Share

Chapter 51

MATAPOS ang emotional naming pag-uusap ni Mama ay agad kong pinuntahan si Caleb sa sobrang saya ko. Dahil tanggap na ang relasiyon namin at gusto kong sabihin sa kanya ang magandang balita.

Tuloy-tuloy ako hanggang sa kwarto niya pero wala siya. Kung hindi ko pa narinig ang mahinang lagaslas ng tubig ay hindi ko malalaman na nasa banyo siya at mukhang naliligo.

Lumapit ako sa pinto at bahagyang idinikit ang tenga. Hinihintay kong i-off ang shower saka ako papasok para hindi ko siya maistorbo.

At nang humina na nga, hanggang sa wala na akong marinig ay saka ko binuksan ang pinto at pumasok. “Caleb—!” ang excited ko pang sabi nang matigilan… dahil nagsa-shampoo pa pala siya ng buhok. Akala ko ay tapos na siya kaya ako pumasok.

Nagulat siya sa bigla kong pagpasok pero imbis na takpan ang sarili ay humarap pa sa akin at pinagpatuloy ang ginagawa. “What?” ang tanong habang pikit ang isang mata dahil tumutulo na ang bula mula sa ulo niya papunta sa mata.

Pasimpleng bumaba ang tingin ko
Zxoul49

Hello! Final chapter na po ito, after ay ang Epilogue. O, 'di ba? tapos na pala siya. Nagsasawa na kasi ako sa kanilang dalawa. Ramdam ko ang pagiging single 🤣. Kidding aside, salamat sa walang sawang pagbabasa at paghihintay sa mabagal kong update. Mamimiss ko ang bardagulan nila Kenan at Feliix. P.S. Hindi kasi ako confident gumawa ng BS kaya 'yung after na lang, hehehe. Tawang-tawa rin ako habang ini-edit 'to, lalo na sa last part. Hindi kasi ako makapaniwala na kaya ko palang gumawa ng ganito ka bastos na conversation(slight lang siya, actually) pero wala kasing filter 'yung bibig ni Caleb. 'Yun lang, thank you! Love you all!

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status