Share

Kabanata 5

PAGKAPASOK nila sa restaurant ay nabigla pa si Eliana nang may agad na sumalubong sa kanila na staff. Tuwing umoorder kasi siya sa restaurant na iyon ay sa online platform lang at delivered pa kadalasan kaya hindi siya nakakapasok minsan sa restaurant na iyon.

Noong isang beses na nakapasok siya sa restaurant ay umorder lang siya sa counter ng take out special pork sisig worth 1, 399. That time ay tulad lang siya ng mga ordinaryong customer na pinaglingkuran ng cashier. But with Sylvan now, she felt like they were a VIP guest in the restaurant.

Dinala sila ng staff sa isang table for VIP. Kakain lang naman sila ng dinner pero naka-VIP treatment pa.

“Sylvan, magte-take out na lang ako ng dinner ko. Alam mo bang mahal ang mga dishes dito?” bulong niya sa kasama nang makaupo sila.

Paborito niya ang restaurant na ‘yon kaya alam niyan may kamahalan ang mga pagkain doon. Ang inoorder niya lang kasi sa restaurant na ‘yon ay ang paborito niyang special pork sisig na ang presyo ay katumbas na ng 3 days meal niya. Bumibili lang naman siya ng sisig kapag stressed siya at kapag may extra money pa syempre.

“Order anything you want on the menu, Eliana. It’s on me. Bayad ko na din dahil nag-open up ka sa akin. I feel special because of that.” Nangingiting wika ni Sylvan.

The man in front of Eliana smiled genuinely not knowing that his smile sent an unexplainable feeling inside her.

“Wow,” Eliana flashed a mischievous smile, reaching her eyes. “In that case, ano pa ba ang gusto mong malaman tungkol sa akin? I am willing to share anything kung ganito naman ang kapalit.” Eliana kidded, grabbing the menu laying flatly on the table.

Natatawa na lang na umorder ang dalawa at havang hinihintay ang kanilang order ay nagkaroon si Eliana ng pagkakataon na mapagmasdan ang loob ng restaurant.

“Maganda pala ang loob ng restaurant na ito. Online lang kasi ako umoorder ng pagkain dito kaya di ako nakakapasok dito.” Nilibot niya ng tingin ang buong lugar at napansin niya ang isang litrato sa isang sulok.

Nakalagay ang malaking litrato sa isang lumang frame at makikitang luma na ang litrato. Larawan iyon ng isang pamilya. Nakaupo sa gitna ang mag-asawa. Nakaupo sa kandungan ng ama ang isang batang lalaki habang karga ng ina ang isang sanggol.

“Sila siguro ang may-ari ng restaurant na ito,” turan ni Eliana saka tinuro kay Sylvan ang litrato.

“Sila nga. That is Ama and Inay.” A wistful smile formed on Sylvan’s lips.

“Paano mo nalaman?” Eliana asked out of curiosity. Parang kilalang-kilala kasi nito ang mga nasa litrato.

Sylvan flashed a cryptic smile. “Eliana, what’s the name of this place?”

“Adeu Red. Bakit?”

“And what’s my name?” Sylvan asked again, hinting something.

“Sylvan De Rueda. Bakit ba?” Naiinip niyang tanong rito.

“Wala ka bang napapansin sa pangalan ng restaurant na ito at sa pangalan ko?”

“Wala naman. Anong meron?” Wala pa ring ideya na tugon ni Eliana sa gustong sabihin ni Sylvan.

“Pahiram akong lapis mo,” utos pa nito sa kanya.

Kinuha niya ang lapis sa bag at binigay rito. May sinulat ito sa tissue na kinuha sa tissue dispenser and after a few seconds, binigay nito ang tissue sa kanya.

Binasa niya ang nakasulat rito at automatic na napakunot ang noo niya.

De Rueda – Adeu Red

Iyon ang nakasulat sa tissue. Ilang beses niyang inulit na basahin ang nakasulat bago niya napagtanto ang ibig sabihin noon.

“Oh my God!” bulaslas niya habang tutop ang bibig. “Sa inyo itong restaurant?!”

Paniniguro niya sa natuklasan na kapag binaliktad ang De Rueda ay Adeu Red ang mabubuo na siyang pangalan ng restaurant.

“Kay Papa,” tipid na sagot ni Sylvan dahil ayaw niyang akuin ang pinaghirapan ng kanyang ama.

