Pinag-iisipan ko kung si Chiles (anak ni Serena at Kevin) ang next ko rito kaso iniba ko na yung kwento nun. Unlike before na veterinarian siya, iibahin ko yung buong plot. Di ko lang sure kung payag kayo huhu. The story will be dramatic pa rin naman. Iniisip ko pa lang huhu. I don't know kung itutuloy ko ba.
Pumunta si Chastain sa isang ospital sa Sahara City, at matagal ang inabot ng mga pagsusuri. Medyo may awa ang tingin ng doktor sa kanya habang tinanong siya, “Ms. De Jesus, pwede ka pa rin magbago ng isip ngayon. Pero kapag lumaki na ang bata, baka huli na ang lahat para pagsisihan mo.”Paulit-ulit namang kinumpirma ni Patricia, “Gusto ko ang batang ‘to, kailangan ko siyang iluwal!”Kaya napilitan na lang ang doktor na sumunod. Pagkatapos ng pagsusuri, sinabi ng doktor na mas mabuting magpaiwan siya sa ospital ng isang gabi habang hinihintay ang resulta. Kailangan nang umalis ni Chastain, kaya ang mga tauhan na lang niya ang tumulong kay Patricia sa pagproseso ng pag-admit sa ospital.Sa parte kung saan ilalagay ang “guardian,” hindi niya alam kung sino ang isusulat. Sa huli, isinulat niya ang pangalan ni Daemon. Kasi anak niya ‘yon... Si Daemon na sobrang pamilyar pero parang ang layo na. Anak nito ang nasa tiyan niya, pero bakit parang sobrang layo ng pagitan nila?Nasa VIP ward si
Chapter 102TAHIMIK lang ang buhay sa tinutuluyan nila. Kain, tulog, nood ng TV, basa ng libro. Wala na masyadong gulo mula sa labas, kaya parang payapa at maganda ang lahat. Pero pati painkillers, itinigil na ni Patricia. Kaya kapag sumasakit ang tiyan niya paminsan-minsan, sobrang tindi ng sakit.Patuloy pa rin siyang kumakain ng maayos, pero kahit anong gawin niya, hindi pa rin siya tumataba. Sa halip, unti-unti pa siyang pumapayat.Yung dating bilugang mukha niya sa salamin ay lumiit na at nawala na rin ang double chin niya…Napangiti na lang siya ng mapait sa harap ng salamin. Noon, sobrang gusto niyang pumayat! Sobrang inis siya noon sa katawan niyang mataba, at naiinggit siya sa mga babaeng kahit kain nang kain ay pumapayat pa rin.Pero ngayon, natupad nga ang pangarap niyang “kumain nang kumain pero pumapayat pa rin,” pero hindi siya masaya kahit konti.Baka kapag tuluyan na siyang pumayat, saka naman darating ang kamatayan.Ilang araw ding hindi dumalaw si Chastain. Baka iniw
Pero bakit, kahit ito hindi niya magawa?At para pa ito sa anak nila ni Daemon…Pakiramdam ni Chastain parang nawawala na siya sa katinuan… Para sa isang batang hindi pa nga nabubuo nang buo, handa si Patricia na isakripisyo ang isang buhay para sa batang hindi naman nito kilala!Nakakatawa naman ‘yon!“Desidido na ako. Kung hindi mo talaga kayang suportahan ang desisyon ko, pwede mo na lang akong ibalik at ako na ang bahalang magdesisyon sa mga susunod.” Malamig ang boses ni Patricia, malamig din ang tingin niya, pero halata sa kanya na buo na ang loob at hindi na magbabago pa.“Patricia, tanga ka ba? Akala mo ba magaling ka sa ginagawa mo? Ang anak mo, lalabas siya sa mundo na walang nanay. Baka tawagin pa niyang nanay ang ibang babae. Sa tingin mo magiging masaya siya?!”Natigilan si Patricia sa sinabi ni Chastain. Oo nga… lumaki siyang walang nanay, at sobrang lungkot noon. Pero nabuhay siya hanggang 25, nakilala niya ang taong minahal niya at ang taong nagmahal sa kanya at nakita
Chapter 101Nag-isip muna ang doktor bago tuluyang nagsalita. "Ms. De Jesus, sa totoo lang, wala namang malalang problema sa kalagayan mo. Pero… may nakita kaming sintomas ng pagbubuntis sa katawan mo… Alam mo bang buntis ka?""Buntis?!" Parang sumabog ang utak ni Patricia at tuluyang natulala!Sunod-sunod na ang mga hindi kapani-paniwalang nangyayari kamakailan… Buntis siya?Napaisip siya, at bigla niyang naalala ang gabing magkasama sila ni Daemon sa hotel… Baka naman talaga nabuntis siya nung one-night stand na 'yon?!Magulo ang isip niya… Dati ang gusto lang niya ay gumaling, pero ngayon may bata na sa tiyan niya?!Nakita ng doktor ang gulat sa mukha ni Patricia at napagtanto niyang hindi talaga ito alam, kaya napabuntong-hininga na lang siya. "Ms. De Jesus, diretso na akong magsasabi. Kung gusto mong ituloy ang gamutan, siguradong hindi mo na magagawang ituloy ang pagbubuntis. Hindi pa kasama ang operasyon, baka sa gamot pa lang ay hindi na kayanin ng katawan mo.""At saka, nagpa
