Share

CHAPTER XXXVI

Penulis: itisarchaeous
last update Terakhir Diperbarui: 2022-07-01 22:11:34

ROUGJAN AISLINN ALLEJO

“Ayos ka na ba?” tanong ni Alec nang makapasok kami sa kwarto matapos niyang linisin ang sugat ko.

“Oo pero hindi pa pala ako naglunch. Kumain muna tayo sa labas,” saad ko saka tumayo, kaagad naman siyang sumunod para umalalay sa akin pero nagsabi akong ayos lang.

Pagbukas ko sa pinto ay kaagad kong narinig ang usapan nina Aillard at Dieosh mula sa couch.

“Baliw. Paano kung may nangyaring masama ro’n?” saad ni Aillard. Napatigil din si Alec sa tabi ko saka nilingon ang dalawa.

“You’re really inlove, huh?” giit ni Dieosh.

“Baliw,” yamot na sabi ni Aillard. “Magpahinga ka na nga ro’n sa kwarto mo.”

“Don’t change the topic,” pang-aasar ni Dieosh kay Aillard. “Alam mo namang alam mo na yung sagot niya kung sakaling sabihin mo ulit sa kaniya yung nararamdaman mo.” Hahakbang na sana ako ng tuluyan palabas pero napatigil ako. Mukhang alam ko ang pinag-uusapan nila. Pumihit ako papasok sa kwarto.

“Mamaya na lang,” mahinang sabi ko kay Alec na ikinatango niya.

“Decisions can be change if we want to,” huling narinig ko sa sabi ni Aillard bago isara ni Alec ang pinto.

“Do you think they’re talking about you?” tanong ni Alec nang maupo sa tabi ko. Tumango ako sa kaniya.

“You know the reason why I keep my distance to all you, right?” Tumango siya. “I’m trying to get distant especially to Aillard so that he can forget that feelings pero bakit parang hindi yata gumagana?”

“Feelings is really weird and mysterious, minsan kahit malayo sa’yo yung gusto mo parang lalo ka pang nahuhulog.” Napatingin ako sa kamay ko nang maalala ang isang tao.

“Oo nga pala, nasaan na yung bracelet mo? Hindi mo na sinusuot,” puna niya.

“Ah, nawawala,” palusot ko. Akala ko ay nakalimutan na nila ang tungkol doon, naaalala pa pala niya.

“Oh, sayang, bagay pa naman sa’yo. Saan ba galing y—.” Kaagad akong napakilos at sumampa sa kama para mahiga.

“Magpapahinga na lang muna ako,” saad ko sa kaniya para maiwasan ang itatanong niya sana.

“S-Sige, matulog ka muna. Iihi lang ako saglit.” Tumango lang ako saka tumalikod ng pwesto.

Sana lang ay hindi na siya mag-usisa ulit tungkol do’n.Paggising ko ay naabutan ko si Alec na natutulog sa tabi ko. Hinayaan ko lang siya at hindi na inistorbo pa. Bumangon ako para sumilip sa labas, hindi naman malalim ang sugat ko kaya ayos lang, medyo makirot nga lang.

Paglabas ko sa sala ay wala akong naabutang tao, marahil ay nasa kwarto sila. Naupo ako sa couch at ilang saglit lang ay lumabas si Alec sa kwarto namin.

“Kagigising mo lang?” tanong nito sa akin habang pinapagpagan ang suot niyang damit. Naka-uniform pa rin siya.

“Oo.”

“Lumabas si Aillard, pumunta sa headquarters nila kanina. Kumusta yung sugat mo?”

“Ayos lang, hindi naman malala. Pumasok ka na sa next subject, baka bumaba ka sa ranking kapag laging absent,” giit ko.

“Hmm, sige,” sagot niya saka naupo sa tabi ko.

“Kain tayo?” Tumango lang ako saka kami pumunta sa lamesa at naghalungkat ng makakain sa ref.

