NANG MAKITA NI CRASSUS si Mr. Villanueva sa harap ng kanyang opisina ay alam na niyang nagbago ang isip nito. Hindi naman ito pupunta sa opisina niya kung hindi iyon ang dahilan.
Lalo siyang nakaramdam ng dismaya. He overestimated her. Playing hard to get is one of her own abilities. Bakit pa siya masusurprisa. Natural na sa kauri nito ang maglaro ng ganoong taktika. Hindi na iyon bago. Naging alerto si Raine. Tumayo siya nang makita papalapit na ang kanyang amo. "Good morning Mr. Almonte," she greeted him in a flattery tone. "Not as early as you." Then he opened the door. Muntik na siya mapaurong dahil sa paraan ng pananalita nito. Pinagmasdan niya ito sa loob ng opisina. Umupo ito sa office chair at binuksan ang kompyuter. May pinakli pa ito na documents na para bang wala siya sa harap nito. "Get in." Naging hudyat iyon para sa kanya. Pero hindi siya umupo. Nahihiya kasi siya kaya pinili nalang niya na tumayo sa harap nito. "What do you want?" Crassus cold and non - chalant voice echoed inside his room. Napakurap si Raine. Narinig niya na na medyo nag - iba ang boses nito. Para itong namamaos. Saka palang niya naalala ang malakas na ulan kagabi. Biglang umandar ang pagiging maalalahanin niya. "Mr. Almonte, nilalamig ka ba? Uminom ka po ng tubig. May dala ka bang gamot?" Hindi naman masyadong big deal ang maabutan ng ulan, pero hindi rin dapat balewalain. Naalala niya ang kanyang Papa dati noong buhay pa ito. Madalas itong naabutan ng ulan sa labas. Kapag nagkaganoon ay nagkakasakit ang kanyang Papa. "If you have something to say, just say it. I have many things to do and answering your pointless questions is not on my plan." Crassus voice was a little impatient. Napangiwi siya. Hindi yata nito nagustuhan ang panghihimasok niya sa gawain nito. "Mr. Almonte, tungkol po roon sa sinabi niyo kahapon," tanong pa ni Raine. "What?" He didn't even raise his head. Napaisip siya. Nakalimutan na ba nito ang alok nito kahapon o nagpanggap lang 'to? "I-iyong tungkol sa kasal po." Nakagat ni Raine ang kanyang labi. Medyo napataas kasi ang kanyang boses nang sabihin niya iyon. Pumiyok pa siya dahil sa kaba. "Iyon ba? May problema ba?" Tanong pa nito na parang ngayon pa nito naiintindihan ang lahat. Parang alam na niya ang timpla ng pag - uugali nito. Kapag siya na mismo magbukas ng usapan at siya na mismo ang kusang magtanong ay nakikinig ito sa kanya. Sa ganoong paraan napupukaw ang interes nito. Pero kahit na makikinig ito sa kanya ay parang wala lang naman siyang choice kung ayaw talaga nito. Pagkatapos ng lahat, na kay Mr. Almonte pa rin ang huling desiyon. "Kailangan mo pa ba ng mapapangasawa?" Sinikap na ni Raine na gawing kapuri - puri ang kanyang boses. Para lang makuha ang atensiyon nito. At nagtagumpay nga siya, dahil narinig ng binata ang pambobola niya. Pabagsak nitong nilapag sa mesa ang hawak na portfolio. "Oo." Saka ito nagsindi ng sigarilyo. Habang ginagawa nito ang paninigarilyo ay mataman siya nitong pinagmasdan. Kalmante pa itong umupo sa office chair nito na para bang pag - aari nito ang lahat ng bagay sa mundo. "Pinatawag mo ako kahapon dahil doon. Tinanggihan ko ang offer mo nang hindi nag - iiisip. Kaya lang nag- nagbago po ... ang isip ko." Saglit na natigilan si Raine. Saka pa niya dinugtungan ang kanyang sinabi, "saka ko palang naisip n-na okay lang sa akin ang alok