Just got home from school huhu. Mabilisang update once again. Thank you for the nice reviews. My heart is so full. 🫶 Kakikita ko lang po. Maraming salamat. Next update siguro mga nasa 8 or 9 PM. —Twinkle ×
“PASENSYA na pero hindi ko talaga kilala ang sinasabi mong Hanni. And I'm not Serena. Cinder ang pangalan ko. Pakitandaan sana 'yan.”Iyon ang sinabi ni Cinder kay Yves. Pumayag siyang makipag-usap dito noong makita na parang kailangan talaga nito ng kausap. Ayaw pumayag ng mga bodyguards na kausapin niya si Yves ngunit sinabi niya na kaibigan ito ni Kevin at mukhang mapapagkatiwalaan naman. Pinauwi niya ang mga bodyguards dala ang mga pinamili niya at sinabi na sunduin na lang siya sa oras na bibigay niya. Ayaw muli nilang pumayag ngunit noong pakitaan ni Cinder na kaya niyang patiklupin ang tatlo, naniwala na sila na kaya niyang protektahan ang sarili. Noong makaalis sila ay pumasok muli si Cinder at Yves sa mall at sa first floor kung saan malapit ang entrance, doon sila umupo at nag-usap. Nagkwento si Yves tungkol sa almost girlfriend nitong si Hanni na tatlong taon nang nawawala kasabay ng ex-wife ni Kevin na si Serena. Yves believes that she's Serena hence the conversation r
MABILIS na binaba ni Cinder ang cellphone, pinasok iyon sa bulsa bago siya patalon na bumaba sa big bike. Maging si Hyan, sinipa ang stand ng motor para Mag-stand iyon at bumaba rin. Nasa harapan nila ngayon si Agent Eros but the real name is Chlymate, and Agent Thanatos also known as Chrysalis. Ang dalawang lalaki ay kapatid ni Chlyrus. “Cinder! We missed you so much, Princess!” bumaba ang dalawa sa kanya-kanyang motor at hinubad ang helmet. Pagkatapos noon ay niyakap nila ang pinsan na si Cinder. Tinapik naman nila sa balikat si Hyan bilang pagbati. “Bakit kayo humarang sa daan? Hindi n'yo ba alam na muntik na akong hindi makapagpreno? Paano kung bumunggo ako sa inyo?” reklamo ni Hyan. “Nah, in the end, hindi ka naman bumunggo so it's okay, Hyacinth,” ani Eros. Inirapan ito ni Hyan at naglakad papunta sa motor nito. Humarap namang muli ang dalawa kay Cinder at nagtanong. “Are you going to Kuya's house? It's a coincidence na doon din kami papunta. Tara, Cinder? Sa akin ka na su
HINDI kilala ni Kevin ang dalawa ngunit ramdam niyang ayaw sa kanya dahil sa tinging binibigay sa gawi niya. Umawang ang bibig ni Kevin noong buksan ng isa ang gate at hatakin siya papasok. Ang mga tauhan naman na dala ni Kevin ay nakasunod kay Kevin kaya nakita nila ang nangyari. “Bitiwan mo ang boss namin!” sigaw ng isa sa kanila. Hindi pinagtuonan ng pansin ng dalawang lalaki ang sigaw ng tauhan ni Kevin kaya ang ginawa nila, nagpumilit din pumasok habang hawak ang kani-kanilang baril. Mabuti at wala namang pumipindot ng gatilyo dahil nasa loob pa rin sila ng bakuran ng ibang tao. “You're Kevin? Matagal ka na naming gustong makilala,” pero sa tono naman ng lalaking nagsalita na si Thanatos, ramdam ang pinipigil na galit. Pagkatapos sabihin 'yon, hinarap nito at ng isa pa nitong kasama ang mga tauhan ni Kevin at wala pa sigurong minuto, bagsak ang pitong guards ni Kevin habang ang mga baril nila, nasa gilid. Ngayon, hinarap ng dalawang lalaki si Kevin at ang isa sa kanila, hina
