Share

3: Wife For Rent?

Nang dumating kami sa opisina, dali-dali akong nagtungo sa opisina ni ma'am Danica dahil ako ang magp-present ngayon sa harap ng mga company's board members.

“Bakit ngayon ka lang?” Mahinang bulong ni Ma'am Danica sa akin, at ramdam ko ang tensyon ng kaniyang inis at galit habang titig na titig ang mga mata niya sa akin.

 

“Pasensya na po. I'm just making sure that everything is fine.” Mahinang sagot ko sa kaniya at nagtungo na sa gitna upang mag present.

 

The presentation was a success.

 

At no'ng matapos ang presentation, inutusan ako ni ma'am Danica na bumili ng coffee for 2 person dahil mayroon daw siyang bisita na darating ngayon.

 

Bumili ako ng coffee sa starbucks na kaharap lang ng kompanya namin, at kaagad ng bumalik upang ihatid ang mga kape.

 

Habang naglalakad ako sa hallway, nakita kong nag m-mop ng sahig ang janitor ng kompanya, kaya dahan-dahan lamang ang mga itinutuon kong hakbang.

 

Nasa harap ako ng elevator at hinihintay ko itong bumukas, kasi nasa 26th floor pa ang office ni ma'am Danica.

 

Nang bumukas ang elevator, bumungad sa akin ang tatlong empleyado na nagmamadaling lumabas at hindi nila namalayan na nabangga na nila ako.

 

Bigla akong nawalan ng balanse sa katawan, sanhi ng pagtapon ng mainit na kape sa isang lalaking pormal na pormal ang suot.

 

“Oh my God!” Tanging sambit ko nang makita kong natapon ang kape sa puti nitong polo.

 

“What the hèll are you doing!?”

 

Dinukot ko ang panyo sa aking bulsa at dali-daling pinunasan ang kape na natapon sa kaniyang polo.

 

“Sorry sorry sorry!” Walang tigil na paumanhin ko sa kaniya habang pinupunasan ang mantsa ng kape na nasa kaniyang polo.

 

Galit nitong inialis ang kamay ko sa kaniyang dibdib, at siya mismo ang pumunas sa sarili.

 

“Sorry talaga...” Wika ko at nagbabadya sana akong lumapit sa kaniya upang tulungan siya sa pag-ayos sa kaniyang sarili pero...

 

“Stop! Don't fvcking touch me!” Galit na sabi nito at walang alinlangan na umalis palabas ng building.

 

Bumili ulit ako ng coffee para kay ma'am Danica at sa bisita niya dahil hindi ako puwedeng umakyat sa taas nang wala man lang dala.

 

Hinihingal akong pumasok sa loob ng office ni ma'am dahil sa sobra kong pagmamadali. Nakita ko namang wala pa ang bisita ni ma'am Danica, at siya lang ang nakaupo roon.

 

Inilapag ko nang maayos ang kape sa harap ni ma'am Danica at nakangiting humarap dito.

 

Nanlaki na lamang ang aking mga mata nang kaagad ako nitong dinapatan ng malakas na sampal sa mukha.

 

“You are fired.” Diin na sabi nito sa akin.  “Leave now.”

 

Pinipigilan ko ang aking luha na bumagsak habang naglalakad ako palabas ng building ng kompanya.

“HUY KRISTINA!”hindi ko man lang napansin na tinatawag ako ng kaibigan kong si Xia.

 

“Huy, huwag ka munang umalis. Halika, samahan kita sa Danica na iyon, itanong natin kung saan ka nagkamali! Hindi naman pwedeng isisanti ka niya agad-agad!” Pagalit na sabi ni Xia at sinubukan ako nitong isama patungo kay Ma'am Danica.

 

“Tama na...Magagalit lang din si ma'am sa'yo.” Walang ganang saad ko.

 

“Saan ka na niyan pupunta ha? Sa'yo umaasa ang mga pamilya mo!” Diin pa na tanong ni Xia.

 

Tumalikod lang ako, at hindi na siya sinagot. Rinig na rinig ko ang malakas na pagtawag niya sa aking pangalan, pero hindi ko na siya nilingon pa at lumabas na sa kompanya.

 

Wala ako sa sarili na naglalakad palayo sa kompanya, hanggang sa dalhin ako ng aking mga paa sa harap ng isa sa pinakamalaking kompanya rito sa Pilipinas.

 

Napasingkit ang aking mga mata nang makita kong may sign sa harap ng kompanya.

 

“Looking for: A wife to rent”

 

What does that even fucking mean?

 

“Mag r-rent sila ng wife? Huh?” Naguguluhan na tanong ko habang nakatingin sa sign na nakadikit doon.

 

“They will rent a girl to make it as a wife.” Sabat ng isang lalaki sa likod ko pero hindi ko ito nilingon.

 

“Magkano kaya ang ibabayad nila sa akin kung sakaling mag a-apply ako?” Tanong ko pa.

 

“10 million per month.”Parang pagbibiro na saad ng lalaki sa likod ko.

 

Napalingon ako sa kaniya sa gulat, “Are you kidding me!?” Nagtaas ang aking magkabilang kilay.

Umiling siya.

 

“10 million talaga.”

 

 “Gago, baka mahirap na trabaho 'yan! Magiging asawa ka siguro ng masamang tao!.” Aniya ko pa.

 

“Hindi ahh...” Saad naman ng lalaki na para bang alam na alam niya.

 

Magiging choosy pa ba ako? Eh wala na akong trabaho ngayon eh.

 

“Eh, sino naman ang magiging husband ko? Baka masamang tao siya ahh...” Nakangusong sabi ko pa sabay lingon sa lalaki.

 

Teka, he looks familiar.

 

“Mukha ba akong masamang tao sa paningin mo miss?” Tanong niya sa akin, at nagtaas ng kilay.

 

Napakurap-kurap ang aking mga mata dahil sa sinabi niya.

 

Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha at napansin kong siya iyong lalaking natapunan ko ng kape kanina at siya yung lalaki na nag-alok sa akin ng kasal kagabi!.

 

“H-Hala!”Gulat na reaksyon ko at napatakip sa aking mukha.

 

“Why are you hiding your face huh?” Kalmado na tanong nito sa akin habang ako ay sinusubukang itago ang aking mukha sa harap niya. 

 

 

Hindi na siya nakasuot ng polo ngayon, at hindi na masyadong pormal ang kaniyang pananamit.

 

Para nalang siyang gagala sa kung saan, dahil sa suot nitong black hoodie, black shorts, at black converse shoes. He's all in black na para bang isang kpop idol na nagtatago sa mga paparazzi. 

 

“Oh by the way, if you're really interested about this job just call me later and let's have dinner.” Aniya nito at inabot sa akin ang isang calling card. “I'm sorry but I have to go. Just call me anytime, when you already made up your mind.”

 

Kaagad naman itong pumasok papasok sa kompanya  niya at iniwan nalang akong mag-isa rito sa labas.

 

Anong gagawin ko? Tatanggapin ko ba yun? Or maghahanap na lang ako ng ibang trabaho?

 

Nakakatakot naman kasing maging asawa niya. 

 

Umuwi ako ng bahay nang hindi man lang ipinapakita sa mga kapatid ko ang pagod.

 

Umasta lang ako na parang walang nangyari at parang walang nawala sa akin ngayong araw. Busy silang lahat sa pag-aaral at nanonood naman si Tita sa TV.

 

Wala na kaming mga magulang. Our parents are nowhere to be found. Let's just say that both of them ran away from their responsibilities.

 

And sa akin napunta ang lahat. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status