MasukKumunot ang noo ni Crassus nang makitang patay na ang ilaw ng living area. Tahimik na ang villa. Kahit ang mga katulong ay hindi na pakalat-kalat sa sala. Sinipat niya ang suot na relo, pasado ala siyete pa lang ng gabi. Sinara ni Crassus ang pinto. Pupuntahan niya sana ang kwarto ni Manang Lena nang biglang nagpakita si Scott. "Where is she?" Crassus asked as he stared to his cousin. Si Raine kaagad ang pumasok sa isip niya. Kapag ginabi siya ng uwi ay madalas na naghihintay ito sa kanya. Subalit hindi niya ito nakita ngayon. Kahit sa sala ay hindi kya ito nadatnan na nag-aabang. "Room," Scott replied. "Something's off. Her mom visited earlier. She came straight here. Kahit na galing pa siya sa province."Tinabingi ni Crassus ang kanyang ulo. "Maybe she's just missed her daughter.""I hope so." Namulsa si Scott. Ininguso niya ang hagdan. "She's upstairs."Crassus nodded. Aalis na sana siya nag may nakalimutan siyang itanong kay Scott. "Is everything good while I'm away?""Yes
"H-hindi ako ang tunay mo'ng ina, Raine."Nagulantang si Raine sa narinig. Parang pinompyang ng husto ang kanyang puso. Natulala siya habang nakaawang ang kanyang labi. Pansin ni Roberta na nawalan ng imik si Raine. Dahan-dahan niya'ng niyugyog ang kamay nito. "Tina..." sambit ni Roberta para kunin ang atensiyon nito. Hinaplos niya ang pisngi nito. "Tina..."Kumukurap-kurap si Raine. Tulalang lumingon siya sa kanyang mama.Napapikit ng mariin si Roberta. Pinagdikit niya ang kanilang mga noo at kanyang ikinulong ang pisngi nito sa kanyang mga kamay.Tinabig ni Raine ang kamay ni Roberta. Hilaw siyang ngumiti."N-nagbibiro ka lang po, hindi ba, mama?" muling tanong ni Raine. Dahan-dahan siyang umiling. "Hindi ba?"Lumunok si Roberta. Mas lalo siya naging balisa nang makitang natuliro ulit si Raine. "P-pero itong tandaan mo, Tina. Kahit hindi ka nanggaling sa akin, tinuturing kita na parang sarili kong anak. Kahit anuman ang mangyari, hindi ako mawawala sa tabi mo.""A-ano ba iyang p
Dumaan ang ilang araw matapos mangyari ang insidente ay naging bugnutin si Raine. Tatlong araw ng hindi umuuwi si Crasssus sa villa. Naninibago siya dahil panay ang mga katulong, si Scott at si Rothan ang kanyang mga kasama. Gusto niya sanang lumabas pero hindi naman siya pinapayagan. Simula ng may humarang sa kanila ay naging maingat na si Crassus. Bago ito pumunta ng business trip ay binilinan na nito si Scott na huwag siya palalabasin kung hindi importante. Kahit pagkatapos ng review class niya ay diretso uwi na siya sa bahay. Hindi katulad dati na hawak pa niya ang kanyang oras.Pabor naman iyon sa kanya, pero nakaraang araw lang iyon. Nahihirapan pa siyang maglakad noong time na iyon dahil sa pèmpem niya kaya okay lang sa kanya. Pero ngayon na kaya na niya'ng kumilos, pakiramdam niya ay parang kinadina ang kanyang paa."Tch! Business trip," maktol na wika ni Raine nang nakasimangot. "Sino'ng niloloko mo? Iniiwasan mo lang ako. Loko talaga ang orangutan na 'yon."Hanggang ngayon
Pagkatapos isiwalat ni Roberta ang lahat ng hinaing ay binalot ng katahimikan ang sala. Hindi makapagsalita ang mag-ina. Hindi rin ito makatingin sa kanya ng maayos. Halatang guilty ang mga ito.Kung hindi pa na-ospital ang Mama nila, hindi niya malalaman ang mga kalokohan ng mag-ina. Kaya pala ilag ang Tiya Puring niya kina Manuela. Iyon pala ay may hinanakit ito sa sarili nitong pamangkin at apo. Kung siya rin ang nasa posisyon ng kanyang Tiya ay talagang aabot din sa sukdulan ang kanyang galit. Hindi niya masikmura ang mga kalokohan ni Manuela.Nalaman niya kina Tiya Puring at anak nito na si Helena ang mga kalapastanganan ng mag-ina. Hindi nakatiis ang mga ito na hindi magsumbong. Lalo na ang nagkasakit ng malala ang mama nila.Napailing si Roberta. "Hindi sana tayo mamomroblema at mag-aaway kung ginastos ninyo sa tama ang pera ni Mama. May pangtustos sana tayo sa sakit niya. Kaso mga walang hiya kayo eh. Nagawa ninyong mag trip to Thailand noong nakaraang taon, habang naiwan dito
