie.

Lumingon naman si Vien kay Clouie pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi.

"Group study? Ah... Ayos naman..." Ngumisi si Vien at nag-iwas ng tingin.

"Anong natutunan mo sa group study?" Dagdag ni Clouie.

"Wala nga eh."

Sabay kaming napatampal sa noo namin. Ano na namang inatupag ni Vien kahapon? Baka may nangyari sa group study nila? O kaya naman may crush na naman 'to.

Sumama ako kay Vien hanggang sa room nila. Titignan ko lang kung nandito na ba si Sammuel.

Pagkadating namin sa room ni Vien ay si Sammuel kaagad ang hinanap ng mga mata ko. Parang kuminang ang mata ko ng makita ko siya sa tabi ng bintana nags-study ata.

"Vien," tawag ko kay Vien.

Lumingon siya sa akin pagkatapos niyang ilapag ang kanyang bag sa upuan niya.

"Ano?" Lumapit si Vien sa akin.

"Lumabas ka muna," bulong ko na ikinakunot ng noo niya.

"Bakit pinapalabas mo ako? Room ko 'to at ikaw ang dayo kaya ikaw ang lumabas—"

"Tangek! Sandali nga lang eh!" Halos sigawan ko na si Vien.

Lumingon ako kay Sammuel, hindi man lang siya lumingon sa banda namin dahil tutok na tutok siya sa binabasa niya.

"Ah, kaya naman pala! Umaatake na naman ang pagiging malandi mo."

Umiling siya. Inirapan ko naman si Vien.

"Minsan lang 'to." Tinaboy ko na si Vien palabas sa room nila.

Inilingan lang niya ako at lumabas sa room. Dahan dahang tumaas ang sulok ng labi ko at lumingon kay Sammuel.

Saktong kami lang dalawa ang nasa loob ng room. Masyado pa kasing maaga kaya wala pa gaanong eatudyante.

Dahan dahan akong naglakad palapit kay Sammuel. Habang palapit ng palapit mas lalong bumibilis ang pagtibok ng puso ko.

"Oi! Sammuel, ikaw pala 'yan!" Tumawa ako.

Tangina. Anong naisip ko bakit 'yon ang lumabas sa bibig ko? Parang gusto ko ng tumalikod eh at tumakbo papalayo. Kapag si Sammuel na talaga ang kaharap ko hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Hindi ko na rin alam kung ano ang sasabihin.

Nag-angat siya ng tingin at tinignan ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay binalik ang atensyon sa binabasa.

"Nag s-study ka?" Tanong ko at umupo sa upuang nasa harap niya at patalikod na umupo para makaharap ko siya.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ng estudyante sa eskwelahan, April?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Napanganga ako. Tinawag niya ako sa pangalan ko?! Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko. Mas lalo lang lumala ang puso ko.

"T-Teka... Tinawag mo ako sa pangalan ko... Ibig sabihin kilala ko ako?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

Gulat pa rin ako sa narinig ko. Nanggaling mismo sa bibig niya lumabas ang pangalan ko! Tangina! Bakit subrang saya ko na tinawag lang niya ako sa pangalan ko?!

Ibig sabihin napapansin niya talaga ako?! Bakit niya ako nakilala eh hindi naman ako nagpakilala sa kanya?! Ito na ba 'yong sinasabi nilang ito na ang simula ng pag-iibigan ninyo... Ang simula ng inyong istorya—

"Suot mo ang ID mo, tanga."

Aray!

Ito na nga ang sinasabi nilang... Ito ang simula ng pagiging assumera mo...

Umayos ako ng pagkaupo, muntik na kasi akong matumba sa kinauupuan ko dahil sa sagot niya.

'Yon na sana eh! Akala ko kilala niya ako at napansin na ako ng crush ko 'yon pala assuming lang ako.

Bumusangot ako, tinignan ko ang ID ko pagkatapos ay tinignan ko rin ang ID niya.

"Sammuel Lazarus Sandoval..." Basa ko sa pangalan niya.

Napangiti na lang ako ng makita ang picture niya sa ID. Ang gwapo! Subra kahit hindi nakangiti ang gwapo pa rin niya!

"Ang ganda ng apelyedo mo 'no?" Marahan kong sambit at tumingin sa kanya.

Tinignan niya ako at tinaasan ng kilay pagkatapos ay binalik ulit ang atensyon sa binabasa.

"Ang ganda ng apelyedo mo, bagay na bagay sa pangalan ko. April Hreghen Atienza Sandoval."

Humagikhik ako pagkatapos kong sabihin 'yon. Ang sarap lang sa pandinig.