"Matagal na kitang hinahangaan. Galing ka sa negosyanteng pamilya, pero mas brutal ka pa kesa sa mga gangster. Pero ngayon, bigla kong naisip na gaya ka lang din nito. Kahit gaano ka pa kasindak-sindak, may katapat ka pa rin. Puro ka nalang laban at pagyayabang." Pagkatapos sabihin 'to, ngingiti si Chastain at ipinikit ang mga mata, "Daemon, kung alam mo kung saan ang problema, unahin mo munang ayusin 'yon. Kahit mahanap mo pa si Patricia, ano naman? Sa tingin ko kung babalik siya ngayon, mawawala ulit siya, at sa susunod... walang katapusan 'yon..."Lalo pang kumunot ang noo ni Daemon. Sa galit, sinipa niya ang mesa at ang malakas na ingay ay nagpatigil sa mga katulong sa paligid. Pero hindi tumigil si Chastain, "Hindi ko naman siya kinuha. Pwede mo akong patayin o putulin-putulin kung gusto mo. Pero kahit anong gawin mo, hindi siya babalik." Sa isip ni Chastain, alam niyang si Patricia ang pumunta sa ospital kahapon. Ang mga taong sumunod sa kanya ay pinagtatrabaho na ng mga tau
Chapter 100PAGKABABA ni Patricia ng sasakyan, lumingon siya sa paligid at napansin niyang talagang walang tao. Pero sa dulo ng kalsada, may isang bahay na may ilaw, parang lumang European church na medyo luma na.Nangunguna si Chastain sa paglalakad habang sinusundan siya ni Patricia hanggang sa makarating sila sa maliit na western-style na bahay.Pagpasok nila sa loob, agad na bumungad ang mainit na hangin, maliwanag ang mga ilaw, at may lumapit agad para alisin ang coat ni Patricia. May nag-abot din ng tsinelas sa kanya. Para siyang si Alice sa Wonderland, hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Nakakapanibago talaga.Hindi man sobrang mamahalin ang disenyo sa loob ng bahay, pero sobrang kumportable ito. Malaki rin ang bahay, may tatlong palapag at bawat palapag ay may lima o anim na kwarto. Dinala siya ni Chastain sa pinaka-loob na kwarto sa unang palapag at binuksan ang pinto.Maliwanag ang kwarto, may European-style na double bed, pero kaunti lang ang gamit. Sa south side, may ma
Halos tapos na ang lahat ng mga medical test, at sobrang pagod na si Patricia. Mula simula hanggang dulo, sinamahan siya ni Chastain hanggang matapos ang lahat ng pagsusuri. Tinitingnan ni Patricia isa-isa ang mga resibo ng bayarin at bahagyang kumunot ang noo niya. Sa nakaraang dalawa o tatlong buwan, tumaas ang sahod niya at may naipon din siya, pero ang gastos sa ospital parang walang katapusan, at ang sahod niya parang wala lang.Baka pag nagtagal pa ang gamutan, hindi na talaga ito sasapat...Napansin siguro ni Chastain kung anong iniisip ni Patricia kaya medyo natawa siya sa loob-loob niya, pero seryoso siyang nagsalita, “Wag mo na munang intindihin ang gastos sa ospital. Pahihiramin kita sa natitirang halaga. Di mo na kailangang magbayad ng mataas na interes, sapat na yung ayon sa bank interest. Kapag gumaling ka na, saka mo na lang bayaran.”Hindi tumanggi si Patricia, tumango lang siya at nagsabi ng, “Salamat…”Kahit pilit niyang matutong maging matatag, hindi naman siya ganun
Chapter 99KINAGABIHAN, pagkatapos ng trabaho, nakatanggap ng tawag si Patricia mula kay Daemon. Gaya ng dati, gamit pa rin nito ang tono na parang hindi puwedeng tumanggi. “Pumunta ka sa kumpanya ko.”Medyo nagulat si Patricia. “’Di ba sabi mo, uuwi ka pa after one week?”Tumahimik ang kabilang linya sandali bago sumagot si Daemon na medyo awkward ang boses, “Maaga akong nakabalik. Huwag ka nang maraming sinasabi, pumunta ka na lang.”Kahit medyo nagtataka si Patricia, sumagot pa rin siya ng, “S-Sige.”Pagkatapos no’n, binaba na agad ni Daemon ang tawag. Wala na itong narinig kundi ang busy tone. Hawak pa rin niya ang cellphone habang tulala, hindi pa rin talaga siya makatanggi kay Daemon. Kung ganito nang ganito, hindi niya alam kung kailan pa siya tuluyang makakaalis sa sitwasyon nila. Baka nga wala na talagang paraan.Habang kumakaway siya ng taxi sa gilid ng kalsada, biglang tumunog uli ang cellphone niya. Pagtingin niya, hindi pamilyar ang number. Napaisip siya, kahit pinalitan
Ang "ligaw na multo" ay parang biro lang na description para kay Paris! Talagang napaisip si Patricia kung may utang ba siya sa babaeng ito sa nakaraang buhay at kaya ngayon ay ginagambala siya nang ganito.Nang mga oras na ‘yon, nakita rin ni Paris si Patricia na papalapit. May halong yabang at kulit ang ngiti sa mukha niya. Lumapit pa siya at nagtanong, “Ano po bang hilig ni Miss Hennessy? Gusto ko po kasing isulat at pag-aralan mabuti pag-uwi ko. Siya po kasi ang nagbigay sa akin ng trabaho, kaya talagang iingatan ko ito!”Hindi makapaniwala si Patricia. Dahil ba kay Hennessy kaya nakapasok si Paris sa kumpanya? Paano sila nagkakilala?Pero hindi naman siya masyadong naging palakaibigan kay Paris. Malamig ang pakikitungo niya rito, katulad ng dati niyang pagtrato sa mga assistant. Medyo iritable pa nga siya sa pagiging madaldal nito.Kung siya ang papipiliin, hinding-hindi niya pipiliin si Paris, na puro salita lang at walang totoong galing. Pero saktong nadaanan ni Hennessy ang int