“Si Mr. De Rueda na nameet ko this morning? Siya ang owner nito?” Hindi pa rin makapaniwalan si Eliana.

“Yes, that’s him and this is just one of of his restaurants.”

“Ang yaman niyo pala talaga.” Amaze na amaze niyang wika dahil hindi siya makapaniwala na bigatin ang kasama niya ngayon. “Kaya pala naka-VIP treatment tayo ngayon. Anak ka naman pala ng may-ari ng lugar na ito.”

“Kaya nga pinaorder ko sa iyo kung ano ang gusto mo . It’s on me.”

“Hindi ba magagalit ang Papa mo?”

“Bakit naman siya magagalit? Pero ko naman ang ipangbabayad ko sa kakainin natin.”

Lumapad ang ngiti ni Eliana.

“Naku, sinimulan mo ang samahan natin bilang architect at engineer na ganito dapat hanggang dulo ito.” Biro pa ni Eliana dahil natutuwa siyang malaman na mabait naman pala ang isang Sylvan De Rueda.

Nang dumating ang kanilang order ay kumain na sila at talagang napakasarap ng mga dishes sa Adeu Red. Hindi naman pala masamang kasama si Sylvan. Akala niya talaga ay suplado ito pero may kabaitan din naman pala. Mas gumaan ang loob niya rito.

Pagkatapos nilang kumain ay binayaran na ni Sylvan ang kanilang bill amounting to 37, 600 pesos.

“Sylvan, hahatian na kita sa bill. Ang laki ng bill natin tapos ikaw lang ang magbabayad.” Pangungulit niya rito dahil hindi siya makapaniwala na ganoon kalaki ang bill nila. Iilang putahe lang naman ang kanilang inorder pero halos pang-tuition na ng mga kapaitid niya ang bill nila.

“Ako ang magbabayad, Eliana. Kung gusto mong bumawi ay ilibre mo na lang ako next time.” Inabot ni Sylvan ang card nito sa staff na agad namang inasikaso ang kanilang bill.

Wala na siyang nagawa nang sabihin ng staff na okay na ang bill nila.

“Babawi na lang ako sa susunod pero ‘wag naman muna dito sa restaurant niyo. Hindi ko pa afford ang presyo ng Papa mo.”

Natatawa na lang si Sylvan habang naglalakad sila pabalik sa kanyang kotse. He never thought that Eliana was this honest to herself. Mukhang madali silang magkakasundo sa project na gagawin nila. All he’s hoping is that hindi maging problema sa kanyang pamilya ang presence ni Eliana sa project na ito. Denisse will be on the hot seat if that happens.

Also, he has to do something to clear Eliana’s name to Alvi’s family. Hindi deserve ng tulad ni Eliana na mas pinili ang pamilya kaysa sa lalaking mahal nito ang lihim na galit ng pamilya ni Alvi. Nauunawaan niya si Eliana sa naging desisyon nito noon at kahit siya ang nasa sitwasyon nito at iyon din ang magiging desisyon niya.

“Salamat sa paghatid.” Inayos ni Eliana ang kanyang nga gamit bago nito binuksan ang pinto para bumaba. Nasa tapat na kasi sila ng kanyang bahay. “Pag-usapan na lang natin bukas ang tungkol sa project.”

“Okay then.” Sylvan smiled, watching Eliana’s evey move. “Pasok ka na.”

“Sige. Good night. Bye.” Kumaway ang dalaga sa kanya bago ito tumalikod at naglakad patungo sa pinto ng bahay nito.

Hindi kalakihan ang bahay na tinutuluyan ng dalaga. May security din ang lugar kaya ligtas ang mga nakatira roon. Tahimik ang paligid at mukhang mababait namang ang mga tao roon.

Muli siyang nilingon ng dalaga at muling kumaway bago ito tuluyang pumasok sa kabahayan. Hindi mawala ang ngiti sa labi niya habang pinapanood ang pagbukas ng ilaw sa buong kabahayan ni Eliana.

Nagmamaneho na siya pauwi ay hindi pa rin mawala ang ngiti niya not until tumunog ang cellphone niya at rumehistro ang pangalan ni Farina sa call register. Ayaw niya sanang sagutin ang tawag ngunit alam niyang hindi siya titigilan ni Farina.

“Farina,” walang buhay niyang bungad sa babae.