NAKALAYO na si Cinder at Kevin. Pumasok na ang dalawa sa kotse nang lumabas mula sa pinagtataguan si Hyan. Tinanaw niya ang kotse kung saan sakay ang kasamang si Cinder. Noong dumating si Kevin, nanatili si Hyan sa loob ng first floor at binantayan niya lang ang kilos ng lalaki hanggang sa makita nga ito ni Cinder at sumama ang babae rito. Pagkatapos nilang umalis, tinungo ni Hyan si Eros at Thanatos na ngayon ay nagsisikuhan. “Bakit hindi mo pinigil si Cinder? She went with that motherfúcker!” anas ni Than. “Do you think Cinder will like that if we stop her? Alam mong 'pag pinigil siya sa gusto, mas malakas pa ang tantrums niya kesa sa anak niya. Remember when she splashed us with ice water just because we refused to buy her things? She can be a brat sometimes,” naiiling na ani Eros. Kung tutuusin ay kaya naman talaga nilang pigilan si Cinder pero mas takot sila na sumama ang loob nito kaya sa huli, hinayaan na lang nila na sumama ito kay Kevin.Sinilip naman ni Hyan ang mga tao
DAHIL sa naging tanong ni Antigone, hindi mapigil ni Hanni na magbalik tanaw sa kung paano nga ba naging parte ng buhay niya si Yves at kung bakit niya ito iniiwasan ngayon. . . Ulilang lubos na si Hanni. Kinagisnan niyang tahanan ang kalye at ang mga kasama niya ay katulad niyang mga bata na sa kalye na rin pumalit at nagkaisip. Kung tatanungin kung may magulang ba siya o wala, hindi niya alam. Usap-usapan na nakita lang siya sa basurahan ng isa sa mga basurero at dahil naawa, kinupkop siya. Pero noong tatlong taon daw siya, dinapuan ng sakit iyong basurero na iyon at namatày sa kalsada kaya wala ring ala-ala si Hanni sa taong iyon. Kasama ang mga batang kalye, namamalimos siya mula umaga hanggang gabi. Dahil din doon ay natuto si Hanni na mangholdap kahit na alam niya na masama iyon. Ang nasa isip niya, mas kailangan na magkalaman at mabusog ang kanyang tiyan kesa isipin kung mabuti ba o masama ang ginagawa. Ngunit hindi alam ng batang si Hanni kung malas ba siya o swerte dahil
AFTER what happened between Hanni and Yves, Hanni could say that Yves treated her as his girlfriend. Wala naman siyang problema dahil mahal niya ang lalaki. Kulang na lang siguro ay ang salita niyang "oo" para maging opisyal na silang maging mag-boyfriend/girlfriend.Napapansin na rin ng mga katrabaho nila ang kakaibang treatment ni Yves sa kanya dahil madalas itong magdala ng pagkain kaya hindi na niya kailangan pang lumabas tuwing lunch break. Isa pa, nakasimangot ang mukha nito o kaya naman ay blangko pero kapag si Hanni ang kaharap, ngiting-ngiti si Yves. Kinikilig si Hanni sa loob-loob niya pero sinusupil niya iyon dahil nasa trabaho sila. Akala ni Hanni ay magtutuloy ang ganoon nilang sitwasyon ngunit isang araw, natagpuan na lang niya ang sarili na kaharap ang ama ni Yves na si Mr. Magalona. Parang pinatandang Yves ito ngunit siguro ay hindi palangiti, kita ang bagsik at pagiging masungit nito - parang iyong isang maling galaw lang ng kausap ng matanda ay makakatikim ng kal
DAHIL malapit na si Hanni sa apartment niya, kinuha niya ang motor na nakatago sa likuran ng apartment. Napakadalang niyang magamit iyon dahil umiiwas siyang balikan ang nakaraan ngunit ngayon, gagamitin niya iyon para iligtas si Serena. Pinatong niya ang cellphone sa phone stand na nakakabït sa motor at sinundan niya ang tinuturo na lugar kung saan si Serena. Patuloy na gumagalaw ang location ni Serena kaya kailangan niyang dalian. She was driving the motor when she received a message from a number she never thought she would see again. HQ number. Napalunok si Hanni at pinilit na iwaksi ang nakita at pinatuloy ang pagtingin sa location ni Serena. Namatay ang tawag na nagkokonekta sa kanila ni Serena at kahit na nakuha niya ang latest location nito, hindi niya alam kung saan ito patungo. Wala nang panahon si Hanni para magmatigas kaya hininto niya ang motor, nanginginig ang kamay na dinampot ang cellphone at tinawagan ang number na nag-text sa kanya. “Hello?”[“Agent Hyacinth, it
