LOGINSelene’s POV
"Niloko niyo akong lahat... Ginamit niyo kong lahat..."
Ang boses ni Isabela ay parang isang kandilang unti-unting nauubos ang ningas hanggang sa tuluyan itong maglaho. Nakita ko ang pamumutla ng kanyang mukha at ang pagtirik ng kanyang mga mata. Bago pa man siya tuluyang mawalan ng malay at humalik sa malamig na sahig, mabilis ko siyang nasalo.
Isabela’s POVParang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Ang lalaking pumasok ay tila isang multo mula sa nakaraan na biglang nabuhay sa gitna ng aking shop.Liam. namamalikmata ba ako.Maayos ang kanyang tindig, suot ang isang dark suit na lalong nagpadagdag sa kanyang awtoridad. Ngunit hindi ang kanyang hitsura ang nagpatigil sa hininga ko, kundi ang katotohanang ilang minuto lang ang nakalilipas mula nang lumabas si Mommy at Maeva sa pintong iyon.Nagkasalubong ba sila? Nakita ba niya ang bata?Naramdaman ko ang mabilis na pag-atras ng dugo sa aking mukha. Namutla ako at bahagyang nanginig ang aking mga kamay na mahigpit na napahawak kay Casey. Ang kaba sa dibdib ko ay hindi na lang ba
Isabela’s POVExcited akong gumising nang maaga. Ngayong araw, hindi lang basta trabaho ang kakaharapin ko, isang malaking kliyente ang darating at kailangang maging perpekto ang lahat.Bilang isang designer, ang sarili ko ang nagsisilbing unang portfolio ng aking galing, kaya hindi pwedeng "pwede na" lang ang itsura ko.Ilang beses akong nagpalit ng damit sa harap ng salamin. Gusto ko ng balanseng awtoridad at pagiging malikhain, ang tinatawag na effortless chic. Sa huli, pinili ko ang isang tailored cream-colored pantsuit na ako mismo ang nagdisenyo.Ang blazer nito ay may kakaibang istraktura sa balikat na nagbibigay ng matikas na tindig, haban
Liam’s POV“Kumusta ang pagkikita ninyo ni Isabela?” tanong ni Hudson habang nasa gitna kami ng ingay at usok sa loob ng isang bar dito sa Paris.Hindi ako sumagot. Umiling lang ako at mabilis na nilagok ang alak sa baso ko. Ramdam ko ang pait, hindi lang ng inumin, kundi pati ng huling paghaharap namin ni Isabela.Natigalan si Hudson. Tila nabasa niya sa ekspresyon ko na hindi naging maganda ang kinalabasan ng pagkikita naming iyon.“Sasamahan ko bukas si Casey para tingnan ang gown na pinagawa niya kay Isabela,” kaswal na dagdag niya.Napatitig ako sa kanya, biglang nabuhayan ng dugo.“She also mentioned to m
Isabela’s POVNang maramdaman ko ang init ng balat niya laban sa akin, biglang nawala ang lahat ng sakit. Nawala ang pagod. Nawala ang galit. Ang tanging natira ay ang mabilis na tibok ng puso ko na sumasabay sa mahinang hikbi ng anak ko.“Maeva...” bulong ko habang hinahaplos ang maliliit niyang daliri.“Welcome to the world, my Maeva.”Tumingin ako kay Mommy na umiiyak na rin habang nakahawak sa balikat ko. Sa sandaling iyon, sa gitna ng banyagang lupain, naramdaman ko na sa wakas, nahanap ko na ang tunay kong tahanan.Sa loob ng tatlong taon, ang buhay ko ay naging isang walang katapusang siklo ng puyat, pagod, at pag-asa. Habang ang ibang mga estudyante sa Paris
Isabela’s POVKinagabihan, payapa ang paligid sa loob ng kuwarto ni Maeva. Katatapos lang niyang maligo at amoy baby powder habang inaayos ko ang kanyang higaan. Marahan kong sinusuklay ang kanyang alon-along buhok na tila naggagandahang seda sa aking mga daliri.“Mommy, look! Daddy Lolo gave this to me,” masayang sabi ni Maeva habang ipinapakita ang isang magandang Barbie doll. Gaya ko, sinusuklay din niya ang buhok ng manika.Natigalan ako. Kumunot ang noo ko sa narinig.“Daddy Lolo?”“Yes, Daddy Lolo. He was with us the whole time during our vacation. He is very sweet and very kind, Mommy.”Binitawan k
Isabela’s POVMabilis ang bawat hakbang ko, halos tumakbo na ako sa kahabaan ng pasilyo ng hotel. Ang tunog ng aking mga takong sa karpet ay tila ba habol ng isang multong hindi ko matakasan. Pagpasok ko sa loob ng aking kwarto, mabilis kong isinara ang pinto at sumandal doon.Hingal na hingal ako. Nanginginig ang aking mga kamay habang pilit kong hinahawakan ang aking dibdib na tila sasabog sa tindi ng kaba."Bakit... bakit ka bumigay, Isabela?" bulong ko sa sarili ko, kasabay ng pag-unahan ng mga luha sa aking mga mata.Napapikit ako at naalala ko pa rin ang init at ang paraan ng titig ni Liam.Bakit ba ang hina ko, akala ko nagbago na ako. Pero sa harap ni Liam isa pa rin akong walang m