mo. " Napakunot ang kilay ng binata. "It's true that I need someone to marry. Pero paano mo nalaman na hindi pa ako nakahanap ng taong kailangan ko?" Pabalik na tanong ni Mr. Almonte sa kanya. "H-ha?" Takang tanong pa ng dalaga. Hindi niya inaasahan ang tanong nito. Kinalkula ng dalaga ang sasabihin. Kung anu - ano na ang pumasok sa utak niya. Paano kung hindi umubra sa binata ang plano niya? Paano kung hindi ito pumayag? Hindi paman nasagot ang tanong na iyon ay kaagad na siyang nag - isip ng ibang paraan. Na kung paano siya makakalikom at makakaipon ng pera mula sa ibang mga lugar kung hindi papayag ang kanyang amo. Naisip niya na baka nag - iba na ang plano nito simula nang tinanggihan niya ito kahapon. Bakit ngayon niya pa iyon naalala. Likas na sa mga katulad nito na magbago ng isip lalo na kung kailangan talaga nitong solusyunan ang problema sa lalong madaling panahon. Na kung hindi gagana ang PLAN A at may PLAN B nang nakaatang dito. Saka palang nag sink - in sa kanya ang posibilidad na iyon. Bakit ngayon niya pa naisip. Tapos nasa harap na siya nito at ito siya parang maamong tupa na nagpapaawa sa harap ng kanyang amo. Latag sa mata ni Crassus ang pananahimik at pagiging malikot ng mata ng dalaga. Hindi na rin ito makatingin sa kanya ng diretso. Kung anuman ang dahilan nito ay gusto niya malaman. Masyadong itong confident sa harap niya kanina. Ngayon at nasabi na nito ang sadya nito. Siya naman ay hindi nagpapakita kaagad ng motibo. Bigla ay naging balisa ito. Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan ay tinanong niya ito. "Why sudden regret?" He continued. "I thought you have a boyfriend?" Dumaan pa ilang segundo bago ito sumagot sa kanya. "Sabi mo kasi kahapon ay pwede kang magbigay ng kondisyunes. Sa parte ko naman ay kailangan ko ng pera. Ikaw naman ay gusto mong mapanatag ang Lolo mo. Kapag nagawa natin ang plano mo ay pareho pa tayong makikinabang." "Okay, that's quite a straightforward," he said. Hindi mapigilan ng binata na mapangiti. "Gusto ko lang magtanong, bakit kailangan mo ng pera?" Inaasahan na ni Raine na itatanong ito sa kanya. Kaya naisip niya ang isang solusyon. Kung sasabihin niya na may sakit ang kanyang Ina ay paniguradong ma - uungkat ang totoo. Malalaman nito na iyon ang dahilan kung bakit panay ang paghihingi niya ng leave. Pwede itong maka - apekto sa kanyang trabaho. Alam na nito na ang tungkol sa gawa - gawa niya na kasintahan. Hangga't hindi nito nalalaman na hindi totoo na may boyfriend siya ay gagawin niya itong pantakip sa kanyang plano. "Ano po kasi," panimula pa ni Raine. "Medyo mahal po kasi halaga ng mga bahay ngayon. Gusto sana namin kumuha ng bahay ng kasintahan ko. Makakabili man kami, hindi naman kami makakain ng ilang taon. Sabi ng boyfriend ko kahapon na may internship siya sa ibang lugar. Gusto ko sana gamitin ang pagkakataon na iyon para makalikom ng pera. Gusto ko po siyang surpresahin." Hindi alam ni Raine kung paano niya naisip ang alibi na iyon. Kahit siya ay nagulat na kaya niyang gumawa ng estorya sa loob lang ng ilang segundo. Saka niya palang naisip na magaling pala siya maglikha ng kasinungalingan. Kung dapat ba iyon ikapuri ay hindi na alam ni Raine. "Papayag naman kaya ang boyfriend mo?" "Hindi po. Kaya nga po isesekreto ko." "How much do you want?" Crassus continued asking her in a coldly tone. "Magkano po ba kayo