Ilang saglit matapos naming kumain ay tumunog na ang bell kaya nagpaalam na si Alec, sakto namang lumabas si Dieosh sa kwarto.

“Oh, si Alec?”

“Kalalabas lang, papasok na ulit. Nasa headquarters si Aillard.” Hindi siya sumagot saka nagbukas sa ref at uminom ng tubig.

“May kutob ka kung sinong gumawa niyan sa’yo?” tanong niya na ikinailing ko.

“Wala. Ni hindi ko nakita ang itsura pero babae siya.” Natigilan ako nang maramdaman ang mahinang kuryente sa daliri ko. “Saglit, iihi lang ako.” Tumango siya kaya tumayo ako saka dumiretso sa kwarto at pumasok sa banyo, soundproof dito.

“Emergency…” Narinig ko ang boses ni Black pero kaagad ding naputol iyon. Mabilis akong lumabas ng C.R saka kinuha ang maskara sa ilalim ng kama.

“Jade, locate Black’s location,” saad ko saka nagflash sa lens ng maskara ang mapa.

“Approximately 60 meters distance. System can’t reach his audio.” Itinago ko ang maskara sa bag saka lumabas.

“Punta lang ako sa office, may gagawin pa ako,” pagdadahilan ko kay Dieosh.

“May sugat ka, hindi ba pwedeng magpahinga ka muna?”“Babalik din ako kaagad,” giit ko saka lumabas na sa dorm.

Sumakay ako kaagad ng elevator saka nagmamadaling pumasok sa isang silid sa first floor. Nagpalit ako ng damit saka isinuot ang maskara. Maingat akong nagtago sa mga puno habang tumatakbo at sinusundan kung nasaan si Black hanggang sa matanaw ko ang mga nagtatakbuhan. Natanaw ko ang isa sa kanila, si Aillard. Pagtingin ko sa unahan ay may mga tumatakbo ring nakasuot ng hoodie.

“Throw a sleep bomb,” rinig kong sabi ni Black mula sa earpiece. Sa wakas ay nagsalita rin siya. Bumunot ako ng isang bomba sa direksiyon nina Aillard saka tumakbo papunta sa direksiyon ng mga tumatakbong Black Blood Fangs. “Black located,” saad ng boses ni Jade saka nagscan sa harapan ko, nasa unahan siya at mukhang hinahabol ng mga nasa harapan ko.

“Jade, aim a target,” saad ko saka huminto at nagsalang ng palaso sa pana.

“Target unstable. Target locked, release.” Kaagad kong ipinunto iyon sa target saka tinamaan ang isa sa kanila.

Bahagya silang napatigil at lumingon sa akin kaya nagbato ako ng smoke pellets. Kumapal ang usok sa paligid pero malinaw ko pa rin silang nakikita dahil sa thermal scanner ng lens ng maskara ko. Nakahinto sila at nakaamba.kaya naman tumakbo ako sa kaliwang direksiyon at saka nakita si Black.

“Why are they after you?” tanong ko kay Black habang tumatakbo kami palayo.

“I got this paper.” Ipinakita niya sa akin ang isang papel na nakatupi.

“Ano ‘yan?”

“I don’t know…” Binuklat niya iyon saka binasa.

“Lord Lantis is suspicious, investigate him.”

“What? Sino naman ang nag-abot niyan sa kanila?” tanong ko saka kinuha ang papel sa kaniya at binasa mismo ang nakasulat doon.

“I don’t know.” Natigilan kami nang makita ang apat na taong nasa harapan namin. They were wearing a black hoodie. Black Blood Fang.

“Iligpit niyo na.” Napatingin ako sa itaas ng puno. Kilala ko ang boses na iyon. Si Vanadey.

“Sh*t. Careful, L.A,” paalala ni Black saka nagbato ng smoke gas. Kaagad kong inihanda ang polymer stick ko saka kinuryente ang isa sa kanila.

