WKM Ch2: Flashbacks
I was left dumbfounded because of what happened.Bakit hindi ko mahawakan si Papa?
Bakit hindi nila ako marinig?
Ano ba talaga ang nangyayari?
Sa sobrang pagkalito dahil sa mga pangyayari ay mariin kong ipinikit ang mga mata para alalahanin kung bakit ako nagkaganito.
As if on cue, a series of memories come flashing back on my head.
Nakita ko ang sarili na suot ang maganda at mamahaling trahe de boda habang nakaharap ako sa salamin.
Sumunod naman ay nakita ko ang sarili na nakatayo sa labas ng simbahan habang nasa kamay ko ang isang kumpol ng mapupulang rosas. Pagkabukas ng pinto ay dahan-dahan akong naglakad papasok.
Lahat ng mga tao ay nakatingin sa 'kin. Mula sa pwesto ko ay tanaw ko si Darius na nakatayo sa harapan habang maluha-luhang nakatingin sa 'kin.
Biglang nanginig ang buong katawan ko nang sa sumunod na nangyari ay nakita kong nakabulagta na ang katawan ko habang binabalot ng masaganang dugo na nagmumula sa dibdib ang wedding gown na suot ko. Humalo ang sariwang dugo sa mga pulang rosas na nasa mga kamay ko.
The scenes were too clear as if I was there all along watching the people running out from the church, and Darius who was looking scared and worried, ran towards my unconscious body.
"Guia, anak ko!" Napatakip ako sa tainga ng marinig ang malakas na bulahaw ni mama habang papalapit sa katawan ko.
Nang dahil doon ay tsaka ko lang naalala ang mga nangyari.
That unknown man standing behind the altar holding a gun, the loud bang of the gun which echoed inside the church, the faces of those terrified people. And the excruciating pain in my chest.
Ayoko...
Hindi pwedeng mangyari 'to.
How could this happen on the day of my wedding?
Patay na ba ako?
Dahil sa pagkalito at takot ay tumakbo ako palabas ng ospital. Sinikap kong makalayo at baka sakaling magising ako sa bangungot na 'to.
That unconscious woman lying on the hospital bed is me. Ako 'yun... katawan ko 'yun.
Ibig bang sabihin nito ay kaluluwa na lang ako ngayon?
Gusto kong umiyak pero walang kahit anong likido ang lumalabas sa mga mata ko.
Mawawala na ba ako sa mundo?
Dahil sa naisip ay agad akong umiling.
Hindi pwede! Marami pa akong kailangang gawin at hindi pwedeng mamatay na lang ako bigla!
I have to do things. Kailangan kong humanap ng paraan para makabalik sa katawan ko.
Pero... paano? Anong dapat kong gawin?
Should I go back to the hospital?
Because of desperation, I went back to the hospital with the eagerness to go back to my body.
Tama! Kailangan ko lang balikan ang katawan ko para magising ulit ako.
Dali-dali kong hinanap ang ICU kung saan dinala ang katawan ko. Kaso lang ay nahirapan ako sa paghahanap no'n dahil wala naman akong matanungan kaya natagalan ako.
Napa buntong-hininga ako nang nasa ICU na ako. Nakita ko si Darius na nasa labas ng silid habang nakaupo sa upuan. Nakayuko siya at hindi ko makita ang mukha niya. But base on the movement of his shoulders, I know that he is crying.
Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib dahil sa nakita kaya nilapitan ko siya.
"Darius, babe... I'm sorry for making you feel that way. Pangako, gagawin ko ang lahat makabalik lang sa katawan ko. I love you..." I whispered on his ears.
Gusto kong hawakan siya pero kahit anong pilit ko ay hindi ko iyon magawa.
Nakita kong napalingon siya sa gawi ko kaya sinubukan kong titigan siya sa mga mata pero agad ding nawala ang pag-asa na makikita niya ako ng tumagos ang paningin niya.
Hindi niya ako makita...
Napangiti ako ng mapakla. Bakit nangyayari sa 'kin 'to?
I just want to settle my life and live peacefully with the man I love!
Bakit kailangan pa na mangyari 'to?