niyo?" Gustong sabihin ni Crassus na kaya niyang magbigay ng sampung milyon. Dahil iyon naman talaga ang inalok niya noong una pa. Kaya lang ay masyado itong nagpapahalata na gusto nito ng pera. Hindi niya ibibigay ang kagustuhan nito. "The basic salary is five hundred thousand. " He continued casually. "But there are some detailed terms. I will give you a written agreement with performance appraisals. In short, ten million a year is no problem for me. I will give you a house if you stay for two years." Nagulat si Raine. Sampung milyon kada taon? At may pabahay pa? Ganito ba kayaman ang amo niya kaya nitong magwaldas ng sampung milyon kada taon?" "Deal." Lulunukin na ni Raine ang lahat, maipagamot lang niya ang kanyang Mama.Crassus summoned every ounces of his patience just to stop himself hurting Tia. Pero sa tuwing makikita niya ang kayabangan sa mukha nito, unting-unti nawawala ang pasensiya niya. Parang alam na alam nito ang sikreto nilang dalawa ni Raine. Nakikita niya ang kompyansa sa mukha nito. Hindi niya alam kung saan nito nalaman ang sikreto nila ni Raine, pero may hula na siya kung kanino ito kumukuha ng source. Tumango si Crassus. Namulsa siya at mulkng tinitigan ang hawak na litrato. Umangat ang gilid ng kanyang labi.“Where did you get this?” Crassus demande His voice laced with forced calm tone. “So all this time you stayed silent, just to gather all your strength to throw this in my face?"Tinapon ni Crassus sa sahig ang mga litrato. Kumalat iyon na siyang ikinagulat ng Tia. Sinulyapan ni Tia iyon, at nang makitang ang pagtitimpi sa mukha ni Crassus ay ngumisi siya.Itinaas ni Tia ang kanyang noo. “I doesn't matter. Ang importante, alam ko na kung ano ang sekreto ninyo.” Ikinawit niya
Naglalakad sina Crassus at Kien papunta sa kanilang office. Malapit nang mag-ala una kaya hindi na sila nag-aksaya pa ng oras. Kababalik pa lang niya pero ramdam na ni Crassus ang santambak na trabaho na kailangan niyang asikasuhin.Habang tinatahak nila ang daan, panaka-naka ay nag-uusap ang dalawa tungkol sa kompanya.“Mr. Samson has requested a meeting with you,” Kien said while holding the tab and scrolling through it. “Also Mr. Morrigan.”Crassus nodded. “Schedule the meeting and call them to confirm the date.”“On it,” Kien said as he scroll the tablet. “How about the date for monitoring the Falcon Watch?”Napahinto si Crassus sa narinig. Binalingan niya si Kein. “Why, somethings wrong?”Tinabingi ni Kien ang kanyang ulo. “According to the developer, may gusto lang siya na i-aadd na features para sa bagong relo na dinisenyo mo. Gusto ka niya makausap ng personal.”Tumango si Crassus. “How about tomorrow?”“Let's see.” Kien checked the itinerary. “How about three o’clock?”“Confi
Pinukol ni Lolo Faustino na isang malamig na tingin ang mag-asawa. Nang magawi ang paningin niya kay Crassus ay naningkit ang kanyang mata. Nagtagis ang kanyang bagang nang makitang hindi ito makatitig sa kanya.Paniguradong alam na nito na galit siya kaya nag-iwas ito ng tingin.“Crassus…” sambit ni Lolo Faustino.Kaagad inalalayan ni Saturn ang kanilang Lolo. Napansin niya sa tono ng pananalita nito na galit ito. “Lo, calm down.”Naningkit ang mata ni Lolo Faustino. Pinukpok niya ng isang beses ang hawak na baston."Eres estûpido,” (You're stupid) Lolo Faustino hissed.“Lolo,” nag-alalang wika ni Raine. Ngumiti siya ng tipid. “Hindi ko po maintindihan ang sinasabi mo pero kasi…” Napabusangot siya. “Kakarating lang namin. Ayaw mo po ba kami papasukin?”Natahimik si Lolo Faustino. Tumaas naman ang kilay ni Saturn dahil sa narinig. “Lolo naman po,” malambing na wika ni Raine. Tinuro niya ang kanyang ulo. “Kakauwi lang namin eh. Hindi mo man lang ako kakamustahin? May sugat pa po ako o
