Liam’s POV“Do you like the place? Niresearch ko pa talaga ang restaurant na ‘to para masigurado kong magugustuhan mo.”Nagniningning ang mga mata ni Selena habang tumingin siya sa akin, sabay hawak ng aking kamay sa ibabaw ng mesa. Mainit ang kanyang palad, at saglit akong natigilan sa lambing ng haplos niya.“Yes, ang ganda dito. Mukhang masarap pa ang pagkain,” sagot niya, may ngiti sa labi.“Good, good. I’m happy that you like it,” sabi ko, habang pinagmamasdan ang saya sa kanyang mukha.“I love it, baby.” Masigla siyang kumakain, at ako nama’y tahimik na pinagmamasdan siya. I smirk, sa bawat ngiti niya at bawat tawa. Isang linggo rin akong nawala dahil abala sa negosyo. Kailangan kong lumipad papunta sa ibang bansa para asikasuhin ang isang proyekto. Pero ngayong kaharap ko siya, pakiramdam ko ay bumalik lahat ng pagod na nawala.“Hindi mo nabanggit sa akin na dalaga na pala ang anak mo,” seryoso kong sabi habang pinupunasan ko ang labi gamit ang napkin.“Aahh… hehe, pasensya ka
Last Updated : 2025-10-28 Read more