Share

Kabanata 156

Author: Glazed Snow
Sa paglipas ng mga taon, si Shawn ay laging napapalibutan nang walang katapusang tukso mula sa mga babae. Marami na siyang nakaharap na bihasa sa larangang iyon, kaya alam niyang sinusubukan lamang siyang akitin ni Maxine.

Gustong malaman ni Maxine kung kaya ba niya itong mahulog sa bitag niya. Gusto nitong malaman kung papatol ba talaga siya.

Ngumiti nang bahagya si Shawn, nakakurba ang kanyang maninipis na labi na may bahid na pang-uuyam, at higit sa lahat ay hindi mabasa ang kanyang ekspresyon. Sa isip niya, isang maliit na vixen si Maxine.

Ilang sandai lang, biglang tumunog ang isang malamyos na ringtone ng kanyang cellphone, isang tanda ng tawag mula sa telepono. Sa screen ay kumislap ang pangalan ni Monica.

Sa isang iglap, ang init na pinukaw ni Maxine sa kanyang dibdib ay unti-unting naglaho. Pinindot niya ang answer button at sinagot ang tawag.

Mula sa kabilang linya, dumaloy ang malambot na tinig ni Monica

“Shawn, galit ka pa rin ba? Patawarin mo ako, hindi ko dapat na g
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (8)
goodnovel comment avatar
Nanc y Obias
Kaylan kaya ipapa kilala ang master na c maxine cgro pag tapos na ang chapter para masaya wakas na pala d man na kilala ng mga umaapi ki maxine tulad ni monica at ana nanay nya ba talaga c nora family garcia especiall c shawn para mapa hiya xia
goodnovel comment avatar
Winona Tan
Hanggang ilang kabanata ba ito matatapos author nakakabagot na
goodnovel comment avatar
H i K A B
Humanda ka ngayon Amanda at buong pamilya Garcia sa nakaambang kahihiyan..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 409

    Ang tanong na iyon ay nagpahinto nang sobra kay Maxine. Sa katunayan, hindi pa niya napagdesisyonan kung ano ang gagawin niya tungkol sa pagpapanatili ng bata.Ipinatong niya ang maliit na kamay sa kanyang patag na tiyan. Ngunit ang ideya ng pagpapalaglag ay talaga namang hindi niya magagawa iyon. Hindi lang ito anak ni Shawn. Anak din niya ito. Anak ni Maxine.'Kung ayaw ni Shawn sa batang ito, ibig ba sabihin ay ayaw ko din?' aniya sa isipan.“Maxine, kung gusto mong manganak, gawin mo na. Sa financial naman ay hindi problema ang pera. Ngayon, marami nang kababaihan ang pinapanatili ang kanilang anak kahit wala ang ama. Kung ayaw ni Mr. Velasco. Velasco sa bata, mas mabuti pang alisin mo siya at tayo na mismo ang mag-aalaga. Ako na ang magiging ninang ng bata,” saad naman ni Althea.Tumango rin si Jessica bilang pagsang-ayon. Bagamat pinsan niya si Shawn, rerespetuhin niya ang kagustuhan ni Maxine kung ayaw nitong ipaalam ang pagbubuntis niya. Lubos niyang sinusuportahan ang laha

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 408

    Tumingin naman si Shawn kay Monica, habang nanatiling hindi mabasa ang kanyang ekspresyon.“Alam mo na ba ang tungkol sa pagiging tugma ng tungkol sa puso?” tanong ni Shawn sa kanyang seryosong boses.“Oo, alam ko na ngayon ang tungkol doon. Ang puso ni Maxine ay maaaring tumugma sa akin. Bakit hindi mo sinabi sa 'kin, Shawn?” sagot ni Monica sa diretsong pag-amin niya sa totoo.“Kung sasabihin ko sa 'yo ang tungkol doon. Tapos ano?” seryosong tanong ni Shawn.“Hahanap ka ng paraan para mailigtas ako ni Maxine,” sagot naman ni Monica ng walang pag-alinlangan.Nanahimik si Shawn. Hindu niya alam kung ano ang kanyang sasabihin.“Shawn, ayaw mo ba akong iligtas? Sa pagitan ko at ni Maxine, nag-aalinlangan ka pa rin ba? Ngayon sabihin mo sa 'kin, kaya ka ba nag-aalinlangan dahil kay Maxine?” patuloy ni Monica.Matatag ang tingin ni Shawn sa kanya at ilang sandali lang, nagsalita ito.“Hindi pwede si Maxine.”Nang dahil sa kanyang narinig, namumutla ang mukha ni Monica.Hindi niya

