SA LABAS pa lang ay rinig ko na ang boses ni Mama na tinatawag ako. Nagkatinginan kami ni Papa at agad niya akong pinapunta sa kwarto. “Ako na ang bahala kay Ester.” Kahit nag-aalangan ay sumunod na ako sa utos niya. Pagkasara ko sa pinto ng kwarto ay mas lalo kong narinig ng malinaw ang boses ni Mama. Mukhang nasa loob na siya ng bahay. Hinahanap niya ako at halata sa boses ang galit. “Nasa’n si Kenan? Alam mo ba ang ginawa niya?!” “Huminahon ka muna,” ang awat ni Papa. “Pa’nong hindi ako magagalit kung basta-basta na lang niya akong iniwan do’n?!” Nahiga ako sa kama at sinubsob ang ulo sa unan. Hindi ako nakuntento at tinakpan pa ang dalawang tenga para hindi ko marinig ang boses nila na nagtatalo. Pero walang silbi ang pagtatakip ko ng tenga kung naririnig ko naman ang mga boses nila lalo na nang magsalita si Papa. Parang kulog na dumagundong sa pandinig ko ang sigaw niya. Ni minsan ay hindi ko narinig na sumigaw si Papa ng ganito kalakas at sigawan si Mama kaya kinabahan agad
MATAPOS ang emotional naming pag-uusap ni Mama ay agad kong pinuntahan si Caleb sa sobrang saya ko. Dahil tanggap na ang relasiyon namin at gusto kong sabihin sa kanya ang magandang balita. Tuloy-tuloy ako hanggang sa kwarto niya pero wala siya. Kung hindi ko pa narinig ang mahinang lagaslas ng tubig ay hindi ko malalaman na nasa banyo siya at mukhang naliligo. Lumapit ako sa pinto at bahagyang idinikit ang tenga. Hinihintay kong i-off ang shower saka ako papasok para hindi ko siya maistorbo. At nang humina na nga, hanggang sa wala na akong marinig ay saka ko binuksan ang pinto at pumasok. “Caleb—!” ang excited ko pang sabi nang matigilan… dahil nagsa-shampoo pa pala siya ng buhok. Akala ko ay tapos na siya kaya ako pumasok. Nagulat siya sa bigla kong pagpasok pero imbis na takpan ang sarili ay humarap pa sa akin at pinagpatuloy ang ginagawa. “What?” ang tanong habang pikit ang isang mata dahil tumutulo na ang bula mula sa ulo niya papunta sa mata. Pasimpleng bumaba ang tingin ko
MAGKAHARAP ngunit parehong tahimik. Walang sino man sa kanilang dalawa ang naglakas-loob na magsalita dahil kagagaling lang sa isang pagtatalo. Si Caleb na hindi maipinta ang mukha ay padabog na tumayo. “Mag-break na tayo.” Ang kalmadong si Kenan ay biglang uminit ang ulo sa narinig. “So, heto na naman tayo? Makikipag-break ka na naman uli?” Ganito ang laging nangyayari matapos nilang mag-away. Laging nakikipag-break si Caleb. “Tapos ano? Mayamaya lang ay maglalambing ka na parang hindi ka naghamon ng break-up?” ang patuloy ni Kenan. Sawang-sawa na siyang naririnig nang paulit-ulit nitong sinasabi ang salitang ‘break’ kapag nag-aaway sila. Pero ni minsan ay hindi naman talaga sila naghiwalay. O, kahit ang ‘cool-off’ man lang na relasiyon. Sa apat na taong nilang relasiyon ay laging ganito ang nangyayari. Na kahit ang mga tao sa paligid nila ay sanay na. Tulad ngayon na kasama nila sa living room si Felix. Tumambay saglit sa bahay ni Caleb matapos ihatid ang girlfriend na si Mary
KUMURAP ako nang medyo nanlalabo na ang paningin. Mukhang tinamaan na yata ako ng alak na iniinom kaya nilapag ko na ang hawak na baso sa table. Kumportable akong sumandal sa kinauupuan habang pumapadyak ang paa dahil sa naririnig na music. Sa ganda at sobrang sikat ngayon ng pinapatugtog ay nagsisitayuan na ang ibang bisita para sumayaw. Ang bongga ng birthday celebration na ito, sobra akong nag-i-enjoy. “Ayos ka lang?” bulong ng katabi. Bahagya akong napapitlag nang maramdaman ang hininga niya sa tenga ko. Bigla agad akong kinilabutan. Hindi na ako sumagot at nag-thumbs-up na lang saka kinuha ang baso na may lamang alak. “Oy, tama na ‘yan. Lasing ka na,” ang pigil niya sabay kuha ng baso. Nairita ako nang ilayo niya pa para hindi ko makuha. “Hindi pa ‘ko lasing! Nakikita ko pa nga nang malinaw ang mukha mo.” “Ang mas mabuti pa ay iuuwi na kita sa inyo.” Sabay hawak sa braso ko para itayo. “Nag-i-enjoy pa ‘ko Felipe!” Nakipaghilahan p
