Share

04

Author: imynnocent
last update Last Updated: 2023-06-24 23:18:48

Dahil doon sa sinabi ni Sammuel sa akin, sa bawat araw na dumaan hindi ako tumigil sa pagpapansin sa kanya.

Araw araw ako sa room nila Vien para makita ko lang siya, kung minsan ay dumadaan ako sa room nila para silipin lang siya.

Araw araw na rin ang practice ni Sammuel dahil malapit na ang inter-high. Busy ang mga athletes sa pagpapractice, walang practicr nila Sammuel na hindi ako nanood.

Minsan nagpapasama ako kina Vien, Maika at Clouie, minsan din  ay ako lang mag-isa ang pumupunta.

"Ang galing mo, Sammuel!" Sigaw ng mga kababaihang nanonood.

Ngumuso na lang ako, hindi ko na kayang sumigaw ng malakas dahil namamaos na ang boses ko dahil sa araw araw kong pagcheer kay Sammuel.

"Ipahinga mo 'yang boses mo para sa laban nila sa susunod na araw," si Maika, simahan niya akong manood ng practice ni Sammuel dahil wala naman daw siyang ginagawa habang ang dalawa ay may inaasikaso.

"Subrang busy na niya. Hindi na niya ako napapansin." Malungkot kong sambit habang pinapanood ang galaw ni Sammuel.

Bagsak ang balikat ko dahil hindi ko man lang siya macheer ngayon dahil namamaos na boses ko.

Lumingon sa akin si Maika at humalukipkip. "Ano ka ba niya?" Tumaas ang kilay niya.

Inismiran ko si Maika at ngumuso, "schoolmate." Sagot ko.

"Aw, akala ko kayo para pagtuonan ka ng pansin ni Sammuel."

Matalim na titig ang pinukol ko kay Maika, "wala ka bang trip ngayon? Grabe ka naman sa akin. 'Wag kang mag-aalala i-c-chat kita kapag may progress na sa relasyon naming dalawa."

Umiling na lang si Maika at bumaling ulit sa naglalaro. Kabi-kabila ang sigawan ng mga babae at pareho lang ang sinisigaw nila. Ang pangalan ni Sammuel.

"Sammuel! Ahh! Ang gwapo mo!" Tili ng mga babae.

Yumuko si Sammuel at nang tumingala siya ay lumingon siya doon sa mga babaeng sumisigaw.

Dahil tumingin si Sammuel sa kanila ay mas lalong dumagongdong ang tilian nila. Halos mabingi na ako sa tili nila.

"Hala! Lumingon si Sammuel sa kanila! Napansin sila ni Sammuel!" Niyugyug ako ni Maika habang nanatili ang tingin doon sa mga babae.

"Heh! Hindi sila ang tinignan ni Sammuel 'no..." Humina ang boses ko.

Huminga ako ng malalim, bakit gano'n? Bakit sila nililingon niya habang ako, titigan lang hindi man lang magawa? Pinangarap ko ring mapansin niya ako.

Oo, nakausap ko siya pero galit siya sa akin. Nakausap ko nga siya pero alam kong gusto na niya akong tabuyin dahil sa inis niya sa akin. Pero itong mga babaeng 'to na sinisigaw ang pangalan niya ay nilingon niya.

"Ang tibay din ng mga lalamonan nila 'no? Hindi man lang sila namaos kakasigaw," umiiling si Maika, nanatili pa rin ang tingin sa mga babae na hindi pa rin tumigil sa kakatili.

"Hayaan mo sila, mamamaos ang boses nila at kapag nasa laban na sila Sammuel ay ako na lang ang sisigaw sa pangalan niya. Ako lang dapat ang sisigaw sa pangalan ni Sammuel, nagseselos ako kung may ibang sumisigaw sa pangalan niya." Tumaas ang kilay ko, pumalakpak ako ng mablock ni Sammuel ang bola pagkatapos ay humakukipkip.

"Ano ka niya nga ulit?" Tanong ni Maika.

"Schoolmate."

Humagalpak si Maika, sinamaan ko siya ng tingin at hinila na palayo sa gym.

"Ang lakas ng tawa mo, nalalamangan mo pa 'yong mga tumitiling babae."

Hindi pa rin tumigil sa pagtawa si Maika, tawang tawa siya sa sinabi ko kanina.

