[Past]
BIGLANG nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan nang makaramdam ng kiliti sa tenga. Kahit hindi ko imulat ang mga mata ay alam ko ng si Caleb ang salarin. Sa araw-araw ba naman niyang ginagawa ito sa akin ay kahit pandama ko ay kabisado na ang gawain niya.
“Naman, e!” ang reklamo ko at iwinasiwas ang kamay sa paligid para itaboy siya. “’Wag kang magulo, natutulog pa ‘ko, e.”
Pero sa halip na hayaan ako ay mas lalo pa siyang nanggulo. Ngayon naman ay hinihingahan ang tenga ko. Minulat ko ang mata at inis na nilamukos ang mukha niya. Ngunit ayaw niya talagang tumigil at tinatapik lang palayo ang kamay ko at muli na namang aatake sa aking tenga.
“Bumangon ka na kasi r’yan, mali-late na tayo,” aniya nang huminto.
Napatingin ako sa ayos niya dahil naka-uniform na siya at dala ang backpack bag na nakasabit sa isang balikat.
“Sinabihan kami ni Ma’am na hindi siya magkaklase ngayon kaya ayos lang na ma-late ako.” At pagkatapos ay nagtalukbong ng kumot para muling bumalik sa pagtulog.
“Edi, sumama ka na lang sa ‘kin. Do’n tayo sa room ko.”
“Ayoko!” saka nakakahiyang maki-seat in sa kanila. Nasa grade 5 palang ako tapos siya ay grade 7, baka pagalitan pa ako ng teacher nila.
“Hindi ‘yan, kaya tara na.” Hinila niya ang kumot palayo sa akin. Pero ayoko talaga kaya inumpisahan niya akong kilitiin sa tagiliran para kumilos. “Ayaw mo, ha! Bahala ka, hindi rin kita titigilan.”
Todo ilag at iwas ako sa pagkiliti niya dahil weakness ko talaga ang kinikiliti.
Hindi ko na matagalan kaya natulak ko siya nang malakas. Agad akong dumagan sa kanya habang dum*d***g pa siya sa sakit nang pagkakatulak ko. Mahigpit kong hinawakan ang dalawa niyang kamay at nilagay sa itaas ng kanyang ulo. Habang ang katawan naman niya ay inupuan ko. “Hindi na nakakatuwa Caleb!” inis na inis na ako at wala nang pakialam kung magalit rin siya pero… “Caleb?” nagtaka ako nang hindi siya kumibo at nakatitig lang sa akin. “C-caleb?” kinakabahan na ako sa kanya kaya binitawan ko ang kamay niya at inalam kung humihinga pa ba siya.
Pero wala akong maramdamang hangin sa kamay nang itapad sa ilong niya!
“Hoy, Caleb! ‘Wag ka namang magbiro nang gan’to!” nataranta ako at mabilis na dinikit ang tenga sa d****b niya. Kailangan kong malaman kung tumitibok pa ba ang puso niya.
Pero bakit gano’n?! Ang bilis nang tibok ng puso niya na parang— “I-inaatake ka ba sa puso? Sumagot ka naman Caleb, natatakot na ‘ko!” Kunting-kunti na lang talaga ay iiyak na ako.
Naramdaman ko ang kamay niyang pinapaalis ako sa kanya. “I’m f-fine,” pabulong na parang kinakapos ng hangin niyang sagot. Bumangon siya sa kama at inayos ang nagusot na uniform.
“Sorry, nasaktan ba kita?” ang nag-aalala kong tanong. Hindi niya kasi makuhang tumingin sa akin. Nakatungo lang siya.
“Sige, aalis na ‘ko.”
Mabilis akong umalis sa kama at pinigilan siya. Mukhang nagalit nga talaga siya sa nagawa ko dahil aalis na siya. Hawak ang braso niya ay sinilip ko ang mukha niya. “Sorry na talaga, ‘wag ka lang magalit.” Pagkatapos ay dinikit ko ang mukha sa balikat niya. Ito kasi ang ginagawa ko kapag nagagalit na siya, ang maglambing.
Bigla siyang napaigtad at mabilis na lumayo sa akin habang nakatakip ang kamay sa mukha at tanging mga mata niya lang ang nakikita. “O-okay lang sabi ako!”
