LOGINNAGTULUNGAN kami sa pagluluto para sa gabihan. Nasa studyroom kasi si Anzel at may kausap. Alam kong pagod ito kaya hindi ko na ito pinagluto. Saka ako ang babae sa amin, nandito rin sila mama at Leisa kaya may katulong ako sa paghahanda ng makakain. Pagkatapos magluto ay umakyat ako sa studyroom para tawagin ito. Napahinto ako sa pagpasok ng marinig ko ang sinabi nito sa kausap nito. “Great. Bantayan niyo at wag hahayaan na mawala sa paningin ninyo ang taong iyan. Gusto kong malaman ang bawat galaw niya.“ Sino ang pinapabantayan niya? Dahan-dahan kong tinulak ang pinto at pumasok. Nakita ko ito na kuyom ang kamao at nakatiim ang bagang habang nakikipag-usap. “Sa oras na manggulo siya at magtaka na saktan uli ang asawa ko ay ako mismo ang magbabalik sa kanya sa loob ng kulungan. Magpasalamat siya dahil ama siya ni Natalia. Kung hindi ay baka hindi lang suntok ang nagawa ko sa kanya!” Bumuntonghininga ako. Akala ko tungkol sa negosyo ang pinag uusapan ng mga ito. May inut
“Are you okay?” Tumango ako sa kanya. Nandito na kami sa loob ng kotse ngayon. “Si mama dapat ang tanungin mo. Mukhang nabigla yata siya sa ginawa mo.” Nguso ko sa isang sasakyan kung nasa’n silang dalawa ni Leisa. Pumikit ako ng pahirin niya ang nabasang luha sa pisngi ko. Agad pala ako nitong sinundan ng sabihin ni Jose ang sinabi ko. “Sa susunod wag kang aalis ng wala ako. What if hindi ako dumating? Paano kung may nangyari sayo?” Yumuko ako. “Sorry. Ang totoo niyan nahihiya talaga ako sayo.” Amin ko. “Alam ko kasi na pera na naman ang dahilan kaya nakipagkita si papa kay mama. Saka alam ko naman na susunod ka. Palagi ka kayang dumadating kapag kailangan kita.” Tumingala ako sa kanya at puno ng tiwala ang mga mata na tumingin sa kanya. “Ramdam kong dadating ka.” Lumamlam ang mata niya sa sinabi ko. Nakita ko ang pagsilay ng mumunting ngiti sa labi nito. “Nah. Hindi porke alam mong mahal na mahal kita papairalin mo ang pagiging kampante mo. I want you safe, mine. Mang
Dumaloy ang masaganang luha sa mga mata ko. Damang-dama ko ang labis na pagsisisi ni mama sa pambabalewala na ginawa niya sa amin noon. Kahit si Leisa ay napahagulhol. Hindi na siya ang dating asawa na noon ay pipiliin na balewalain kami at tahimik na iiyak sa gilid, na walang gagawin kundi ang sumang ayon sa lahat ng sasabihin ni papa. Ang ina na nakikita namin ngayon ay matapang at natuto ng mahalin ang sarili niya at piliin kaming mga anak niya. Ina na pipiliin kong tularan balang araw at ipagmamalaki ko. “Pinili ko sila dahil natauhan ako, Nando. Natauhan ako at nagising at iyon ay dahil sayo.” Wika ni mama na parang naging sampal kay papa. Nagulantang kami ng hampasin ni papa ang mesa ng malakas. Nag aalalang nilapitan namin si mama. “Ano ang sabi mo? Pipiliin mo na sila ngayon kaysa sa akin na asawa mo?! Nagkapera ka lang yumabang ka na ngayon! Bakit sino ang pinagmamalaki mo? Ang mga anak mo?! Walang mag aalaga sayo kapag tumanda ka! Sa akin at sa akin pa rin ang ba
Nanlaki ang mata ko sa gulat. Nakalaya na si papa? Kailan pa? “Papunta na ako diyan! Si Leisa?” “Sinundan niya sila mama, ate! Tatawagan ka daw niya para sabihin sayo kung saan ni papa dadalhin si mama!” Nagmamadali kong binulsa ang phone ko at pumasok sa loob ng opisina. Lumabas ako at nilapitan si Jose. Halatang nagtataka ito dahil sa pagkataranta ko at pamumutla. “Ang sir mo?” Kumamot ito sa ulo. “Nakalimutan ko sabihin, ma’am. Umalis sandali si sir. Dumating kasi si Sir Em kaya lumabas sandali.” Tumingin ako kay Natnat. Ayoko itong iwa pero hindi ko ito pwdeng isama. “Pwede bang bantayan mo muna si Natnat? Pagdating ni Anzel sabihin mo umuwi ako. Babalik din agad ako!” Sabi ko kahit hindi ko alam kung makakabalik agad ako. Lumuhod ako at humarap sa anak ko. “Hintayin mo si papa, okay? Kapag dumating siya sabihin mo pinuntahan ko si lola. Hmm? Mag-behave ka, okay?” “Okay po, mama!” Ngumiti ako ng pilit sa harapan niya. Ayoko kasing magtaka ito kapag napansin na
