Compartir

Chapter 531

Autor: Aceisargus
last update Fecha de publicación: 2026-09-04 20:54:25

Paggising ni Raine kinabukasan ay madilim pa ang kwarto nila. Nakapatay pa ang mga ilaw at dinig na dinig pa rin niya ang ingay ng aircon. Napapikit ulit siya. Sinubukan niya'ng gumalaw papuntang kanan nang matigilan siya. Hindi siya makagalaw ng maayos.

Pakiramdam niya ay may kung ano'ng mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang tiyan. Hindi niya rin maigalaw ng maayos ang kanyang binti. Napamulagat ng mata si Raine. Mabilis siya'ng napalingon sa kanyang gilid.

Tulog na tulog pa rin si Crassu
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado
Comentarios (1)
goodnovel comment avatar
Ashurii Mante Poli
kelan o kaya maging okay
VER TODOS LOS COMENTARIOS

Último capítulo

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 531

    Paggising ni Raine kinabukasan ay madilim pa ang kwarto nila. Nakapatay pa ang mga ilaw at dinig na dinig pa rin niya ang ingay ng aircon. Napapikit ulit siya. Sinubukan niya'ng gumalaw papuntang kanan nang matigilan siya. Hindi siya makagalaw ng maayos. Pakiramdam niya ay may kung ano'ng mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang tiyan. Hindi niya rin maigalaw ng maayos ang kanyang binti. Napamulagat ng mata si Raine. Mabilis siya'ng napalingon sa kanyang gilid.Tulog na tulog pa rin si Crassus sa tabi niya. Saka lang niya naanalisa na ang braso pala nito ang nakadagan sa kanyang tiyan. Maging ang binti nito ay nakadantay rin sa binti niya. Yakap-yakap siya nito habang mahimbing ito natutulog.Sandaling natigilan si Raine. Tahimik niya'ng tinitigan ang maamong mukha ni Crassus.“Good morning..” bati ni Crassus kahit nakapikit.Namilog ang mata ni Raine. Nahigit niya ang kanyang hininga. “G-good morning,” ganting bati ni Raine. Napakurap siya. “K-kanina ka pa gising?”“No,” Crassus r

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 530

    “C-Crassus?” Patanong na wika ni Raine. “Bakit ka nandito?”Hiniwalay ni Crassus ang mga braso niya mula sa paghalukipkip.“I was waiting on you,” Crassus replied. “Baka kasi napaano ka na sa banyo.”Natigilan si Raine. “A-ayos lang naman ako,” sabi niya. Hindi sumagot si Crassus. Sa halip ay pinasadahan niya ng tingin si Raine. Kumunot ang kanyang noo. “I’ll go to bed now,” Crassus said. Iniwan niya si Raine na nakatayo sa bukana ng banyo.Nakahinga ng maluwag si Raine. Naalala niyang nakatingin si Crassus sa katawan niya. Kanyang pinasadahan ng tingin ang sarili. Nagsalubong ang kanyang kilay nang makitang wala naman kakaiba sa katawan niya.Lumabas si Raine sa banyo. Tahimik siya'ng nagtungo sa closet at nagpalit ng damit.****“Huwag po… h-huwag…”Pabaling-baling ang ulo ni Raine sa kanyang kinahihigaan. Kunut na kunot ang kanyang noo kahit nakapikit. Pinagpawisan na rin siya ng malapot. Mahigpit siyang nakahawak sa kumot na nasa kanyang dibdib.“Huwag,” sambit ni Raine nang nak

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 529

    Kakababa pa lang ni Raine sa sasakyan pero hindi na niya mapigilan na malungkot. Tahimik siya'ng pumasok sa loob ng villa at iniwan ang driver nila ng walang lingun-lingon. Umakyat siya sa hagdan at nagtungo papunta sa kwarto.Napabuntonghininga si Raine. Pagkatapos niya'ng isara ang pinto ay napasandal na lang siya roon. Natulala siya. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip.“Raine…”Napasinghap si Raine. Mabilis niya'ng ginalugad ng tingin ang kwarto para hanapin ang tumawag sa kanya. Ginalugad niya ng tingin ang kasuluk-sulukan pero wala siyang makita dahil madilim ang kwarto. Nakapatay ang ilaw at tanging ingay lang ng aircon ang kanyang naririnig. Ang tanging ilaw lang niya noong mga oras na iyon ay ang mapusyaw na liwanag na nanggagaling sa corridor nila. Na sirado naman sa pagkakataon na iyon pero nakahawi pa rin ang kurtina.Lumunok si Raine nang hindi niya pa rin mahagilap ang pakay. “C-Crassus…” naisambit niya sa mahina ngunit mahinhin na boses.Mula sa dilim, lumabas si Crass

