共有

02

作者: imynnocent
last update 最終更新日: 2023-06-24 23:17:32

Ang lungkot lungkot ko dito sa loob ng kwarto ko, hindi ko pa rin malimutan ang nakita ko kanina. Sinunog lang ni Sammuel ang mga love letter.

Hindi lang ba niya binasa 'yon? Bakit kailangang sunugin? Sana tinago na lang niya para remembrance na rin.

Bumuntong hininga ako at nagpapasyahan na basahin na ang mga reply ng mga kaibigan ko. Sinabi ko kasi sa kanila kung gaano ako kalungkot dahil sinunog ni Sammuel na crush ko ang mga love letter, alam kong kasama na ang love letter ko doon.

Binasa ko ang mga reply nila sa group chat namin.

BITCHES

Vien: Don't be sad okay?

Clouie: Sad is for losers

Maika: We're not losers

Napangiti ako sa nga reply ng mga kaibigan ko. Nagtitipa ako para sa icha-chat ko ulit pero bigla na lang nagchat si Vien.

Vien: We're worse than that.

Tangina... Anong klaseng kaibigan 'to? Grabeng motivation naman 'to, nakaka appreciate.

Ako: tangina niyo. Sana hindi kayo pansinin ng crush niyo.

Vien: excuse me, tahimik lang ako pero nakakausap ko na crush ko.

Sumingkit ang mata ko. Aha! May crush pala ang babaeng 'to! At sino na naman kaya ang crush nito?

Maika: Bukas, tutulongan ka namang makausap ang crush mo.

Napangiti ako sa reply ni Maika. Siya lang talaga ang maasahan sa lahat.

Ako: Paano? Masungit nga 'yon eh.

Clouie: kami na bahala.

Maika: no need to worry! Gagana 'to! Legit! Tested and proven!

Vien: landi ko bitch pero support!

Kinabahan ako kinabukasan, hindi ko alam kung ano ang plano nila. Hindi ko alam kung ano ang gagawin nila para mapansin ako ni Sammuel. Baka kung ano na namang mga kalokohan pinaggagawa nila baka ma turn off si Sammuel sa akin.

"Ano ba kasi ang plano?" Kanina ko pa sila tinatanong pero hindi nila sinasabi sa akin.

"Kami na ang bahala. Relax ka lang d'yan," si Vien.

"Dahil sa plano na ito makakausap mo na ang crush mo!" Dagdag pa ni Maika.

Inirapan ko sila, wala talaga akong tiwala sa gagawin nila. Ako itong kinakabahan, nagdadalawang isip tuloy ako kung itutuloy ko ba ang plano nila.

"Sure na sure 'to! Alam mo namang support kami sa kalandian mo." Ngumisi si Clouie at pinara na ang jeep.

Simangot ang mukha ko hanggang sa makarating kami sa eskwelahan, hindi pa rin kasi nila sinasabi kung ano ang plano.

Dumiretso ako sa room at nagpangalumbaba ulit sa mesa. Hindi na ako pumunta sa room nila Vien dahil kinakabahan ako sa gagawin nila Vien.

Ilang minuto akong nakapangalumbaba sa mesa ko hanggang sa nakia ko si Maika at Clouie na papasok sa room.

"Hali ka!" Hinila nila ako bigla palabas sa room.

"Saan niyo ba ako dadalhin?!" Tanong ko sa kanila.

Akala ko bababa kami sa first floor pero nagulat na lang ako ng umakyat kami sa fourth floor.

"Galingan mo sa pag-arte. Dapat umaarte ka na wala kang alam," sj Maika na suot ang kaniyang ngisi.

"Kinakabahan ako! Ano ba! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko—"

"Manahimik ka na! This is it! Your wish is our command! Makakausap mo na ang crush mo ngayon!" Masayang sambit ni Clouie sabay palakpak.

"Support kami sa kalandian mo! Iche-cheer ka na lang naman at magdarasal na rin."

Kinabahan ako lalo sa sinabi ni Maika. Sa huling room ay nakita ko si Vien doon na lumabas sa room. Kumaway siya ng makita kami at tinuro ang room na nilabasan niya.