"Ikaw, ano ba kayo ng crush mo? Ano ka niya ha?" Hamon ko sa kanya.

Tumigil sa pagtawa si Maika, "classmate." Sagot ni Maika.

Ako naman ngayon ang humagalpak. Umiling na lang ako at kumaway na kay Maika.

"Ayan ang napapala ko kakasigaw, namaos boses mo!"

Inirapan ko si Roger, kanina pa niya ako iniinis dito. Alam na niya kasi kung sino ang crush ko at ngayon hindi na niya ako tinitigilan.

"P-Pake mo?" Tumikhim ako.

"Kita mo na, namamaos ka na. Sabi ko naman sa'yo na hindi kayo para sa isa't isa—"

"Tse! Manahimik ka!"

Tinulak ko si Roger palayo sa akin pero lumapit din siya ulit. Matalim ko siyang tinignan pero nginisihan niya lang ako.

"May advice ako sa'yo, April para maging kayo ng crush mo," marahan niyang sambit.

Tumaas ang kilay ko, hindi ko pinagkakatiwalaan ang mga sinasabi ni Roger pero nagkainteresado ako ngayon sa sinabi niya.

"Ano ba 'yon? Sabihin mo sa akin bilis! Baka kapag sinabi mo sa akin ang advice na 'yan baka i-le-libre kita ng pagkain ng isang buwan."

Sumeryoso ang mukha ni Roger at umupo malapit sa akin. Nilapit ni Roger ang bibig niya sa tenga ko.

"Hindi ka crush ng crush mo. Ang totoo may iba siyang gusto at hindi ikaw 'yon—"

"Excuse me," sabay kaming napalingon ni Roger sa pintuan ng room namin.

Nalaglag ang panga ko ng makita ko si Sammuel doon na nakatayo. Sumulyap siya sa amin, hindi man lang ngumiti.

"Pinapatawag ka ng adviser mo sa bazaar." Malamig niyang sambit.

Tumango tango ako, hindi pa rin makagalaw sa kinauupuan ko dahil sa gulat. Maging si Roger ay hindi makagalaw kaya ang lapit pa rin ni Roger sa akin.

"Bilisan mo. Naghihintay ang adviser mo sa'yo."

Tumango tango ulit ako, nakanganga pa rin. Masungit niya akong tinignan at tumalikod na.

Doon lang ako nakagalaw nang umalis na si Sammuel. Tinulak ko si Roger palayo sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Tangina mo, akala ko kung anong advice! Hmp!"

Tinalikuran ko si Roger at nagmadali nang bumaba sa hagdan. Hindi ko inaasahang makita si Sammuel sa room namin, tapos naabutan pa niya kami ni Roger na malapit sa isa't isa. Baka kung ano na ang iniisip ni Sammuel sa amin!

Ngayon na ang inter-high, nagsidatingan na rin ang ibang athletes sa iba't ibang eskwelahan dito sa New Corella.

"Ready na ba ang cheering squad?"

Lumingon ako sa mga kaibigan ko na na suot na tshirt na may tatak na NC(New Corella) habang ako naman ay may tatak na Sammuel ang tshirt.

"Grabe! Talagang nagpaprint ka pa talaga ng tshirt para lang ngayon," umiiling si Maika.

"Dapat talagang i-cheer si Crush para naman may inspiration siya sa laro mamaya!"

"Ano ka nga ulit ni Sammuel?"

Matalim kong tinignan si Clouie.

"Schoolmate pero magiging kami. Watch and learn." Nakangisi kong sinabi.

"Ano ang isisigaw natin mamaya?"

Si Vien naman ang binalingan ko ngayon. Kahapon pa ako nagpapractice ng cheer para ngayon.

Ngumisi ako. "Go Sammuel! Go Sammuel! Mahal ka ni April! April— aray!" Binatukan ako ni Vien.

Subrang sakit ng pagkabatok ni Vien sa akin parang yumanig ang mundo ko.

"Tangina, para saan 'yon?" Nakapikit kong sinabi habang hinahagod ang batok ko.

"Ang pangit kasi ng cheer mo!"

Tumango silang tatlo, sinang-ayonan nila ang sinabi ni Vien. Ngumuso ako, "wala na kasi akong maisip eh." Kinamot ko ang ulo ko.