Lumaki ang ngisi ko at tinignan siya ulit, nakakunot na ang noo niya ngayon habang nakatingin sa akin at nakaawang ang labi niya.

Kinindatan ko siya, tumayo na ako at lumabas na sa room. Ngumisi ako kay Vien na nasa may hagdan lang naghihintay.

"Uy! Bakit ang laki ng ngisi mo?" Humarang siya sa akin.

"Wala ka na ro'n... Ikaw nga d'yan kanina pa pangiti ngiti pero hindi mo sinabi sa amin kung sino ang dahilan ng pangiti mo."

"I-c-chat na lang kita kapag kami na,"

Ngumiti rin ako, "i-c-chat na lang din kita kapag kami na."

Humagalpak ako at kumaripas na nang takbo papunta sa room. Kahit nagd-discuss ang hate kong teacher nakangiti pa rin ako dahil sa magandang nangyari sa umaga ko.

April Hreghen Atienza Sandoval

Kinikilig ako! Bagaya na bagay ang apelyedo niya sa pangalan ko. Sabi ko na eh na kami talaga ang para sa isa't isa!

Pagkatapos ng last subject namin sa umaga ay ako ang unang lumabas sa room. Pakanta kanta pa akong bumaba sa hagdan at hindi nawawala ang ngiti sa labi ko.

Pagbaba ko sa hagdan ay nakita ko kaagad ang sina Maika at Clouie na paparating sa akin. Lumabas din si Vien sa room niya na busangot ang mukha.

"Oh? Anong mukha 'yan? Parang kanina lang ang saya saya mo, anong nangyari?" Natatawa kong tanong.

Mas lalo pang bumusangot ang mukha ni Vien at pinulupot ang braso sa brado ko.

"Ayaw ko na sa crush ko! Ang pangit niya kabonding! Auto uncrush siya sa akin!" Pagmamaktol ni Vien.

"Ang isa d'yan happy crush sana all." Si Maika na sinundot ang tagiliran ko.

"Maghintay lang kayo. I-c-chat ko na lang kayo kapag kami na." Tumawa ako.

Pagkatapos naming kumain ay nagpasama ako sa kanilang tatlo sa gym para panoorin ang practice ni Sammuel. Malayo pa lang ay dinig na dinig ko ang sigawan ng mga babae at nag pagpalo sa bola.

"Ang sikat talaga ni Sammuel 'no?" Namangha si Maika ng makarating kami sa gym.

Practice pa lang pero ang dami ng nanonood paano pa kaya kapag nakikipaglaban na talaga sila sa ibang eskwelahan?

"Why are we so unpopular?" Tanong ni Clouie habang nakatanga doon sa mga babaeng nagsisigawan.

"Because we hate everyone."

Sabay kaming tumangong apat sa sinabi ni Vien.

Lumapit pa ako lalo sa court para mas makita ko si Sammuel na naglalaro.

"Go, Sammuel!" Sigaw ng mga kababaihan.

"Totoo talaga 'yong issue ni Sammuel dati 'no?"

Imbis na sa laro tumuon ang atensyon ko, mas nakatuon ang atensyon ko ngayon sa dalawang lalaking nag-uusap sa harap ko.

Tinignan ko sila ng masama pero hindi naman nila alam na masama ang tingin ko sa kanila dahil nakatalikod sila sa akin.

"Nakikipag suntukan siya dahil pinili ng ex niya 'yong lalaking player sa ibang school."

Pati pala mga lalaki mga tsismoso. Saan ba nila nakukuha ang mga tsismis na 'to?

"Ang ganda ng girlfriend niya dati kaya siguro nagkagano'n siya kasi maganda 'yong babae. Baliw na baliw si Sammuel doon sa babae."

Aba! Bakit may dumagdag na mga details tungkol sa babaeng 'yon?! Maganda raw?! Hindi ako naniniwala!

"Kawawa si Sammuel pingpalit lang sa kalabang eskwelahan," nagtanguan silang dalawa.

"Nakita ko 'yong babae, ang ganda naman pala talaga! Kaya pala hanggang ngayon hindi naka move on si Sammuel sa kanya—aray!"

Binatukan ko ang dalawang lalaking nasa harapan ko at diretso takbo para magtago, kanina pa ako naiinis sa kanilang dalawa.

Mula sa bago kong pwesto ay nakikita ko ang dalawang lalaki na kanina pa lumilingon sa likod nila at kinakamot ang kanilang ulo.

Deserve! Mga tsismoso! Nilamangan pa talaga nila ang mga new reporter!

