Ako naman ay naiyak na lamang muli sa nangyari saka dali-daling inayos ang sarili at ang kusina.
Pagkatapos kong mag ligpit ng kalat ay dali-dali akong nagkulong sa kwarto, saka muling umiyak.Dahil sa kakaiyak ay nakatulog agad ako. Malamig na dami ng hangin ang dumampi sa balat ko dahil hindi ko pala naisarado ang bintana sa aking kwarto.Agad akong tumingin sa salamin. Hindi naman ako halata na umiyak, kaya naman ay maari na akong lumabas. Gabi na, nandidito na ang aking mga magulang. Ngunit bago pa man ako makatayo mula sa kama ay napadaing na lamang ako dahil masakit ang gitna ko."Mukhang napagod ang dalaga namin ah, sarap ng tulog mo kanina anak e" bungad sa akin ni Nanay. "Hindi na kita ginising kanina, baka maistorbo kita. Oh sya, kumain ka na" dugtong pa nito.Nginitian ko naman ito saka umupo."Kayo po ba, 'nay, 'tay, kumain na po ba kayo?" Tanong ko sa mga ito."Oo anak, kakatapos lang namin" sagot ni Tatay."Si ate po ba, kumain na?" Tanong kong muli."Ah, oo anak, sumabay sya sa amin kanina" sagot ni Nanay. Tumango na lamang ako. "Sige na po, 'nay, 'tay, ako na po ang bahala rito, magpahinga na po kayo""Sigurado ka ba, anak?" Tanong ni Tatay."Oo naman, 'tay. Ako pa ba?" Pabiro kong sagot rito."Oh, sya, mauna na kami anak ha. Maaga pa kase bukas"Nang makatapos sa pagkain ay hinugasan ko na kaagad ang plato.Pagkabalik sa kwarto ay inayos ko na ang mga gamit ko saka inihanda ang uniform na sosootin ko bukas.Hay, Lunes na naman!Tulala ako habang lumalakad sa hallway papunta sa room namin."Huy Marisse, nakikinig ka ba?" Tanong ng kaibigan ko sa akin, si Patricia."Ah, o-oo naman" sagot ko rito saka ngumiti."Sige nga kung nakikinig ka, anong sabi ko?" Tanong nito."Ah, paano yung gagawin sa activity natin sa Business Finance?""Ha? Girl, pinagsasabi mo d'yan. Sabi ko kung saan ka mag aaral ng college, ano ba 'to, ang aga-aga lutang" usal nito."May problema ba?" Nag aalalang tanong nito. Umiling naman ako."Inaantok pa kase ako" pagdadahilan ko, mukhang naniwala naman sya."Libre kita mamayang recess" bawi ko."Talaga?" Mabilis pa sa alas-quatrong tanong nito."Hindi, joke lang""Ay, ito naman, hindi na mabiro. Sige girl, g ako d'yan. Sabi mo 'yan ha"Dumaan ang klase sa Introduction to Philosophy ay tulala lamang ako. Halos walang pumapasok sa isip ko."What do you want, Patricia?" Tanong ko rito habang nakaupo kami sa table sa cafeteria. Mamaya na lamang kami pipila kapag may naisip na syang kainin."Burger na lang at milk tea" sagot nito.Tumango naman ako saka pumila na. Ako na lang ang mag oorder ng pagkain namin.Nang makabalik sa pwesto namin ay mabilis na nilantakan ni Patricia ang burger na binili ko para sa kaniya."Hoy ano na 'te, kamusta na kayo nung Martin? Pogi 'yon e" wika nya habang ngumunguya pa."Ubusin mo nga muna 'yan" natatawang usal ko rito."So ano na?" Tanong nito nang maubos ang isang burger."Nakakachat ko lang sya minsan" sagot ko rito."Weh? Minsan lang ba?" Tanong nito."Oo naman, at isa pa, wala pa akong time para mag entertain" sagot ko."Feeling ko tatanda kang dalaga" usal nito saka s******p sa straw. "Ang ganda ganda mo nga, pero wala ka namang ineentertain, haler grade 12 na tayo, Sis" dugtong pa nito."Gusto ko kase muna na makatulong kina Nanay at Tatay. Saka na 'yang ganiyan kapag successful na ako" sagot ko."Konti na lang talaga iisipin ko na ako 'yung gusto mo e".Napailing na lamang ako."Tingnan mo, dati, ang kulit kulit mo, ang daldal mo pa, kaya ako napilitan na makipag kaibigan sa'yo e" usal nya."Excuse me, ikaw kaya 'yon" depensa ko.Sa totoo lang, sya naman talaga ang unang lumapit sa akin, sya ang nagungulit na makipag kaibigan sa akin. Si Patricia lamang din ang kaisa-isa kong kaibigan sa school na ito. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay may nagagawa akong kasalanan sa ilang babae rito. Palagi na lang silang masama ang tingin sa akin at sinusungitan ako. Minsan nang nasabi ni Patricia na kaya daw ganoon ang mga babae rito ay dahil ng boyfriend nila. E, anong kinalaman ko naman sa relasyon nila.Sa mga sumunod na period ay kahit papaano, dahil ni Patricia, ay naging maayos ang isip ko, kaya naman ay nakasunod ako sa mga aralin.Alas-tres na ng hapon kaya naman ay kanya-kanyang uwian na ang mga estudyante. Samantalang kami na lamang ni Patricia ang naiwan sa loob ng room namin. Masaya kaming naglilinis sa room nang pumasok ang teacher namin."Napaka-sipag talaga ng mga batang ito" nakangiting sabi ni Ma'am Rose. "Oh sya, hindi na ako magtatagal ha, kayo na ang bahala rito. Marisse and Patricia. Mag-iingat kayo pauwi" dugtong nito saka binitbit ang mga gamit nya at lumabas.Pagkatapos ng ilang saglit ay napagpasyahan namin ni Patricia na umuwi na. Tutal maayos naman na ang room. Sabay pa kaming nag hintay ng tricycle.Pagkauwi ay naabutan ko pa sina Nanay, Tatay at ate na namamahinga sa sala."Magandang hapon, 'nay, 'tay, ate" bati ko sa mga ito."Magandang hapon, anak" bati ni Tatay."Kamusta naman ang araw ng aking anak?" Nakangiting tanong ni Nanay."Ayos lang naman, 'nay" sagot ko saka naupo sa tabi nila."Ate, kamusta ka?" Tanong ko rito. Naalala ko pa rin ang nangyari at ang sinabi sa akin ng hayop na Adrian na 'yan.Sa halip na sumagot ay umirap na lamang ito sa akin saka naglakad papunta sa kwarto nya."Hayaan mo na, anak, magkakasundo din kayo" pagpapagaan ng loob ni Tatay."Oh sya, tama na muna ang drama, ang mabuti pa ay magbihis ka na at bumalik ka rito maya-maya, dadalhan kita ng meryenda mo, anak" si Nanay.Sa tuwa ay dali-dali akong nagtungo papunta sa aking kwarto. Bago pa man ako makapasok ay hinarangan na ako ni ate."Ate" bati ko rito.Hinawakan ako nito ng mahigpit sa braso dahilan para magreklamo ako sa sakit."Ate nasasaktan ako" naiiyak na sabi ko."Mas masasaktan ka kung magsusumbong ka sa kanila tungkol sa nakita mo" aniya saka mas lalong diniinan ang paghawak sa braso ko."A-ate masakit""Huwag na huwag kang magsusumbong, naiintindihan mo?" Gigil na tanong nito. Napa tango na lamang ako saka marahas niya akong itinulak sa aking kama at naglakad palabas sa kwarto ko. Bago pa man sya makalabas ay tinawag ko siyang muli."Ate""Ano?" Inis na tanong niya saka bumaling sa akin."may s-sinabi kase sa akin 'yung Adrian. A-ate, okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ko rito. Agad nanlaki ang kaniyang mata. Isinarado nya ang pinto ng aking kwarto saka lumapit sa akin. "Anong sinabi nya sa'yo?" Matapang na tanong niya. Kahit na ganoon pa man ay ramdam kong kinakabahan siya."A-apat daw ang umaangkin sa'yo minsan" sagot ko saka tumungo. "Ikaw bata ka, hindi ko alam na chismosa ka rin" pikon na sabi nya. "Ikaw na nga ang best bait-baitan, ngayon kinacareer mo na rin ang pagiging chismosa. You're unbelievable. At tsaka, kailan ka pa nag-alala sa akin, ha? Kailan pa kayo nag-alala sa akin?" May bahid na sama ng loob na dugtong nito. "Ate, I'm just worried about you. Kapatid kita, kaya dapat ako ang karamay mo" sabi ko. "Well, hindi ko kailangan ang ramay mo. Ito ang tatandaan mo ha, malalagot ka sa akin kapag isinumbong mo ako kina Nanay at Tatay" bilin nito bago lumabas. Ako naman ay naiwan na lamang na tulala sa nangyari. Bakit ganoon, gusto ko lamang naman na