Umayos ako ng tayo at tumingin sa pintuan ng ICU. Huminga muna ako ng malalim at pumasok doon.
Hindi na rin naman ako nahirapan dahil tumagos lang ako sa pinto na 'yun.
Pagkapasok ko ay agad kong nakita ang sarili na nakaratay sa kama habang may mga nakakabit na mga apparatus sa katawan. May oxygen din sa bibig ko at kitang-kita ang maputla kong mukha.
Those machines are my life support.
Nakakaawa ang lagay ko. I never imagine this thing to happen to me.
After moments of staring at my helpless body, I shrugged off my thoughts. Hindi dapat ako panghinaan ng loob. Kailangan ko lang makabalik sa katawan ko para bumalik na ang lahat sa normal.
Naglakad ako palapit sa hospital bed. Umakyat ako sa kama at sinubukang humiga roon bago pumikit.
I waited for a moment before I slowly opened my eyes. Pinakiramdaman ko muna ang sarili bago bumangon. Pero sa kasamaang palad, nakita ko pa rin ang katawan ko na nakaratay at walang malay.
Inulit ko ang ginawa kanina ngunit kahit ilang beses ko na 'yung ginawa, hindi pa rin ako nakabalik sa katawan ko.
Dahil sa inis ay umalis ako sa kama at napasabunot sa sarili. Hindi ko alam kung magandang bagay ba na hindi ako nasasaktan ng pisikal o hindi.
The thought made me pinch myself several times, then I found out that indeed, I can't feel any pain.
This is somehow... amazing!
But this is not the time to have fun!
When I feel like I'm running out of ideas, I decided to go home. Naalala ko na naman kasi si mama. Siguro ay umiiyak na naman siya ngayon.
Habang naglalakad ako sa daan ay pinagmamasdan ko ang mga tao. May iba na abala at mukhang nagmamadali na makauwi sa kanila. May iba naman na mukhang gumagala kasama ang mga kaibigan nila.
Napa buntong-hininga ako habang iniisip na sana... masaya ako ngayon kasama si Darius. Sana ay nasa Maldives na kami at ine-enjoy ang honeymoon namin.
Kung hindi lang sana nangyari 'to sa 'kin... sana ay normal pa ang lahat.
Nakaramdam ako ng galit nang maalala na naman ang lalaking bumaril sa 'kin.
Whoever that devil is, I'll do everything just to find him. I won't forgive him for what he did to me. He has to pay for his crime.
Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa may pedestrian lane. Kailangan kong tumawid at nasa kabilang banda ang subdivision namin.
Marami ang naghihintay na mag-green ang ilaw para tumawid kaya ganoon din ang ginawa ko.
Pero ilang sandali pa ay natawa ako nang maalala na hindi ko naman na pala kailangan 'yun. Kahit naman kasi tumawid ako ngayon ay tatagos lang ako sa mga tumatakbong sasakyan.
Tatawid na sana ako pero bigla akong natigilan nang makita ko ang isang babae na mukhang wala sa sarili at dahan-dahang naglalakad papunta sa gitna ng daan.
Oh my god! What is she doing?
Magpapakamatay ba siya?
Rinig ko ang malalakas na busina ng mga sasakyan at ang sigawan ng mga tao na gusto siyang pigilan sa ginagawa niya.
Due to the adrenaline rush, I immediately ran into the woman, and tried to push her when I saw a car so close to her direction.
Alam kong malabong mangyari na mahawakan ko siya pero wala namang masama kung susubukan ko. Isa pa, hindi ako pwedeng tumayo lang dito at panoorin siyang masagasaan.
Napapikit ako at agad siyang itinulak para makaiwas sa papalapit na sasakyan.
I winced in pain when I fell to the ground.
"Okay ka lang, miss?" Napalingon ako sa babaeng lumapit sa 'kin.
Napansin ko rin na nakahinto na pa la ang mga sasakyan at may mga tao na lumapit sa gawi ko.
"H-huh? Nakikita mo a-ako?" I stuttered. Hindi ako makapaniwala na kinakausap niya ako.