Dahil sa senyas ni Vien, mas lalo akong hinila ng dalawa. Muntik pa akong masubsub.

"Good luck..." Kinalabutan ako sa bulong ni Vien. Nanindig balahibo ko.

"Hoy! Teka—"

Tinulak nila ako sa loob ng room. Dinikit ko ang tenga ko sa pintuan at paulit ulit na kumatok.

"Hoy! Buksan niyo 'to!" Sigaw ko pero wala man lang akong narinig mula sa kanila.

Tangina... Iniwan talaga nila ako.

Madilim sa loob dahil nakarado ang bintana at may mga kurtina. Nasa computer room pala ako.

"So, you're part of the plan," nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses sa likod.

Dahan dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng boses at kahit madilim ay parang nagliwanag ang lahat dahil si Sammuel ang nasa harap ko!

"H-Ha? A-Anong sinasabi mo—"

"'Wag ka ng magmaangan pa. You're part of this stupid plan," tumayo siya, napaatras naman ako.

"W-Wala akong alam sa plano ng mga kaibigan ko—"

"If I only know na ito pala plano niyo edi sana hindi na lang ako sumama kay Pacheco. Alam mo bang late na ako sa practice ngayon?!" Medyo tumaas ang boses niya, bahagya akong napatalon.

"Akala ko pa naman kung gaano ito ka importante. Ang bata mo pa pero kalandaina na ang inatupag mo—"

"Teka, teka!" Natawa ako pero kinakabahan.

Ang lamig kasi ng boses niya tapos galit pa siya sa akin.

"Bakit parang kasalanan ko?" Sabay sapo ko sa bandang puso.

Bumaba ang tingin niya sa dibdib ko, ngumuso ako at tinakpan ang dibdib ko gamit ang mga braso.

Pasimple akong nag-iwas ng tingin.

"Tss."

Binalik ko ang tingin sa kanya, hindi na siya nakatingin sa akin ngayon.

Nagpamaywang ako, "excuse me! Hindi na ako bata no! Baby face lang ako kaya nagmukha akong bata tsaka alam kung pandak ako kaya napagkamalan mo ako na bata! Kaya ba ayaw mo sa akin kasi akala mo bata ako—"

"I have no time for this shit." Nilagpasan niya ako at binuksan ang pintuan.

Saglit na lumiwanag dahil sa pagbukas niya ng pintua pero dumilim ulit dahil sumirado ang pintuan. Napatalon ako ng bahagya dahil lumikha ng malakas na tunog ang pagsarado ng pintuan.

Sabi ko na nga ba... Sabi ko na na hindi talaga ito gagana...

Sa huli ay napabuntong hininga ako at kinalma ang sarili bago lumabas sa computer room.

Hindi ko nakita sina Vien, Clouie at Maika na nag-aabang sa labas ng computer room. Siguro panatag sila na maging successful ang plano nila.

Bumuntong hininga ako at naglakad na lang pabalik sa room namin. Sabay lang kaming pumasok ng first teacher namin.

Nawalan tuloy ako ng gana habang nagkaklase dahil sa nangyari kanina. Hindi naman siya masakit, hindi ko lang inaasahan na gano'n ang una naming pag-uusap. Ang saklap! Nasabihan pa ako ng malandi!

"Anong nangyari?" Tanong ni Vien pagkaupo niya sa upuan na nasa tapat ko.

Sunod ding umupo ang dalawa at agad na nang-usisa.

"Ano? Effective 'yong plano namin 'no?" Ngumisi si Clouie.

"Nag-usap kayo? Anong pinag-usapan niyo?" Si Maika.

Nasa akin ang atensyon nilang tatlo, tinignan ko sila isa-isa.

"Effective na 'yong plano niyo. Nagalit siya sa akin—"

"Ha?!" Napalakas ang boses ni Vien kaya napalingon sa amin ang ilang estudyante na kumakain sa canteen.

Pinanlakihan ko ng mata si Vien at lumingon ulit sa paligid. Tumigil ang mata ko kay Sammuel na nakaupo sa pinakadulo kasama ang kaniyang ka teammates. Dito siya nakaharap at pakiramdam ko ay narinig niya ang pagsigaw ni Vien kanina kaya maging siya ay napalingon sa amin.

