Share

Kabanata 9

TINAPOS lang ni Eliana ang trabaho niya nang araw na iyon bago siya umuwi. Ayaw pa siyang pauwiin nina Mark at Pau dahil sa kondisyon niya na namamaga ang pisngi at putok ang gilid ng labi. Gusto ng mga ito na dalhin muna siya sa ospital ngunit siya na ang tumanggi.

“Ice pack lang katapat nito at pahinga,” aniya nang pilitin siya ng mga ito na magtungo sa ospital.

Habang papauwi siya ay ilang beses na tumawag sa kanya si Sylvan ngunit hindi niya sinasagot ang tawag nito dahil ayaw niya pa itong makausap mula nang malaman niyang may asawa na ito.

Kumain lang siya ng hapunan at nakipagkwentuhan sa kanyang Mama ngunit tiniyak niya na hindi makikita ng mga ito ang kanyang mukha. Mabuti na lang hindi nakahalata ang kanyang ina. Pagkatapos nilang magkwentuhan ay hindi siya agad dinalaw ng antok kaya nilibang na lang niya ang sarili.

Nanonood siya ng TV habang nasa pisngi ang isang ice pack para mabawasan ang pamamaga nito nang may marinig siyang katok sa pinto. Nang buksan niya ito ay hindi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status