nakapag-update rin here huhu nakakamiss pala 'to. anyway, sporadic ang update dito. pero baka gusto nyong silipin ang mga new babies ko. ito ang mga title • The Forced Wife of the Billionaire • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy Thank you so much sa mga susunod sa akin doon! ❤
Ang mayabang na babae ay biglang nawalan ng kayabangan at tumahimik sa titig ni Patricia. Sa huli, masungit niyang tiningnan ang babaeng nakaluhod sa sahig at umungol. "Swerte mo ngayon! Hintayin mo, sa susunod babawian kita!"Hindi na nagsalita pa si Patricia, at yumuko na lang para tingnan kung may sugat ang babaeng nakakubli sa sahig. "Ayos ka lang ba?"Dahan-dahang itinaas nito ang ulo, namumula ang mga mata, at mahinang nagsabi. "Salamat..."Tumango lang si Patricia at inabot ang kamay para tulungan siyang tumayo, nang biglang may malamig na boses na umalingawngaw sa likuran. "Cheena, parang sinabi ko sa'yo na huwag kang magpapakita ngayon. Anong ginagawa mo dito? Hindi ka pa ba nahiya sa pamilya natin?"Tinulungan ni Patricia si Cheena na tumayo, saka lumingon sa babaeng biglang sumigaw nang walang dahilan. Ngunit nang makilala niya ito, nanatili siyang tila natigilan. Kung tama ang alaala niya, ito 'yung babaeng kasama ni Daemon kanina.Naalala pa niya ang matingkad na pulang d
Chapter 120Nang tumama ang tingin ni Daemon sa mukha ni Patricia, sandali siyang natigilan at bahagyang kumunot ang noo.Pero si Patricia ay kalmadong tumalikod, binuksan ang pinto at pumasok sa loob ng store!Ramdam ni Daemon na bahagyang nanginginig ang katawan niya. Hindi pa rin nawawala ang apoy sa mga mata niya at nanatili siyang tensyonado. Hindi siya sanay na magalit ng ganito para lang sa isang estrangherang babae.Alam niya kung bakit siya biglang naging ganito ka-init ang ulo... Kasi si Patricia ay nakatayo sa harap ng bintana ng store na parang yung babaeng nakita niya kanina—nakatingin sa itim na damit sa display na may paghanga sa mga mata. Sa sandaling iyon, halos naniwala siyang si Patricia ay hindi patay—na bumalik ito.Pero masyadong payat ang babae sa harap niya. Wala itong bahid ni Patricia. Kaya ganoon na lang ang bilis niya para paalisin ito sa tapat ng bintana... Ngayon, lahat ng nagpapaalala sa kanya ng nakaraan ay kaaway na sa paningin niya. Hindi niya akalain
Masayang binuksan ni Inez ang dokumentong binigay ni Patricia. Pero pagkalipas ng dalawang pahina, medyo nag-iba ang expression niya, kahit patuloy siyang nakangiti at hindi na tumingin pa ulit.Kasi yung tinatawag na dokumento ay parang script pala, tungkol sa buhay ni Paris na gagamiting publicity. Okay lang sana, pero sa kwento, si Inez ay ginawang isang babaeng iniwan ng mayamang asawa. Nabuhay siya sa hirap, ayaw gumastos ng pera ni Paris, at araw-araw ay nakasuot ng mumurahing damit. Kahit pa naging medyo sikat na si Paris, nanatili pa rin silang nakatira sa masikip at murang bahay, para raw hindi maging pabigat sa anak.Sa kwento naman, si Patrick na ama ni Paris ay yumaman sa sariling negosyo sa loob ng limang taon. Mula sa pagiging tambay, naging milyonaryo na kinainggitan ng lahat. Hindi lang ‘yon, dahil naging milyonaryo na siya, umibig siya sa isang batang babae at iniwan ang asawa’t anak. Namuhay siya sa isang magarang bahay, may mamahaling sasakyan, at masayang pamumuhay.