Nagtama ang mga mata namin. Galit pa rin siya hanggang ngayon.

Ako na ang unang nag-iwas ng tingin. Hindi ko na kayang makipagtitigan sa kanya.

"Anong nagalit? Ma ginawa ka ba na ikinagagalit niya?!" Pasigaw na sambit ni Vien.

Bumuntong hininga ako, tinignan ko sila isa-isa. "Nagalit siya sa akin kasi nalate na daw siya sa practice nila dahil sa walang kwentang pinaggagawa natin..." Malumay kong sagot at pasimpleng sumulyap kay Sammuel.

Hindi na siya nakatingin sa akin, nasa kanyang kagrupo na ang atensyon niya pero kahit gano'n hindi pa rin nagbabago ang emosyon niya. Salubong pa rin ang kilay at nakakunot ang noo, parang galit.

"Baka totoo talaga 'yong kumakalat na tsismis na kaya siya nagkaganyan dahil sa ex niya," napabaling ako kay Clouie.

"Naniwala kayo do'n?" Kumunot ang noo ko, tumingin sila sa akin at sabay na tumango.

"Noong una ay hindi ako naniwala na kaya siya nagquit sa volleyball ay dahil sa girlfriend niya pero ngayon habang nakikita ko siya pakiramdam ko hindi pa rin siya naka move on sa ex niya."

Inirapan ko si Maika. Hindi ako naniniwala sa mga tsismis na kumakalat. Tsismis nga 'di ba? May mga tsismis na gawa gawa lang.

"Mahihirapan ka talaga d'yan sa crush mo, April," marahang sambit ni Vien habang ngumunguya.

Siya naman ngayon ang binalingan ko. Tumingin siya sa akin at tinuro ako gamit ang kutsara niya.

"Masungit at laging galit. Parang may galit sa mundo at 'yang si Sammuel study first 'yan. Baka para sa kanya distraction lang ang love love na 'yan."

Pinakatitigan ko ng matagal si Vien. Nagtaas baba ang kilay niya at natuon ang atensyon sa taong nasa likod ko. Nakita ko ang mata ni Vien na sinundan ng tingin ang dumaan sa likoran ko kaya napalingon ako sa likod ko, naabutan ko na lang ang grupo ni Sammuel na papalabas sa canteen.

Tumigil sa paglalakad si Sammuel dahil may lumapit na babae sa kanya at kinausap siya. Hindi ko marinig ang pinag-usapan nila dahil subrang ingay sa loob pero habang tinitignan ko sila ay alam ko na kung ano ang sadya ng babae kay Sammuel.

Baka nagtapat ito kay Sammuel na gusto niya ito o kaya naman ay inaya na sabay kumain sa susunod na araw.

Pero imbis na kausapin ni Sammuel ang babae ay tinalikuran lang niya ito, naiwan namang nakanganga ang babae dahil sa pagtalikod ni Sammuel sa kanya.

"Tignan mo, hindi man lang kayang kausapin ang isang babae." Si Clouie na nakatingin din pala kina Sammuel sa labas.

"Paano 'yan? Mahihirapan ka sa paglandi d'yan sa crush mo. Parang takot ata sa mga babae," umiiling na sambit ni Maika.

"Maghanap ka na lang ng ibang crush, madami d'yan. Pakiramdam ko kasi na wala ka talagang—"

"Nakalimutan niyo na ba ang motto nating apat?"

Sabay silang bumaling sa akin, ilang sandali pa ay dahan dahang sumilay ang ngisi sila sa kanilang mga labi.

"Kapag masungit si crush mas exciting! Kung masungit si crush siya na ang the one kaya gurabells malanding nilalang!"

Nagtawanan kami pagkatapos naming sabihin 'yon. Tumigil lang kami sa pagtawa dahil natahimik ang canteen dahil nakatuon ang atensyon nila sa amin.

Naggikhikan kaming apat sa mesa.