Maniniwala ba ako o hindi? Mukhang galit talaga siya kasi namumula na ang mukha niya.
Sumimangot ako kasi pakiramdam ko galit talaga siya. Nakaka-guilty. “Magbibihis lang ako saglit, sabay na tayong pumasok sa school,” ang sabi ko at bagsak ang balikat na kumilos para kunin ang uniform.
Paglingon ko naman sa kanya ay wala na siya sa kwarto. “Galit nga talaga siya.” Magso-sorry ulit ako sa kanya paglabas.
Wala na sina Mama at Papa sa bahay paglabas ko ng kwarto at iniwanan lang ako ng pagkain sa lamesa. Binuksan ko ang takip at agad natakam sa pagkain. Pero agad ring naisip si Caleb. Baka mas lalo itong magalit kung mahuhuli sa klase kaya kumuha na lang ako ng lunch box at nilipat ang pagkain. Sa school ko na lang kakainin ito.
Pagbukas ng gate ay kotse agad nila ang bumungad sa akin. “Caleb—!“ natigilan ako nang buksan ang pinto ng kotse. Wala siya sa loob.
“Kanina pa nakaalis si Caleb sakay ng bicycle niya at pinaiwan lang ‘tong sasakyan para sa ‘yo,” ani ng driver nilang si kuya Lito.
Waah! Galit na galit na nga talaga si Caleb!
“Kuya, galit si Caleb sa ‘kin,” ang sumbong ko nang umandar na ang kotse.
“Ha? Mukha namang hindi. Nakangiti nga nang ibilin ka sa ‘kin.”
“Kasi kayo ang kausap pero ‘pag sa ‘kin ay galit ‘yun. Kasalanan ko naman kasi.” Ang sama-sama na talaga nang loob ko. Baka hindi ko na makain ang baon ko nito.
“Magbabati rin kayo, hindi ka matitiis nu’n.”
Napanguso ako. Sana nga ay gano’n ang mangyari. Ayoko pa namang nagagalit nang matagal sa akin si Caleb dahil hindi ako nililibre ng pagkain.
Nang makarating sa school ay agad akong tumakbo sa classroom. “Felipe!?” ang sigaw ko at hinanap ng mga mata si Felix.
“Lumabas si Romano,” ani ng class president namin.
Tumakbo uli ako palabas para hanapin ito na agad ko namang namataan na naglalakad pabalik habang may kung anong nginunguya. “Ang— aga— mo namang kumain— n’yan,” ang komento ko nang huminto sa harap niya. Hinihingal pero at the same time ay naglalaway sa hawak niyang ice-cream. “Anong flavor?”
“Chocolate.”
“Penge— Ay, ilayo mo nga muna ‘yan at samahan mo ‘ko.“
“Sa’n?”
“Do’n sa first year, sa classroom ni Caleb.”
“Ano namang gagawin natin du’n? May kailangan ka sa kanya?”
“Basta, puntahan na lang natin.”
“Ayoko, ikaw na lang.” Pagkatapos ay nilampasan ako.
“Galit sa ‘kin si Caleb. At ‘pag galit si Caleb, hindi niya ako nililibre. So, ibig sabihin—”
“Wala rin akong pagkain, ba’t ‘di mo sinabi agad?! Tara na, sugurin na natin siya,” tapos ay hinila ako papunta sa highschool building. Siya na rin ang nag-excuse sa teacher para palabasin sandali si Caleb habang ako ay naghintay sa hindi kalayuan. “Ano bang nangyari at nagalit siya sa ‘yo?” ang tanong niya matapos akong balikan. “Ayaw ka niyang kausapin, e,” sabay kamot sa ulo, problemado ang itsura. “Pa’no na ang lunch natin mamaya?”
Pakiramdam ko ay may kung anong nakadagan sa magkabila kong balikat sa sinabi niya. “Mag-diet na lang tayo, uso naman ‘yun.”
Tinapik niya ang balikat ko sabay akbay. “’Wag ka ng malungkot, magkakaayos rin kayo. Ang dapat nating problemahin ay ang pang-lunch natin mamaya.”
Sana nga… hindi na magalit sa akin si Caleb.
*****
TUMAKBO agad ako nang makitang naghihintay ang kotse nila Caleb pero tulad kanina ay wala ito sa loob at nauna nang umuwi sakay uli ang bicycle.
