Home / Romance / Whirlwind Marriage: Tying the Knots with Mr. Billionaire / Chapter 1: Cheated on by the Fiancé? Change the Groom!

Share

Whirlwind Marriage: Tying the Knots with Mr. Billionaire
Whirlwind Marriage: Tying the Knots with Mr. Billionaire
Author: Twinkling Stardust

Chapter 1: Cheated on by the Fiancé? Change the Groom!

last update Last Updated: 2024-06-24 19:54:36

“BAWAL na magkita ang bride at groom bago sila ikasal kinabukasan, ’di ba? Bakit pupuntahan mo pa si Alex?”

Kausap ni Serena si Hanni sa kabilang linya habang naglalakad siya patungo sa hotel kung saan nanunuluyan si Alex, ang fiancé niya. Dahil sa kabilang city pa ang pamilya ni Alex, nag-decide siya na sa hotel na muna ito patuluyin. Siya ang nagbayad dahil malaki na ang gastos ni Alex sa kasal nila. 

“That's just an old myth, Hanni. Tsaka kailangan ko kasing hingin ang suggestion ni Alex para sa ihahabol na giveaways para sa reception. Alam mo naman na bukas na ang kasal namin,” sagot ni Serena. 

“O sige. Mag-iingat ka. Lapitin ng disgrasya ang mga ikakasal. Bye, Serena!”

Pinatày din ni Hanni ang tawag at si Serena naman ay dire-diretsong nagtungo sa hotel room ni Alex. Ngunit habang papalapit siya, parang may naririnig siyang kakaibang ingay.

Bakit parang may umuungól? 

Dahil hindi nakalapat ang pagkasara ng pinto, lumapit si Serena sa kwarto at doon, nasaksihan niya ang kawalanghiyaan ni Alex! 

“Ah... Alex, sige pa. More, please. Malapit na ako... Ahh...”

Nakapulupot sa balikat ni Alex ang dalawang binti ng babae habang mabilis naman na kumikilos si Alex sa ibabaw nito. 

“Malapit na rin ako... Damn... Sabay tayo, babe... Ahh!”

Napatda na lang si Serena habang nakatitig sa ginagawa ni Alex. Hindi kaagad rumehistro sa utak niya ang panloloko nito. 

Ikakasal na sila bukas, hindi ba? Bakit ganito? Bakit siya nito niloko? 

Nangilid ang luha sa mga mata ni Serena at dahil sa panghihina, nabitiwan niya ang clutch bag na bitbit na nagsanhi ng ingay. Napalingon si Alex at nanlaki ang mga mata nito pero patuloy pa rin ang ibabang bahagi ng katawan nito sa paggalaw. 

“Serena? Shit, I'm close. Yeah, that's it. S-Serena, it's not what you think!”

Pagkatapos ni Alex makaraos, agad nitong hinablot ang kumot na nasa gilid at binalabal sa katawan habang ang babae naman na nasa kama ay nakangisi sa gawi ni Serena. 

Anong it's not what you think? Tingin ba nito ay bulag siya? 

“I'm just testing this matress kung matibay ba.”

What the heck? Umurong yata ang luha niya sa narinig! Nasisiraan na ba talaga ng bait 'tong si Alex? 

“Tingin mo mauuto mo ako, Alex? Walanghiya ka, bukas na ang kasal natin pero nagawa mo pa 'to sa akin! Hayop ka!”

Lumapit si Serena rito at hinampas ang dibdíb ni Alex. Dumaan ang inis sa mukha ni Alex kasabay ng paghuli nito sa kamay niya. 

“Galit ka? Kung sana kasi pumayag ka na sa gusto ko, hindi ako maghahanap ng iba? Tapos ngayon ako pa ang mali? Ang arte-arte mo kasi! Ikakasal na tayo pero holding hands lang ang gusto mo! Púta, lalaki ako, Serena! May pangangailangan ako!”

“Wala akong pakialam sa pangangailangan mo! Ngayong niloko mo ako, hinding-hindi kita mapapatawad!”

Ngumisi si Alex sa kanya. “Kahit anong galit mo sa akin, tuloy pa rin ang kasal. Hindi na pwedeng iurong iyon dahil pareho nating pamilya ang apektado.”

