Share

Kabanata 7

NAGISING si Eliana na mabigat ang pakiramdam at masakit ang ulo. Pagmulat niya ay agad siyang napakunot ng noo dahil hindi pamilyar sa kanya ang silid na kinaroroonan. Sigurado siysng wala siya sa ospital dahil hindi naman kulay abo ang pintura ng mga hospital. Nilibot niya ang paningin ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya makilala ang silid maging ang kama na kinahihigaan.

Napadako ang kanyang tingin sa couch na nasa tapat ng kama na kinahihigaan at nakita niya ang nakahiga na si Sylvan. Nakatakip ang braso nito sa mga mata at ang manggas ng damit nito ay nakalilis hanggang siko. He looks so tired.

“Sylvan,” pukaw niya rito na agad na tumunghay nang marinig ang boses niya. “Anong nangyari?” tanong niya rito.

“Hinimatay ka kanina. Kumusta ang pakiramdam mo?” Nag-aalala nitong tanong saka bumangon at pinagsalin siya ng tubig sa baso.

Nang makita niya ang tubig ay nakaramdam siya ng uhaw kaya kinuha niya iyon at uminom. Habang umiinom ay naalala niya ang ground breaking ceremony ng construction ng vacation house.

“Anong nangyari sa ground breaking?” usisa niya rito nang umupo ito sa dulo ng kama.

Bakas ang pag-aalala sa mukha nito habang nakatingin sa kanya. She felt nervous by the way he looked at her.

“The program went well so don’t worry too much. Magsisimula na bukas ang construction.” Sylvvan sighed, “Pero mas makakabuti siguro kung sa office ka na muna for the meantime. Ako na bahala mag-update sa iyo about sa construction at kung may iba pang concern.”

Tama nga ang nasa isip ni Eliana. May hindi magandang nangyari nang mawalan siya ng malay.

“Dahil ba kay Alvi?”

Sylvan lowered his head and nodded. “Hindi mo na kailangan pang malaman ang nangyari kanina. Magpahinga ka na lang. ‘Yon ang kailangan mo sabi ng doctor. You pushed yourself to your limit these past few days. Overfatigue daw kaya ka nawalan ng malay. Hindi matutuwa ang parents mo kapag nalaman nila ang nangyari sa iyo kaya ingatan mo ang sarili mo, Eliana.”

Para siyang nagkaroon ng instant family sa mga sinabi ni Sylvan. For the past few years, ngayon lang may nag-alala sa kanya kapag nagkakasakit siya. Dati kasi ay siya lang ang nag-aasikaso sa sarili niya kapag nagkakasakit siya. Not unless, hindi na talaga niya kaya ay tinatawagan niya si Pau or si Chelsea.

“Salamat sa pag-aalala, Sylvan, pero hindi ko pwedeng pabayaan ang trabaho ko. At alam kong alam mo kung bakit.”

“Because of your family,” wika nito na may lungkot sa mga mata.

“I have a family to support at hindi dahilan ang oagod para tumigil ako.”

“Sarili mo na ang napapabayaan mo, Eliana. Paano mo sila susuportahan kapag katawan mo na ang sumuko?”

She was left speechless on what he said.

“Hindi masama ang tumulong sa pamilya, Eliana.” Sylvan moved closer to her, grabbing her hand resting above the white blanket. “Pero hindi din masama ang magpahinga. The doctor said you need to rest and you will do that.”

There was finality in his voice when he said that.

“Paano ang project kung magpapahinga ako? Baka tanggalin ako ni Denisse sa project kapag hindi ko nagawa ang trabaho ko.”

“Don’t worry about that. I can handle the project. For the meantime, you need to rest at kapag hindi ka sumunod ay sasabihin ko sa parents mo ang nangyari sa iyo.”

“No! Don’t do that.” Ayaw niyang mag-alala ang Mama at Papa niya sa kanya. Ayaw niyang mabagabaga ng mga ito sa kalagayan niya dahil sigurado siyang pati kalusugan ng mga ito ay maaapektuhan.