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 528

    Kulang ang salitang gulat sa naging reaksiyon ni Diana. Natulala siya at hindi makapagsalita. Dahan-dahan niyang inaalisa ang sinabi nito pero kahit ano'ng gawin, natulala pa rin siya at natuod sa kanyang kinauupuan.Simula ng masagip siya, hindi pa sila nag-usap ng masinsinan ni Crassus. Pahapyaw lang ang lahat na iyon, at dahil sa sunod-sunod na nangyari— nakalimutan niya ang nararamdaman nito.Napansin ni Diana ang pananahimik ni Raine. Ginagap niya ang kamay nito at hinaplos iyon. Saka niya ito nginitian ng tipid.“Alam kong galit ka pa kay Crassus dahil sa nangyayari kay Tita. Naiintindihan kita kaya pinilit ko talaga na huwag magbitiw ng salita. But Raine, Crassus did everything just to win you back.”She stared at Raine, her voice softening as she tried to make her understand. “He gave up his pride, swallowed his regrets, and did everything he could to earn another chance with you. He may have made mistakes, but every step he took was because he wanted you back. Ginawa niya ang

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 528

    Kulang ang salitang gulat sa naging reaksiyon ni Diana. Natulala siya at hindi makapagsalita. Dahan-dahan niyang inaalisa ang sinabi nito pero kahit ano'ng gawin, natulala pa rin siya at natuod sa kanyang kinauupuan.Simula ng masagip siya, hindi pa sila nag-usap ng masinsinan ni Crassus. Pahapyaw lang ang lahat na iyon, at dahil sa sunod-sunod na nangyari— nakalimutan niya ang nararamdaman nito.Napansin ni Diana ang pananahimik ni Raine. Ginagap niya ang kamay nito at hinaplos iyon. Saka niya ito nginitian ng tipid.“Alam kong galit ka pa kay Crassus dahil sa nangyayari kay Tita. Naiintindihan kita kaya pinilit ko talaga na huwag magbitiw ng salita. But Raine, Crassus did everything just to win you back.”She stared at Raine, her voice softening as she tried to make her understand. “He gave up his pride, swallowed his regrets, and did everything he could to earn another chance with you. He may have made mistakes, but every step he took was because he wanted you back. Ginawa niya ang

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 527

    Abala si Raine sa pagsusuklay ng kanyang buhok nang biglang may kumatok sa kwarto. Natigilan siya at napalingon sa pînto. Biglang bumukas iyon at iniluwa si Crassus. Nagkarambola sa pagtibok ang kanyang puso nang makitang pumasok ito sa kwarto. Kaagad niya naalala ang hubad na katawan ni Crassus kanina. Bawat detalye ng katawan nito hangga't sa kasuluk-sulukan ay naglaro sa kanyang utak. Lalo na ang pawis nito na tumutulo sa v-lines papunta sa crotch area nito. Napalunok si Raine. Dahan-dahan na uminit ang kanyang tainga dahil sa kanyang imahinasyon. Napatingin tuloy siya pang ibabang katawan ni Crassus. May suot na ito na sando, pero sa tuwing titigan niya ito— ang hubad nito na katawan ang naalala niya. Sinundan ni Crassus kung saan nakatingin si Raine. Napadpad ang tingin niya sa kanyang crotch area. Tumikyas ang kanyang kilay. Binalingan niya ito— subalit nakita niya'ng mabilis itong nag-iwas ng tingin. Crassus smirked, but a small smile tugged at the corners of his lips. He

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 262- Cunning woman

    "I'm fine," Crassus said, almost whispering.Inagaw ni Crassus mula sa kamay ni Raine ang dala nito na wine. Nilapag niya iyon sa mesa. Saka niya hinapit ang bewang nito para ilapit sa kanya.Hinila niya ang kamay nito at pinahaplos sa kanyang pisngi. Nakita niya kung paano umawang ang labi nito. P

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 259

    Tapos na mag- dinner si Raine. Nauna ng pumanhik sa itaas si Crassus kaya naiwan siya rito sa kusina. Hinugasan niya pa kasi ang lunchbox na ginamit ni Crassus kanina. Nilutuan niya kasi ito. Natuwa lang siya dahil tinaasan nito ang kanyang sweldo kahapon. Akala pa naman niya ay hindi na siya maka

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 258

    "Akala ko ba ay mahal mo na siya?" tanong pa ni Tamayuto na siyang dahilan para muling matigilan ang kanyang amo.Natahimik si Crassus. Napahawak siya ng mariin sa railings. Saka siya tumalikod at umupo roon. Tinanaw niya si Raine na natutulog.Does he really love her? He can't tell. Lalo na sa nal

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 257

    Malapit na mag- alas sais ng umaga pero hindi pa rin makuha ni Crassus na mag-prepara. Tahimik lang siya nakatanaw sa labas ng bintana. Tinitigan ang malaking front lawn ng villa niya habang naglalakbay ang kanyang isip.Kagabi pa sila natapos ni Raine sa pagtatalîk. Dalawang beses lang nangyari iy

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status