Chapter 119Pag-uwi ni Inez, si Patrick ay naka-apron at nagluluto sa kusina… Kakauwi lang niya galing sa trabaho sa supermarket, tapos kailangan pa niyang asikasuhin ang lahat para kay Inez. Samantalang si Paris, kahit gaano pa kaliit o kalaki ang kinikita, kulang pa rin para sa sarili niya, lalo na kung iisipin ang suporta para sa dalawang matanda.Wala namang reklamo si Inez tungkol doon. Sa totoo lang, naniniwala siya na dapat ay inaasikaso ni Paris ang sarili, ayusin ang itsura at maging maayos para sa pagkakataong umangat at maging isang “golden bird” na magdadala sa kanila sa mas magandang buhay.Kaya sa ganitong sitwasyon, ang tanging sinisisi lang niya ay si Patrick! Matapos nitong mawalan ng dating magandang trabaho, masyado na raw itong matanda at mahina para makahanap ng mas maganda. At bukod pa doon, palagi raw nitong binabanggit si Patricia na matagal nang nawala!Naalala ni Inez si Patricia at bigla siyang nainis ulit! Klarong-klaro pa sa kanya na pinalayas siya nito sa
Hindi niya alam kung namana ba ni Desmond ang pagka-charmer ni Daemon, pero pakiramdam ni Patricia ay wala talaga siyang laban sa anak niya. Kapag nagsimula na itong magpa-cute, wala nang makakatanggi sa kanya.Naalala niya kung gaano na ito ka-bibo ngayon, tapos naiisip niya yung panahong ipinanganak niya ito nang kulang sa buwan, limang taon na ang nakalipas. Pitong buwan pa lang si Desmond sa tiyan niya noon, tapos isinugod na siya sa ospital. Dalawang linggo pa itong nanatili sa incubator bago makalabas. Ang liit-liit niya noon, parang kasya sa isang kamay. Pero buti na lang, lumaking malusog si Desmond at naging makulit na bata.Binigyan niya ito ng name na Desmond, hawig sa Daemon. Tahimik at mabait naman talaga si Desmond dati. Noong isang taong gulang pa lang siya, nasa huling stage na ng cancer treatment si Patricia. Halos araw-araw siya sa ospital noon, puro amoy disinfectant ang paligid. Nalagas lahat ng buhok niya, sobrang payat na niya at parang matanda na sa sobrang pag
Chapter 118Sa loob ng kotse, curious na tinanong siya ni Assistant Darla, "Alice, matagal na talaga akong curious. Kilala mo ba si Miss Paris dati pa? Parang ikaw ang dahilan kung bakit siya naimbitahan sa interview, tapos pumasa pa siya agad... Kaibigan mo ba siya dati sa Pilipinas?"Nakatingin lang si Patricia sa bintana habang dumadaan ang mga tanawin, may pamilyar, may hindi. Sa loob ng limang taon, hindi lang ang mga bagay ang nagbago, pati na rin ang mga tao. Iba na ang itsura ng mga kalsada ngayon, at mahirap nang maalala kung paano ito dati.Nang marinig niya ang tanong ni Darla, tumigil siya sandali, at may bahagyang ngiti pa rin sa labi. "Oo, kakilala.""Pero bakit parang hindi ka naman niya kilala? Tapos tinutulungan mo pa siya ng ganito." Patuloy sa tanong si Darla. Isang taon na siyang kasama ni Alice, at noong nasa Italy pa sila, never niyang nakita si Patricia na ganyan—yung gagamitin ang kapangyarihan para lang sa personal na bagay.Para sa kanya, si Patricia ay simbo
Tatlong salitang simple lang, pero napakabigat ng laman! Maraming mas magaganda at mas sikat pa kay Paris ang hindi pinili kanina, pero siya, na halos walang pangalan, ay nakapasa agad sa mata ng isang babaeng kilala bilang 'devil woman'? Parang imposible!Yung dalawang lalaki ay halatang hindi pa rin makapaniwala sa bilis ng pangyayari, pero si Alice ay agad nang kinuha ang kontratang nasa tabi niya at inilapag sa harap ni Paris. “Isang taon ang kontrata. Pagkatapos ng isang taon, pwede nating pag-usapan kung gusto pa natin magpatuloy o hindi na. Kung hindi ka sang-ayon sa panahon ng kontrata, pwede kang umatras. Pero dapat mong tandaan, maraming taong gustong tapakan ka para lang makuha 'tong kontrata. Nakasulat sa kontrata ang sweldo. Pwede mo siyang dalhin at pag-usapan muna sa manager mo. Kung may gusto kang idagdag o baguhin, sabihin mo. Kung okay sa inyo, bumalik ka bukas kasama yung agent mo para pirmahan na natin.”Pakiramdam ni Paris parang nanalo siya sa lotto! Siya talaga
Chapter 117Mga dalawampu hanggang tatlumpung tao ang dumating sa pansamantalang headquarters para sa interview. Karamihan sa kanila ay mga top model—lahat ay matangkad, magaganda, at may aura na kasing lakas ng mga world-class na celebrity.Sa gitna ng ganitong dami ng magaganda, medyo hindi napapansin si Paris. Una sa lahat, isa lang siyang third-tier na artista. Pangalawa, 27 taong gulang na siya. At sa showbiz, kapag hindi ka pa sumikat sa edad na ‘yan, parang hinatulan ka na ng pagkabura sa industriya.Pero dahil sa magandang relasyon niya sa mga executive ng kumpanya, nakakasingit pa rin siya sa mundo ng showbiz kahit hindi masyadong sumisikat. Paminsan-minsan, binibigyan siya ng kumpanya ng mga oportunidad at benepisyo, kaya kailangan niya itong sunggaban. Hindi niya hahayaan na matalo siya ng iba, at hindi niya hahayaang tuluyang mabasag ang pangarap niyang sumikat, lalo na ngayong wasak na rin ang pangarap niyang makapangasawa ng mayaman.Isa-isang pumapasok sa interview room
Nag-cheer ang mga fans sa audience, may halong gulat at excitement habang inaabangan ang magiging reaksyon ni Andrei.Matagal na rin siyang nasa showbiz, kaya kahit na nandidiri siya, pinilit niyang kontrolin ang sarili, bahagyang namumula ang mata, kinuha ang cake at mahinang nagsabi, "Salamat..."Pero nung lumapit si Paris para hawakan ang kamay niya, umiwas siya nang walang effort, kaya naiwan ang kamay ng babae na nakatigil sa ere, hindi makagalaw...Ang totoo, yung sinasabing birthday niya ay gawa-gawa lang sa company information. Ni hindi nga niya alam kung kailan talaga siya isinilang. Kaya tuwing may bumabati o may nagse-celebrate ng birthday niya, kunwari lang siyang natutuwa. Pakiramdam niya, habangbuhay na lang siyang parang taong walang lugar sa mundo.Kahit minsan, sinubukan niyang maging parang araw na nagbibigay ng init... pero sa huli, tinulak siya ng realidad na tanggapin na hindi gano'n kainit ang mundo, kundi mas malamig ito at nakakapagod.Pagkatapos ng interview p