“Puntahan mo na lang sa bahay,” ang suggestion ni kuya Lito. “Tapos ibigay mo ‘to—“ sabay abot ng box na may lamang blueberry cheese cake na mabilis ko namang kinuha para hindi siya mahirapan sa pagda-drive. “Sigurado akong magkakaayos agad kayo ‘pag nakita niyang dala mo ‘yan.”
“Thank you.” At maingat na nilapag sa tabi ang box.
Hindi ko na nahintay na maiparada ni kuya Lito ang kotse at basta na lang lumabas para puntahan si Caleb sa kwarto.
“Hindi pa umuuwi si Caleb,” ang sabi ng katulong nila sa bahay nang hanapin ko ito.
“Pero ang sabi ni kuya Lito ay nauna nang umalis sa school kaya….” hindi ko na maituloy ang sasabihin dahil sumasama na naman ulit ang loob.
“Baka may pinuntahan o ‘di kaya ay binili saglit kaya hindi pa nakakauwi.”
Tumango ako. “Okay po, pakibigay na lang sa kanya ‘to.” Sabay abot sa box. Matapos ay umalis para umuwi.
Ganitong oras, matapos umuwi galing sa school ay kasama ko si Caleb, nakikipaglaro ng games online o ‘di kaya ay nagba-basketball sa may covered-court. Kaya bago pa ako ma-frustrate sa kakaisip kung kailan ito uuwi ay nag-abang na lang ako sa may gate.
Pero nakauwi na lang sina Mama at Papa ay wala akong nakitang Caleb na dumaan.
“Anong problema?” ang tanong ni Mama habang kumakain kami ng hapunan.
“Wala po.”
“Kenan, kilala kita. Alam kong may problema dahil hindi ka gan’to kumain. Ang tamlay mo.”
“Galit kasi si Caleb sa ‘kin,” ang pag-amin ko. “Gusto ko siyang kausapin pero hindi pa ito umuuwi.”
“Puntahan mo na lang mamaya after dinner. I’m sure nakauwi na ‘yun ngayon.”
“Pero baka ‘pag punta ko ay natutulog—“ natigilan ako nang may biglang maisip. Mabilis kong inubos bigla ang pagkain. “’Ma, ‘Pa, kanila Caleb ako matutulog ngayon.” Hindi ko na hinintay ang sagot nila at nagmadali nang pumunta sa kwarto. Nagpalit ako ng damit na comfortable, kinuha ang unan at kumot.
Pagkatapos ay nagpunta sa katabing bahay na agad namang pinapasok ng katulong. “Hello po Tita, Tito,” ang bati ko nang makita sila sa may sala. “Si Caleb po?”
“Nasa room.”
“Pupuntahan ko po.”
“Dito ka ba matutulog? Dala mo kasi ang unan at kumot mo,” ang tanong ni Tito.
“Yes po.”
“Go, puntahan mo sa room niya, kanina pa ‘yun du’n at ayaw lumabas,” ani Tita.
Hindi na ako kumatok sa pinto ng kwarto ni Caleb at basta na lang ito binuksan. Naabutan ko siyang nakahiga na sa kama at may kung anong papel o picture na hawak at pinagmamasdan.
Mabilis naman niya itong itinago nang makita ako. “Anong ginagawa mo rito?!”
“Dito ako matutulog.” Tapos ay hinagis sa kama ang dala sabay talon sa tabi niya.
Nagpatalbog-talbog kami saglit sa kama bago niya kunin ang unan at hinagis palayo. “N-no! hindi ka pwedeng matulog dito.”
“Galit ka pa rin ba sa ‘kin?” kinuha ko ang unang hinagis niya saka bumalik sa kama. “Bati na tayo, please?”
“Hindi ako galit sa ‘yo.”
“So, pwede na ‘kong matulog dito?”
“H-hindi nga sabi pwede!”
Agad akong kumapit sa headboard ng kama nang itulak-tulak niya ako para maalis sa kama. “Sige na Caleb!”
“Pinapahirapan mo naman ako, e!”
“Hindi ‘yan! Promise, hindi ako maglilikot sa tabi mo.”
“Hindi naman ‘yun ang ibig kong sabihin!”
“E ano?”
Bigla niyang ginulo ang buhok na kulang na lang ay sabunutan niya ang sarili. “Aish! Bahala na nga!”