Nablangko ang isip ni Serena. Totoo ang sinasabi nito. Hindi na pwedeng iurong ang kasal. Pero kahit na! Hindi siya papayag na maikasal kay Alex kahit anong mangyari! 

“Bakit hindi mo na lang kalimutan ang nakita mo? Or better yet, join me, Serena? I-advance na natin ang honeymoon.”

Dahil sa matinding galit, kumawala si Serena sa pagkakahawak sa kanya at sabay niyang sinipa ang gitna nito. Napaluhod si Alex at dumaing ng sakit. Dinampot ni Serena ang bag na nasa lapag at mabilis na tumakbo palayo.

‘Hayóp ka, Alex! Walanghiya! Bastos!’

Sa pagmamadaling makaalis, halos hindi na tumitingin sa dinaraanan si Serena kaya may nabunggo siyang tao. 

“Sorry po—”

“Are you Alex’s fianceé?”

Napaangat siya ng tingin at bumungad sa kanya ang gwapo ngunit mukhang masungit na lalaki. Naka-3 piece suit ito at parang galing yata sa meeting. Napakurap ang mga mata ni Serena noong ma-realize ang sinabi ng lalaki. Kilala siya nito? 

“Alex is having an affair with my girlfriend. Did you catch them that's why you're running away?”

Ano raw? Itong lalaking kaharap niya ay boyfriend ng babaeng kasama ni Alex?

“Boyfriend ka nung babae?”

Tumango ito. Imbes na maawa dahil pareho sila ng sinapit, pinanliitan niya ito ng mata. “Haliparot ang girlfriend mo!”

Nabigla si Serena noong tumikwas ang gilid ng labi nito at mahina itong tumawa. 

“You're interesting.”

Pumalatak si Serena at nag-decide na lagpasan ito ngunit hinawakan siya nito sa braso. “Do you have time? Why don't we talk for a minute?”

“Anong sasabihin mo?” Hindi malaman ni Serena kung bakit siya napapayag ng lalaki na magtungo sa coffee shop ng hotel at kausapin ito. 

“Are you still marrying that man?”

Humalukipkip siya at umiling. “Pagkatapos kong mahuli na niloko ako? Of course not! Mabuti na lang at hindi pa kami kasal kaya hindi ako nakatali sa kanya.”

But the problem is, Serena knows that she couldn't call off the wedding. Anong gagawin niya? 

“Do you want to change the groom? Then... Why don’t you consider me, Miss? Marry me.”

Napaangat ng tingin si Serena at umawang ang bibig dahil sa tinuran ng lalaking kaharap. Ngayon niya pa lang ito nakilala, hindi ba? Kasal kaagad ang inalok nito sa kaniya?

“Kasal? Inaaya mo akong pakasal? E hindi nga kita kilala tsaka anong mapapala mo kung pakakasalan mo ako?”

“Accept my proposal then I'm gonna explain things to you why I need to marry you. And if you wanna know my name, I'm Kevin Xavier Sanchez.”

Kevin Xavier Sanchez? Saan niya nga ba narinig iyon? Pamilyar ang pangalan... Ah, sa susunod na niya iisipin iyon! 

Mas lalo yata siyang naguluhan sa sinabi nito. Kapag pumayag siya sa alok, saka pa lang sasabihin ang dahilan. Sumakit yata ang ulo niya lalo! 

Ngunit kung iisipin, ay kailangan niya ng groom... 

Papayag ba siya? 

Nagtaas ng tingin si Serena at saktong pinagmamasdan din siya ni Kevin. Nang magtama ang tingin nilang dalawa, ngumiti ito na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso niya! 

Saglit siyang natulala dahil talaga namang guwapo si Kevin. Parang greek god na bumaba mula Mt. Olympus kung idi-describe ang itsura nito. Kaya hindi niya ma-gets kung bakit niloko pa ito ng girlfriend at pumatol sa ex-fiancé niya na wala naman sa kalingkingan ni Kevin. 

“May I know your decision?” 

Para siyang nahihipnotismo na tumango sabay... 

“P–Pakakasal na ako sa 'yo!” kaagad niyang tugon. Huli na para bawiin ni Sera ang nasabi. 

