LOGIN“Ano?”Napahinto si Maxine sa paghinga, at lumaki ang kanyang mga mata dahil sa kanyang narinig. “Ang? Alin?”Itinaas ni Jessica ang dalawang daliri at pinagsalpok ito sa isa’t-isa.“Just kissing.”Sa wakas, huminahon si Maxine. May kaunting pangamba sa kanyang puso na baka lampas na sa ganoon sina Jessica at Raven. Hindi niya maipaliwanag ang kaba kanina.“Jessica, talaga bang gusto mo si Raven?” tanong ni Maxine sa banayad, ngunit may pagka-curious.Sa isipan ni Jessica, lumitaw ang malamig at gwapong mukha ni Raven. Hindi mapigilan ng kanyang puso ang mabilis na pagtibok at sa isip niya, ganito pala ang pakiramdam ng pagkagusto sa isang tao.Namumula ang kanyang pisngi, at mahiyain siyang tumango bilang tugon kay Maxine. “Oo.”Gusto sanang magsalita ni Maxine, ngunit sa huli ay nanahimik na lamang siya. Ang pag-ibig ay isang bagay na tanging ang dalawang taong sangkot lamang ang makakaunawa nito. Ang mga audience ay hanggang panonood lamang sila.****Makalipas ng ha
Tumango ang ina ni Raven bago muling magsalita.“Mabuti naman kung gano'n. Oo nga pala, Raven, kumusta naman si Jessica?” tanong ng ina sa kanya.Kinuha ni Raven ang kanyang bag at maingat na inilagay ang mga gamit. Hindi siya tumingin, kalmado niyang sinabi, “Umalis na siya pauwi. Kaklase ko lang siya siya, ma. Wala nang iba pa.”“Alam ko maraming babae ang nagustuhan ka noon. Noong nakaraan, may isang babae na palihim na naglagay ng love letter at chocolate sa bag mo. Nakita ito ng kapatid mo. Ano nga ang pangalan niya, Andrea ba 'yon?” sambit ng ina.Tumingin si Raven sa kanya, ang kanyang mga mata ay puno ng determinasyon. “Ma, huwag na nating banggitin ang mga iyon. Iba si Jessica sa kanila.”Ngumiti ang ina ni Raven. “So, sa puso mo, iba si Jessica sa mga babaeng nagustuhan ka noon?” tanong nito.Ibinaba ni Raven ang kanyang ulo at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit.“Raven, hindi ka na rin bata. Kung may babae kang gusto, huwag mong palampasin ang pagkakataon. Mabut
Nanginig ang mga labi ni Jessica habang ninanamnam ang halik. Malamig sa umpisa, ngunit sa hindi inaasahang paraan ay nag-iwan ng matamis na sensasyon. Bagama’t wala siyang karanasan, madalas niya itong pagmasdan sa iba. Hindi niya inakalang ganito pala kasarap ang pakiramdam ng mga labi na nagtatagpo.Nanigas naman si Raven, parang estatwa sa kanyang direksyon. Hindi siya gumalaw, hindi pumikit. Napansin niyang hindi rin pumikit si Jessica. Malalaki ang mga mata nitong maganda, kumikislap, puno ng inosente at nakabibighaning kuryosidad. Sa edad nilang iyon, natural lamang ang pag-usbong ng pagnanasang tuklasin ang ganitong bagay. Mahinhin ngunit matapang, sinusubukan sa taong gusto nila.Ramdam ni Raven ang lambot ng labi ni Jessica na dumikit sa kanya. At nang bahagyang bumuka ang labi niya at dumampi sa gilid ng kanya, may kung anong alon ang biglang kumuryente sa kanyang buong katawan, mula baywang paakyat, parang boltahe na mabilis na nagpalakas ng tibok ng puso niya.Mainit. N
Biglang nakaramdam si Jessica ng init sa dulo ng kanyang ilong. Hinipo niya ito, at saka niya lamang napagtanto na muling dumadaloy ang dugo mula roon.“Ah! I'm bleeding again!” sigaw niya.Agad naman na lumapit si Raven, mabilis na kumuha ng piraso ng tissue at ipinasok iyon sa kanyang ilong.“Itaas mo ang ulo mo,” sabi niya, malamig ang tono ngunit may bahid ng pag-aalala.Sumunod si Jessica at itinaas ang ulo habang sinusulyapan siya sa gilid ng mata.“Bakit palagi akong nagkakaroon ng nosebleed kapag kasama kita?” tanong ni Jessica, may halong inis at pagtataka.Sandaling tumingin si Raven sa kanya bago malamig na sumagot, “Tapos na.”Napakunot ang noo ni Jessica. Hindi niya gusto ang tahimik at walang pakialam na tindig nito.“Bakit hindi ka nagsasabi nang kahit ano?” tanong niya, naghahanap ng kahit kaunting reaksyon.Pero ano nga ba ang maipapaliwanag nito? Ano bang dapat sabihin?Hindi na sumagot si Raven. Tumalikod siya at lumabas ng silid, gaya ng nakasanayan. Walan
“Parang narinig ng Langit ang aking mga panalangin. Sa isang kisap-mata, apat na taon na ang lumipas. Lumaki na si Raven, naging adult na siya. Alam ko, kaunti na lang ang oras ko. Jessica, gaano na lamang kaya ang natitirang panahon ko?”Nagliyab ng maningning na luha ang mga mata ni Jessica, kumikislap na parang patak ng ulan ng damdamin. Mahina ngunit malinaw ang sagot niya, tila bawat salita ay may bitbit na bigat na hindi niya kayang buhatin nang mag-isa.“Tita, mga dalawang buwan na lang ang natitira sa inyo,” sagot niya sa ina ni Raven.Parang huminto ang mundo sa pagitan nilang dalawa. Napayuko si Mrs. Alfonso, bahagyang tumawa nang mapakla habang pinipigilang manginig ang tinig.“Dalawang buwan. Sa palagay ko, hindi ko na makikita si Thalia na kumuha ng kanyang high school entrance exam,” sagot ng babae.Agad siyang nilapitan ni Jessica at hinawakan ang malamig at nanginginig na kamay ng matanda.“Tita, huwag po kayong mag-alala. Pinakiusapan ko na si Doctor Manalo na ib
Marahang tinapik ni Grace ang noo ni Thalia habang nakangiti.“Mahal ka ng kuya mo kaya ka niya ipinasok sa pinakamagandang middle school. Hindi ka niya hahayaang tumandang dalaga lang para lang samahan siya,” ani Grace kay Thalia.Napangiti si Thalia at tumawa nang mahina, bahagyang namula ang pisngi.Eksakto naman na bumukas ang pinto at pumasok si Jessica sa silid.“Ate Jessica!” masiglang bati ni Thalia, may kislap ang mga mata.Tumayo si Grace, halatang may inaantabayanan. “Jessica, nakuha mo ba ang resulta ng pagsusuri?”Bahagyang namumula ang mga mata ni Jessica, at ang boses niya ay halos hindi marinig. Tumango pa siya nang dahan-dahan.“Nakuha ko.”Agad na kumapit ang pag-aalala sa mata ni Thalia nang malaman 'yon. “Ate Jessica, ano ang nangyari kay mama? May sakit ba siya?”Tumingin si Jessica kay Mrs. Alfonso na nakahiga sa kama na mahina, ngunit payapa. Sandaling nanahimik ang silid. Hindi siya sumagot.Mabilis na naramdaman ni Grace ang bigat ng hangin. Tumay


![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




