Chapter: Chapter 83Tapos napaka-elagante pa ng pag-reserved ng waiter sa pagkain.She felt really special.“Anong problema? Ayaw mo sa pagkain?” puna ni Marcus nang huminto si Luna at binaba ang kamay na may hawak na kubyertos.“No, it’s just that… hindi ako makapaniwalang ma-i-experience ko ‘tong kasama ka,” kulang at marami pa sana siyang gustong sabihin pero sa sobrang taas ng emosiyong nararamdaman ay hindi na niya alam kung pa'no isasatinig ang nasa isip ng hindi naiiyak.Ngumiti si Marcus. “Kung may gusto kang puntahan, sabihin mo lang at sasamahan kita.”“Kahit out-of-the-country? Underground or under the water?” biro ni Luna upang pagaanin ang atmosphere at para na rin itago ang emosyong nararamdaman dahil sa sobrang tuwa.“Kahit sa outerspace pa,” biro ring tugon ni Marcus sa asawa at napansin pa ang pagsilip ni Artemio mula sa may sulok.Pasimple naman siyang nag-thumbs up dahil sa mabilis na pag-response nito kahit pa biglaan ang request niya. At nag-serve pa ng mamahaling alak para sa kanilan
Last Updated: 2023-12-27
Chapter: Chapter 82NAPATINGIN PA SA CELLPHONE si Marcus nang bigla na lamang tinapos ni Scarlette ang tawag. At nagtaka kung bakit tila galit ito?Binaba na lang niya ang cellphone at saka muling hinarap ang team, lalo na si Daniel. Nasa kalagitnaan siya ng break-time nang mag-text ito at sabi’y may ipapakita raw itong video footage. Kaya agad siyang nagtungo.“Ano nga ulit ‘yung gusto mong ipakita?”Hinarap ni Daniel ang laptop kay Marcus at pinakita ang isang video kung saan ay makikitang may dumadaan na sasakyan. At isa nga rito ang kotseng sinakyan ni Ramon na hinabol niya pa no'ng nando'n siya sa Cebu. “Hindi ko pa magawang mapasok ang system sa hotel sa higpit ng security kaya ang kalapit na establishment na lang ang h-in-ack ko at ito nga ang nakuha ko.”Hinawakan ni Marcus ang laptop at ni-replay ang video. “Ito ‘yung kotseng sinakyan ni Ramon,” pahayag niya kaya nagsitinginan ang team.“Sandali't iso-zoom ko para makita ang plate number,” ani Daniel at may kung anong t-ina-ype sa laptop. Ilang s
Last Updated: 2023-12-26
Chapter: Chapter 81Ilang ring pa ang narinig niya bago tuluyang nasagot ang tawag. “Hello?”“Bakit?” ani Marcus habang nakalapat ang index-finger sa labi. Pinapatahimik saglit ang mga kasama.Narito siya ngayon sa resort dahil may ipapakita raw si Daniel sa kanyang footage.Si Scarlette naman ay agad na sumimangot. Ni wala man lang ‘hi' or ‘hello'? Basta na lang ‘bakit'?Ang lamig talaga ng pakikitungo ni Marcus sa kanya. Pero ano pa bang bago? Lagi namang gano'n, maliban na lang siguro kapag tungkol na sa asawa nito ang usapan. “’Yung pinag-usapan natin, baka nakakalimutan mo na?” tinumbasan niya ng inis ang walang kabuhay-buhay nitong sagot. “Kailangan ko na ang testimony mo.”“Kailan?”“Ngayon na.”“May inaasikaso pa ‘ko, ipapadala ko na lang sa email mo.”“Hindi ka pwede kahit after work?” Bahagyang humigpit ang hawak ni Scarlette sa cellphone nang mapagtantong nagtutunog demanding na siya para lang makipagkita si Marcus.“Hindi.”“Okay, fine. Isi-send ko na lang sa ‘yo email ko, ipadala mo do'n.” Hi
Last Updated: 2023-12-26