Automatic ang ngiti ko sa reaction niya. “So, pwede na? Dito na ‘ko matutulog, ha?”
“Oo na, basta ‘wag ka lang didikit sa ‘kin, a.”
“Yes Sir!” At nakuha pang mag-salute.
*****
HALOS ihagis ko sa pagmumukha niya ang binigay na pajama matapos akong pumunta sa kanyang kwarto.
“Anong kalokohan ‘to?” ang sabi ko matapos ihagis sa sahig ang pajama. “Ano bang condition mo para matapos na?”
Tinapik-tapik niya ang kama. “Tulad ng dati, mag-sleep over ka rito sa ‘kin,” aniya at nakuha pang ngumiti.
“Gag*, matapos mong ipain sa ‘kin si Mary Rose at humingi ng condition na ito lang pala? Sleep over? Bahala ka sa buhay mong bang*ngutin ka sana.” Pabagsak kong sinara ang pinto at umalis.
Kahit ano na lang talagang kalokohan ang maisip para lang ipaalala sa akin ang nakaraan. Ilang beses ko bang sasabihin sa kanya na hindi na niya maibabalik ang pinagsamahan namin sirang-sira na.
***<[°o°]>***
MAGKAHARAP ngunit parehong tahimik. Walang sino man sa kanilang dalawa ang naglakas-loob na magsalita dahil kagagaling lang sa isang pagtatalo. Si Caleb na hindi maipinta ang mukha ay padabog na tumayo. “Mag-break na tayo.” Ang kalmadong si Kenan ay biglang uminit ang ulo sa narinig. “So, heto na naman tayo? Makikipag-break ka na naman uli?” Ganito ang laging nangyayari matapos nilang mag-away. Laging nakikipag-break si Caleb. “Tapos ano? Mayamaya lang ay maglalambing ka na parang hindi ka naghamon ng break-up?” ang patuloy ni Kenan. Sawang-sawa na siyang naririnig nang paulit-ulit nitong sinasabi ang salitang ‘break’ kapag nag-aaway sila. Pero ni minsan ay hindi naman talaga sila naghiwalay. O, kahit ang ‘cool-off’ man lang na relasiyon. Sa apat na taong nilang relasiyon ay laging ganito ang nangyayari. Na kahit ang mga tao sa paligid nila ay sanay na. Tulad ngayon na kasama nila sa living room si Felix. Tumambay saglit sa bahay ni Caleb matapos ihatid ang girlfriend na si Mary
MATAPOS ang emotional naming pag-uusap ni Mama ay agad kong pinuntahan si Caleb sa sobrang saya ko. Dahil tanggap na ang relasiyon namin at gusto kong sabihin sa kanya ang magandang balita. Tuloy-tuloy ako hanggang sa kwarto niya pero wala siya. Kung hindi ko pa narinig ang mahinang lagaslas ng tubig ay hindi ko malalaman na nasa banyo siya at mukhang naliligo. Lumapit ako sa pinto at bahagyang idinikit ang tenga. Hinihintay kong i-off ang shower saka ako papasok para hindi ko siya maistorbo. At nang humina na nga, hanggang sa wala na akong marinig ay saka ko binuksan ang pinto at pumasok. “Caleb—!” ang excited ko pang sabi nang matigilan… dahil nagsa-shampoo pa pala siya ng buhok. Akala ko ay tapos na siya kaya ako pumasok. Nagulat siya sa bigla kong pagpasok pero imbis na takpan ang sarili ay humarap pa sa akin at pinagpatuloy ang ginagawa. “What?” ang tanong habang pikit ang isang mata dahil tumutulo na ang bula mula sa ulo niya papunta sa mata. Pasimpleng bumaba ang tingin ko
SA LABAS pa lang ay rinig ko na ang boses ni Mama na tinatawag ako. Nagkatinginan kami ni Papa at agad niya akong pinapunta sa kwarto. “Ako na ang bahala kay Ester.” Kahit nag-aalangan ay sumunod na ako sa utos niya. Pagkasara ko sa pinto ng kwarto ay mas lalo kong narinig ng malinaw ang boses ni Mama. Mukhang nasa loob na siya ng bahay. Hinahanap niya ako at halata sa boses ang galit. “Nasa’n si Kenan? Alam mo ba ang ginawa niya?!” “Huminahon ka muna,” ang awat ni Papa. “Pa’nong hindi ako magagalit kung basta-basta na lang niya akong iniwan do’n?!” Nahiga ako sa kama at sinubsob ang ulo sa unan. Hindi ako nakuntento at tinakpan pa ang dalawang tenga para hindi ko marinig ang boses nila na nagtatalo. Pero walang silbi ang pagtatakip ko ng tenga kung naririnig ko naman ang mga boses nila lalo na nang magsalita si Papa. Parang kulog na dumagundong sa pandinig ko ang sigaw niya. Ni minsan ay hindi ko narinig na sumigaw si Papa ng ganito kalakas at sigawan si Mama kaya kinabahan agad
