Share

Wild Flowers (Tagalog)
Wild Flowers (Tagalog)
Author: Ellitch

Chapter 1

"Nay, 'tay, magandang umaga po. Nakaluto na po ako ng ulam" masiglang bati ni Marisse sa mga magulang ng makita nito na palapit ito sa kanila.

"magandang umaga din anak" may ngiti sa labing tugon ng mga magulang nito.

"Ah, sya nga pala 'nay, 'tay, susunod po ako mamaya sa inyo sa taniman, ipaghahanda ko po kayo ng meryenda at tanghalian, sabihan nyo na rin po na h'wag ng magbaon sina Mang Tomas, ako na po ang bahala sa kanila" dugtong ng dalaga.

"napaka-sipag naman ng anak namin, kaya mahal na mahal kita e" usal ng ina ni Marisse sabay yakap sa kaniya.

"Naku, Vanessa, dapat itong nakababata mong kapatid ang gayanin mo. Huwag puro ka diyan gala at inom, ano ba 'tong batang to" sermon ni Inay sa aking nakatatandang kapatid na si ate Vanessa.

marami ang nagsasabi na magkasalungat daw kami ng ugali ng ate ko. kung ako ay raw ay mabait, masiyahin, walang arte at matulungin, si ate naman daw ay matapobre, laging nakasimangot, naglalakwatsa at nag iinom kasama ang mga kaibigan.

"oh edi sige, si Marisse na ang magaling, sya na ang perfect" sagot nito sa aking ina saka pabadog na tumayo at lumabas sa kusina.

napabuntong hininga na lamang ang tatlong naroon.

"Hayaan mo, Esper, pagsasabihan ko 'yang panganay natin" wika ni Ama.

pagkatapos namin kumain ay namahinga lamang saglit sina Nanay at Tatay bago pumunta sa taniman namin. ako naman ay naiwan sa kusina para maglinis ng pinagkainan at para na rin maghanda ng meryenda at tanghalian ng mga taong nagtatrabaho sa bukid. magluluto na sana ako ng turon ngunit kakaunti na pala ang wrapper namin kaya naman ay dali dali akong nagbihis para bumili ng mga kakailanganin sa palengke. tinakluban ko ang ulam na para kay ate at inilagay ito sa mesa. para just in case na umuwi sya at kumain ay basta na lamang ito kakain.

"magandang umaga, Marisse, kay ganda mo talagang bata" masiglang bati ng mga tao sa palengke.

"Marisse, may nobyo ka na ba? kung ganoon ay ipapakilala ko sa'yo ang anak ko. naku, gwapo ang batang 'yon, masipag pa at talagang bagay na bagay kayo" usisa ni Aling Merna habang bumibili ako sa kaniya ng mga ingredients.

"naku, kayo talaga ate" sagot ko naman rito.

"mamaya, padating na 'yon, ipapakilala kita" dugtong ng ginang.

Bitbit ang pinamili, aalis na sana si Marisse ng biglang matisod. sa takot ay ipinikit nito ang kanyang mata para hindi makita ang kahihiyan niya. ilang sandali pa ay nakaramdam siya ng paghawak ng dalawang kamay sa kaniyang katawan. unti-unti niyang iminulat ang mata, sa pagmulat ay sumalubong sa kaniya ang dalawang pares ng mata ng isang binata.

"Miss, mag-ingat ka next time" usal sa kaniya ng binata. "kung hindi kita nasalo, baka napano ka na" dugtong pa nito.

"salamat" tanging sagot ng dalaga. bago pa man sya maka-get over sa nangyari ay isang malakas na tili ang kanilang narinig mula kay aling Merna.

"ano Marisse, gwapo ba ang anak ko? sabi ko na nga ba bagay kayo. tingnan mo, may spark talaga kayo" kinikilig na tili nito.

"naku, ikaw talaga ate" sagot nito.

"Hoy Martin, ano ba naman anak, nagkakababaeng tao si Marisse tapos sya ang papagbitbitin mo ng mga pinamili nya sa atin, ay naku anak, hindi tama yan" usal ng ginang sa anak. lumipat naman ang tingin ko sa binata saka dali-daling lumapit ito sa akin bago kinuha ang bitbit ko. sya na raw ang maghahatid sa akin hanggang sa sakayan.

"So, ikaw pala si Marisse" basag ni Martin sa katahimikan, habang tinatahak ang daan patungo sa sakayan ng tricycle.

"Ah, oo. bakit parang ngayon lang kita nakita?" tanong ng dalaga.

"sa kabilang bayan kase ako nag-aaral, syempre doon na din namamalagi pero umuuwi naman ako dito sa bayan natin kapag bakasyon" sagot ng binata, Si Martin. "ikaw, bakit hindi ka doon mag-aral, may pera naman kayo dahilan para makapag-aral ka talaga" dugtong pa nito.

napabuntong hininga na lamang si Marisse saka sumagot. "gusto ko din, pero, alam mo 'yung feeling na ayaw mo iwanan ang pamilya mo? ang bukid at ang lugar na ito"

"malapit talaga ang loob mo dito, naiintindihan kita. Isa pa, magaling pa ay dito ka na nga mag-aral, sigurado ako na pagkakaguluhan ka ng mga lalaki doon, sasaktan ka lang"

"edi ganon ka rin?" tanong ng dalaga

"Hindi ah" depensa ng binata.

mahaba-haba pang kwentuhan ang nagdaan bago tuluyang nakasakay si Marisse sa tricycle pauwi sa kanila.

kinuha rin ng binata ang number ng dalaga.

aminin ko, gwapo si Martin. matulungin pa, isa pa ay hindi sya mahirap pakisamahan.

alas-nuebe na ng makarating si Marisse sa kanila. Habang tinatahak ang daan papasok sa kanilang bakuran ay nakita niyang bukas ang pinto.

"siguro nandito na si ate" bulong ko sa sarili.

sa pagpasok ng bahay ay nakita nya agad ang nagkalat na damit ng babae at lalaki.

"kay ate ito ah" bulong nitong muli. sanay na ako sa pagiging makalat ni ate kaya naman ay ipinagsawalang bahala ko na lamang ito.

bago ako makarating sa kusina ay nakita kong bukas ang pinto ng kwarto ni ate. dahan-dahan akong naglakad palapit rito.

"Ohhh, Vanessa, ang sarap mo"

"Fvck ang sarap niyan Adrian"

nagulat na lamang ako sa aking nakita ng makarating na ako sa tapat ng kwarto ni ate. Susmiyo, pareho silang walang saplot habang magkapatong.

dahil sa pagkabigla ay hindi agad ako naka-alis sa aking kinatatayuan. napabalik na lang sya sa ulirat ng kausapin sya ng binata habang magkapatong pa rin ang dalawa.

"wanna join, baby girl?" humihingal na tanong ng nagngangalang Adrian sa akin.

"pasensya na po, hindi ko sinasadya" sagot ng dalaga saka naglakad papasok sa kusina.

pagkarating sa kusina ay napainom na lamang ako.

Habang tinatahak ang daan ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari. iniisip ko kung isusumbong ko ba ito sa aming mga magulang. kaya ba palagi na lang late umuwi si ate? kaya ba natuto syang mag-inom?

kahit na ganoon pa man ay narating ko rin agad ang bukid. agad akong dumiretso sa kubo para ilatag sa mesa ang mga pagkaing dala-dala ko. nang matapos na ako ay tinawag ko na sina nanay at tatay,pati na rin ang mga taong katulong nina nanay at tatay sa bukid.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status