Chapter: Chapter 80SA HUMIGIT-KUMULANG na nasa sampung katao na naroon ay tanging si Ramon lang ang makikitang naaaliw sa pinapanuod.Ang mga tauhan na nakabantay sa lugar ay tahimik na napapatingin sa kanya. Ang iba ay naguguluhan sa pagbabagong nakikita sa Amo.Misan lang kasi nila itong makita na masaya. Hindi tuloy nila malaman kung dapat ba nilang ikatuwa ang masayang Ramon o mas lalo silang dapat na matakot. Lalo pa nang marinig ang pigil na halakhak nito. Hindi maiwasan ng ibang tauhan na kilabutan at mag-isip ng masama. Sa tingin nila'y may hatid na delubyo ang tawa ng Amo.Ilang sandali pa’y tinawag ni Ramon ang tauhan at kanang-kamay na si Mr. O.. “Pabalikin mo na ‘tong dalawa—" ang tinutukoy ay sina Alberto at ang kasama nitong lawyer. “Saka, ano sa tingin mo? Convincing ba ang arte ni Alberto?”Tumango naman si Mr. O., bilang pagsang-ayon at saka ginawa ang pinaguutos ng Amo. Pinadalhan niya ng message ang lawyer na kailangan na ng mga itong bumalik.Ilang sandali pa'y muling lumapit si Mr. O
Last Updated: 2023-12-16
Chapter: Chapter 79SA OFFICE, habang abala si Luna sa ginagawa ay kumatok si Jenny sa pinto sabay pasok.“Miss Luna, nasa baba si Mr. Alberto Roces.”Tiningnan muna ni Luna ang secretary saka tinigil ang ginagawa. “Anong kailangan? Sinabi mo bang nasa factory ang Chairman?”Tumango si Jenny. “Kaya mga manager lang ho ang naro'n sa baba.”“Bakit, nasa'n ang ilang chief-director? Sumama bang lahat sa factory?”“Ang ilan lang, habang ‘yung iba ay may out-of-town appointment.”Saglit na napaisip si Luna kung ba't biglaan naman ang pagbisita ni Mr. Roces?At itinaon pa talaga na wala ang kanyang Ama na siyang madalas humaharap dito.Kaya tumayo si Luna at nagpasiyang bababa para harapin si Mr. Roces. Pero sa elevator pa lang ay nagkita na sila. Kasama nito ang lawyer na sa tingin niya'y secretary na rin nito.“Luna!” tuwang bati ni Alberto. Nakalahad ang dalawang braso na animo'y yayakapin siya.Bahagya namang yumuko si Luna bilang paggalang. “What a sudden surprise, Mr. Roces. Sayang at hindi kayo nagpang-ab
Last Updated: 2023-12-16
Chapter: Chapter 78NALILITO si Fausto sa dapat niyang maging desisiyon. Kung susundin niya si Liliane ay hindi lang si Marcus ang kailangan niyang harapin. Pati na si Luna.At sigurado siyang ipaglalaban ng anak si Marcus.Kung pagbibigyan naman niya ang pakiusap ni Marcus ay mapapasama naman siya sa asawa na baka humantong pa sa pag-aaway. Iisipin nitong kinakampihan niya ang dalawa.Isa pa'y masiyado na siyang abala sa kompanya kaya ang problema sa bahay ay sobra na sa dapat niyang isipin. Kaya kapag nagrereklamo na si Liliane ay tinutulugan na lamang niya para makaiwas.“Fausto—”“’Wag muna ngayon, Liliane. Marami akong ginawa kaya gusto ko ng magpahinga.” Sinadya niyang tumalikod upang hindi ito maharap.“Hahayaan mo na lang ba ang ampon na ‘yun na kunin sa ‘tin si Luna?!”May pumitik na kung ano sa sintido ni Fausto at tuluyan siyang nawalan ng pasensiya. “Walang kinukuha si Marcus! Hindi si Luna o kung ano pa man sa pamamahay na ‘to!”Sa biglaang pagtaas ng boses ni Fausto ay natameme si Liliane. M
Last Updated: 2023-12-13
Chapter: Epilogue[Thalia’s Pov] UNANG HAKBANG, hingang malalim. Pangalawang hakbang, humigpit ang hawak ko sa bulaklak at sa pangatlo ay halos tumulo na ang luha ko. Ganito pala ang feeling kapag naglalakad na sa aisle tapos nasa dulo ang taong minamahal mo, naghihintay. Marami ang nakatingin sa akin pero nasa kanya lang ang atensiyon, hindi inaalis ang tingin kay Aaron. Nang nasa tapat na niya ako ay hinarap ko si Daddy na kanina pa iyak nang iyak. Kailan ko nga unang nakitang umiyak si Daddy? Ah, no’ng nalaman niyang buntis ako sa kambal. Umiyak siya dahil hindi niya akalaing maaga siyang magkakaroon ng apo. Pareho silang umiyak ni Mommy no’ng time na iyon. Ramdam na ramdam ko ang init nang yakap niya. “Masaya ako para sa ‘yo Thalia.” “Thank you Dad.” Pagkatapos ay hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko saka pinasa kay Aaron. “Ilang beses ko nang sinabi ‘to, pero nagpapasalamat ako kasi ikaw ang magiging katuwang ni Thalia.