Ngumisi ako at napatitig na lang sa kanin ko. Tingin niya ba lalayuan ko siya dahil sinungitan niya ako? Tingin niya auto uncrush dahil sinungitan niya ako? Mas exciting nga 'yon eh! Gusto ko sa mga lalaki 'yong mga pahard to get.

Bumalik ako sa room at ang unang inatupag ko kaagad ay ang pagsulat ng love letter kay Sammuel, wala akong pake kung susunugin na naman niya ito, hindi ako mapapagod kahit ilang love letter pa ang isusulat ko mapansin niya lang ako.

Pagkatapos kung gumawa ng subre at nilagay ko na doon ang love letter na sinulat ko.

Nagmamadali akong bumaba sa hagdan at agad na dumiretso sa room nila Vien. Agad akong nakita ni Vien, ngumisi siya ng makita ako at sumulyap sa upuan ni Sammuel pero wala doon ang bag ni Sammuel.

"Nagpractice sila doon sa gym, puntahan mo na doon," bulong ni Vien sa akin.

Ngumisi ako at tumango tsaka kumaripas ng takbo papunta sa gym, hindi naman kalayuan ang gym sa building namin kaya mabilis akong nakarating sa gym at nakita ko kaagad si Sammuel na naglalaro ng volleyball.

"Go, Sammuel!"

Ngumiwi ako, bumaling ako sa mga babaeng ka batch mate ko lang na sinisigaw ang pangalan ni Sammuel.

Hindi ko na lang sila pinansin. Lumapit ako doon sa mga bag ng players. Hinanap ko ang bag ni Sammuel. Nang makita ko ito ay dahan dahan akong lumapit sa bag niya at palihim na binuksan ang bag at nilagay doon ang love letter ko.

"Hoy!" Napatalon ako sa gulat dahil sa sigaw.

Para akong naestatwa sa pwesto ko, parang robot na bumaling ang ulo ko doon sa court.

Patay.

Tumigil na sila sa paglalaro dahil sa pagsigaw ng isang player. Nakatingin silang lahat sa akin habang nakakunot ang noo.

"Anong ginagawa mo sa bag namin?!" Sigaw noong isa na may jersey number 6, lumapit siya sa akin at tinignan ang mga bag pagkatapos ay tinignan ako.

"Anong kinuha mo?! Magnanakaw ka 'no?"

Kumunot ang noo ko at umayos ng tayo, sumulyap ako kay Sammuel, nasa malapit siya sa net at nakatingin siya sa akin habang nakakunot ang noo.

Tumingin ako sa paligid, pati ang mga nanonood ay nakatingin sa akin at tinatarayan pa nila ako.

"Hoy! Tinatanong kita. Anong ninakaw mo?" Napabaling ulit ako sa lalaking nasa harapan ko.

"Grabe ka naman mang-akusa! Ang ganda ko namang magnanakaw! At tsaka ano bang mananakaw ko sa bag niyo ah? May gold bat ba kayo sa bag niyo?" Tinarayan ko ang lalaki, napanganga lang siya at nagpamaywang.

"Ilabas mo ang ninakaw mo!"

"Wala nga sabi!"

"Ilabas mo na o ipapa-guidance kita—"

"Tama na 'yan, Luke," biglang sumulpot ang isang lalaki na mas matanggakad pa sa lalaking tinawag niyang Luke.

Sinundan ko siya ng tingin, yumuko siya para kunin ang bag niya.

"Wala naman ata siyang ninakaw." Nanlaki ang mata ko nang makita ang bag na kinuha niya.

"Bag mo 'yan?!" Sabay turo sa bag na hawak niya.

Tinaas niya ang bag niya, lumingon siya sa akin at tumango.

"Yes, why?"

Hindi ako makaimik sa sagot niya. Nanlaki ang mata ko kasabay ng pagkalaglag ng panga.

Lumingon siya sa mga kasamahan niya. "Guys, kunin niyo ang bag niyo at ilipat sa mas secure na lugar pa iwas nakaw."

"Yes, Captain!"

Nagsilapitan ang mga ka teammates niya, sinundan ko ng tingin si Sammuel. Yumuko siya at kinuha ang bag niya na kapareho nang bag ng Captain nila.