“F*ck!” sigaw ng babae. Napalingon ako sa likuran ko nang maramdaman ang nasa likod ko, muntikan na akong hampasin nito pero napatumba siya kaagad ni Black.

Unti-unting nawala ang usok saka nakita ang babaeng nasa harapan ko, nagpupumilit siyang lumaban pero malakas ko siyang itinulak saka ako lumayo. Nanlaki ang mata ko nang makita ang mukha sa loob ng hoodie na iyon.

“L-Louise…” bulong ko.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Where Lie Lies   CHAPTER LIII

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO“What’s happening here?” Napalingon ako sa tabi ko nang makitang lumabas na si Ms. Quihado sa library at napaatras nang makita si Francie na nakahandusay. “Oh my gosh!”“We just did our job, Ms. Librarian,” giit ng isang lalaki saka tumingin sa akin. “Do you know her?” Kaagad akong umiling sa lalaki at pinilit na huwag iwasan ang nanunuring tingin niya. Paghihinalaan niya ako kung magkataon.“Ikaw? Napansin mo ba ang babaeng ‘to sa loob?” tanong ng isa pang lalaki.“No, hindi ko siya nakita, makikita ko naman siya agad kung pumasok siya sa loob. Nakita ko lang siya no’ng lumabas na bago niyo barilin,” pagkukwento ni Ms. Quihado saka lumingon sa akin. “Hindi mo rin siya napansin?”“No. I was busy with my paperworks,” pagsisinunga

  • Where Lie Lies   CHAPTER LII

    ROUGJAN AISLINN ALLEJOPinilit kong tumakbo palayo kahit na sobrang sakit ng likod at braso ko maging ang likuran ng tuhod ko na sinipa ng kasama ni Louise. Natigil lang ako sa pagtakbo nang matanaw si Lantis na nakasuot naman ng pulang jacket at itim na cap. Mabilis naman siyang tumakbo papunta sa direksyon ko saka maingat na hinawakan ang kamay ko.“You fought with them?” kaagad nitong tanong. “Ano pang masakit?”“Wala na,” sagot ko sa kaniya. Kita ko ang pag-aalala sa mukha nito kahit na nakasuot siya ng facemask.“I’ll carry you. I know you can’t walk properly.” Nabigla ako nang buhatin niya ako paharap.“Kaya ko pa naman maglakad...” Baba sana ako pero bigla kong naigalaw ang kaliwang braso ko kaya sumakit lalo ‘yon.“Rouge, huwag na makulit,” seryoso siyang tumingin sa akin.Nag-iwas na lang ako ng tingin saka tumango kaya naglakad na siya. Paminsan-minsan ay tumitingin siya sa akin kaya naman itinago ko ang mukha ko sa bandang balikat niya para hind ko na rin makita ang mukha n

  • Where Lie Lies   CHAPTER LI

    ROUGJAN AISLINN ALLEJOAfter we saw the smoke outside, hindi ako masyadong mapakali. Hindi ko alam kung bakit. Pagpasok namin ni Alec sa kwarto ay napahigpit ang hawak ko sa doorknob nang marinig ang malakas na pagsabog.“Ano ‘yon?” Gulat din si Alec kaya lumabas ulit kami sa kwarto at naabutan si Aillard na nakatayo at nakatunghay na rin sa bintana.“Anong nangyayari?” tanong ko saka lumapit sa kaniya para sumilip din.“Oh my gosh.” Parehas kaming nagulat ni Alec nang matanaw ang Serpent Blood Camp na nasusunog ang ibabang parte.“Nagkakagulo na sila sa labas,” ani Aillard. “Let’s go. Silipin natin sa labas. Magsuot na lang tayo ng mask.” Tumango ako saka umalis para humanap ng mask saka binigyan sila.Nauna si Aillard na lumabas kasunod kami. Pagkatingin namin sa Veil Circle ay nakita namin ang nagkalat na mga students. I can hear some screams.“Sino na naman kaya ang may gawa niyan?” tanong ni Alec.“I don’t know...” sagot ko. Nilingon ako ni Alec kaya napatingin ako sa kaniya.“Ma