Nakita kong bahagya siyang natigilan dahil sa tanong ko.
"Ano bang pinagsasasabi mo? Oo naman! Okay ka lang ba? Bakit bigla-bigla ka na lang tumatawid e hindi pa naman naka-green lights?" nag-aalalang tanong niya.
Napakunot naman ang noo ko dahil doon.
"H-hindi ako. 'Yung babae—" natigilan ako nang pagtingin ko sa paligid ay wala na ang babaeng nagtangkang magpakamatay kanina.
Nasaan na siya?
"May hinahanap ka ba hija? Naku! Muntik ka nang masagasaan. May balak ka bang magpakamatay?" sabi naman nung ale na lumapit sa 'kin.
Mas lalo akong naguluhan nang itanong 'yun sa 'kin ng ale.
"Hindi ka naman siguro nasaktan ano? Salamat naman at hindi ka nadisgrasya. Siguro ay iniligtas ka ng iyong anghel, hija." Ngumiti siya sa 'kin at hinawakan ang braso ko para alalayan ako sa pagtayo.
Nang mapagtanto na nahawakan niya ako ay agad akong napaigtad at lumayo sa kaniya.
What the hell is happening?!
"H-hala! Pasensya na hija. May masakit ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong niya pero agad akong umiling.
Dali-dali akong lumapit sa nakahintong sasakyan at tiningnan ang repleksyon ko sa salamin na bintana no'n.
"Nak naman ng! Ano ba! Balak mo bang magpakamatay, ha? Kung gusto mo ay doon ka sa lugar na wala kang maaabala!" rinig kong sigaw ng lalaki sa 'di kalayuan pero hindi ko siya binigyan ng pansin.
Sa halip ay tinitigan ko lang ang repleksyon ko sa salamin. Dahan-dahan kong hinawakan ang pisngi ko pero kahit anong gawin ko ay mukha nung babaeng tumatawid kanina ang nakikita ko.
"Oh my god!" 'yun ang lumabas sa bibig ko habang nanginginig ang mga kamay at namimilog ang mga mata.
"Bakit ako nandito?" naguguluhang sambit ko at tiningnan ang kabuuan ko.
Paano ako nakapasok sa katawan ng babaeng 'to?
WKM 16: Confused "Sunny." It was Matt. He's looking at me intently, but his expression immediately turned into a frown when he look pass through me. "Matt, anong ginagawa mo rito?" Naghihintay ako ng sagot niya, pero nakatuon lang ang atensyon niya sa likuran ko. Nagtatakakong sinundan ang tingin niya, at mas lalong kumunot ang noo ko nang malamang si Lydia pala ang tinititigan niya. What's with him? Instead of voicing out my thoughts, I just purposely cleared my throat to get his attention. "U-Uh, napadaan lang. M-magkasama ba kayo?" Lumingon ulit ako kay Lydia na abala pa rin sa pagkalkal ng bag niya. "Oo, pupunta kaming ospital. Dinala kasi roon ang–" "Pwede ba'ng samahan mo ako?" "Huh? Saan? Hindi ba pwedeng ikaw na lang? Importante kasi 'yung pupun–" "Please?" His pleading eyes cut me off. "Gusto kong samahan mo 'ko, Sunny." Nili
WKM 15.2: Lydia Valencia cont.Tulala kong tinitigan si Lydia na ngayon ay nag-iwas ng tingin at pasimpleng pinunasan ang luha sa mga mata niya. Anong pagkakamali ang nagawa niya sa 'kin? Tungkol ba 'to sa pagkakabaril sa 'kin? May kinalaman ba talaga siya sa mga nangyari?Gusto ko siyang tanungin pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko.'Is it you, Lydia?'"Pasensya ka na. Hindi ko talaga mapigilan ang luha ko kapag naalala ko siya." Ilang beses siyang suminghot pagkatapos ay tipid na ngumiti."A-anong kasalanan mo?" halos pabulong na tanong ko sa kaniya. I need her to spill the truth! I am dyingto know the truth!Pinanatili niya ang kaniyang ngiti bago yumuko."A grave mistake that I know she will never ever forgive..."Magtatanong pa sana ako nang biglang iniluwa ng pinto si Matt na halata ang pag-aalala sa kaniyang ekspresyon. “Sunny!” Dali-dali si