Tatlong araw ang nakalipas, masayang-masaya si Raine na lumabas ng ospital. Na-discharge na siya kaninang alas nuwebe ng umaga. Habang hinihintay ang pick up nila ni Crassus ay hindi maiwasan ni Raine na ngumiti ng matamis. Nilanghap niya ang sariwang hangin at saka pumikit.Napagmasdan iyon ni Crassus, kaya hindi niya maiwasang madala sa ngiti ni Raine. “You miss the smell?”Iminulat ni Raine ang kanyang mga mata. Saka siya bumuga ng marahas na hangin. “Oo, nakakamiss kasi ang amoy ng polusyon. Sawa na iyong ilong ko sa amoy ng alcohol at gamot,” pabiro niyang sagot at saka ngumisi.Crassus shook his head. “You're crazy.”Napasimangot si Raine. “Bakit? Totoo naman ang sinasabi ko ah?” pangatarungan niya pa. “Ang tagal ko rin nakakulong sa ospital. Biruin mo, mag-iisang buwan akong tulog. Lakas ng tama ko.”Crassus face darkened. “Stop talking like that. Why are you making fun of it?"“Ito naman. Masyadong seryoso. Hindi ba pwedeng mag-joke kahit kaunti?”Iniwas ni Crassus ang kanyang
Inimulat ni Raine ang kanyang mata. Kaagad niyang inilibot ang paningin sa loob ng kwarto. Pumungay ang kanyang mata. Sinubukan niyang mag-iba ng pwesto pero nang tumagilid siya ay may nasagi siya. Kumunot ang kanyang noo. Tinitigan niya ang lalaking nakayukyok sa kanan gilid ng kama.Parang may humaplos sa puso ni Raine nang makitang natutulog si Crassus. Himbing na himbing ito sa pagtulog. Bahagya pang naka-nganga ang bibig nito. Tipid siyang ngumiti. Dahan-dahan niyang hinimas ang buhok nito. Ilang beses niya iyon hinagod hanggang sa magising ito. Nag-angat ito ng tingin. Nang makitang gising na siya ay bigla ito naging alerto.“Ano ka ba,” pagkalma ni Raine nang mapansin ang kilos ni Crassus. Chineck kasi nito ang kanyang benda pakanan at pakaliwa. “Okay lang ako. Bakit dito ka natutulog?” mahinang tanong pa niya. Ininguso niya ang upuan. “May couch naman dito sa kwarto. Bakit dito ka pa pumwesto?”Apat na araw na ang nakalipas simula nang mailipat siya sa private room. At dahil
Habang nagpalitan ng diskusyon ang mga doctor na tumitingin kay Raine ay hindi nawawala sa tabi si Crassus. Parati siyang nakaantabay at nakikinig sa mga payo ng mga ito.Inulan ng maraming tanong si Raine. Partikular na kung ano ang nararamdaman nito. Mabagal at may pasensiya na sinagot naman nito ang tanong ng doctor. “Gising na ang pasyente. Kung maayos na ang vital signs niya after one day of monitoring, ililipat na natin siya sa private room,” ani pa ni Dr. Bianchi. Binalingan nito ang isa pang doctor na espesyalista sa head injury na si Mrs. Calinlan. “What do you think, Doc?”Tumango ito. “Siguro after three days, pwede na siya ilipat. Sa ngayon Mrs. Almonte ay huwag ka muna masyadong magalaw, huh? Dapat vocal ka kung ano ang nararamdaman mo.”Mabagal na tumango si Raine.” S-sige po,” sagot niya sa namamaos pa na boses. Ngumiti ang Doctora. Kinuha niya mula sa isang nurse ang medical chart. “Natatandaan mo ba kung paano nabagok ang ulo mo?”Nang marinig ni Crassus ang tanong