“WOW, Ate!!! Ang ganda!!!” Mangha na mangha na bulalas ni Pete ng makita ang magiging kwarto niya. “Nagustuhan mo ba?” Tanong ni Anzel. “Aba hindi lang gusto… mahal na yata, kuya!” Natawa ako sa sagot ni Pete sa asawa ko. Nasopresa ito dahil nagpalagay si Anzel dito ng malaking aquarium at sa kabilang side malapit sa mini library ay kulungan naman ng mga pusa. Parang naghugis puso tuloy ang mata ng kapatid ko. Si mama naman ay daig pa ang nasa loob ng isang royal palace ang loob ng kwarto. Puro maroon at gold ang kulay ng mga gamit sa loob nito. Kay Leisa naman ay puro kulay pink ang disenyo. At siyempre ang kwarto naman ng anak namin ay puno ng mga mamahaling Figure ng mga kilala at sikat na Superheroes. Pinagawa pa ng daddy nito ang karamihan do’n sa ibang bansa para sa kanya. Sa susunod na linggo pa kami lilipat pero parang gusto ng tumira dito nila Pete at Leisa. Tingin ko nga pati si mama gusto na rin lumapit kami. “Mali-late ka na!!!” Ani ko kay Anzel ng maalala na m
(Natalia pov) Hindi ko mapigilang mapangiti habang namimili kami ng mga kagamitan sa bahay kasama sila mama, Leisa at Pete. Paano ay kanina pa tanong nang tanong ang mga ito kung sigurado kami ni Anzel na gano’n kamahal ang bibilhin naming gamit para sa mga ito. Nandito kasi kami ngayon sa isang Furniture shop upang mamili ng mga kagamitan na gagamitin para sa magiging kwarto nila. Noong una tumanggi sila mama na tumira kasama namin. Nakakahiya daw dahil dagdag bagahe daw sila sa aming mag asawa. Pero si Anzel mismo ang nagsabi na walang dapat ipag alala. “Pamilya ko sila kaya pamilya na daw niya ito” kapag naaalala ko ang mga sinabi ni Anzel ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na maging emosyonal. Pati sila mama at mga kapatid ko ay naging emosyonal din gaya ko ng sabihin iyon ng asawa ko. “Ay diyos ko… tatlong daang libo ito? Ang mahal nama nito, anak! Pwede na tayo bumili ng lupa sa presyong ito!” Bulalas ni mama ng makita ang isang set ng sofa na naka-display na kulay mar
“Kakain ka, o tatayo ako at pakakainin kita sa paraang gusto ko. Choose, Natalia.” Naniningkit ang mata ko. “Tinatakot mo ba ako?” Tumaas ang sulok ng labi nito. “Sa anong paraan mo ba naisip na pakakainin kita?” Hindi ako nakasagot. “Tell me, sa anong paraan? Gusto kong malaman.” Nang mamula a
"Parang hindi minahal, ah..” "Yun na nga. Ano ba ang nagustuhan ko sa kanya at tatlong taon bago ako natauhan." Bumuga ako ng hangin. Gusto ko sanang sabihin sa kanila ang tungkol sa problema ko pero nahihiya na ako. Alam kong mag ooffer sila ng tulong. Sobra-sobra na ang naitulong nila kaya ay
Isang linggo pa lang ay gamay ko na ang trabaho at mga product na nasa shop. Karamihan dito ay mga Thailand product at Korean product. Mas mabili kasi ito dahil epektibo. Magaling ako makisama kaya hindi na ako nahirapan na makisama sa mga tauhan ng shop ni Meryl. Alas singko pa lang ay nagsasarado
“Saan ka galing?” Napahawak ako sa dibdib sa gulat. “Alam mo bang nag aalala na kami? Dalawang araw kang nawala. Akala namin pina-salvage ka na ng asawa mo.” Ani ni Jeffy. “Ex. Hiwalay na kami no’n.” humawak ako sa leeg ko ng tingnan ako ni Meryl. Napalunok ako ng laway. Hindi kaya may markang na