DINILAT ko ang mga mata nang makaramdam ng kiliti sa kaliwang tenga. Lumingon pa ako sa paligid at tiningnan ang buong kwarto para siguraduhing ako lang ang mag-isa. Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang pamilyar na pangyayari tuwing umaga. Ganitong-ganito kapag nagigising ako noon para hindi ma-late sa school. Natigil lang simula nang... Ahh!!! Kumukulo na naman ang dugo ko kapag naiisip ang taong iyon. Ang mas mabuti pa ay bumalik na lang ako sa pagtulog kaysa mainis. Muli akong pumikit para ipagpatuloy ang pagtulog nang mag-flashback sa akin ang nangyari kagabi. Para itong rumaragasang tubig na nilulunod ang isip ko. Bigla akong napadilat at mabilis na bumangon sa kama. Ano ‘yun? Ano ang alaala na ‘yun?! “Imposible, hindi pwedeng mangyari ‘yun.” Umiling-iling pa ako para kumbinsihin ang sariling hallucination lang ang nangyari. Hindi pwedeng nakabalik na siya. Hindi pwedeng bumalik dito si, “Caleb.” “Tawag mo ‘ko?” Napaatras ako
MABAGAL kong sinusuot ang gray short-sleeves na may black leaves print na pinapasuot sa akin ni Mama. Ilang beses pa akong napapabuntong-hininga habang binubutones ang damit. Gustuhin ko mang hindi sumama ay hindi ko naman pwedeng gawin iyon. Baka magtanong sila Mama kung bakit, na ayaw kong mangyari. Ayokong malaman nila na magkaaway kami ni Caleb. Dalawang taon kong nilihim ang buong nangyari sa amin ni Caleb. Ang buong akala nila ay parang magkapatid pa rin ang turingan namin. Nahinto ako sa ginagawa nang bumukas ang pinto ng kwarto ko at sumilip si Mama. “Tapos ka na? Baka naghihintay na sina Janette at Steve.” Ang tinutukoy ni Mama ay ang parents ni Caleb na ngayon ay naghihintay sa katabing bahay. Ngayong gabi kasi ay may dinner doon para i-celebrate ang pagbabalik ng anak nila. Muli akong napabuntong-hininga. Paano ko ba ito maiiwasan. Umaga hanggang gabi ko nang nakikita si Caleb. Sawang-sawa na akong makita ang pagmumukha niya. “Susunod na po
KAKAMOT-KAMOT sa tiyan at papikit-pikit pa ang mga mata nang lumabas sa kwarto. Mula sa sala ay napansin kong may tumayo mula sa sofa at lumapit sa akin. “Good morning,” ang bati niya. Pero dahil ang amoy agad ng niluluto ni Mama ang prinoseso ng utak ay hindi ko siya pinansin at dumiretso sa kitchen area. “’Ma, ang bango.” Saka lumapit para makita ang niluluto niyang garlic fried-rice. Nilanghap ko pa bago lumapit sa electric kettle. Buti may mainit pang tubig para makapagkape. Matapos makapagtimpla ay pumunta ako sa labas ng bahay. “Anong ginagawa mo rito? Ang aga mong nangapit-bahay, a.” Sabay sulyap kay Caleb na kanina pa ako sinusundan. “Wala kasi akong magawa sa bahay.” Sa laki ng bahay niya, wala pa siyang magawa? “O, ba’t dito? Ke-aga-aga ang pangit na ng umaga ko." “Si Tita naman ang nagyaya sa ‘king pumasok at dito na mag-almusal.” Hinipan ko ang mainit na kape sabay higop. “Umuwi ka na habang hindi pa kita pinapaalis.” Ang t
MARIIN akong pumikit nang maramdaman ang hininga niya sa mukha ko. Saan ko ba dapat ibaling ang mukha? Sa kanan ba o kaliwa? Mas mabuting huwang na lang akong gumalaw at baka may kung ano pang dumikit sa labi ko. Please, please, please. Muntik pa akong mapasigaw nang tuluyang may maramdaman sa labi. "Sobrang sakit no’ng ginawa mo. Nabukulan ata ako.” Bigla kong idinilat ang mga mata at nakitang malayo na ang mukha niya. Bumalik na rin sa normal ang mata niya, hindi na galit. Agad kong tinabig ang kamay niyang tumakip sa bibig ko, ito pala ang dumikit. “Ilayo mo nga ‘yang madumi mong kamay,” baka kung ano pang pinaghahahawak niya. “Kadiri, dumampi pa talaga sa labi ko.” “Mas mabuti na ‘yan kaysa iba ang dumampi.” “Ano?” Ano na namang pinagsasasabi nito? Umalis siya sa ibabaw ko kaya agad akong bumangon at lumayo sa kanya. Baka kasi itulak na naman niya ako. “Kenan?” si Mama. Agad kong inayos ang itsura na