WKM 15.1: Lydia Valencia What Sunny whispered was very clear to my ears. Pero sino ang tinutukoy niya? Si Matt ba? Ito ba ang dahilan kung bakit siya umiiyak ngayon? Ramdam ko na naman ang awa sa kaniya. At some point, I realized that my situation is nothing compared to Sunny's life. Oo at maayos nga ang katawan at kalusugan niya pero para na rin siyang walang buhay. I always see her cry. She's in deep agony and I feel bad for her knowing that no one's there to comfort her. "Sunny, I may not know everything about you, but I think, letting go of all the things that are hurting you is the best thing to do," I mumbled then my hand automatically went up to her face. Pero sa sandaling lumapat ang kamay ko sa basang pisngi niya, naramdaman ko ang malakas na pwersang humihigop sa 'kin papasok sa katawan niya. "Shit!" "Hala! 'Yung babae nahimatay!" "Hoy, tulungan mo!" "Kawawa naman siya!" "Miss, miss! Ok
WKM 14: The PresentKinaumagahan, nagising ako at nalaman na wala ako sa katawan ni Sunny. She’s still lying on the bed, currently in deep sleep.Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung papaano ako nakakaalis sa katawan niya. Siguro kapag sobrang kailangan niyang bumalik sa sariling katawan? O may iba pang dahilan? Sa ngayon ay ang alam ko lang ay kung papaano ako makakabalik sa katawan niya. ‘Yun ay sa pamamagitan ng luha niya.I pause for a while when I noticed Sunny smiling in her sleep.“Are you happy, Sunny? Mukhang maganda ang panaginip mo ngayon, ah?”Though I know that I badly needed her body as an instrument to find justice, but I can’t be selfish. Siya pa rin ang mas may karapatan sa katawan niya kaya wala akong magagawa kung kailan niya gustong bumalik dito.“Just enjoy your day, Sunny. Sa ganitong anyo na lang muna ako magpapatuloy sa paghahanap ng hustisya,&
WKM 13.2: Eliza Roxas cont.“Actually, this business is my dream come true. Matagal ko nang gustong magtayo ng sariling boutique and when my opportunity came, I instantly grabbed it. Mahirap na, baka mawala pa.” She laughed little.Sumimsim ako ng kape sa hawak na tasa habang maiging nakikinig sa kaniya. She sounds enthusiastic while talking about her business. Wala naman talaga akong pakialam tungkol sa negosyo niya pero kailangan kong pagtiyagaan ang kadaldalan niya para makakuha ng impormasyon.Sumandal ako sa upuan pagkatapos kong ibaba sa mesa ang tasa.As what we have decided last time, nandito kami ngayon sa isang café para pag-usapan ang tungkol sa gusto kong disenyo sa dress na ipapagawa ko. I was just acting like I am paying my full attention while she’s showing me her sample designs earlier. Pasimple ko ring minamanmanan ang mga kilos niya.Eli has a huge hatred towards me. She cursed me to hell and
WKM 13.1: Eliza Roxas Hapon kinabukasan ay nagmadali akong umalis mula sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko. Pagkababa ko sa jeep ay bahagya kong pinagpagan ang suot na pantalon. Last night, I searched about Eliza Roxas and I have found out that she now owns a boutique. Well, I'm not really surprised remembering how much she loves fashion designing. Tiningala ko ang karutala ng boutique na nasa harapan. 'Her Fit' Staring at the boutique's name, a scene from the past suddenly flashed on my mind. “Anong gusto mong gawin pagkanakatapos na tayo sa college, Guia?”Lumingon ako kay Eli na abala sa pagkain ng hawak niyang burger. Saglit akong napaisip ng isasagot ko. “Hmm, syempre maghahanap ng trabaho. Ang gusto nila Mama ay tumulong ako sa negosyo namin pero hindi ko naman forte ang mag-manage ng negosyo kaya maghahanap na lang ako ng ibang trabaho. Ikaw ba?”