"Hindi lang naman si Sammuel ang i-cheer natin ngayon. Ang buong team! Sila ang i-cheer natin!" Panimula ni Vien, hinila niya kaming tatlo palapit sa kanya.

"Ang cheer natin ay 'We can beat them NC! We can win this NC—"

"Sammuel lang sakalam! Sammuel lang sakalam—aray!" Nabatukan na naman nila ako.

"Ang pangit mo talaga!"

Sunod sunod ang panalo nila Sammuel, natalo nila ang Limbaan National Highschool at ngayon sa finals ay ang makakalaban nila Sammuel ay ang Mesaoy National Highschool.

Punong puno ang municipal gym ng mga estudyante galing sa iba't ibang eskwelahan, kahit natalo na ang eskwelahan nila ay nanood pa rin sila ng finals na ang laban ay sa pagitan ng eskwelahan namin na New Corella National Highschool at ang Mesaoy National Highschool.

Siniguro ko na nasa malapit kami nakaupo para marinig ni Sammuel ang sigaw namin.

Hindi pa nagsisimula ang laro, nagwa-warm up pa ang mga manlalaro sa magkabilang eskwelahan.

"Siya 'yon 'di ba?" Pumintig ang tenga ko sa narinig.

"Oo, siya 'yong girlfriend ni Sammuel na pinili ang lalaking taga ibang school."

Gusto ko silang lingonin para makita kung sino ang tinitignan nila pero pinigilan ko ang sarili ko dahil magsisimula na ang laro.

Dumagongdong ang tilian sa buong gym, kanya kanyang sinisigaw na mga pangalan.

"We can beat them NC! We can win this NC!" Sigaw ng tatlo sa tabi ko, lumingon sila sa akin dahil hindi ako sumali sa pagsigaw.

"We can beat them NC! We can win this NC!"

"Sammuel! Sammuel! Sammuel ng buhay ko! Sammuel! Sammuel! Sammuel ng buhay ko!" Sigaw ko.

Lumingon ako sa mga kaibigan ko, nakatingin sila sa akin habang nakangiwi.

Nginisihan ko na lang sila at sinigaw ulit ang pangalan ni Sammuel.

First set pa lang pero ang ganda na ng laro, kapag lalamang ang Mesaoy humahabol naman ang New Corella. Hindi nagkakalayo ang mga scores ng dalawang panig talagang magagaling ang mga manlalaro.

16-16 ang score ng nagtawag ng timeout ang kabilang team.

Lumapit naman sina Sammuel sa bleacher at nakinig sa sinasabi ng coach nila.

Tumayo ako at tinaas ang placard na may pangalan ni Sammuel. Ginawa ko ito kanina bago magsimula ang laro.

"Sammuel! Galingan mo! Ipanalo niyo ito! Kaya mo 'yan, Sammuel!" Halos magsilabasan na ang ugat ko sa sigaw na 'yon.

"Sammuel, kaya mo 'yan! Nandito lang ko! Go, Sammuel! Go, Sammuel!" Sunod sunod kong sigaw habang tumatalon.

Hindi ko alam kung naririnig ba ako ni Sammuel pero pakiramdam ko naririnig nila ako dahil lumingon sa akin ang mga kateammates niya.

Tinuro ako no'ng lalaking naka jersey number 4 at kinalabit si Sammuel pero hindi siya nito nilingon kahit ako hindi man lang niya tinignan.

"Grabe naman 'to si ate girl kung makasigaw kala mo girlfriend," nagtawanan ang mga babae sa likod ko.

Nagsalubong ang kilay ko at lilingonin ko na sana sila pero hinila ako ni Maika paupo.

Nagsimula ulit ang laro, panalo sina Sammuel sa first set. 25-20 ang score. Nagchange court sila, ngayon ang Mesaoy naman ang nasa banda namin.

Umabot hanggang fourth set ang laro, naipanalo ng Mesaoy ang second set ang ang third set. Kabadong kabado ako kahit hindi ako ang naglaro, pakiramdam ko, nandoon din ako sa loob ng court naglalaro dahil sa subrang lakas ng pagpintig ng puso ko sa kaba.

"Kaya mo 'yan, Sammuel!"

Nangingibabaw ang sigaw ng babae na nasa kabilang bleacher, napatingin ako sa kanya at maging ang ibang estudyante ay napalingon sa kanya.

"Kaya mo 'yan, Sammuel! Maniwala ka lang! I'm here to support you!"