"dahil pinagaya mo ako at perfect din ang score ko, libre kita" nakangiting sabi ni Patricia nang recess na. "Sabi mo 'yan ah" sabi ko sa kaniya. "Oo naman, g na" sagot niya saka dali-dali akong hinila palabas ng room. Nang makarating sa canteen ay as usual, maraming estudyante. Medyo nahirapan pa kami na maghanap ng table. Mabuti na lamang at nag offer 'yung pinsan ni Patricia na makitabi kami sa kanila. Wala na akong nagawa nang maka-oo si Patricia. "Ah, Bes, anong gusto mo?" Tanong niya sa akin pagka-upo ko. "Anything" sagot ko rito saka umalis na siya para bumili ng pagkain namin. Naiwan naman akong mag-isa kasama kasama ng pinsan ni Patricia. Naroon din ang kaibigan ng lalaki. "So, ikaw pala si Marisse" usal ng lalaki. Napatingin na lamang ako rito saka tumango. "I'm Anthony" dagdag pa nito. "Nice meeting you" sagot ko na lamang. "Nice meeting you, too. So, this is my friends" usal nya saka ipinakilala ang mga kaibigan. Si Jhamir 'yung lalaki na matangos ang ilong, more
Wala na akong sinayang pang oras. Agad na akong lumabas sa aming bahay, saka pumara ng masasakyan. Nang makarating ay para na din akong namatay. Mabigat sa loob akong lumapit sa kinaroroonan ng aking mga magulang. Wala pa ring tigil ang aking pag-iyak. There's a lot of people out there. Naroon din ang mga pulis, may ambulansya rin pero huli na. Wala na ang mga taong nagpapalakas sa akin. Paano na ako nito. Tulala pa rin ako sa nangyari. Samantalang si Martin at Patricia naman ay hindi umaalis sa tabi ko. "Kain ka muna, Marisse. Kailangan mo rin ng lakas" usal ni Martin saka iniabot sa akin ang tinapay at inumin. "Hindi ako nagugutom" tanging sagot ko. Hindi ko pa rin maiproseso ang nangyari. Napaka biglaan naman. "Sige na, kahit konting subo lang, try mo" ani niya. Hindi ko na lamang ito inintindi. Ang gutom, pamamanhid ng mukha at katawan ay bale wala lamang, wala pa ito sa kalahati ng nararanasan ko ngayon. Kasalukuyan kaming nasa morgue. I wonder kung nasaan si ate. Marahil a
Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Naririto kami ni Martin sa tabi ng sapa. "Happy monthsary, baby" aniya saka ako hinagkan sa pisngi. Kasalukuyan kaming nakausap sa mat na inilatag niya. Mayroon din doon na mga pagkain. At siyempre, may iniabot din siyang bulaklak at kwintas. "I love you so much" dagdag pa nito. "Happy monthsary, Baby. Thanks for coming into my life" sagot ko naman. "Isang buwan na lang, graduate ka na ng Grade 12. Big girl na ang baby ko" aniya saka natawa."Hey, para naman akong sanggol d'yan e" sabi ko saka ngumuso. "E ano naman, baby naman kita" natatawang sabi nya. "Malapit na ako grumaduate pero wala naman sina Nanay at Tatay" malungkot na sabi ko saka tumingin sa malinis na tubig. Agad naman akong niyakap ni Martin. "Don't worry, I know, kung nasaan man sina Tito at Tita, super proud sila sa'yo. Ang galing galing kaya ng running for With Highest Honor ko. At isa pa, hindi ka naman namin pababayaan nina Mommy at Daddy. Pangako, naroon kami sa gr