Last Updated: 2021-10-18
Chapter: Chapter 60MAHIGPIT na yakap ang natanggap ko matapos yakapin ni Noreen si Thalia. Nang matapos kasi kaming mag-usap ay lumipat kami sa office ni Mr. Ben at sandali niyang kinausap si Thalia o tamang sabihin na humingi ng tawad.“So, pa’no, kailangan ko nang umalis bago pa bumalik ang mga employee from lunch,” aniya.“Mag-iingat ka.”“Thank you, and congratulations—“ humugot muna siya nang malalim na hininga. “Sa kasal mo,” ang pigil hininga niyang patuloy. “Sorry, medyo mahirap pa rin kasing tanggapin na ikakasal ka na sa i—ba.” At bahagyang napatingin kay Thalia.Pero sa halip na mailang ay muli lang yumakap si Thalia sa kanya. “Sorry talaga Ate Noreen.”“Okay lang, matatanggap ko rin paunti-unti saka alam ko namang nasa mabuting kamay si Aaron, sasaya siya nang sobra sa ‘yo,” bahagya siyang lumayo kay Thalia. “Sige, aalis na ‘ko, maraming
Last Updated: 2021-10-17
Chapter: Chapter 59ISANG LINGGO ang nakalipas at halos hindi na ako gaanong pinag-uusapan ng lahat. Nakakalabas na ako kasama si Thalia at ang mga bata. Paminsan-minsan ay pinagtitinginan pero hindi ko na iyon pinapansin. Ang mahalaga ay nakakasama ko na sila na walang inaalala na baka may makakita. Sa trabaho naman ay medyo nabawasan ang mga project dahil sa issue pero ayos lang, sulit naman dahil kapag free time ay agad akong pumupunta sa mga bata para makipaglaro. Sana pala ay matagal ko nang inamin sa publiko ito para hindi nasasayang ang mga oras na pwede ko pala silang makasama nang hindi nagtatago. Hawak sa magkabilang kamay sina Theo at Timothy ay pinuntahan namin si Thalia. Gusto kasi ng dalawa na makasamang mag-lunch ang ina. Dahil sa trabaho ay hindi na sila nagkakasamang mananghalian at namimiss na nila ito. “Maghintay na lang muna tayo sa office ni Lolo habang wala pang-LUNCH break, ‘kay?” ang sabi ko sa kanila habang nasa elevator. Pero mabilis ang
Last Updated: 2021-10-17
Chapter: Chapter 58PARANG BULA na nakalimutan ng mga tao ang pag-alis ni Noreen sa showbiz at napalitan ng panibagong nakakagulat na balita. Sa loob lang ng ilang oras matapos kong sabihin sa buong mundo na may relasiyon kami ni Thalia at may mga anak kami ay nag-trending agad ako. Nag-top rin sa most search celebrities at pati pangalan ni Thalia ay most search rin. Ang daming curious kung paano nangyaring naging kami ng ganoon katagal ng hindi alam ng publiko. Sa pagsikat ng araw ay dumagsa pang lalo ang mga reporter sa labas ng subdivision. Nahirapan ngang makalusot si Gab kahit sobrang aga niyang nagpunta. “Coffee lang ang ma-i-o-offer ko,” ang sabi ko sa kanya sabay lapag ng kape sa table dahil kagigising rin lang ng mga katulong. “Kalmado ka ata ngayon? Ibang-iba sa labas bago ako makarating rito. Halos dumugin ang kotse ko para makakuha ng interview.” “Ewan ko ba, gan’to siguro talaga kapag walang inililihim,” ang tugon ko at hindi maawat ang sarili sa pag
Last Updated: 2021-10-17
Chapter: Chapter 57KAUNTING gasgas sa kamay at tuhod ang tinamo ni Thalia matapos ko siyang maitayo. Walang tigil rin ang pasasalamat ko sa driver ng kotse na mabilis nakapreno. Kung hindi lang naging mabilis ang reflexes nito ay hindi ko na alam ang gagawin. Maingat kong inalalayan papunta sa tabi ng kalsada si Thalia na hanggang ngayon ay tulala pa rin. Sobra siyang na-shock kaya niyakap ko siya nang mahigpit. “Okay lang, 'wag ka ng matakot. Nandito na ako,” ang bulong. Hindi ko na alintana ang mga matang nakatingin sa amin. Tanging si Thalia lang ang inaalala ko. Pero parang mahirap hindi pansinin ang mga taong nakapalibot lalo na sa mga kumukuha sa amin ng walang paalam. “Please! Kunting respeto naman, ‘wag niyo kaming kunan!” ang sigaw ko habang pilit tinatakpan ang ulo ni Thalia para hindi makunan. Hanggang sa bigla ko na lang narinig ang boses ni Mr. Ben, “Aaron, anong nangyari?” mabilis itong nakalapit sa amin at tiningnan si Thalia na mabilis umiyak nang makita ang ama