Natulala ako sa babae, hindi kaya... Siya 'yong babaeng tinutukoy nila na pinili ang ibang lalaki kaysa kay Sammuel?

Pero ang hindi ko inaasahan sa lahat ay lumingon si Sammuel sa kanya. Tumigil din ata ang pagtibok ng puso ko nang lumingon si Sammuel doon sa babae.

Ngumiti ang babae at kumaway kay Sammuel. Napatitig ako kay Sammuel na hanggang ngayon ay hindi pa rin iniiwas ang tingin sa babae.

I wish na sana titignan din ako ng matagal ni Sammuel kaya ng pagtitig niya sa babae.

"Ang ganda naman niya talaga! Tignan mo si Sammuel oh! Titig na titig sa ex niya!"

Iniwas ko ang tingin kay Sammuel, nawalan ako ng gana. Binaba ko ang placard na hawak ko at tumayo.

"Saan ka pupunta?" Narinig ko ang boses ni Vien sa likod ko.

Hindi ko sila nilingon pero sinagot ko pa rin ang tanong ni Vien, "bibili lang ako ng... Juice..." Humina ang boses ko.

Hindi ko alam kung narinig ba nila ang sinabi ko. Umalis na ako doon na bagsak ang balikat.

Tinawag pa nila ako pero hindi na ako lumingon. Dire-diretso lang ang pag-alis ko.

Paglabas ko sa municipal gym ay dumagongdong ulit ang hiyawan ng mga estudyante.

Huminga ako ng malalim at bumili ng juice, pagkatapos kong bumili ay upo ako sa sementong upuan na nasa ilalim ng punong kahoy na malapit lang din sa gym.

Dinig na dinig ko ang mga hiyawan nila. Siguro subrang kabado ang lahat ng mga nanonood dahil kapag manalo ang Mesaoy National Highschool sa set na 'to sila na ang panalo.

Alam kong crush ko pa lang si Sammuel pero noong makita ko siya na nakatitig sa ex niya ay nakaramdam na lang ako ng kirot sa dibdib.

Ngayon lang ako nagkagusto ng ganito sa isang lalaki. Pero ang malas ko, nagkagusto ako sa isang lalaking hindi pa nakamove on sa ex niya.

Hindi na muli ako pumasok sa loob, pinapakinggan ko na lang ang mga hiyawan nila mula sa labas. Narinig ko na lang ang malakas na hiyawan ng mga estudyante at ang pag-anonsyo na ang Mesaoy National Highschool ang nanalo.

Yumuko ako at mapait na ngumiti. "Mamalasin talaga kayo kapag hindi ako ang nagcheer." Bulong ko at tumayo na.

I-c-chat ko na lang ang mga kaibigan ko mamaya na nasa eskwelahan na ako para hindi nila ako nahapin.

Naglakad ako na nakayuko, sinisipa ang mga malalaking bato na nadadaanan ko.

Tatawid na sana ako sa kalsada ng may humila sa damit ko.

"Shit! Pwede bang tumingin ka muna sa kaliwa't kanan mo bago ka tumawid?!"

Galit na Sammuel ang nakita ko, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Subrang gulat ako na makita ngayon.

"W-Wala namang sasakyan—"

"Anong wala?! Muntik ka ng masagasaan ng motor na 'yon at kung hindi kita hinila baka nasagasaan ka!" Galit pa rin siya.

Hindi ako makaimik sa sinabi niya. Nakaawang lang ang bibig ko habang nakatitig kay Sammuel.

Bakit siya nandito? Bakit niya iniwan ang mga kateammates niya sa loob?

Huminga siya ng malalim at binitawan ang damit ko, nilagay niya ang isa niyang kamay sa bulsa ng suot niyang short habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa strap ng bag niya.

"Sa susunod ay tumingin ka sa kaliwa't kanan mo bago tumawid. Muntikan ka nadoon," ngayon, mahinahon na ang boses niya.

Nilingon niya ako, nakaawang pa rin ang labi ko. "Let's go."

Taas noo siyang tumawid sa daan habang ako ay nakatulala pa rin sa kanya. Hindi ako makapaniwalang kinausap niya ako, pakiramdam ko ay isa itong panaginip.

Kinausap ako ng crush ko! Kinausap ako ni Sammuel! Siya! Siya ang unang kumausap sa akin!

