Share

Chapter 6

Author: Aceisargus
last update Last Updated: 2024-11-21 14:59:29

HINDI NA MAPAKALI SI RAINE nang marinig niya ang sinabi ni Dr. Riacrus.

"Okay lang po ba siya?"

"Yes, Dear for now. Huwag kang mag - alala, nagawa na namin ang emergency treatment. Pero hindi tayo dapat magpakampamte. Alam mo ang sitwasyon nang Mama mo, Hija. Sa ngayon ay stable na ang lagay niya.

Natahimik siya.

"Ms. Villanueva, are you still there?"

"Y- Yes, Doc."

"Good, and again I have to remind you of this. Dahil sa nangyari sa Mama mo kagabi ay may panibago na namang bayarin dahil sa mga nagamit na kagamitan at medisina, Ms. Villanueva. Medyo malaki ang naidagdag. Kailangan mong bayaran ito ng buo."

"S- sige po. Hahanap po ako ng paraan."

"I know you will but Hija, you have to pay it all at once. Although nagbabayad naman kayo noong nakaraan pero hindi iyon sapat, Hija."

Hindi na naman siya kaagad nakasagot. Muli na naman niyang naalala ang malaking bill ng ospital. Nagkarambola na ang utak at ang puso niya dahil sa kanyang emosiyon.

"Kung hindi mo ito mababayaran ng buo ay hindi kita madedepensahan mula sa reklamo ng nakatataas. I know this maybe sound rude and absurd, but Hija. I'm doing my best. Talagang ito lang ang magagawa ko dahil trabante lang din ako sa ospital na ito. I hope you understand."

"Opo, Dr. Riacrus. Naintindihan ko po."

"Salamat, Hija. And by the way, Ms. Villanueva. Can I ask you?"

Tumango siya kahit hindi naman nito nakikita ang kanyang reaksiyon. "Opo."

"Okay, ahmm, your mother's situation is in need of special care. Alam kong pareho kayo nagtatrabaho ng kapatid mo kaya pareho kayong gahol sa oras para sa Mama niyo. Pero kung pwede, maghanap kayo ng tagapagbantay sa Mama ninyo. She need a 24/7 care and comfort, Ms. Villanueva. Your mother is in need of someone that take care of her. Para makaiwas na rin siya sa impeksiyon."

Hindi na alam ni Raine kung ano ang isasagot sa Ginang. Natuliro na siya.

Magdamag niyang inaasikaso ang mga paperworks. Wala pa siyang matinong tulog. Nagsisimula na ring magprotesta ang kanyang utak dahil sa pagod at antok. At ngayon na tumawag ang Doktor ng Mama niya para ipaalala ang bayarin sa ospital ay parang huminto nang panandalian ang utak niya.

Hindi man nito sasabihin ay alam na niyang malaki ang bayarin nila sa ospital. Bago kasi siya umalis kahapon ay nagtungo na siya sa billing para humingin ng bill statement ng kanyang Mama. Nang makita niya papel kung saan naka - record ang dapat na babayaran ay parang tinakasan ng lakas ang kanyang tuhod.

Nitong nakaraang buwan ay ilang beses na siyang pumalya sa pagbayad. Ngayon at may nadagdag na naman ay hindi na niya alam kung saan niya hahagilapin ang malaking halaga. Nasa four hundred thousand na ang previous bill ng Mama niya kagabi. Hindi pa kasali roon ang charge sa emergency treatment.

Ngayon ay naiitindihan na niya ang kasabihang, "a penny can make a hero fall."

Dahil sa kinasadlakan niya ngayon ay talagang nanghihina na siya dahil sa laki ng bayarin.

Bagaman may kalakihan ang kanyang nakukuhang internship salary ay hindi pa rin ito sapat. Kailangan niya rin kasing bayaran ang kanyang renta. Bukod pa roon ay may mga bayarin din siya sa eskwelahan. May pagkain pa at ibang necessities. Tinipid na nga niya ang kanyang sarili. At may isa pa na problema, sa susunod pa na buwan ang kanyang sahod.

Pakiramdam niya tuloy ay parang may isang malaking bato na ang nakapatong sa kanyang ulo.

Napalaking halaga na para sa kanya ang four hundred thousand. Saan naman niya ito pupulutin. Nautangan na niya ang kanilang mga kadugo. Hindi pa siya nakapagbayad at ayaw na rin ng mga ito na magpautang.

Sa kasagsagan ng pag - iisip ay biglang sumulpot sa utak niya ang alok ni Mr. Almonte.

Kung tutuusin, barya lang para rito ang four hundred thousand. Di hamak na mas mababa iyon kompara sa inalok nito na sampung milyon.

Nabaghan siya.

Kaya niya namang hanapin ang four hundred thousand kung isa na siyang ganap na CPA. Pero sa kinalalagyan niya ngayon, ang hirap nitong hanapin. Ni wala na nga siya malapitan na kamag - anak.

Isa pa, kailangan din ng Mama niya na may magbabantay rito. Hindi na siya nagulat sa sinabi ng Dr. dahil matagal na nito sinuhestiyon ang bagay na iyon. Hindi nga lang niya magawa dahil wala siyang pambayad.