As usual, pagkauwi ko sa bahay ay ganoon na naman ang nangyari. Sinunod ko muna ang utos ni ate, dahil kung hindi ay masasaktan na naman n'ya ako. Ayaw ko nang mangyari ang bagay na iyon dahil nag-aalala ang mga kaibigan ko. Nakikita kase nila na may mga pasa ako sa katawan...Kasalukuyan akong nakaupo sa kama, kakatapos ko lamang sa mga gawaing bahay. Naalala ko sina Nanay at Tatay. Siguro kung nandidito pa pala ay hindi ko mararanasan ito. Sa bukid ay hindi na rin ako masyadong nakakapunta dahil si ate na ang namamahala rito. Kamusta na kaya ang mga tao roon? Maayos ba silang tinatrato ni Ate? Dinadalhan din kaya ni ate ang mga iyon ng meryenda at tanghalian? "Hoy gising" rinig kong ani ni Ate. Hala, nakatulog na pala agad ako kagabi sa kakaisip. Agad naman akong bumangon saka humarap sa kaniya. "Mag linis ka ng bahay. Bilis" utos n'ya saka lumabas na sa kwarto ko. Inumpisahan ko nang magluto at maglinis muli. Sobrang dami niyang ipinagawa ngayong umaga kaya naman ay late na ak
"where have you been?" Bungad ni Vanessa kay Marisse."N-nag date lang po kami ni Martin" sagot ni Marisse. May takot na itong nararamdaman. Isang malakas na sampal ang inabot ko sa kaniya. "How dare you na unahin pa 'yang paglalandi mo kesa pagsilbihan ako" sigaw n'ya. "Ate, I'm sorry" sagot ko ay naiyak na lamang. "Mag umpisa ka na sa gawain mo dito sa bahay" utos n'ya. "Ate, p-pero may assignment pa po ako" ani ko. "And so? Kung hindi mo sana inunan 'yang paglalandi mo, masarap na sana ang buhay mo ngayon" ani ni ate saka padabog na pumasok sa kwarto n'ya. Nagbihis lang ako saka gumawa na ng gawaing bahay. Inuna ko muna na ipagluto s'ya bago naglinis ng buong bahay. Mabilis na lumipas ang mga buwan. Isang linggo na lamang ay graduation na namin. Finally. Para sa inyo ito, 'nay at tatay. "Hoy, hindi ako uuwi dito sa loob ng isang linggo ha. May lakad kami ng boyfriend ko. All you need to do is maglinis dito. Naiintindihan mo ba?" Utos niya. Tumango naman ako. "Ate, hindi ka
Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko. Kanina pa itong nagriring. Alas dose na pala ng gabi. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag na ito. Si Martin pala. Inis kong pinatay ang cellphone ko saka bumangon. Hindi pa pala ako nakakapagbihis. Maski ang make up ko ay nagulo na rin. Natawa na lang ako habang nakaharap sa salamin. Nang makapagbihis at maalis ang make up ay binuhay kong muli ang cellphone ko. Agad naman akong napangiti sa dami ng pagbati nila sa akin. Maingay pa rin ng group chat namin nina Anthony, Jhamir, Angelo, at Patricia. Nagtipa ako ng mensahe saka isisend iyon. Marisse: Congratulations, guys! I'm so proud of y'all! :)Jhamir : Himala, gising ka pa >_
WARNING ⚠️ Medyo SPG sa dulo⚠️"Gising na s'ya mamaya, Boss. Anong plano sa kanya?" Iyan agad ang narinig ko. Agad akong nagmulat ng mata, mabilis na dumaloy sa sistema ko ng wala akong makita kun'di puro itim. Pinakiramdaman ko ang aking kinalalagyan. Nakapiring. Tama, nakapiring ako, may busal ang bibig, nakatali ang kamay at paa. Sinubukan kong sumigaw ngunit nahihirapan talaga ako."Boss, gising na ang bisita mo" maya-maya ay ani ng isang boses, lalaki. Sino sila?"Ah, sige Boss, hintayin ko na lang po kayo" ani ng lalaki. Siguro ay may kausap ito mula sa telepono n'ya. At, sino naman ang 'Boss' na tinutukoy n'ya? Anong kasalanan ko sa kanila. Bigla ko na lamang naisip ang nangyari. Isasarado ko na sana ang pinto ng suit namin ni Patricia nang biglang may ilang naka all black men, may takip ang mga mukha ng mga ito saka tinakpan ang bibig ko pagkatapos noon ay heto na ako. Nasaan kaya ang mga kaibigan ko. Safe kaya silang lahat? Sana oo. Ilang sandaling natahimik ang paligid