“Sylvan, I’m sorry. I was busy last night I was not able to respond to your mail.” Narinig ni Sylvan ang mahinang tugtog sa background ng babae. Itanggi man nito ay alam niyang nasa party na naman ito.

“We can talk now.” Naging malambing at nang-aakit ang boses ng babae na hindi naman niya nagustuhan.

“Just read my mail, Farina. Everything that we need to talk about was already sent to your mail.” He is back to his strict and authoritative voice which he seldom do.

“There’s no need for me to read your mail because we can now talk. I have time now. Tell me what you said in your mail.” Para itong boss niya kung mag-utos kaya mas lalo siyang nainis.

“Farina, there’s nothing for us to talk about. And just to make everything clear to you, we’ve already broke up. I mailed the divorce paper to you so please just sign it.” Pinatay niya ang tawag pagkatapos sabihin ang bagay na iyon kay Farina.

Farina was his soon to be ex-wife. Yes, he’s married but his marriage with Farina was a chaos. Akala niya ay kapag kinasal sila ng babae ay hihinto na ito sa pagmomodelo para mapagtuonan ng pansin ang pagbuo nila ng pamilya. But he was wrong.

They’ve been married for three years but all those years was wasted because of their own careers. Mas marami nga lang ang panahon na malayo si Farina dahil international model ito. Sa tatlong taon na iyon ay tuwing may espesyal na okasyon lamang sila nagkakasama madalas pa ay sandali lang dahil may kanya-kanya silang trabaho.

Last month, he decided to finish everything between them dahil wala din naman patutunguhan ang kanilang pagsasama. Isang buwan na din siyang naghihintay na pirmahan ni Farina ang divorce papers na pinadala niya. Sana naman this time ay pirmahan na ito ng babae para pareho na silang maging malaya at hindi na matali sa kasal na wala namang patutunguhan.

MAAGANG naghanda sa pagpasok sa trabaho si Eliana para maagang makapagcommute patungo sa firm. Wala siyang kotse kaya kailangan niyang maging maaga para maiwasan amg pagdagsa ng mga pasahero sa sakayan.

Dala ang kanyang mga gamit ay nagmamadali siyang lumabas ng bahay. Only to find a familiar car parked in front of her house.

“Sylvan?” pukaw niya sa lalaking nakasandal sa hood ng kotse at abala sa cellphone nito.

Parang tumigil ang pag-inog ng mundo nang tumingin ito sa kanya at ngumiti. Para siyang nasa pelikula kung saan nag-i-slow motion ang lahat para sa kanilang dalawa. Habang nakangiti ito ay wala namang tigil ang abnormal na tibok ng puso niya. Nagpapalpitate yata siya. Kailangan na siguro niyang tigilan ang pagkakapae baka lalong maging abnormal ang tibok ng puso niya.

“Good morning,” bati ni Sylvan saka siya nito pinagbuksan ng pinto ng kotse.

Tila nagising naman sa kanyang pantasya si Eliana. “Anong ginagawa mo dito?”

“Sinusundo ka. Hinatid kita dito kaya susunduin din kita. Kaya tara na.”

“Seryoso ka?” Ayaw niyang maniwala pero mahirap naman na hindi niya paniwalaan kung nasa harap na niya ang ebidensiya. “Kaya ko naman mag-commute.”

“At kaya din kitang sunduin kaya sakay na kasi mamaya ay traffic na.”

Pagkarinig niya ng salitang traffic ay naalarma agad ang utak niya. Mabilis siyang naglakad patungo sa kotse nito at sumakay. Hinintay lang niya na makasakay ito saka sila umalis ngunit bago sila dumiretso sa firm ay dumaan muna sila sa Adeu Red para kunin ang inorder ni Sylvan na breakfast.

“Bakit ang dami naman?”

Napansin niya kasi na hindi lang pang dalawang tao ang mga inorder nito. Para itong magpapapiging sa dami ng inorder na halos mapuno na ang backseat ng kotse nito.

“Para sa team ang iba. Alam ko kasi na magiging busy tayo ngayong maghapon para sa project.”

Napaka-thoughtful naman pala ng engineer nila. Sigurado siyang si Pau ang unang matutuwa sa mga pagkain na inorder ni Sylvan lalo na at galing ito sa gustong-gusto nitong restaurant pero hindi nito afford ang presyo.