"Sana pag - isipan mo ng mabuti ang suhestiyon ko, Ms. Villanueva. She need someone who can take care of her. Isa sa dahilan kung bakit nagkalagnat ang Mama mo ay dahil sa plema sa kanyang baga. It is due to improper care, so hiring a nurse is for her good. Isa pa, hindi ka na rin mag - alala kung wala magbabantay sa kanya." Pagpukaw pa ng Dr. sa kanyang atensiyon. Nasa kabilang linya pa rin ito.

Nang marinig niya iyon ay parang naging hudyat ito para kay Raine na gawin ang isang desisyon.

Nakita niya si Mr. Almonte kagabi. Sa kalagayan nito ay mukhang hindi naman mahirap para rito na maghanap ng mapapakasalan. Pero kung wala pa itong mahanap ay walang maging problema.

"Tatawagan ko ulit kayo kapag may nakahanap na po ako ng paraan, Dr. Riacrus. Salamat po sa pag - intindi."

"Okay, Hija. Balitaan mo ako. Ibaba ko na 'to."

"Sige po, salamat." Pagtapos niya sa tawag.

Mabigat man sa dibdib, nabuo ang isang pasya sa isip ni Raine.

Kailangan niya ng tulong, at si Mr. Almonte lang ang makakalutas sa problema niya. Hindi bale na kung ano ang iisipin nito. Wala na siyang pakialam. Ang importante ay ang kaligtasan ng kanyang Ina. Saka na niya iisipin ang kanyang sarili kapag naging okay na ang lahat.

Raine became impatient. She stormed out in the office and walk straight into the CEO office. Kahit na wala pang tao sa opisina nito dahil alas singko palang ng madaling araw.

Nang makarating siya roon ay sinalubong siya ng katahimikan. Napapikit siya sabay buntonghininga. Napasandal siya sa glass wall.

Pinadaus - os niya ang sarili rito hanggang sa mapasadlak siya sa malamig na sahig. Mahina niyang inuntog ang ulo roon sa kawalan ng magawa. Napatingala siya.

Habang pumapatak ang oras ay naisip niya ang kalagayan ng kanyang Mama. Hanggang sa unti - unti na siyang tinangay ng antok.

Nang naglalaban ang talukap at ang utak ni Raine ay may naaninag siyang anino na papalapit sa kanya. Dinilat niya ang kanyang mata.

Saka palang niya nagpatanto, na ang rebultong nakita niya kanina ay walang iba kung hindi si Crassus.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 412

    ‎"Pero mas marami talaga akong kaaway. Kadalasan, mga crush ang puno't-dulo ng away."‎‎Tumikyas ang kilay ni Crassus dahil sa narinig. Napabalikwas siya ng bangon. Hindi maipinta ang kanyang mukha na binalingan niya si Raine.‎‎"You seem proud," Crassus said sarcastically. "Flings and crushes, huh?"‎‎Kumunot ang noo ni Raine. Lumingon siya kay Crassus at takang tinitigan ito.‎‎"Problema mo? Totoo naman iyong sinasabi ko," giit pa ni Raine. "Alangan naman na mag-imbento ako?"‎‎"Tch! So my wife had plenty flings and crushes since her teenage days," Crassus said, his tone is dripping with sarcasm. Nice!"‎‎Mas lalong kumunot ang noo ni Raine. "Ano naman sasabihin ko? Iyon naman talaga ang madalas na dahilan kung bakit marami akong kaaway. Kung hindi sa academics, pagtripan naman nila ako kasi raw pangît ako. Hindi ko nga alam kung bakit marami ang nagkakagusto sa akin na lalaki ano. At saka, hindi ko naman kasalanan kung marami ang mag-kacrush sa akin. Naiirita sila sa mukha ko

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 411

    "Luh!" Bulalas ni Raine nang makitang nasa kwarto niya si Crassus.Kakalabas niya pa lang galing sa banyo. Nag-halfbath siya at nagpalit ng damit. Akala niya ay uuwi na ito kanina. Nauna kasi siyang pumasok ng bahay. Hindi niya inaasahan na aakyat ito sa kanyang kwarto.Prente itong naka-upo sa sofa niya na color pink. Hindi niya alam kung anong trip ni Crassus pero iyong pa talaga ang binili nito na kulay na sofa. Buti na lang at hindi nito pinagalaw ang study table niya. Kasi kung hindi, mawawalan talaga siya ng gana na umupo at mag-aral doon.White at pink ang tema ng kwarto niya. Hindi katulad dati na simpleng puti lang, ngayon ay dinadagdan nito ng ibang kulay. Sumasakit ang ulo niya sa kulay na pink. Sa lahat kasi ng kulay ay isa lang iyon sa pinakaayaw niya. Masyado kasi matingkad para sa kanya. Mas papasa pa sa hilig niya ang kulay lila, pero kung pink.Ngumiwi si Raine. Mabuti na lang at mga poste lang ng kwarto ang may pintura na color pink.Nameywang si Raine. "Bakit ka