Last Updated: 2021-10-14
Chapter: Chapter 56MATAPOS ang pag-uusap namin ni Gab sa cellphone ay si Thalia naman ang sunod na tumawag. Puno ng pag-aalala ang boses niya at sa tingin ko ay naiiyak siya kahit hindi ko naman nakikita. Garalgal at sumisinghot-singhot na kasi siya.“I’m must be there with you.”“Mas lalo lang akong mahihirapan kung nandito ka dahil si Mama pa lang ay hirap na ako. Iyak nang iyak, ‘di ko nga alam kung nakatulog na nga ba ‘yun sa kwarto,” ang sagot ko.“Natatakot ako para sa ‘yo Aaron. What if dito ka muna sa bahay? Mas secured rito, isaman mo na rin si Tita at mga katulong niyo sa bahay.”“May nagbabantay na sa amin ditong pulis kaya ayos lang talaga, ang mga bata?”“Natutulog na, mabuti na nga lang at tulog na ang mga ito nang ibalita sa TV ang nangyari, kundi ay magpupumilit ang mga ‘yun na puntahan ka.”Mariin akong napapikit nang sumagi sa isip ko sina Theo at Timoth
Last Updated: 2021-10-14
Chapter: EpilogueMAGKAHARAP ngunit parehong tahimik. Walang sino man sa kanilang dalawa ang naglakas-loob na magsalita dahil kagagaling lang sa isang pagtatalo. Si Caleb na hindi maipinta ang mukha ay padabog na tumayo. “Mag-break na tayo.” Ang kalmadong si Kenan ay biglang uminit ang ulo sa narinig. “So, heto na naman tayo? Makikipag-break ka na naman uli?” Ganito ang laging nangyayari matapos nilang mag-away. Laging nakikipag-break si Caleb. “Tapos ano? Mayamaya lang ay maglalambing ka na parang hindi ka naghamon ng break-up?” ang patuloy ni Kenan. Sawang-sawa na siyang naririnig nang paulit-ulit nitong sinasabi ang salitang ‘break’ kapag nag-aaway sila. Pero ni minsan ay hindi naman talaga sila naghiwalay. O, kahit ang ‘cool-off’ man lang na relasiyon. Sa apat na taong nilang relasiyon ay laging ganito ang nangyayari. Na kahit ang mga tao sa paligid nila ay sanay na. Tulad ngayon na kasama nila sa living room si Felix. Tumambay saglit sa bahay ni Caleb matapos ihatid ang girlfriend na si Mary
Last Updated: 2022-07-16
Chapter: Chapter 51MATAPOS ang emotional naming pag-uusap ni Mama ay agad kong pinuntahan si Caleb sa sobrang saya ko. Dahil tanggap na ang relasiyon namin at gusto kong sabihin sa kanya ang magandang balita. Tuloy-tuloy ako hanggang sa kwarto niya pero wala siya. Kung hindi ko pa narinig ang mahinang lagaslas ng tubig ay hindi ko malalaman na nasa banyo siya at mukhang naliligo. Lumapit ako sa pinto at bahagyang idinikit ang tenga. Hinihintay kong i-off ang shower saka ako papasok para hindi ko siya maistorbo. At nang humina na nga, hanggang sa wala na akong marinig ay saka ko binuksan ang pinto at pumasok. “Caleb—!” ang excited ko pang sabi nang matigilan… dahil nagsa-shampoo pa pala siya ng buhok. Akala ko ay tapos na siya kaya ako pumasok. Nagulat siya sa bigla kong pagpasok pero imbis na takpan ang sarili ay humarap pa sa akin at pinagpatuloy ang ginagawa. “What?” ang tanong habang pikit ang isang mata dahil tumutulo na ang bula mula sa ulo niya papunta sa mata. Pasimpleng bumaba ang tingin ko
Last Updated: 2022-07-16
