Share

Kabanata 6

ABALA sa kani-kanilang mga trabaho ang team ni Eliana nang araw na iyon. Nagsama-sama na sila sa kanilang work area para madali ang kanilang pagpaplano. Maging si Sylvan ay abala din dahil bawat aspeto ng project ay pinag-uusapan nilang mabuti ni Eliana. Natapos ang araw na iyon na lahat sila ay subsob sa trabaho ngunit natapos naman nila ang floor plan ng vacation house. May iba pang dapat gawin ngunit nakausad naman na sila. By next week magsisimula na sila sa construction kaya dapat matapos nila ang lahat ng kailangan para sa construction.

Katulad ng kanyang nakasanayan bago umuwi, pinanood niya ang paglubog ng araw sa tabing dagat. Kukang ang araw niya kapag hindi nagagawa iyon pero nang araw na iyon ay hindi nakisama ang panahon dahil makulimlim at hindi matanaw ang araw sa kalangitan. Kaya bagsak ang balikat niyang umuwi.

Pag-uwi ni Eliana ay kumain lang siya ng take-out na binili niya sa isang food chain na nadaanan niya pauwi. Wala pa siyang extra money para sa special sisig ng Adeu Red dahil kakapadala niya lang ng pera para sa tuition at allowance ng tatlo niyang kapatid na nasa kolehiyo kaya ngayon tamang burger steak na lang muna siya.

Mabilis siyang kumain at naghugas ng kanyang pinagkainan saka nag-shower. Pagkatapos niyang magshower ay tumawag ang Mama niya at tulad ng nakasanayan ay nagkwentuhan lang sila at nagkamustahan.

MAAGA ulit pumasok si Eliana nang mga sumunod na araw para mas marami siyang trabaho na matapos. Katulad nang mga nagdaan na araw ay abala pa rin silang lahat para sa vacation house project ng kanilang boss. Isang linggo silang busy hanggang sa matapos nila ang lahat ng kailangan.

Matapos ang ilang araw na pagpupuyat at pagpapagal para sa big project ay magsisimula na ang construction ng project. Ang team ni Sylvan ang magiging punong abala sa construction ngunit hindi ibig sabihin ay makakapagpahinga na sila dahil kailangan nilang imonitor ang lahat ng may kaugnayan sa project.

“Architect, hindi ka ba sasabay sa amin?” tanong sa kanya ni Pau.

Pupunta sila sa site para sa formal opening ng construction ng vacation house. May kaunting program para sa opening kaya lahat sila ay required na pumunta.

“Susunod na lang ako. Kailangan ko pa kasing dumaan ng bangko.”

Nakatanggap kasi siya ng text mula sa Mama niya na kailangan daw ng kapatid niyang si Elion ng pera para sa internship nito. Magpapadala muna siya ng pera sa ina bago dumiretso sa site.

“Sige, hintayin ka na lang namin doon.”

“Sige.”

Umalis si Pau at naiwan siyang naghahanda ng kanyang mga gamit. Mayroon pa siyang isang oras bago ang program kaya nagmadali na siyang nagtungo sa bagko para magdeposit sa account ng ina.

Gustuhin man niyang online ang bank transfer sy matatagalan pa siya dahil under maintenance ang system ng bangko. No choice siya kung hindi ang magtungo sa bangko ng personal.

Nagpapasalamat na lang si Eliana na kaunti lang ang tao sa bangko at agad naman siyang naasikaso. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang makita si Sylvan sa bangko.

“Hindi lang pala ako ang wala pa sa site ngayon,” turan niya at umupo sa tabi ni Sylvan na abala sa cellphine kaya hindi siya napansin.

“Eliana.” Gumuhit ang kaba sa mukha nito nang makita siya. Tinago nito ang cellphone na animo ay may makikita siya roon na di maganda. “Anong ginagawa mo dito?”

“Magpapadala ako ng pera kay Mama. Ikaw?”

“I’m withdrawing some money.”

Napatango na lang si Eliana dahil may tumawag kay Sylvan na staff ng bangko at kinailangan nitong 3magtungo sa window ng staff na tumawag.

Pinagmasdan niya si Sylvan habang nakikipag-usap sa staff na lalaki. Hindi na siya nagtaka nang iabot ng staff kay Sylvan ang isang brief case na sa tingin niyavay naglalaman ng pera. Bakit kaya ito nag-withdraw ng malaking halaga? Siguro dahil sa vacation house na pinapagawa ng pamilya nito.