  • Where Lie Lies   CHAPTER L

    ROUGJAN AISLINN ALLEJOI've been avoiding my traumatic past for years, but now it's coming back to haunt me. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang makaharap ang isa sa mga lalaking kinamumuhian k. Si Eris Sandiego. Alam kong nakita ko na siya kanina bago pa lang kami pumasok sa loob ng room pero hindi ko siya nakilala kaagad dahil sa totoo lang ay gustong-gusto ko nang kalimutan ang mga mukha nila. At sana nga lang talaga ay hindi ko na naalala pa ang itsura niya.“Love…” I heard Lantis’ voice trying to talk to me. Nagpatangay na ako sa kaniya kanina palabas sa room na ‘yon, tulala lang ako habang nakatitig sa kawalan. Parang nagsasarado ang mga tenga ko at unti-unting humihina ang pandinig ko. “I’m here.” Naramdaman ko ang mainit na yakap niya.Namalayan ko na lang ang sarili kong umiiyak sa harapan niya habang nakayakap nang mahigpit sa kaniya at nakakapit ang kamay ko sa likuran ng damit niya. I don't know why, but in his arms, I feel secure. This genuine sense of safety seems

  • Where Lie Lies   CHAPTTER XLIX

    AILLARD LLZALDENang makaalis si Rouge kasama ang isang Black Knight na naghatid sa kaniya ay nagbihis lang ako saglit bago lumabas ng dorm papunta sa headquarters dahil nga may urgent matter daw. Pagkarating ko sa office ay kaunti lang ang Black Knights sa loob kaya dumiretso ako sa office ni Bronimir. May mga papeles sa ibabaw ng table niya at isang maliit na sticky note sa ibabaw.‘We’ll capture her and then you will kill her.’Kaagad na napakunot ang noo ko nang mabasa ang nakasulat sa papel na ‘yon. Kinuha ko iyon saka lumapit sa drawer niya at naghalungkat ng mga gamit. I didn’t saw any strange things except for one thing. Nang kapain ko ang isang coat na nakasabit sa pader ay nalaglag ang isang papel. Nakalukot na pabilog ang papel na iyon kaya dinampot ko saka nabasa ang nakasulat.‘Kill the members of the council’Lalong napakunot ang noo ko nang mabasa ang sulat na ‘yon. Hindi kaya ito yung note na nakita ni Rouge noon kaya siya idiniin sa kaso sa muntikang pagpatay kay Lord

  • Where Lie Lies   CHAPTER XLVIII

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO Natapos din ang usapan namin kagabi ni Lantis dahil minabuti kong pumasok na sa kwarto matapos tawagan ulit si Alec para kumustahin. Pinili ko na lang din na putulin ang usapan namin dahil sa titig pa lang niya ay nanghihina na akong harapin lalo ang katotohanan sa nararamdaman ko at sa magulong sitwasyong nangyari sa akin. Kinabukasan ay nagising na lang ako nang may kumatok sa pinto, si Alec. Nang makita ko si Alec ay kaagad akong yumakap sa kaniya. “Ayos ka lang? Sinong kasama mo?” tanong ko sa kaniya saka sinuri siya. “I’m fine.” Saglit siyang yumakap sa akin kaya iginiya ko siya sa sala para makaupo siya sa couch. Pumunta naman si Lantis sa pinto para sumilip doon at isinara rin pagkatapos. “Ikaw lang ang pumunta rito mag-isa?” Tumango si Alec sa akin. “Mabuti na nga lang at nawala na yung usok. Ang daming mga nakahandusay sa labas.” Napayuko siya. “Nasaan si Aillard? Wala pa rin siya?” Kaagad akong umiling sa kaniya bilang pagsagot. “Maybe we should

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status