Ang nararamdaman kong kirot sa dibdib kanina dahil doon sa nasaksihan ko parang nawala na lang ito na parang bula dahil sa nangyari ngayon.

"Tumawid ka na! Ano pang hiningay mo? Pasko?!" Sigaw ni Sammuel, nasa kabila na siya ngayon nakatingin sa akin.

Hinintay ba niya ako? Ibig sabihin... Sabay kami ngayong babalik sa eskwelahan?! Totoo ba 'to?! Hindi ba ito panaginip?

"April Hreghen Atienza!"

Sinigaw niya buong pangalan ko.

"O-Oo na! Tatawid na nga!" Umarte pa akong galit pero sa kaloob looban ko ay subrang saya ko!

Marupok na kung marupok! Sa kanya lang naman ako rurupok!

---

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • When You're Gone   EPILOGUE

    "Anong tinititigan mo? Kanina ka pa tulala, Sammuel," inakbayan ako ng kaklase kong si James. Inilingan ko na lang siya at hindi pinansin. Mula dito sa loob ng classroom namin ay tanaw ko siya mula sa labas, kausap ang kaibigan niya na classmate ko rin. "Uy, crush mo ba 'yan, Sammuel?" Panunukso ni James. Umiling ako. "Hindi, ayaw ko sa kanya, masyadong... Maingay." Umayos ako sa pag-upo, tumingin na lamang ako sa blackboard. "Weh? Maganda naman si April, 'yong kutis niya ang mas lalong nagpapaganda sa kanya. Hindi na ako magtataka kung magkakagusto-" "I don't like her, iba ang gusto ko at hindi siya." I cut him off. "Sino ang crush mo? Si Vien?" Matalim na titig ang pinukol ko kay James. "Mas lalo na 'yan." Tinignan lang niya ako at tumingin sa labas, tingin ko ay tinitignan niya 'yong mga kaibigan na Vien na ginawang tambayan itong room namin. Halos umaga, tanghali ay nandito na lang sa room namin. Mga tsismosa rin sila dahil isang beses ay narinig kong may pinagtsismisan a

  • When You're Gone   40

    This is the last chapter of When You're Gone. Marami pong salamat sa suporta na binigay niyo sa akin at sa nobelang ito. Enjoy reading! CHAPTER 40 Tinapos ko muna ang trabaho ko bago napagpasyahang hanapin si Sammuel. Wala akong ideya kung nasaan siya at kung saan ko siya hahanapin pero gagawin ko ang lahat mahanap ko lang siya. Kung ayaw niya akong mawala ulit, pwes ako rin, ayaw ko rin siyang mawala dahil mahal siya. Alam kong marami akong mga masasakit na salitang sinasabi sa kanya para lang ipagtanggol ang sarili ko mula sa sakit, ayaw ko na kasing masaktan tapos hindi ko alam na nasasaktan ko na rin siya. Nagsisisi ako, nagsisisi ako kung bakit ko 'yon sinabi sa kanya kanina. Lumabas kaming apat sa opisina ko, pinagtitinginan ang tatlong expensive kuno sa tabi ko na taas noong naglakad. "Teka nga lang, bakit ba ganyan ang mga suot niyo ngayon?" Kunot noo kong tanong sa kanilang tatlo. Maarteng hinawi ni Maika ang buhok niya. "It's because of the gravity of the earth," "Pu

  • When You're Gone   39

    "Kumain muna kayo bago pumasok," salubong sa amin ni Tita Sonya.Diretso namang tumakbo si Sav papunta sa hapag, niyakap niya ang Lola at Lolo niya na nandoon na. "Bakit nakarinig ako kanina ng sigaw? Sumigaw ka ba, April?" Tanong naman ni Tita Sonya pagkalapit ko.Sinamaan ko naman ng tingin si Sammuel na nasa tabi ko. Ngumisi lang siya at pinaghila ako ng upuan. "Uh, may may nakita lang po kasi akong ipis." Sagot ko naman at naupo sa tabi ng anak ko. "Ipis? May ipis ba dito, Sammuel?" Wika ni Tito na bumaling kay Sammuel. Napakamot naman ng ulo si Sammuel tsaka naupo sa tabi rin ng anak namin. Pinagitnaan namin ngayon si Sav."Uh, yes Pa, pero pinatay ko na 'yong ipis." Sagot ni Sammuel."Saan ka natulog, anak? Bakit wala ka sa kwarto mo?" Dahil sa tanong ni Tita Sonya ay napalingon ako kay Sammuel na nilalagyan ng pagkain ang plato ni Sav. "Sa tabi ng mag-ina ko," sagot niya tsaka sumulyap sa akin. Mabilis kong iniwas ang mata ko, pakiramdam ko namula ang mukha ko sa sinabi