Gumuhit ang misteryosong ngiti sa labi ng lalaking kaharap niya na siyang nagpalunok kay Serena. 

“Good decision. Tomorrow, you’ll be my wife.”

Tama ba ang desisyon niya? 

*****

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
SQQ27
Ay gagi d pala nakikita ang emojis hahaha
goodnovel comment avatar
SQQ27
............️...️
goodnovel comment avatar
Adora Miano
oh yeah excited to basahin
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Whirlwind Marriage: Tying the Knots with Mr. Billionaire   250

    250.“Director Esmond, ano bang mali sa sinabi ko?” Tumingin si Nicole na parang inosente. Matagal na niyang alam ang selfish na feelings ni Gaven para kay Reola. Dahil malinaw na sa kanya yun, tuluyan na siyang sumuko matapos masaktan nang paulit-ulit at nagdesisyon na umalis nang walang pagdadalawang-isip.Nagkatitigan si Esmond at Nicole. Wala siyang makuhang impormasyon mula sa kanya, pero hindi na rin siya nagtanong pa. Para bang may iniisip siya.Habang mabigat ang hangin sa loob ng kwarto, biglang may kumatok sa pinto. Napakunot ang noo ni Esmond. Pinabantayan na niya yung pinto para walang istorbo, pero kumindat siya sa tao at pina-check kung sino.Pagkabukas ng pinto, nandoon si Serena, galit na galit, at tumitig kay Esmond. “Yulya, do you care about your son or not?”Galing lang sa banyo si Serena mula sa ward ni Nicole. Pagbalik niya, nakita niyang nakatayo si Gaven sa labas, binabantayan ng dalawang malalaking lalaki. Hindi na niya napigilan ang inis at tinawagan agad si Y

  • Whirlwind Marriage: Tying the Knots with Mr. Billionaire   249

    249.Nang sabihin niya iyon, parang hindi makapaniwala si Gaven. Tinitigan niya si Nicole na parang naglalagablab ang mga mata, halos mag-apoy. Ang mga kamay niya ay nakadiin sa sahig, lumilikha ng tunog na parang nabibitak. Mas lalo pang gumanda ang ngiti ni Nicole: “What? You think my words are rude and you want to hit me?”Galit na galit si Gaven, hingal na hingal at pulang-pula ang mga mata, malamig at matalim ang tingin. Bigla niyang hinablot ang panga ni Nicole, pinisil nang mariin at galit na galit na sabi: “Nicole, bakit hindi ka na lang tumama ng ulo sa pader noon at namatay ka na sana!”Hinila ni Nicole ang kamay niya palayo, tinaas ang buhok at ipinakita ang pula at bilog na peklat sa noo na kasing laki ng barya. Saglit na dumaan ang kirot sa mga mata niya. Ang isa niyang kamay na nasa ilalim ng kumot ay nakapikit nang mahigpit, bumaon ang mga kuko niya sa palad pero hindi man lang niya namalayan. Ngumiti siya at sinabi: “Gaven, kalalabas lang sa internet ng issue mo tungko

  • Whirlwind Marriage: Tying the Knots with Mr. Billionaire   248.

    248.“Chiles, please don’t be in any danger.” Mahigpit na yumakap si Mirael sa leeg niya at mahina ang boses. Kinuha na ng Discipline Inspection Commission si Gaven para imbestigahan, at natatakot siya na baka pati si Chiles ay may mangyari rin.“Don’t worry, it’s not that easy to deal with the Sanchez.” Kalmado ang mukha ni Chiles. Noong may alitan siya kay Mary, nagbago ang ugali ng Old Commander Evangeles—mula sa suporta naging hindi na sang-ayon sa kanya. Alam niyang balang araw kikilos din ang pamilya Evangeles. Sunod-sunod na ring may nangyaring problema. Ngayon, si Reola ang nagpasimula at diretsong kinuha para imbestigahan si Gaven. Ibig sabihin, may kasunod pa itong mga galaw. Pero hindi papayag ang Sanchez na basta na lang sila pabagsakin.“Chiles, it’s not that I don’t trust you, it’s just that I’m scared.” Hinawakan ni Mirael ang malaking kamay niya at ipinatong iyon sa kanyang tiyan. “Naniniwala ako na magiging safe si Kuya Gaven sa huli, at alam ko rin na kaya mong ayusi

  • Whirlwind Marriage: Tying the Knots with Mr. Billionaire   247.

