Share

Chapter 50

SA LABAS pa lang ay rinig ko na ang boses ni Mama na tinatawag ako. Nagkatinginan kami ni Papa at agad niya akong pinapunta sa kwarto. “Ako na ang bahala kay Ester.”

Kahit nag-aalangan ay sumunod na ako sa utos niya. Pagkasara ko sa pinto ng kwarto ay mas lalo kong narinig ng malinaw ang boses ni Mama. Mukhang nasa loob na siya ng bahay. Hinahanap niya ako at halata sa boses ang galit.

“Nasa’n si Kenan? Alam mo ba ang ginawa niya?!”

“Huminahon ka muna,” ang awat ni Papa.

“Pa’nong hindi ako magagalit kung basta-basta na lang niya akong iniwan do’n?!”

Nahiga ako sa kama at sinubsob ang ulo sa unan. Hindi ako nakuntento at tinakpan pa ang dalawang tenga para hindi ko marinig ang boses nila na nagtatalo.

Pero walang silbi ang pagtatakip ko ng tenga kung naririnig ko naman ang mga boses nila lalo na nang magsalita si Papa. Parang kulog na dumagundong sa pandinig ko ang sigaw niya. Ni minsan ay hindi ko narinig na sumigaw si Papa ng ganito kalakas at sigawan si Mama kaya kinabahan agad
Zxoul49

Hello! actually, hindi ito ang original plot. Binago ko siya kasi ayoko nang palalain pa. Nagiging villain na si Mother na hindi naman dapat. Yes, may times na tutol ang mga parents natin sa mga bagay na nagpapasaya sa atin pero dahil lang 'yun sa gusto nilang mapabuti tayo, kung anong best para sa atin. Pero sa huli, mas gugustuhin pa rin nilang makitang masaya tayo kaysa ang masaktan. Happy weekends all!

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status