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 407

    Tinawag ni Maxine si Shawn sa gilid dahil may mahalaga siyang sasabihin sa lalaki.Agad naman na nabahala si Monica. Hinawakan niya nang malakas ang braso ni Shawn. “Maxine, bakit hindi mo na lang sabihin dito?” ani Monica.Hindi niya hahayaang umalis si Shawn para makipag-usap kay Maxine.Tumingin naman si Maxine sa kanila pareho. Ngayon na siya ay buntis, bakit siya lamang ang dapat magdusa habang naglalaro sina Shawn at Monica? Hindi niya papayagan iyon. Kailangan niyang sabihin ito kay Shawn.“Monica, hindi ko ito pwedeng sabihin sa 'yo,” matatag na sabi ni Maxine. “Si Mr. Velasco. Velasco lamang ang maaari kong kausapin. Kaya, Shawn, hihintayin kita sa labas.”Pagkatapos sabihin iyon, umalis na siya.Samantala, hinila naman ni Monica si Shawn, pilit pinipigilan ang lalaki.“Shawn, huwag kang aalis.”Ngunit, inalis niya ang braso niya mula sa babae.“I'll be quick outside.”Pagkatapos ay naglakad na siya palayo. Namula naman ang mukha ni Monica dahil sa galit. “Shawn!

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 406

    Umupo si Maxine sa sofa nang napakatagal. Pagkatapos no'n, tumayo na siya at nagdesisyon na pumunta sa ospital.Kailangan niya ng oras upang pag-isipan ang tungkol sa sanggol, ngunit sa ngayon, may appointment siya kay Monica.Halos kalahating oras ang lumipas bago dumating si Maxine sa VIP hospital room ni Monica at nakita na niya ito.Agad naman na ngumiti si Monica sa kanya, saka nagsalita.“Maxine, narito ka na. Ang bilis mo namang dumating,” ani Monica.Tiningnan ni Maxine ang maputlang mukha ni Monica, bago sumagot sa babae.“Lalo pa yatang lumalala ang kondisyon ng puso mo. Kung muli kang mahihimatay sa susunod, baka malagay na sa panganib ang buhay mo, kaya pupunta ako habang maaari pa,” sagot ni Maxine.“Maxine!” sagot ni Monica.Sa wakas, naintindihan ni Monica kung bakit lumalala ang kanyang puso ay dahil siguro palagi siyang pinipikon ni Maxine.Inayos niya ang kanyang damdamin bago sinagot si Maxine.“Maxine, hindi mo kailangang mag-alala tungkol diyan. Natagpuan

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 405

    Sa kabilang linya, tumunog ang matamis na ringtone nang isang beses bago sagutin ang tawag. Dumating ang malinaw at mahinahong boses ni Maxine sa kabilang linya.“Hello?”Ngumiti si Monica. Hindi pa alam ni Maxine ang tungkol dito. Ang isipin ang kapalaran ni Maxine ay punong-puno na ng kasiyahan.“Maxine, tinawagan kita para magpasalamat. Salamat sa pagtulong sa amin na mahuli ang pekeng si Surgery Master. Ginagawa na namin ang lahat para mabawi ang perang ipinuhunan ng pamilya Garcia sa kanya. Kahit hindi namin mabawi ang lahat, gusto ko pa rin pasalamatan ka sa tulong mo,” ani Monica sa kabilang linya.Samantala, nasa Haven Condominium naman si Maxine ngayon. Hindi siya gaanong lumabas nitong mga nakaraang araw at karamihan ng oras ay natutulog lamang siya.Napansin niyang labis ang antok niya nitong mga nakaraang araw at hindi niya alam kung bakit.Nang marinig ang pasasalamat ni Monica, bahagyang tumaas ang kanyang marilag na kilay. “Monica, huwag ka nang magpaliguy-ligoy

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 404

    Walang kahit ano na emosyon sa marangal at gwapong mukha ni Shawn sa mga oras na ito. Kalmado at walang pakialam ang kanyang boses nang magsalita siya.“Hindi pa.”“Mr. Velasco, kailangan nating aksyunan agad ang bagay na ito. Hindi pwedeng ipagpaliban ang kondisyon ni Monica,” pang-uudyok naman na sabat ni Nora.Sumang-ayon naman si Wilbert sa kanyang pangamba.“Oo, Mr. Velasco. Swerte si Monica na nailigtas siya nitong minsang nahimatay siya, pero paano kung sa susunod hindi na siya maililigtas? Ano ang mangyayari sa aking Monica?”“Alam ko ang ginagawa ko,” malamig na tugon ni Shawn sa kanila.Sa sandaling iyon, tumunog naman ang isang matamis na ringtone. Isang papasok na tawag ang biglang lumitaw.Kinuha ni Shawn ang kanyang telepono at nagsalita.“Lalabas muna ako para sagutin ang tawag.”Tumalikod siya at lumabas ng silid na iyon.Pinanood naman ni Monica ang kanyang pag-alis, na tila nalulunod sa pag-iisip.Samantala, biglang pumasok si Assistant sa silid at agad na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status