Share

Kabanata 17

NATIGILAN si Elaine sa ipinagtapat ni Sylvan. Maging si Noah ay nagulat at tumingin sa kanya upang makita ang kanyang reaksiyon.

“You’re not surprised.” Elaine uttered in a cold voice. “Seems you already knew about it.”

“Oo. Matagal ko nang alam at matagal ko na din alam na divorced na sila ng asawa niya.” Paliwanag niya sa kapatid.

Tumango lamang ito saka bumalik sa pagsubo ng pagkain at hindi na nagsalita pa. Alam niyang hindi nagustuhan ni Elaine ang nalaman at ayaw nitong sirain ang araw na iyon kaya tumahimik na lang ito.

Pagkatapos nilang mag-shopping at mamili nang mga gamit para sa kanilang mga kapatid ay kinausap siya ni Elaine. Iniwan sila nina Sylvan at Noah dahil pupunta ang mga ito sa wine store na nasa mall habang sila ay nasa isang cafe.

“Ate, seryoso ka ba talaga kay Sylvan?”

Inaasahan na niya ang tanong na iyon ng kapatid kaya alam na rin niya ang isasagot rito.

“Matagal ko nang alam na may asawa siya at bago ko pa maramdaman ang nararamdaman ko ngayon para kay Sylva
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status