“Then do what I say. Rest.” Hindi na niya ito kinontra at sumunod na lamang.

Mas mapapagod lang siya kapag nakipagtalo sa isang Sylvan De Rueda. Magpinsan nga sila ni Alvi parehong dapat nasusunod ang gusto. Ang pinagkaiba lang ay mas kalmado si Sylvan kaysa kay Alvi.

Muli niyang naalala ang galit ni Alvi bago siya nawalan ng malay sa site. Binalingan niya si Sylvan na abala sa cellphone nito.

“Sylvan,” tawag niya rito na agad namang tumunghay para tingnan siya. “Anong nangyari kanina sa site? Galit na galit si Alvi.”

“Eliana, huwag matigas ang ulo.” Sylvan’s voice held a warning.

“Gusto ko lang malaman kung anong nangyari sa site? Please...” Pangungulit niya rito na napabuntong hininga na lang dahil sa pakiusap niya.

“Alvi got mad. Pakiramdam niya ay trinaydor siya ng pamilya niya for hiring you. Denisse explained to him everything at mukhang naging kalmado na din naman siya nong dumating ang girlfriend niya,” kwento ni Sylvan.

There a pain in her chest when she heard that Alvi has already a girlfriend. Bakit siya nasasaktan? She already moved on.

“Ganoon ba?” mahina niyang wika, “Your cousin is still mad at me for what I did before.”

Her lips curled upward in a closed-mouth smile not reaching her eyes.

“Wala kang ginawang mali para ikagalit niya, Eliana. You only did the right thing and I will never let my cousin hurt you because of his useless anger.” May diin at galit ang mga salita ni Sylvan na hindi niya alam kung saan nanggagaling.

“Hindi ko naipaliwanag nang maayos sa kanya ang dahilan ng paghihiwalay namin noon. Ang alam niya ay nakipaghiwalay ako dahil ayoko na sa kanya.”

“Do you still love him?”

Nagulat siya sa naging tanong ni Sylvan. For a few moments there, she was left out of words to answer that question. Mahal pa ba niya si Alvi?

Hinanap niya sa puso ang pagmamahal na dating nararamdaman para kay Alvi. Hinanap niya ang saya kapag nakikita niya ito. Hinanap niya ang kakaibang bilis ng tibok ng puso sa tuwing naririnig ang boses nito.

And all of a sudden, a melancholy smile hinted memories in her head. There’s a pain in her heart when she learned about Alvi having a girlfriend because for her it was unfair on her side. Nagawa nitong magka-girlfriend havang siya ay ilang taon na nakokonsensiya sa ginawa niyang pakikipaghiwalay rito.

“You still love him.” Si Sylvan na ang sumagot sa tanong nito dahil hindi siya agad nakasagot.

“I don’t love him anymore, Sylvan.” Natatawa niyang wika rito na kinunutan lang siya ng noo dahil hindi naniniwala sa sinabi niya.

“I am telling the truth,” depensa niya sa sarili. “Hindi ko na mahanap sa puso ko ‘yong dating saya at pagmamahal na naramdaman ko sa kanya noon.”

“What did you feel when you saw him at the site?” Para siyang nasa hotseat sa mga tanong ni Sylvan pero sa di niya malamang dahilan ay nag-eenjoy siya sa mga tanong nito.

“Honestly, I was shocked when I saw him again after many years. Hindi ko ineexpect na magkikita kami sa ganoong lugar at mas nagulat ako nang malaman kong pinsan mo pala siya.” Pinaningkitan niya ng mata si Sylvan na ngumiti lang sa kanya.

Natigilan siya nang bumilis ang tibok ng kanyang puso. His smile. It brought something inside her that made her heart beat fast.

“To be honest, I you knew from the very first time I saw you on the pantry.” Sinungaling. Sa tabing dagat mo siya unang nakita, hindi sa pantry. Sylvan ignored his inner thought and continued talking. “Kaya tinanong kita kung alam mo ang pinapasok mo.”