CINDER is looking through the files she received early in the morning. Iyon ay ang mga impormasyon tungkol kay Helia Tatiana Alejandro.Sa papel na hawak niya, nalaman ni Cinder na pamangkin si Helia Tatiana ng patriarch ng Alejandro Clan. Malayong pinsan ng lalaki ang ina ni Helia at dahil nawawala ang anak ng lalaki sa asawa nito na kaedad ni Helia, para punan ang pagka-miss sa anak nito, kinupkop nila si Helia kasama ang ina nito kaya kahit mula sa branch family ang babae, umaasta ito bilang anak ng matandang lalaki. Sa nahukay ni Cinder, makapangyarihan ang Alejandro Clan sa Spain at maging dito sa Pilipinas pero lowkey lang kaya hindi gaanong matunog ang pangalan. Ngunit sanga-sanga ang mga businesses ng pamilya nito hindi lang sa Pilipinas kundi sa Asya mismo at may businesses din sa Europe at United States. Mula sa shipping lines, garments, food business, at iba pa, may ganoong business ang Alejandro Clan. “Kaya pala matapang ang babaeng iyon gumawa nang masama dahil kakaiba
BUMALING si Daemon at tiningnan siya, tapos pagkatapos ng ilang sandali ay nagtanong. "You are...?"Medyo napatigil ng konti ang ngiti ni Hennessy, pero dahil sanay na siya sa ganitong sitwasyon, hindi siya basta-basta masasaktan. Kaya muling ngumiti siya, hawak ang baso ng alak at lumapit kay Daemon, nakatungo nang bahagya at puno ng alindog ang mga mata. "Mr. Alejandro, talagang madali kang makalimot, ano? Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo kung anong nangyari sa atin?"Nasuklam si Patricia nang makita ang pagiging malandi ni Hennessy, at nagpasalamat siya sa sarili na hindi na niya ito assistant.Binalik ni Daemon ang tingin, ininom ang red wine na inabot ng waiter, at walang ekspresyong sinabi. "Hindi ko naaalala ang mga taong hindi importante."Huminga nang malalim si Hennessy. Sinabihan siyang hindi importante? Hindi lang siya ngayon ang pinakasikat na aktres, kahit noong hindi pa siya sumikat, ang daming lalaking nagkakandarapa para sa kanya!Ang ganda-ganda niya, samantalang si P
Chapter 95BAGO pa man makasagot si Patricia, binaba na agad ng kausap ang tawag. Umupo siya sa bench sa rest area ng matagal at ang laman lang ng isip niya ay ang mga sinabi ni Carmina... Alam niyang maihahambing ang sitwasyon niya ngayon na parang may natapakan na naman siyang bomba, pero saan ito sasabog? Ano bang ibig sabihin ni Carmina?Sa mga sandaling iyon, bumaba na sa kabayo si Daemon at lumapit sa kanya. Pagkakita niya kay Patricia na hawak ang cellphone at mukhang litong-lito, agad na kumunot ang noo niya at inagaw ang cellphone mula sa kamay nito. Tiningnan niya ang call record. Hindi pamilyar sa kanya ang numero, pero tinawagan niya ito pabalik.Nang napagtanto ni Patricia ang nangyayari, gusto niyang sunggaban ang cellphone pero madali siyang pinigilan ni Daemon. Isang kamay lang nito ang ginamit para hawakan ang ulo niya, kaya hindi siya makalapit. Ang kabilang kamay naman ay hawak pa rin ang cellphone habang nakakunot-noo siyang naghihintay ng sagot mula sa kabilang li