    247.“Okay, Chiles, ikaw na ang sumama kay Mirael at kumain. Ako naman titingnan ko kung gaano na karami ang nutrient solution na nakuha ni Nicole. Kevin, pumunta ka muna sa rest room at maghintay sa akin sandali.” Kinuha ni Serena ang dalawang lunch box mula sa kamay ni Chiles at iniabot kay Kevin, tapos lumakad papunta sa ward ni Nicole.Hinawakan ni Chiles ang ilong niya, saka tumingin kay Kevin na nakasunod kay Serena dala ang lunch box. Pagkatapos ay pumasok siya sa ward ni Mirael.“You’re here!” Pagkakita ni Mirael na si Chiles ang pumasok, agad siyang natuwa at mabilis na umupo.“Well, I’m here.” Nilapag ni Chiles ang lunch box sa bedside cabinet, niyakap siya ng mahigpit at hinalikan ng marahan sa pisngi. “I’m sorry, honey, napahirapan ka.”“I’m fine…” ngumiti si Mirael at niyakap din siya sa baywang. Ramdam niya ang init ng katawan nito kaya nakaramdam siya ng kapanatagan.“Tumawag si Mom at sinabi niya sa akin.” Binitawan siya ni Chiles, hinawakan ang kamay niya at hinalikan

  • Whirlwind Marriage: Tying the Knots with Mr. Billionaire   246.

    246.“Bakit mo pinapadaan pa sa kuya mo yung regalo para kay Reola?” malamig ang tono ni Esmond, may halong sarkasmo at galit. Halatang hindi sinabi sa kanya ni Reola ang buong totoo at may tinago pa.“Gusto rin kasi ng kuya ko si Reola, pero siya yung kasama ko noon. Kahit magkapatid kami, kailangan ko pa rin siyang paalalahanan, ‘di ba?” diretsong sagot ni Chiles, at may bakas ng galit na unti-unting lumalabas sa mga mata niya.Kung totoo nga ang sinabi ni Chiles, hindi sapat yung mga record ng mamahaling gamit na binibili ni Gaven taon-taon bilang ebidensya. Pati na yung recordings ni Reola na nagpapahayag ng feelings niya, kulang para patunayan na may niloloko siya. Kahit gusto siyang ilagay sa double supervision, kailangan pa rin ng malinaw at matibay na ebidensya.“Chiles, you’d better make sure na lahat ng sinasabi mo ay totoo.” Malamig ang tingin ni Esmond. Tinanggal niya ang sunglasses niya at tinitigan si Chiles ng matalim.“Mr. Esmond, kung convenient lang, ngayon na nakita

  • Whirlwind Marriage: Tying the Knots with Mr. Billionaire   245

    245.Nang magising si Mirael nang madaling-araw, nandoon na agad si Lorelei sa tabi niya. Pagkakita niyang gising na si Mirael, agad niyang kinuha ang almusal sa bedside table at paulit-ulit na nagtanong: “How are you? Are you feeling better?”Dahil sa nangyari kahapon, sobra siyang balisa at nag-aalala. Nanganak kasi si Mirael ng wala sa oras, kaya halos hindi siya iniwan ni Lorelei sa tabi.“Okay lang.” Ngumiti si Mirael at umiling, sabay hinaplos nang marahan ang tiyan niya. Natakot din talaga siya sa nangyari kahapon.“You, you almost scared me and Aunt Serena to death yesterday.” Hinila ni Lorelei ang kamay niya at hinawakan ang noo niya na parang naiiyak. “Thank goodness you’re okay.”“Sorry kung nag-alala kayo.” Mahinang ngiti ang pinakawalan ni Mirael. “Where’s Mom?”“Pumunta siya sa kabilang ward para alagaan ang hipag ko.” Sagot ni Lorelei habang lumingon sa pinto. May kumatok at pumasok—isang nurse na dumating para mag-check. Pagkakita niyang gising si Mirael, ngumiti siya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status