Sa kabilang banda, habang naka-upo sa loob ng bahay ni Lola Pansing ay hindi maampat ang inis ni Roberta. Simula nang dumating siya rito kahapon ay wala na ibang ginawa ang magaling niya na kapatid kung hindi magpaparinig at magpapaawa. Kaunti na lang ang kulang ay matutulili na siya sa boses nito.Ang totoo niyan ay may dahilan kung bakit siya napabisita rito. Balak naman talaga niya na bumisita sa kanyang Mama pero bigla iyon napaaga nang tumawag si Manuela kahapon.Isinugod kahapon sa ospital ang Mama nila. Matagal na pala nito iniinda ang pananakit ng ulo subalit hindi napag tuunan ng pansin. Akala ni Manuela ay dahil lang pagtaas mg dugo nito kaya sumasakit ang ulo nito. Hindi na rin nito pinapa-check up kahit sa health center ang mama nila. Sa sobrang kampante nito ay lumalala sakit ng Mama nila. Kung hindi pa raw ito nagsusumigaw kahapon, hindi nila malalaman ang kalagayan ng kalusugan nito. Iyon pala ay iba ang dahilan kung bakit nanakit ang ulo nito.Ngayon pa sila
Sabay na napatingin sina Raine at Crassus sa pinto. Hindi pa matagal mula nang lumabas si Dr. Bianchii sa kwarto pero nangangati na ang lalamunan ni Raine na magsalita. Sinabon ba naman ni Alessandro si Crassus.Ngumiwi si Raine. "Ba't parang kuya kung makapagsalita si Dr. Bianchii? Ganyan ba talaga siya?""Yeah— he easily loses his temper when someone he knows is in trouble," Crassus explained."Kaya pala," saad ni Raine. Tinitigan niya si Crassus. "Okay ka lang?""Hmm?" Crassus hummed. He stared at her. "Yeah—I'm fine."Muling ngumiwi si Raine. "Huwag ka ng magkaila, halata naman na nadala ka sa sinabi ni Dr. Bianchii.""I deserved it," Crassus said. "Sorry," paghingi ng paumanhin ni Raine. "Wala ka naman talaga kasalanan ngayon. Nadamay ka lang naman talaga.""It's okay— don't be sorry," Crassus replied. Inabot niya ang kamay ni Raine at kinantalan iyon ng hálik. "It's my job to protect you after all." Natahimik si Raine. Tinitigan niya ang kamay nila ni Crassus. "H-hindi ko
Hindi sumagot si Dr. Bianchi. Tinitigan lang niya ng makahulugan si Raine.Si Raine naman ay biglang natuliro. Hindi niya alam kung dapat ba siyang kabahan o hindi, pero base sa nakikita niya na naging reaksiyon ng Doktor; parang gusto niyang lumabas ng clinic. Gusto niyang lumabas para hatakin pap
Matiyagang naghihintay si Raine sa labas ng clinic ni Dr. Bianchi. Kasalukuyan namang kinakausap ni Crassus si Kien. Nagbibigay ito ng instructions kung ano ang gagawin.May rounds pa kasi si Dr. Bianchi. Hindi pa open ang clinic nito kaya naghihintay pa sila. Siguro ay dahil marami pa itong ina
Napapitlag si Crassus nang biglang tumunog ang cellphone niya. Napakurap siya. Napatitig siya sa cellphone na panay pa rin ang pag-iingay.Pagkatapos mapanood ni Crassus ang video ay ramdam niya ang bigat niyon. Parang may bomba na nahulog sa ulo niya. Pinilit niyang pinagtagpi-tagpi ang mga nakala
"Fûck!" Crassus cursed. Napahilamos siya sa kanyang mukha. Parang pinompyang ang ulo ni Crassus. Ang gusto lang niyang malaman ay bakit ito nagdesisyon na i-donate ang mata nito. Kung ano talaga ang sadya nito. Paanong napunta sila sa dahilan ng pagkamatay nito? Napabuga ng marahas na han