Ilang sandali pa ay tinawag na din siya ng isa pang staff para iproseso ang kanyang pagdeposit. Mabilis lang ang naging proseso ngunit mas mabilis si Sylvan dahil nang tingnan niya ang kinaroroonan nito kanina ay wala na ito. Wala na rin ang kotse nito sa parking lot.

Napakibit na lamang siya ng balikat. Hindi naman niya pwedeng panghimasukan ang buhay nito. Nagtungo na lamang siya sa site para makapaghanda para sa program. Pagdating niya roon ay naroon na din si Sylvan kasama ang kanilang boss na pinsan nito.

“Architect Jamilla.”

Napalingon si Eliana nang marinig ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya. Kilala niya ang boses na iyon at hindi siya pwedeng magkamali kung sino ang tumawag sa kanya.

Nakompirma ang nasa isip niya nang makita ang lalaking naglalakad palapit sa kanya na naka-sunglasses upang proteksyonan ang mata laban sa init ng araw. Ang kulay langit nitong damit ay yumayakap sa matipuno nitong katawan at mas nagpatingkad sa kagwapuhan nito.

“Alvi.”

Halos bulong na lamang iyon dahil nang mga sandaling iyon ay hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ang lalaki.

“It’s been a while,” kaswal na wika nito nang huminto sa harap niya. “Didn’t expect you to be here.”

Alvi flashed a cryptic smile, giving her chills as if telling her that she’s in danger.

“Me, neither.” Tanging tugon niya rito. She’s still shocked to see him after many years. “I didn’t expect you to be here.”

Alvi just chuckled and took a sip on the water bottle in his hand.

“Expect the unexpected,” biro pa nito.

“Oo nga. Anong palang ginagawa mo dito?” Sa wakas naitanong niya rin ang nais na itanong kanina pa.

Pakiramdam niya kasi ay naniningil ito sa kanya kaya muling nagkrus ang landas nila ngayon. Siguro ito na ang closure na hinihintay niya.

Hinihintay niya ang sagot ni Alvi nang may tumawag sa pangalan niya.

“Eliana.”

Sa kanan niya ay nakita niyang papalapit si Sylvan sa kanila. “So, you have already met my cousin.” Tukoy nito sa lalaking nasa harap niya.

Gulat na tumingin si Eliana sa dalawang lalaki. “Magpinsan kayo?!”

“Hindi ko ba nasabi sa iyo?” balik tanong sa kanya ni Sylvan.

“Yes, Sylvan. Di mo nasabi sa akin.” Gusto niya itong sakalin dahil alam nito na ex-boyfriend niya si Alvi pero hindi man lang ito nagtanong kung iyong Alvi ba na ex niya ay Mendoza na pinsan nito.

“My bad.” Kaswal nitong wika saka binalingan si Alvi. “Denisse told you?”

“Yeah, she called me yesterday and told me about this. I didn’t expect that you would actually do this after what happened.”

Hindi alam ni Eliana kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa kaya hindi siya nakikisabat sa mga ito. Hindi pa rin kasi maproseso ng utak niya na magpinsan ang dalawa. Ibig sabihin ay kapatid ng boss niya ang ex niya at ang ginang na nakausap nila bago magsimula ang project ay ang ina ni Alvi.

Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil sa nalaman. Bakit ba hindi niya naisip na posible nga na magkamag-anak ang mga ito dahil sa pareho nilang mga last name. DM firm ang pinagtatrabahuhan niya which stands for Denisse Mendoza and Alvi is a Mendoza.

“This is my job, Alvi. No one can stop me from earning money.” Tinabihan siya ni Sylvan saka inabot ang dalang bote ng mineral water. Medyo mainit sa site dahil 10 in the morning na at ang program gaganapin ng 11:30. “Alvi, this is Architect Eliana Jamilla. Siya ang head architec at interior architect ng vacation house.”

Walang reaksiyon si Alvi sa pagpapakilala ni Sylvan sa kanya. Paano nga naman ito magrereact, eh magkakilala naman na sila.

“Eliana, let me formally introduce my cousin—”

“No need for introductions, Sylvan. We both know each other.” Nakita niya ang pagngisi ni Alvi na tila nainis ito sa sinabi niya. “He’s my ex-boyfriend.”

“Yeah, that’s me.” May himig nang pang-aasar na wika ni Alvi na sinundan ng mahinang pagtawa nito. “And dude, you already know her. Nakalimutan mo na ba na siya ang babaeng—”

“Siya ang babaeng minahal mo.” Pagpapatuloy ni Sylvan ngnunit hindi napansin niya ang pagtagis ng bagang nito nang putulin ang iba pang sasabihin ni Alvi. “We all know that.”