May dalawang babae pa sa tabi ni Patricia na nagpapahinga rin. Bawat isa sa kanila ay may hawak na puting kabayo. Habang umiinom ng tubig, pinapanood nila si Daemon habang nakasakay. Nang mapansin ni Daemon si Patricia na nakasakay sa isang maliit na kabayo, parang naduwal si Daemon sa itsura niya.Tahimik na sinubukan ni Patricia na igalaw ang kabayo palayo... pero ayaw gumalaw ng kabayo! Kahit coach man lang sana, pero nung tumingin-tingin siya sa paligid, wala siyang nakitang coach... Biglang pumalo ng buntot ang kabayo at inalog ang katawan nito. Kung hindi mabigat si Patricia, siguradong nahulog na siya.Yung dalawang babae na umiinom ng tubig, nagtawanan nang may pangmamaliit. “Grabe, kung hindi ka naman pala marunong sumakay, bakit ka pa nagpunta dito? Ang laki-laki mo na, tapos ‘yan ang kabayong sinakyan mo? Nakakahiya ka naman.”“Sayang ang magandang kabayo.”Gusto na lang sanang maghukay ni Patricia at magtago sa ilalim ng lupa.Nang makalibot na si Daemon, bumaba siya sa ka
Chapter 94NANG magising si Patricia, hindi siya nasa ospital kundi sa isang attic na ang disenyo ay mukhang luma at vintage. Gawa sa kahoy ang mga pader at may maliit na bintanang may mga baging. Presko rin ang hangin at mukhang sobrang komportable ng lugar.Paglingon niya, nakita niyang katabi niya si Daemon na natutulog, kaya napakunot ang noo niya.Nakahiga si Daemon sa labas ng kumot, hindi nagbihis at kalmado lang ang mukha, parang hindi pagod at bahagyang nakangiti ang labi.Medyo tulala si Patricia habang nakatitig, pero sakto namang dumilat si Daemon at nagtama ang mga mata nila.Nabigla si Patricia at dali-daling umiwas ng tingin, tapos bumangon at bumaba ng kama.Napangiti si Daemon, nagniningning ang mga mata, saka sumandal gamit ang kamay at sinulyapan si Patricia. “Ang tapang mo ha, horror movie ang pinasukan mo, eh ang duwag-duwag mo.”Hindi sumagot si Patricia, kinuha na lang ang coat sa silya at sinuot, tapos tiningnan siya ng masama. “Dedikado ako sa trabaho ko!”Umi
Nagkagulo sa shooting site. Nakakainis na ngang may naaksidente, tapos bigla pang nahimatay ang manager sa gulat. Hindi napigilan ng director na pagalitan ang babaeng gumanap na multo na bigla na lang lumitaw. "Di ba sinabi ko na tapos na ang eksena mo at pwede mo nang tanggalin ang makeup mo? Bakit ka naglalakad-lakad pa diyan na naka-costume? Ikaw tuloy ang naging sanhi ng gulo!"Walang pakialam ang aktres at tinignan lang si Patricia na nakahandusay sa lupa, sabay malamig na buntong-hininga. "Kung matatakutin siya, wag siyang sumunod-sunod dito! Para siyang bubble gum na hindi matanggal kay Andrei, takot yatang hindi malaman ng iba na si Andrei ang boyfriend niya!"Ramdam ng lahat ang selos sa tono niya... Mukhang isa na namang tagahanga ni Andrei. Alam naman ng mga natitirang assistant kung anong meron, pero dahil magkakasama sila sa trabaho, wala silang magawa kundi magpakumbaba at huwag palakihin ang issue.Sabi ng onsite doctor, nawalan lang ng malay si Patricia pero wala naman
Chapter 93NAGNGITNGIT si Patricia at sinabing, "Wag na, bye!" Sabay talikod at matigas ang lakad papasok ng kumpanya. Pero ang mga mata at boses ni Daemon ay parang naka-ukit na sa utak niya at hindi mawala-wala! Nakakainis talaga!Natapos na rin ang romantic idol drama ni Andrei at pinilit na ni Patricia na mag-umpisa na siya ng bagong thriller na pelikula. Kaya naman siya na ang nag-asikaso ng ibang trabaho sa kumpanya at iniwan muna ito sa assistant niya. Dumiretso na siya sa set para bisitahin ang shooting.Dati, wala lang sa kanya ang pagbisita sa set. Parang libangan lang. Pero iba na ngayon, thriller ang ginagawa, at ang location ay isang kilalang haunted village sa bundok sa labas ng Saffron City. Sa paligid ng baryo, puro libingan ang makikita. Karamihan sa mga bahay ay luma at halos magiba na. Ang mga kabataan ay nagpunta na sa siyudad para magtrabaho, at ang naiwan ay ilang matatanda. Marami ring bahay na bakante.Pagdating pa lang nila sa lugar, ramdam na agad ang lamig a