Huminto si Sammuel at lumingon sa akin, nagkatinginan kami sandali bago siya tumalikod at sumunod sa mga kateammates niya.

Tangina... Tangina! Ibang bag ang nalagyan ko ng love letter! Nasa Captain nila ang love letter na para kay Sammuel!

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • When You're Gone   EPILOGUE

    "Anong tinititigan mo? Kanina ka pa tulala, Sammuel," inakbayan ako ng kaklase kong si James. Inilingan ko na lang siya at hindi pinansin. Mula dito sa loob ng classroom namin ay tanaw ko siya mula sa labas, kausap ang kaibigan niya na classmate ko rin. "Uy, crush mo ba 'yan, Sammuel?" Panunukso ni James. Umiling ako. "Hindi, ayaw ko sa kanya, masyadong... Maingay." Umayos ako sa pag-upo, tumingin na lamang ako sa blackboard. "Weh? Maganda naman si April, 'yong kutis niya ang mas lalong nagpapaganda sa kanya. Hindi na ako magtataka kung magkakagusto-" "I don't like her, iba ang gusto ko at hindi siya." I cut him off. "Sino ang crush mo? Si Vien?" Matalim na titig ang pinukol ko kay James. "Mas lalo na 'yan." Tinignan lang niya ako at tumingin sa labas, tingin ko ay tinitignan niya 'yong mga kaibigan na Vien na ginawang tambayan itong room namin. Halos umaga, tanghali ay nandito na lang sa room namin. Mga tsismosa rin sila dahil isang beses ay narinig kong may pinagtsismisan a

  • When You're Gone   40

    This is the last chapter of When You're Gone. Marami pong salamat sa suporta na binigay niyo sa akin at sa nobelang ito. Enjoy reading! CHAPTER 40 Tinapos ko muna ang trabaho ko bago napagpasyahang hanapin si Sammuel. Wala akong ideya kung nasaan siya at kung saan ko siya hahanapin pero gagawin ko ang lahat mahanap ko lang siya. Kung ayaw niya akong mawala ulit, pwes ako rin, ayaw ko rin siyang mawala dahil mahal siya. Alam kong marami akong mga masasakit na salitang sinasabi sa kanya para lang ipagtanggol ang sarili ko mula sa sakit, ayaw ko na kasing masaktan tapos hindi ko alam na nasasaktan ko na rin siya. Nagsisisi ako, nagsisisi ako kung bakit ko 'yon sinabi sa kanya kanina. Lumabas kaming apat sa opisina ko, pinagtitinginan ang tatlong expensive kuno sa tabi ko na taas noong naglakad. "Teka nga lang, bakit ba ganyan ang mga suot niyo ngayon?" Kunot noo kong tanong sa kanilang tatlo. Maarteng hinawi ni Maika ang buhok niya. "It's because of the gravity of the earth," "Pu

  • When You're Gone   39

    "Kumain muna kayo bago pumasok," salubong sa amin ni Tita Sonya.Diretso namang tumakbo si Sav papunta sa hapag, niyakap niya ang Lola at Lolo niya na nandoon na. "Bakit nakarinig ako kanina ng sigaw? Sumigaw ka ba, April?" Tanong naman ni Tita Sonya pagkalapit ko.Sinamaan ko naman ng tingin si Sammuel na nasa tabi ko. Ngumisi lang siya at pinaghila ako ng upuan. "Uh, may may nakita lang po kasi akong ipis." Sagot ko naman at naupo sa tabi ng anak ko. "Ipis? May ipis ba dito, Sammuel?" Wika ni Tito na bumaling kay Sammuel. Napakamot naman ng ulo si Sammuel tsaka naupo sa tabi rin ng anak namin. Pinagitnaan namin ngayon si Sav."Uh, yes Pa, pero pinatay ko na 'yong ipis." Sagot ni Sammuel."Saan ka natulog, anak? Bakit wala ka sa kwarto mo?" Dahil sa tanong ni Tita Sonya ay napalingon ako kay Sammuel na nilalagyan ng pagkain ang plato ni Sav. "Sa tabi ng mag-ina ko," sagot niya tsaka sumulyap sa akin. Mabilis kong iniwas ang mata ko, pakiramdam ko namula ang mukha ko sa sinabi