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 410- Presence

    Naabutan ni Crassus na tahimik na naka-upo sa ilalim ng punong mangga si Raine. Nilapitan niya ito. Hindi pa man siya tuluyan nakalapit at lumingon na si Raine sa kanya."Ba't ka naman nandito?" napipikang tanong ni Raine. "Umuwi ka na sa villa."Crassus eyebrows frowned. "Not with my wife."Naglapat ng mariin ang labi ni Raine." Umuwi ka na. Ayaw kitang maka-usap. Wala naman akong ginagawang masama sa'yo pero kung pagtripan mo ako parang ang laki ng kasalanan ko.""Your fault. Pumunta ka rito nang hindi ka nagpaalam. Are you afraid that I might refuse you to leave? Bumabiyahe ka rin ng mag-isa papunta rito. Paano kung mapaano ka sa kaka-commute mo? Pwede ka naman magpahatid sa akin."Iniwas ni Raine ang kanyang paningin. Hindi na umimik. Sa halip ay nagpunta siya sa duyan na de gulong at umupo roon.Parang bumalik sa nakaraan si Raine. Kaagad niya naalala ang mga oras nandito sila ni Athelios para maglaro. Hinawakan niya ang tali niyon at unti-unting nagduyan.Naramdaman niya na para

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 409

    Naniningkit ang mata ni Raine habang kumakain ng hapunan. Hinawakan niya ng mariin ang kutsara't tinidor. Saka niya ng tinitigan ng matalim si Crassus.Kanina pa sila kumakain pero hindi niya makuha na maging masaya kahit nakakatakam ang luto ng kanyang Ina. Kakauwi pa lang nito at dapat ay tuwang-tuwa siya. Pero ito siya, bugnot na bugnot na tila ba may kaaway.Nabubuwesit siya sa asal ni Crassus. Simula ng bumalik ang Mama niya ay panay na ang papansin nito."Oh, kumain ka ng marami," ani pa ni Mama Roberta. "Ito pa. Maraming pagkain, kumain ka ng mabuti.""Thank you po, Tita," magalang na saad ni Crassus sabay subo ng pagkain."Ano'ng Tita, Mama kamo." Umiling si Mama Roberta. Inilapit niya kay Crassus ang eskabetse. Pasensiya ka na at iyan lang ang nakayanan namin. Talaga bang kumakain ka ng ganyang pagkain?""Yes, po," saad ni Crassus sabay subo at dahan-dahan na ngumuya. "Manang does cook like this but not that often."Tumango si Roberta. "Siya."Binalingan niya si Raine. Nagtak

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 408- Holding her breath

    Hindi makapaniwala si Raine sa kanyang nakita. Nanigas ang leeg niya at napalunok. "A-anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Raine. Napahawak siya ng mahigpit sa hamba ng pinto. "H-hindi ko naman sinabi sa'yo na nandito ako."Tumikyas ang kilay ni Crassus. Tinanggal niya ang kaliwang kamay sa bulsa. Humawak siya sa hamba ng pinto at marahan na itinulak iyon. Mabagal siya yumuko. Nahigit ni Raine ang kanyang hininga. Nagkalapit ang mga mukha nila ni Crassus. Ilang dangkal na lang ay sasagi na ang tungki ng ilong nito sa pisngi niya. Naramdaman na niya ang hininga nito. "It's not that hard to guess, Raine." Crassus said with a grin. "Why won't you tell me, by the way?"Pakiramdam ni Raine ay parang kakapusin siya ng hininga. Kaya lumayo siya ng kaunti. Akala niya ay makakatakas na siya pero mas lalo lang lumalapit si Crassus."A-ano ba." Tinulak ni Raine ang leeg ni Crassus saka nag-iwas ng tingin. "Umayos k-ka nga, n-nandiyan ang Mama."Umangat ang gilid ng labi ni Crassus. Lum

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 407- Home

    Malapit ng mag-alas singko kaya nagligpit na ng mga gamit si Raine. Plano niya sana ay mag-over time pero nagbago ang kanyang isip. Bigla siyang tinamad. Naalala niya rin ang sinabi ng doktor kaya mas minabuti niyang ipagpabukas na lang ang mga natitirang paper works. Sa kalagitnaan ng pag-iimis niya ng gamit ay tumunog ang kanyang cellphone. Dinampot niya iyon at sinagot ang tawag."Ma..." sambit ni Raine. "Kamusta po? Okay lang kayo riyan?""Oo nak," ani ni Mama Roberta. "Pumasok ka ba ngayon?""Opo," ani ni Raine. "Papauwi na po ako. Hinintay ko lang po iyong oras ng uwian.""Sa'n ka uuwi?"Natigilan si Raine. Nilagpat niya ang hawak na notebook sa la mesa. "Sa villa po. Bakit mo po natanong, Ma?""Hindi ka ba nasabihan ng asawa mo?" takang tanong ni Mama Roberta.Kumunot ang noo ni Raine. "Ang alin?"Sandaling natahimik ang Mama niya sa kabilang linya."Ma..." muling sambit ni Raine. "Ano po ba iyon?""Ah, ano kasi nak. Tumawag kasi siya kaninang umaga. Sabi niya, pwede ko na raw

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status