Share

Kabanata 7

NAGISING si Eliana na mabigat ang pakiramdam at masakit ang ulo. Pagmulat niya ay agad siyang napakunot ng noo dahil hindi pamilyar sa kanya ang silid na kinaroroonan. Sigurado siysng wala siya sa ospital dahil hindi naman kulay abo ang pintura ng mga hospital. Nilibot niya ang paningin ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya makilala ang silid maging ang kama na kinahihigaan.

Napadako ang kanyang tingin sa couch na nasa tapat ng kama na kinahihigaan at nakita niya ang nakahiga na si Sylvan. Nakatakip ang braso nito sa mga mata at ang manggas ng damit nito ay nakalilis hanggang siko. He looks so tired.

“Sylvan,” pukaw niya rito na agad na tumunghay nang marinig ang boses niya. “Anong nangyari?” tanong niya rito.

“Hinimatay ka kanina. Kumusta ang pakiramdam mo?” Nag-aalala nitong tanong saka bumangon at pinagsalin siya ng tubig sa baso.

Nang makita niya ang tubig ay nakaramdam siya ng uhaw kaya kinuha niya iyon at uminom. Habang umiinom ay naalala niya ang ground breaking ceremony
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status