“Kaya pala napaka-weird mo n’on. Medyo nakakatampo na hindi mo sinabi noong una pa lang na kamag-anak ka ni Alvi pero sa kabilang banda ay okay lang din dahil wala naman magbabago eh.” Binuntutan niya ito ng mahinang tawa. “Sigurado ako na kilala ako ng buong pamilya ninyo dahil hindi ko makakalimutan kung paano ako tingnan ng Mama ni Alvi at ng Papa mo. Masama ang tingin nila sa akin non. May ginawa ba ako sa pamilya niyo para magalit sila sa akin?”

Sylvan didn’t respond. He just look down at the sheet of his bed and let out a sigh. He was saved by the bell when his door rang.

“That’s probably our food.” Agad na tumayo si Sylvan at lumabas ng silid para kunin ang inorder nitong pagkain.

Naiwan si Eliana na may katanungan pa rin sa isipan na hindi nasasagot. May galit nga ba ang pamilya ni Alvi sa kanya? Dahil ba sa pag-iwan niya rito noon?

Sumasakit lalo ang ulo niya sa pag-iisip at kahit humiga siya at pumikit ay hindi naman na siya makakatulog kaya umahon na lamang siya mula sa kama. She went to the huge glass door at the right of the bed leading her to the adjacent veranda.

She surprised when she saw the sun slowly kissing the horizon. Ang ganda ng view ng sunset sa veranda ni Sylvan. Kitang-kita mula doon ang unti-unting pagsasanib ng araw sa hangganan na kanyang natatanaw.

Nakakainggit naman ang view sa bahay ni Sylvan. Parang ang sarap magmuni-muni sa lugar na iyon tuwing lulubog ang araw.

Ang tagal pala niyang nawalan ng malay. Mabuti na lang kasama niya si Sylvan baka kung saan siya pulutin kung hindi ito nagmagandang loob na tulungan siya.

Nang mawala sa paningin ang araw at nabalot ng dilim ang paligid ay napagdesisyunan niyang lumabas ng silid. Paglabas niya ay sumalubong sa kanya ang malawak na hallway na may isa pang kwarto sa dulo nito. Sa kabila ng hallway ay natanaw niya ang handrail ng isang hagdan.

Tinahak niya ang hagdan pababa at dinala siya nito sa malawak na living area kung saan mayroong malaking telebisyon sa harap ng L-shaped na couch.

Sa kaliwa ng hagdan ay may pasilyo patungo sa kusina kung saan nakita niya si Sylvan na naghahanda ng mesa.

“Tulungan na kita,” presenta niya saka lumapit rito para kunin ang hawak nitong dalawang plato na agad namang inilayo ni Sylvan.

“Ako na.” May diin ngunit malumanay nitong wika. “Sit down and let me finish what I am doing.”

Nilapag ni Sylvan ang mga plato sa mesa at bumalik sa island counter para kunin ang mga inorder na pagkain na nakalagay na sa bowl.

“Tutulong lang naman eh.” Reklamo pa niya ngunit sumunod na lang din sa utos nito.

Umupo siya sa bakanteng upuan at kinuha ang tasa na may mainit na kape. Natakam siya sa aroma ng black coffee kaya humigop siya para magising ang kanyang buong katawan.

She took another sip and another until her throat was satisfied with the hot and well-blended coffee. Hihigop pa sana siya nang mapansing niyang nakatingin sa kanya si Sylvan na may nakakalokong ngiti sa labi.

Muli na namang bumilis ang tibok ng puso ni Eliana nang makita ang ngiti ni Sylvan habang nakatingin sa kanya. Bigla siyang nakaramdama nang init kahit fully air-conditioned naman ang bahay kaya pinaypayan niya ang sarili gamit ang kamay.

“Eliana, that’s my coffee.”

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya sa sinabi nito. Napapahiya siyang inilapag ang tasa ng kape sa mesa.

“Sorry, natakam ako sa amoy ng kape eh,” aniya.

