Pinukol ni Lolo Faustino na isang malamig na tingin ang mag-asawa. Nang magawi ang paningin niya kay Crassus ay naningkit ang kanyang mata. Nagtagis ang kanyang bagang nang makitang hindi ito makatitig sa kanya.Paniguradong alam na nito na galit siya kaya nag-iwas ito ng tingin.“Crassus…” sambit ni Lolo Faustino.Kaagad inalalayan ni Saturn ang kanilang Lolo. Napansin niya sa tono ng pananalita nito na galit ito. “Lo, calm down.”Naningkit ang mata ni Lolo Faustino. Pinukpok niya ng isang beses ang hawak na baston."Eres estûpido,” (You're stupid) Lolo Faustino hissed.“Lolo,” nag-alalang wika ni Raine. Ngumiti siya ng tipid. “Hindi ko po maintindihan ang sinasabi mo pero kasi…” Napabusangot siya. “Kakarating lang namin. Ayaw mo po ba kami papasukin?”Natahimik si Lolo Faustino. Tumaas naman ang kilay ni Saturn dahil sa narinig. “Lolo naman po,” malambing na wika ni Raine. Tinuro niya ang kanyang ulo. “Kakauwi lang namin eh. Hindi mo man lang ako kakamustahin? May sugat pa po ako o
Tatlong araw ang nakalipas, masayang-masaya si Raine na lumabas ng ospital. Na-discharge na siya kaninang alas nuwebe ng umaga. Habang hinihintay ang pick up nila ni Crassus ay hindi maiwasan ni Raine na ngumiti ng matamis. Nilanghap niya ang sariwang hangin at saka pumikit.Napagmasdan iyon ni Crassus, kaya hindi niya maiwasang madala sa ngiti ni Raine. “You miss the smell?”Iminulat ni Raine ang kanyang mga mata. Saka siya bumuga ng marahas na hangin. “Oo, nakakamiss kasi ang amoy ng polusyon. Sawa na iyong ilong ko sa amoy ng alcohol at gamot,” pabiro niyang sagot at saka ngumisi.Crassus shook his head. “You're crazy.”Napasimangot si Raine. “Bakit? Totoo naman ang sinasabi ko ah?” pangatarungan niya pa. “Ang tagal ko rin nakakulong sa ospital. Biruin mo, mag-iisang buwan akong tulog. Lakas ng tama ko.”Crassus face darkened. “Stop talking like that. Why are you making fun of it?"“Ito naman. Masyadong seryoso. Hindi ba pwedeng mag-joke kahit kaunti?”Iniwas ni Crassus ang kanyang
Inimulat ni Raine ang kanyang mata. Kaagad niyang inilibot ang paningin sa loob ng kwarto. Pumungay ang kanyang mata. Sinubukan niyang mag-iba ng pwesto pero nang tumagilid siya ay may nasagi siya. Kumunot ang kanyang noo. Tinitigan niya ang lalaking nakayukyok sa kanan gilid ng kama.Parang may humaplos sa puso ni Raine nang makitang natutulog si Crassus. Himbing na himbing ito sa pagtulog. Bahagya pang naka-nganga ang bibig nito. Tipid siyang ngumiti. Dahan-dahan niyang hinimas ang buhok nito. Ilang beses niya iyon hinagod hanggang sa magising ito. Nag-angat ito ng tingin. Nang makitang gising na siya ay bigla ito naging alerto.“Ano ka ba,” pagkalma ni Raine nang mapansin ang kilos ni Crassus. Chineck kasi nito ang kanyang benda pakanan at pakaliwa. “Okay lang ako. Bakit dito ka natutulog?” mahinang tanong pa niya. Ininguso niya ang upuan. “May couch naman dito sa kwarto. Bakit dito ka pa pumwesto?”Apat na araw na ang nakalipas simula nang mailipat siya sa private room. At dahil
Habang nagpalitan ng diskusyon ang mga doctor na tumitingin kay Raine ay hindi nawawala sa tabi si Crassus. Parati siyang nakaantabay at nakikinig sa mga payo ng mga ito.Inulan ng maraming tanong si Raine. Partikular na kung ano ang nararamdaman nito. Mabagal at may pasensiya na sinagot naman nito ang tanong ng doctor. “Gising na ang pasyente. Kung maayos na ang vital signs niya after one day of monitoring, ililipat na natin siya sa private room,” ani pa ni Dr. Bianchi. Binalingan nito ang isa pang doctor na espesyalista sa head injury na si Mrs. Calinlan. “What do you think, Doc?”Tumango ito. “Siguro after three days, pwede na siya ilipat. Sa ngayon Mrs. Almonte ay huwag ka muna masyadong magalaw, huh? Dapat vocal ka kung ano ang nararamdaman mo.”Mabagal na tumango si Raine.” S-sige po,” sagot niya sa namamaos pa na boses. Ngumiti ang Doctora. Kinuha niya mula sa isang nurse ang medical chart. “Natatandaan mo ba kung paano nabagok ang ulo mo?”Nang marinig ni Crassus ang tanong
Tahimik na pinagmasdan ni Crassus na mahimbing na natutulog. Kapapasok niya pa lang sa kwarto nito. Naka mask siya at hospital gown bilang proteksiyon. Iyon kasi ang isa sa mga utos ni Alessando kaya sinunod niya iyon.Pinagkasya lang niya ang sarili na titigan ito. Kahit ang paghaplos sa kamay nito ay hindi niya magawa. Natatakot kasi siya sa posibleng mangyari.May nakakabit pa rin na oxygen sa katawan ni Raine para ma-monitor ang heart beat nito. Bagaman hindi na masyadong maputla ang mukha nito, may nakapulupot naman na makapal na plaster sa noo nito.Tatlong araw na lang ang kulang at mag-iisang buwan nang nakaratay rito sa ospital ni Raine. Habang dumadaan ang araw ay mas lalong sumidhi ang kagustuhan ni Crassus na magising ito. Parang papatayin na siya sa nerbiyos sa tuwing makikita niyang nakahiga si Raine rito.Namimiss na niya ang boses nito. Kahit ang pagiging talakera nito ay kanyang ng hinahanap. Pakiramdam niya ay may kulang sa kanyang araw kapag hindi naririnig ang bos
Nakatitig sa kawalan si Crassus habang nagkukulong sa loob ng kanyang kotse. Kanina pa siya nakahawak sa manubela pero hindi niya ito magawang imaniobra. Kahit ang pagsuksok ng susi sa ignition ng kotse ay hindi niya magawa. Nakatulala lang siya habang inaalala ang pinag-uusapan nila ni Tita Roberta.Pakiramdam ni Crassus ay parang pinaglaruan siya ng tadhana. Pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya ng lahat. Akala pa naman niya noong una ay nangyari sa hindi inaasahan ang lahat, pero hindi pala. Ngayon na alam niyang sinadya pala ni Raine na mapalapit sa kanya, isang tanong ang muling umusbong sa isip niya.Paano iyong nangyari sa kanila ni Raine sa team building? Parte rin ba ito ng plano nito o sadyang aksidente lang iyon?Nahampas ni Crassus ang manubela. Pinagsusuntok niya iyon at pinag-aalog. Kahit ang silinyador ng kotse ay kanyang pinagsisipa. Nang maramdaman niya ang paninikip ng kanyang dibdib ay bigla siyang sumigaw ng napakalakas. Umalingawngaw iyon sa loob ng kanyang mamaha