Ang kaninang kalmado at kaswal na Alvi ay nagbago ang ekspresyon ng mukha nang tapunan ng masamang tingin si Sylvan. Madilim ang mukha nito at bakas ang galit sa mukha. Nagbalik sa kanyang alaala ang mga panahon na nasa kolehiyo sila at lagi itong napapaaway dahil hindi niyo kayang kontrolin ang galit. Isa din s amga dahilan kung bakit ayaw rito ng mga magulang niya.

Sa isang iglap ay natawid ni Alvi ang pagitan nito at ni Sylvan at bigla na lang ay kwinelyuhan nito ang pinsan. Natutop niya ang bibig sa gulat at nabitiwan pa ang hawak na bote ng tubig.

“Alam mo kung ano ang ginawa sa akin ng babaeng ‘yan! Bakit siya pa ang kinuha ninyo para gawin ang project na ito?!” Alvi’s jaw was clenched and his face turned red in anger while holding Sylvan’s neat collar.

Napaisip naman siya sa sinabi ni Alvi na ginawa niya rito. Sa pagkakatanda niya ay wala siyang masamang ginawa kay Alvi maliban sa pakikipaghiwalay rito. Masama pa rin ba ang loob nito dahil sa bagay na iyon? She was sad knowing the effect of her decision to Alvi. Hindi naman na sila nagkausap pagkatapos niyang makipaghiwalay rito.

Si Sylvan naman ay tumawa lang ng mahina at hindi pinatulan si Alvi. Nanatili itong kalmado kahit na hawak ni Alvi ang kwelyo nito.

“Alam ko kung anong ginawa niya sa iyo, Alvi. Alam na alam ko ang lahat ng ginawa niya sa iyo.” May panunuyang wika ni Sylvan. Sinasadya ba nito na galitin si Alvi. “How about her? Does she know everything that you did to her?”

Hindi niya maintindihan kung ano ang tinutukoy ng dalawa ngunit isa lang ang tiyak niya, na siya ang pinag-uusapan ng mga ito.

“Tumigil na nga kayong dalawa. Pinagtitinginan kayo ng mga tao,” she hissed at the two.

“I am not doing anything here, Eliana.” Sylvan put his two hands in the air to show her that he’s not doing anything.

Galit na tumingin sa paligid si Alvi at napansin nga nito na nakatingin na sa kanila ang mga tao kabilang na ang papalapit na si Denisse at ang ina nito.

“Alvi!”

“Kuya!”

The two approaching woman yelled. When Alvi noticed them he let go of Sylvan’s collar and fixed it as if nothing happened. Sylvan just smirked and distanced himself from Alvi but she didn’t expect him to pull her towards him as if protecting her. From what?

“What’s happening here?!” Louisse, Alvi’s mother, angrily asked but her eyes were darted at her.

Bakit parang siya ang may kasalanan?

“Tita, there’s just a misunderstanding here. Akala ni Alvi ay sinadya kong kunin si Eliana na maging architect ng project.” Sylvan explained.

Bakit ba big deal sa mga ito na maging architect siya ng vacation house ng mga ito? Bakit parang ayaw ng mga ito sa kanya at parang may lihim na galit ang mga ito sa kanya?

Louisse shifted her gazed to Denisse who just smile mischievously.

“Explain.” One word from Louisse but it gave Denisse shivers down her spine.

“Kuya, ako ang kumuha kay Eliana para maging architect ng ating vacation house.” Denisse stated, hoping it will calm his brother.

“And why did you do that, Denisse?! You know what she did to me!” Alvi’s angry voice caught the people’s attention including Sylvan’s father who rushed towards them.

“I know what she did to you, Kuya, but I also know her capabilities as an architect and I trust her skills. That’s the reason why I chose her. Labas ang personal na bagay sa trabaho, kuya.” She didn’t expect their boss would defend an employee like her.

“You betrayed me!” Dinuro ni Alvi si Denisse. “You all betrayed me!”

Napaatras siya nang itapon ni Alvi ang bote ng tubig na hawak nito. Muling bumalik sa alaala niya ang isang beses na magalit noon si Alvi at muntik na siyang mapagbuhatan ng kamay kung hindi lang noon dumating si Elaine.

She grabbed Sylvan’s arm unconsciously when that memory flashed in her mind. Nabuhay ang takot niya at ang kaba sa dibdib niya nang tapunan siya ng masamang tingin ni Alvi.

“You ruined my life, Eliana! You ruined me!”

Those words echoed in her mind before everything went black. The last thing she heard was Sylvan’s concern voice and his strong arms wrapped around her.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status