Inirapan ko ang dalawang lalaki. Tinuon ko ulit ang atensyon ko sa laro. Hindi ko na nakita sina, Vien, Clouie at Maika, siguro hinahanap na ako ng tatlo na 'yon.

"Sammuel! Sammuel! Sammuel ng buhay ko!" Sigaw ko.

Napapalingon ang mga estudyanteng nasa tabi ko, natatawa at umiiling.

"Sammuel kaya mo 'yan! Whoo! Sammuel na gwapo at mascho yanigin mo buhay ko!"

Naubos na ang lakas ko sa kakasigaw ko. Halos lumabas na ang mga ugat ko sa leeg dahil sa sigaw na 'yon.

"Go, Sammuel! Go, Sammuel!"

Sinamaan ko ng tingin ang mga babae, talagang sinasapawan ako.

"Sammuel kapag na block mo 'yan akin ka na!" Sigaw ko at nagtalon talon.

Halos hindi ako huminga ng naghanda na si Sammuel na tumalon para i-block ang bola pero nakapasok ang bola. Hindi na block ni Sammuel ang bola.

"Paano ba 'yan Miss hindi niya na block ang bola? So, akin ka na?"

Matalim na titig ang pinukol ko sa lalaking nasa tabi ko. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

"Tse! Mag toothbrush ka muna!" Inirapan ko siya at umalis na doon.

Hindi pa rin ako tumigil sa kakasigaw, nakita ko ang mga kaibigan ko sa kabila na tinatawanan ako sa bawat pagsigaw ko sa pangalan ni Sammuel.

Tawa sila ng tawa dahil nanlabas na talaga ang ugat ko sa leeg sa kakasigaw. Baka nga mawalan ako ng boses kinabukasan.

"Miss kung makasigaw ka naman parang nasa final na—"

"Manahimik ka! Feeling close!" Sinamaan ko siya ng tingin pagkatapos ay bumaling ulit sa court.

Pagkatapos ng tatlong set ay nanalo ang grupo nila Sammuel. 25-20 ang score.

"Ang galing mo, Sammuel!" Sigaw ng mga babae at pagkatapos nilang isigaw 'yon ay bumaling sila sa akin.

Umirap ako at tumingin kay Sammuel, pinanood ko ang pagkuha niya ng towel na sinabi niya sa leeg niya. Kinuha ni Sammuel ang bag niya at tinapik ang balikat ng captain nila pagkatapos ay umalis na sa court.

Tumalikod ako at dumiretso sa canteen para bumili ng mineral water pagkatapos ay kumaripas ng takbo. Nakita ko si Sammuel na umakyat pumunta sa comfort room.

Huminto ako sa pagtakbo, dahan dahan lang ang paglalakad ko hanggang sa makaabot ako sa comfort room.

Naghintay ako sa labas ng men room, sumandal ako sa dingding habang nakatitig sa mineral water na binili ko.

Ilang minuto ang hinintay ko sa labas bago bumukas ang pintuan ng mens room at lumabas si Sammuel.

Umayos ko ng pagkatayo. Nagulat naman si Sammuel ng makita ko. Natigilan siya at tinignan ko ng ilang sandali bago iniwas ang tingin.

"Uhm... Hindi kita nakita kanina na uminom ng tubig kaya binilhan kita," nilahad ko sa kanya ang binili kong mineral water.

Tinignan niya ito ng matagal. Kinagat ko ang labi ko, kinabahan ako, baka kasi hindi niya tatanggapin.

"Uh... A-Ayaw mo ba—"

"Thank you."

Kinuha ni Sammuel sa akin ang mineral water, binuksan niya ito at agad agad na ininom.

Nalaglag ang panga ko at napaiwas ng tingin. Assumera talaga ako. Pinanganak akong assumera.

"Totoo ba 'yong sinasabi nila—"

"Maniwala ka sa kanila kung gusto mo." Pagputol niya sa sasabihin ko.

"H-Hindi ako naniwala sa kanila 'no! Alam mo bang naririnig ko na 'yong tsismis kahit saan at kahit kailan hindi ako naniwala." Agap ko.

Huminto siya sa paglalakad at lumingon sa akin.

"Then?"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at nag-iwas ng tingin. Ganito ba siya kung makipag usap sa mga tao?

"Wala lang... Gusto ko lang sabihin 'yon...." Mahina kong sambit."

"Bumalik ka na sa room mo. Bawal ka dito sa mens room, maraming lalaking pupunta dito at baka pagtripan ka pa." Malamig niyang sambit at tumalikod na.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status