Chapter: Chapter 50SA LABAS pa lang ay rinig ko na ang boses ni Mama na tinatawag ako. Nagkatinginan kami ni Papa at agad niya akong pinapunta sa kwarto. “Ako na ang bahala kay Ester.” Kahit nag-aalangan ay sumunod na ako sa utos niya. Pagkasara ko sa pinto ng kwarto ay mas lalo kong narinig ng malinaw ang boses ni Mama. Mukhang nasa loob na siya ng bahay. Hinahanap niya ako at halata sa boses ang galit. “Nasa’n si Kenan? Alam mo ba ang ginawa niya?!” “Huminahon ka muna,” ang awat ni Papa. “Pa’nong hindi ako magagalit kung basta-basta na lang niya akong iniwan do’n?!” Nahiga ako sa kama at sinubsob ang ulo sa unan. Hindi ako nakuntento at tinakpan pa ang dalawang tenga para hindi ko marinig ang boses nila na nagtatalo. Pero walang silbi ang pagtatakip ko ng tenga kung naririnig ko naman ang mga boses nila lalo na nang magsalita si Papa. Parang kulog na dumagundong sa pandinig ko ang sigaw niya. Ni minsan ay hindi ko narinig na sumigaw si Papa ng ganito kalakas at sigawan si Mama kaya kinabahan agad
Last Updated: 2022-07-16
Chapter: Chapter 49SA NAGDAANG mga araw ay mas lalong humigpit si Mama. Hindi niya ako pinapayagang lumabas ng bahay kapag hindi naman importante ang gagawin sa labas.Lagi siyang nagdududa na makikipagkita ako kay Caleb sa oras na lumabas ako ng bahay. Hindi naman na kailangan dahil sa madalas kaming magkasama kapag vacant time sa University. Talagang sinusulit namin ang oras na magkasama dahil sa oras na umuwi kami ay balik uli sa dati.Minsan ay napapagod na ako sa ginagawa ni Mama. Ang dami niyang pinagbawal na hindi naman niya ginagawa noon. At kahit ang pakikitungo niya sa akin ay nag-iba rin.Parang may nakakahawa akong sakit na hindi man lang niya malapitan at matingnan nang diretso sa mata. Kung hindi pa gagawa ng paraan si Papa ay hindi talaga niya ako kakausapin.Kapag kinausap naman ay laging pagalit na parang lahat ng gawin ko ay kainis-inis.Kapag kumakain naman ay madalas siyang nagmamadali at talagang ayaw akong makasama sa iisang mesa. Naiiwan kami ni Papa na tahimik pa rin tungkol sa s
Last Updated: 2022-07-16
Chapter: Chapter 48HINDI na namin namalayan ang oras at halos maghahating gabi na kaming natapos ni Caleb sa pagliligpit ng decoration. Nauna na kasing umuwi sina Shiela at Mary Rose dahil sa may curfew rules sila sa dorm. Habang si Felix naman ang naghatid sa kanila pauwi. Pagdating sa kanila ay hindi muna ako umuwi. Hinintay ko siyang lumabas sa kotse at niyakap nang mahigpit. “Parang ayoko pang umuwi.” Habang nakasandal sa kotse ay tumingin siya sa akin ng may halong lagkit. “Talaga?” hanggang ang tingin ay bumaba sa akin labi. “Gusto mo bang mag-stay?” ang boses ay tila kinakapos ng hangin. Bakit gano’n? nagtatanong lang naman siya pero bakit tila nag-iinit ako. Nakaka-tempt ang alok niya na ako naman ang nag-umpisa. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin at agad ko namang hinanda ang sarili. Pumikit ako at hinintay ang labi niyang lumapat sa akin. Malambot… maingat… at dahan-dahan na galaw. Halos malunod ako sa emosiyong nararamdaman dahil sa mainit niyang halik. Mas lalo kong nilapit ang
Last Updated: 2022-07-15
Chapter: Chapter 47TUNOG ng alarm clock ang nagpagising sa akin ng umagang iyon. At ang una kong kinuha ay ang cellphone para tingnan kung may message ba si Caleb. Madalas kasi itong nauuna sa akin na mag-text at kung hindi naman ay ako na ang nagmi-message sa kanya. Dati ay siya ang madalas na mag-text sa akin ng mga sweet messages sa umaga hanggang gabi pero dumaan ang mga araw na pati ako ay nag-i-effort na rin.At ngayon nga ay nalalapit na ang six monthsary namin. Gumising ako ng maaga ngayon dahil kailangan kong paghandaan ang monthsary namin ni Caleb. Bibili ako ngayon ng gift para sa kanya, ng hindi niya nalalaman.Gusto ko siyang i-surprise sa mismong araw ng monthsary namin. Madalas kasi siya ang nag-e-effort at taga kain na lang ako ng handa.Sakay ng motor ay nagpunta ako sa mall at tumingin-tingin ng ipangriregalo. Next week pa naman ang monthsary namin pero kailangan kong maghanap nang maaga at baka mahalata na naman niya. Gustong-gusto ko kasi talaga siyang i-surprise tulad ng lagi niyang
Last Updated: 2022-07-15