Paglabas ni Daemon mula sa banyo habang pinupunasan ang buhok, napangiti siya nang makita si Patricia na magulo ang buhok. May makahulugang ngiti sa gilid ng labi niya, “Anong problema? Nakalimutan mo na agad kung anong ginawa mo kagabi?”Nanlaki ang mga mata ni Patricia sa gulat habang nakatitig sa kanya, nakatopless, nakangiti ng malandi, at may mapang-akit na tingin. May kutob siyang may mali, kaya lalo pa niyang tinakpan ang sarili gamit ang kumot. “Anong kalokohan 'to?! Anong ginawa mo?!”Bahagyang ngumiti si Daemon. “Kahapon, ikaw ang naunang humalik at kumagat—”“Imposible!” mabilis na putol ni Patricia sa sasabihin pa nito. Nagulo ang isip niya at hindi niya alam ang gagawin.Pero wala nang balak si Daemon na makipagtalo pa. Lumapit siya sa sofa, kumuha ng dalawang paper bag at inihagis sa kama. “Dinala na sa laundry ang damit mo. Ito muna ang isuot mo.”Nakatitig pa rin si Patricia sa kanya, tulala.“Ay, oo nga pala, simula ngayon, kalimutan mo na ang pagtakas. Hindi ka na mak
Chapter 92"DON'T..." Gustong pigilan ni Daemon si Patricia na parang sumasakit ang ulo, pero may isang taong biglang binuksan ang mga butones ng kanyang coat. Manipis ang shirt sa loob at nang mahatak ang coat, napunit din ang bahagi ng shirt kaya nakita ang maputi at malambot na balat sa ilalim.Ang pinakamalaking epekto ng pagpapapayat ni Patricia ay siguro mas naging pino ang bewang at mga hita, pero hindi gaanong lumiliit ang dibdib niya. Madalas siyang magsuot ng coat para takpan ang sarili, kaya hindi halata ang figure niya, at walang parteng masyadong nangingibabaw...Pero ngayon, nabuksan ang coat at ang bahagyang cleavage sa gitna ng bilugan niyang dibdib ay nakakabaliw...Si Patricia ay patuloy na naghahabol ng lamig... Sobrang init ang nararamdaman niya, taliwas sa lamig sa labas kanina, kaya nalilito siya at wala na siyang ibang alam kundi ang init, at patuloy na hinuhubad ang damit niya.Sa malabong isipan, parang nakikita niya ang anino ni Daemon sa harap niya. Iniabot
"Bakit kahit anong gawin ko, parang wala ring kwenta?" Paunti-unti nang humina ang boses ni Patricia, at tinangay na ng malamig na hangin sa gabi ang natitira pa niyang salita.Lumambot ulit ang matigas na expression ni Daemon, bahagyang nawala ang kunot sa noo niya at may bahagyang liwanag sa mga mata niya.Parang bumalik sila sa simula. Si Patricia na mukhang laging pinapabayaan, nakaupo sa sulok kung saan walang pumapansin, tinatapakan at minamaliit ng mga tao, at tahimik lang na umiiyak habang umuulan. Pinapanood lang siya ni Daemon mula sa malayo at kahit noong una pa lang, napansin na niya ito, pero masyado siyang matigas ang ulo at ayaw umamin.Ang dami nang nangyari. Habang unti-unti silang nagkakalapit, bigla siyang lumayo, walang pasabi, at walang awa.Akala niya dati, kahit lumuhod pa sa harap niya si Patricia at magmakaawang bumalik sa kanya, hindi na niya ito papansinin.Pero nang makita niyang lasing si Patricia at nagsasalita ng walang kwenta, bigla niyang narealize...