SA NAGDAANG mga araw ay mas lalong humigpit si Mama. Hindi niya ako pinapayagang lumabas ng bahay kapag hindi naman importante ang gagawin sa labas.Lagi siyang nagdududa na makikipagkita ako kay Caleb sa oras na lumabas ako ng bahay. Hindi naman na kailangan dahil sa madalas kaming magkasama kapag vacant time sa University. Talagang sinusulit namin ang oras na magkasama dahil sa oras na umuwi kami ay balik uli sa dati.Minsan ay napapagod na ako sa ginagawa ni Mama. Ang dami niyang pinagbawal na hindi naman niya ginagawa noon. At kahit ang pakikitungo niya sa akin ay nag-iba rin.Parang may nakakahawa akong sakit na hindi man lang niya malapitan at matingnan nang diretso sa mata. Kung hindi pa gagawa ng paraan si Papa ay hindi talaga niya ako kakausapin.Kapag kinausap naman ay laging pagalit na parang lahat ng gawin ko ay kainis-inis.Kapag kumakain naman ay madalas siyang nagmamadali at talagang ayaw akong makasama sa iisang mesa. Naiiwan kami ni Papa na tahimik pa rin tungkol sa s
HINDI na namin namalayan ang oras at halos maghahating gabi na kaming natapos ni Caleb sa pagliligpit ng decoration. Nauna na kasing umuwi sina Shiela at Mary Rose dahil sa may curfew rules sila sa dorm. Habang si Felix naman ang naghatid sa kanila pauwi. Pagdating sa kanila ay hindi muna ako umuwi. Hinintay ko siyang lumabas sa kotse at niyakap nang mahigpit. “Parang ayoko pang umuwi.” Habang nakasandal sa kotse ay tumingin siya sa akin ng may halong lagkit. “Talaga?” hanggang ang tingin ay bumaba sa akin labi. “Gusto mo bang mag-stay?” ang boses ay tila kinakapos ng hangin. Bakit gano’n? nagtatanong lang naman siya pero bakit tila nag-iinit ako. Nakaka-tempt ang alok niya na ako naman ang nag-umpisa. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin at agad ko namang hinanda ang sarili. Pumikit ako at hinintay ang labi niyang lumapat sa akin. Malambot… maingat… at dahan-dahan na galaw. Halos malunod ako sa emosiyong nararamdaman dahil sa mainit niyang halik. Mas lalo kong nilapit ang
TUNOG ng alarm clock ang nagpagising sa akin ng umagang iyon. At ang una kong kinuha ay ang cellphone para tingnan kung may message ba si Caleb. Madalas kasi itong nauuna sa akin na mag-text at kung hindi naman ay ako na ang nagmi-message sa kanya. Dati ay siya ang madalas na mag-text sa akin ng mga sweet messages sa umaga hanggang gabi pero dumaan ang mga araw na pati ako ay nag-i-effort na rin.At ngayon nga ay nalalapit na ang six monthsary namin. Gumising ako ng maaga ngayon dahil kailangan kong paghandaan ang monthsary namin ni Caleb. Bibili ako ngayon ng gift para sa kanya, ng hindi niya nalalaman.Gusto ko siyang i-surprise sa mismong araw ng monthsary namin. Madalas kasi siya ang nag-e-effort at taga kain na lang ako ng handa.Sakay ng motor ay nagpunta ako sa mall at tumingin-tingin ng ipangriregalo. Next week pa naman ang monthsary namin pero kailangan kong maghanap nang maaga at baka mahalata na naman niya. Gustong-gusto ko kasi talaga siyang i-surprise tulad ng lagi niyang