Wala pang masyadong traffic nang tahakin nila ang high way. Maaga pa din nang marating nila ang firm at tulsd ng inaasahan niya ay maaaga din na pumasok sa trabaho ang mga kasama niya. That’s what they do every time na may hawak silang project. They are very dedicated with it. Bread and butter nila ang trabaho nila kaya wala silang ibang choice kung hindi ang magsipag.

“Breakfast for everybody!” Anunsiyo niya sa mga kasama at inilahad ang dala nila ni Sylvan na mga plastic bag na may logo ng Adeu Red.

“Architect, seryoso ka?” Si Pau ang unang lumapit sa kanila at hindi makapaniwala na tumingin sa mga dala niya.

Binigay niya rito ang isang plastic. “Mukha ba kaming nagbibiro?”

“Architect, kilala ka namin. Hindi ka marunong manlibre kasi kuripot ka. Anong nakain mo at may pa-breakfast for everybody ka?” Sumunod si Chelsea na nakiusyoso na din sa mga dala nila.

Nilapag nila ni Sylvan ang ibang plastic sa long table na nasa work area nila.

“Kuripot pa rin ako, Chelsea. Di ‘yon magbabago.” She said sarcastically to Chelsea but the latter just laugh. “Binili ‘yan ni Sylvan para sa team dahil concern siya sa vacation house nila na baka di niyo magawa ng ayos dahil sa gutom.”

“Ayy, thank you, Engineer. Sana lahat ng nakakatrabaho naming engineer ay tulad mo. Napaka-thoughtful!” bulaslas ni Pau habang nilalantakan ang isang blueberry pancake at french toast.

“Wala ‘yon. Naisip ko lang kasi na magiging busy tayo nagyong araw kami ni Eliana ng makakain natin.”

“Thank you sa free breakfast, Engineer Sylvan,” Chelsea uttered in between her chewing. “Pero may napansin lang ako.” Tumingin si Chelsea kay Eliana saka lumipat ang tingin kay Sylvan.

Nakaabang naman ang mga kasama nila sa iba pang sasabihin ni Chelsea habang panay ang subo ng pagkain.

“Kailan pa kayo nag-first name basis?”

Nasamid sa sariling laway si Eliana dahil sa tanong ji Chelsea.

“Si Engineer Sylvan lang ang engineer na tinawag mo sa first name niya, Architect,” dagdag pa ni Chelsea na mas nagpasamid sa kanya.

Mas lalo siyang nasamid nang gatungan pa ito ni Pau. “Oo nga, architect. Kahapon ay sabay kayong umalis na dalawa. Saan kayo nagpunta?”

“Ano ba ‘yang mga tanong niyo na ‘yan? Kumain na nga lang kayo.” Kunwari ay galit niyang wika na hindi naman pinansin ng mga kasama.

“Uy, umiiwas ang isa d’yan. Mukhang guilty.” Tudyo pa ni Pau sa kanila.

“What’s wrong with addressing each other with their first name? Matagal tayong magkakatrabaho kaya mas okay kung firs name basis na tayo. Am I right, Eliana?” Binalingan ni Sylvan si Eliana na masama ang tingin sa mga kasama.

“Wala namang mali doon, engineer. Nakakapagtaka lang po kasi na sa dami ng engineers na nakakatrabaho ng team namin at ni architect ay kayo lang po ‘yong tinawag niya ng first name. Kadalasan po kasi ay last name ang ginagamit niya sa aming mga engineers.”Isang pilyong ngiti ang pinakita ni Pau nang tumingin kay Eliana.

Gusto naman nang sakalin ni Eliana ang leeg ni Pau dahil sa kadaldalan nito.

“Huwag kang maniniwala sa mga ‘yan, Sylvan. Wala lang magawa ang mga ‘yan kaya ako na naman ang napagdidiskitahan.” Naiinis niyang wika. “Bilisan ninyong kumain d’yan. Marami pa tayong gagawin.”

Nagtungo na si Eliana sa opisina niya bago pa siya tuluyang mainis sa mga kasama. Pati ba naman ang pagtawag niya kay Sylvan ay napansin pa nang mga ito.

Umupo siya sa kanyang silya at napaisip. Napagtanto niya na tama nga si Chelsea at Pau. Sa lahat ng naging katrabaho nilang engineer ay si Sylvan lang ang tinatawag niya ng first name. Bakit nga ba?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status