“It’s okay.” Kinuha ni Sylvan ang tasa saka humigop roon. “Ipagtitimpla na lang kita.”

Gustong magwala ng puso ni Eliana sa ginawa ni Sylvan. They just had an indirect kiss through that lucky cup of coffee.

Eliana chuckled when Sylvan took another sip of coffee. Hindi na niya kayang pigilin ang kilig na nararamdaman niya nang mga oras na ‘yon.

“Why are you happy?” tanong nito.

“We just.. ahm..” Hindi niya masabi rito ang nasa isip kanina dahil alam niyang it was a childish idea.

“What is it, Eliana?”

Tinuro niya ang tasa ng kape na hawak nito. “We.. uh.. I took a sip from that cup and you took a sip.. so we had.. uh..”

“Indirect kiss?”

Pakiramdam ni Eliana ay umakyat lahat ng kanyang dugo sa mukha at sigurado siyang pulang-pula ang mukha niya.

Hindi naman napigilan ni Sylvan ang mapangiti nang makita ang pamumula ni Eliana. Hindi niya akalain na ganoon ang magiging reaksyon nito sa ginawa niyang pag-inom sa tasa na ininuman nito. She’s exquisite in her own way.

“You’re blushing,” he teased her. “Indirect kiss pa lang ‘yan. Paano pa kapag..” Sylvan leaned towards her.

Hindi nakakilos si Eliana nang biglang bumaba ang mukha ni Sylvan sa tapat ng mukha niya. She could hear her pounding heart as his scent filled her nostrils. He smells great.

“Kapag?” Eliana managed to ask, swallowing the lump in her throat.

“Kapag direct kiss na.”

Slowly, Sylvan’s face drew closer towards Eliana and she can’t move away because at some point she likes it. She likes being close with Sylvan. That little distance between them makes her heart race and excited at the same time. She likes the feeling when she’s with Sylvan.

Sylvan halted when they’re lips were few centimetres away from each other. A small, subtle smile played at the edges of his lips.

“We’ll get there, Eliana. We’ll get there.” Sylvan stepped back and occupied the vacant seat across Eliana, leaving the latter anticipating.

Eliana, on the other hand, was disappointed. Her face was filled with annoyance as she glared at Sylvan.

“Kumain na tayo bago pa lumamig ang pagkain.”

Naiinis man ay hindi na lamang nagpahalata si Eliana. She was really anticipating that kiss but she also reprimanded herself for being so desperate. Kumain na lang siya dahil galing Adeu Red ang mga inorder ni Sylvan.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na siya kay Sylvan para umuwi. Ayaw pa siya nitong payagan dahil baka daw mawalan ulit siya bg malay pero hindi naman pwede na magpalipas siya ng gabi sa bahay nito. Kapag tumawag ang mga magulang niya at nalaman na wala siya sa ay mag-aalala ang mga iyon.

Hinatid na lamang siya nito pauwi dahil naiwan sa site ang kotse niya. Walang nagsasalita s a kanila habang nasa biyahe hanggang sa makarating sila sa inuupahan niya.

“Salamat,” aniya bago niya binuksan ang pinto ng kotse para bumaba.

“Susunduin kita bukas kaya hintayin mo ako.”

“Oo na.” Ginawa naman siya nitong bata na pinagbibilinan bago iwan sa school. “Sige na. Good night.”

Ang totoo ay ayaw niya pang matapos ang araw na iyon na kasama si Sylvan.

“Good night, Eliana.”

Lihim niyang minura ang sarili matapos kiligin nang sambitin ni Sylvan ang pangalan niya. Iba ang epekto sa kanya kapag sinasambit nito ang pangalan niya. There’s something in the way he utters her name that makes it so special in her ears.

Saka lamang siya pumasok sa kabahayan nang matiyak na nakaalis na si Sylvan. Hawak pa jiya ang puso na abnormal na naman ang tibok nang makapasok sa kabahayan.

“Kailangan mo talagang magpahinga, Eli.” Kausap niya sa sarili bago niya sinimulan ang kanyang evening routine.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status