  • When You're Gone   38

    "Bakit ka naglalasing, Sammuel?" 'Yan kaagad ang tanong ko kay Sammuel pagpasok ko sa kotse. Ang mga kaibigan niya ang umalalay sa kanya papunta rito sa kotse ko, alangan namang ako ang aalalay sa kumag na 'to eh ang bigat tapos ang likot pa. "Nasaan ang anak natin, ha?! Sinong nagbantay sa kanya?! Iniwan mo lang ba ang anak natin tapos ikaw nagpakasaya rito!" Sermon ko sa kanya habang binubuhay ang makina. Pinaharorot ko ba ang kotse palayo sa bar. Naiinis pa rin ako sa lalaking 'to, nakuha pang uminom. Iniwan talaga si Sav para lang magpakalasing! "Saan ka ba tumutuloy ngayon? Sa condo mo o doon sa bahay na pinagawa mo?" Tanong ko at nilingon siya na nasa gilid ko. "S-Sa... Bahay natin..." Sagot niya. Umayos siys ng pagkaupo, humarap siya sa akin at tinignan ako gamit ang inaantok niyang mata. Sumandal siya sa bintana para maharap ako. "Seryoso ako, Sammuel, saan ka ba nakatira ha?" Napailing na lang ako, bakit ko ba kinakausap ang lasing na 'to? Hindi ako sasagutin nito ng

  • When You're Gone   37

    Hindi ako sanay na wala ang anak ko sa tabi ko, minsan tinatawag ko ang pangalan ng anak ko dahil nakakalimutan kong na kay Sammuel siya ngayon. Sa gabi ay tanging unan lang ang kayakap ko at hindi ako mapakali, hindi ako makatulog dahil sa kakaisip sa anak ko ngayon. Alam ko namang hindi pababayaan ni Sammuel ang anak namin dahil nakita ko kanina kung paano siya umiyak nang yakapin niya si Sav. Alam kong mahal niya ang anak namin.Pero ang tumatak sa isipan ko ay ang pinag-usapan namin sa hotel. Sabi niya ay nakulong siya dahil nagnakaw siya ng perang pampiyansa sa akin para makalaya ako. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi pero aaminin kong may parte sa katawan ko na naniwala sa sinabi ni Sammuel.Si Shannon... Simula nang makilala niya si Sammuel ay nagbago na lang siya bigla. Kanina nang maabutan ko silang dalawa ni Sammuel sa elevator ay parang desperada siyang halikan si Sammuel kahit tinutulak siya nito. Gano'n na ba talaga siya ka desperada para gawin 'yon? Naalala k

  • When You're Gone   36

    Ilang ulit na akong napabuntong hininga at ilang ulit na ring nakahugot ng malalim na hininga. Walang nagsasalita sa amin, kung hindi dahil kay Sav ay ang tahimik ng kwartong ito. "Tatay, I made you a sandwich," pinanood ko ang anak kong binuksan ang paper bag at kinuha ang lalagyan ng sandwich. Binuksan niya ito at binigay kay Sammuel na taimtim na pinapanood ang anak niya. "Paborito ko rin po ang sandwich, ikaw po ba, Tatay?" Tanong ni Sav sa kanyang ama. Umawang ang bibig ni Sammuel at tinanggap ang sandwich na binigay ni Sav. "I-I... L-Love sandwich too..." Nauutal na sinabi ni Sammuel. Napangiti ang anak ko. "Talaga po? Ako po gumawa niyan para sa'yo, Tatay. Tinuruan po ako ni Nanay." Nang bumaling ang anak ko sa akin ay nginitian ko siya at agad nag-iwas ng tingin. Paano ko sisimulan? Paano ko sasabihin kay Sammuel ito na hindi sumisigaw? Ayaw kong magkasagutan at magsigawan kami dito sa harapan ng anak namin. Naabutan na nga niya kaming nagsigawan kanina sa labas ng kwarto

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status