  • When You're Gone   38

    "Bakit ka naglalasing, Sammuel?" 'Yan kaagad ang tanong ko kay Sammuel pagpasok ko sa kotse. Ang mga kaibigan niya ang umalalay sa kanya papunta rito sa kotse ko, alangan namang ako ang aalalay sa kumag na 'to eh ang bigat tapos ang likot pa. "Nasaan ang anak natin, ha?! Sinong nagbantay sa kanya?! Iniwan mo lang ba ang anak natin tapos ikaw nagpakasaya rito!" Sermon ko sa kanya habang binubuhay ang makina. Pinaharorot ko ba ang kotse palayo sa bar. Naiinis pa rin ako sa lalaking 'to, nakuha pang uminom. Iniwan talaga si Sav para lang magpakalasing! "Saan ka ba tumutuloy ngayon? Sa condo mo o doon sa bahay na pinagawa mo?" Tanong ko at nilingon siya na nasa gilid ko. "S-Sa... Bahay natin..." Sagot niya. Umayos siys ng pagkaupo, humarap siya sa akin at tinignan ako gamit ang inaantok niyang mata. Sumandal siya sa bintana para maharap ako. "Seryoso ako, Sammuel, saan ka ba nakatira ha?" Napailing na lang ako, bakit ko ba kinakausap ang lasing na 'to? Hindi ako sasagutin nito ng

  • When You're Gone   37

    Hindi ako sanay na wala ang anak ko sa tabi ko, minsan tinatawag ko ang pangalan ng anak ko dahil nakakalimutan kong na kay Sammuel siya ngayon. Sa gabi ay tanging unan lang ang kayakap ko at hindi ako mapakali, hindi ako makatulog dahil sa kakaisip sa anak ko ngayon. Alam ko namang hindi pababayaan ni Sammuel ang anak namin dahil nakita ko kanina kung paano siya umiyak nang yakapin niya si Sav. Alam kong mahal niya ang anak namin.Pero ang tumatak sa isipan ko ay ang pinag-usapan namin sa hotel. Sabi niya ay nakulong siya dahil nagnakaw siya ng perang pampiyansa sa akin para makalaya ako. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi pero aaminin kong may parte sa katawan ko na naniwala sa sinabi ni Sammuel.Si Shannon... Simula nang makilala niya si Sammuel ay nagbago na lang siya bigla. Kanina nang maabutan ko silang dalawa ni Sammuel sa elevator ay parang desperada siyang halikan si Sammuel kahit tinutulak siya nito. Gano'n na ba talaga siya ka desperada para gawin 'yon? Naalala k

  • When You're Gone   36

    Ilang ulit na akong napabuntong hininga at ilang ulit na ring nakahugot ng malalim na hininga. Walang nagsasalita sa amin, kung hindi dahil kay Sav ay ang tahimik ng kwartong ito. "Tatay, I made you a sandwich," pinanood ko ang anak kong binuksan ang paper bag at kinuha ang lalagyan ng sandwich. Binuksan niya ito at binigay kay Sammuel na taimtim na pinapanood ang anak niya. "Paborito ko rin po ang sandwich, ikaw po ba, Tatay?" Tanong ni Sav sa kanyang ama. Umawang ang bibig ni Sammuel at tinanggap ang sandwich na binigay ni Sav. "I-I... L-Love sandwich too..." Nauutal na sinabi ni Sammuel. Napangiti ang anak ko. "Talaga po? Ako po gumawa niyan para sa'yo, Tatay. Tinuruan po ako ni Nanay." Nang bumaling ang anak ko sa akin ay nginitian ko siya at agad nag-iwas ng tingin. Paano ko sisimulan? Paano ko sasabihin kay Sammuel ito na hindi sumisigaw? Ayaw kong magkasagutan at magsigawan kami dito sa harapan ng anak namin. Naabutan na nga niya kaming nagsigawan kanina sa labas ng kwarto

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status