Share

Kabanata 251

Author: Glazed Snow
Para sa kanyang birthday party, inimbitahan ni Arriana ang maraming media outlet at reporter. Nasa rurok siya ng kasikatan, at ang kanilang presensya ay nagbigay sa kanya nang labis na atensyon at prestihiyo.

Noong una, plano niyang gamitin ang event na ito upang lalo pang itaas ang kanyang katanyagan. Ngunit dumating si Calix at nagbato ng isang bombang sumira sa lahat nang iyon.

Biglang nagulo ang buong lugar. Agad na hinawakan ng mga reporter ang kanilang camera at nagsimulang magkuha ng larawan, saka mga videos nang mabilis at walang tigil.

Para sa kanila, iyon na ang kanilang pagkakataon na makakuha ng isang nagbabagang balita at siguradong magbibigay sa kanila ng magandang pagkakataong makilala.

“Miss Arriana, totoo ba na may boyfriend ka pala?”

“Kaya pala nakapagtapos ka sa kolehiyo dahil sa hirap na pinaghirapan ng boyfriend mo sa construction sites?”

“Ang totoo at mala-diyosang imahe mo ay kasinungalingan pala para linlangin ang fans at ang publiko?”

Hindi inaasahan ni
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Joanna Pedrocha
next chapter please ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 403

    Alam na alam ni Franco ang matibay na ugnayan nina Maxine at ng kanyang ama. Labis na minahal ng kanyang ama si Maxine at ilan iyon sa kakaunting tunay na masayang sandali sa buhay ni Maxine.Ngayon na nakumpirma nang nalason ang kanyang ama ng mga miyembro ng pamilya Garcia, natural lamang na maghiganti si Maxine bilang kanyang anak na kinuhanan nila ng ama. Ang ama na dapat ay nasa kanyang tabi hanggang ngayon.Tumango si Franco nang may kaginhawaan at tumaya nang tuwid bago magsilta.“Maxine, palagi akong nasa panig mo. Alam mo 'yan.”****Samantala, nagmadali namang pumunta si Shawn sa ospital at dumating sa VIP ward nito.Muling na-ospital si Monica. Naka-blue na gown siya at nakaupo sa kama, kasama sina Wilbert at Nora sa kanyang tabi.Bagamat naging malamig na si Shawn kay Monica, siya pa rin ang kanyang babae, at hindi niya ito kayang iwan. Nang marinig niya ang balita, agad siyang nagmadaling pumunta.“Monica, how are you feeling?” tanong ni Shawn nang may pagkabahala

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 402

    Nakatingin si Shawn sa direksyong pinaglahoan ni Maxine. Sa isip niya, ganoon nga ba talaga 'yon? Baka gano'n na nga talaga.Sa sandaling iyon naman, nabasag ang katahimikan ng isang malinaw na ringtone. Biglang tumunog ang kanyang telepono.Agad namang pinindot ni Shawn ang answer button at sa kabilang linya, umalingawngaw ang balisang boses ni Nora.“Mr. Velasco, may masamang nangyari. K-Kanina lang ay nakaramdam ng matinding pagkabalisa si Monica sa puso at bigla siyang nahimatay. Dinala na siya sa ospital para sa agarang g-gamutan.”Dahil sa narinig, ibinaba ni Shawn ang tawag at agad na tumalikod, humakbang palayo nang walang anumang pag-aatubili.Sa kabilang bahagi naman, pumasok sina Maxine at Franco sa laboratoryo. Itinali ni Maxine ang kanyang itim na buhok sa isang mababang ponytail at isinusuot ang puting lab gown.“Magsisimula na akong magsagawa ng pagsusuri sa abo ng ama ko,” sabi niya, ang tinig ay kalmado ngunit may bigat ng damdamin.Tumingin naman si Franco sa k

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 401

    At ito ang pagkabunyag sa pinagmulan ni Maxine. Sa kasalukuyan, tanging sina Wilbert at Marivic lamang ang nakakaalam tungkol sa kanyang pinagmulan. Noon, alam din ito ni Louie, ngunit ang kaalaman na iyon ang naging sanhi ng kanyang kamatayan.Agad naman na nagsalita si Wilbert upang pigilan ang ina sa nais pa nitong sabihin.“Ma, huwag mo nang sabihin pa kung ano ang balak mong sabihin.”Alam ni Marivic kung gaano kaseryoso ang usapin, kaya mabilis niyang pinigilan ang kanyang sarili.Sa simula, nakikinig si Nora nang mabuti, umaasang makakakuha ng mahalagang impormasyon. Ngunit nang huminto ang usapan, bahagya siyang nadismaya, damang-dama ang bigat ng katahimikan.Samantala, sina Monica at Amanda ay pinalibutan ang pekeng si Surgery Master sa mga oras na ito.“Sinungaling ka! Bilisan mo na at ibalik ang pera namin!” galit na sigaw ni Monica sa lalaki. “Naglakas-loob ka pa na lokohin ang pamilya Garcia na parang hinahamon mo ang madaling kamatayan mo!”Nagpatuloy si Amanda, a

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 400

    Agad na nagtanong si Nora, bahagyang nanginginig ang boses niya.“Maxine, paano mo nahanap ang pekeng Surgery Master?”Ngumiti si Maxine nang matamis ngunit may talim. Ang pulang labi niya ay bahagyang gumalaw sa isang makinang, mapanatag na anyo.“‘Yan? Hindi ko maaaring sabihin,” mariin niyang sagot, bawat salita ay.may bigat. “Ngayon, narito ako para kunin ang abo ng ama ko.”Lumapit si Marivic, at agad na humaharang sa daraanan.“Maxine, hindi mo pw—”Naputol ang salita niya nang tumama sa kanya ang malamig at matatag na titig ni Maxine.“Marivic, ano ito? Niloloko mo ba ako? Kung magtatangka ka, hindi ko ibibigay sa ’yo ang pekeng Surgery Master. Huwag mo ring isipin na makakabawi ka kahit isang sentimong nawala sa ‘yo,” banta ni Maxine.Nabahala ang mukha ni Marivic, bahagyang namuti ang mga labi habang pinipilit magpakatatag.“Maxine, bakit ko naman babaliktarin ang mga salita ko? Pero, hindi maganda ang araw ngayon. Mas mabuti sigurong hintayin natin ang tamang panahon

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 399

    Hindi sigurado si Shawn kung darating si Maxine. Hindi rin tiyak ang mga miyembro ng pamilya Garcia. Lahat ay nananatiling nakapako ang tingin, naghihintay kay Maxine, tila ang oras ay tumigil sa kanilang paligid.Sa sandaling iyon, dumating ang isang Rolls-Royce Starry Sky na luxury car. Bumukas ang pintuan ng driver, at lumabas ang isang marilag at eleganteng pigura. Walang iba kung hindi si Maxine.Nagniningning ang mga mata ni Mike nang makita iyon. “Sir, dumating na si Miss Maxine! Talagang dumating siya sa oras!”Tumingin si Shawn pataas at sulyap kay Maxine, halos hindi makapaniwala sa kanyang presensya.Lumapit si Marivic nang may bahagyang pag-asa sa direksyon ni Maxine.“Maxine, sa wakas, dumating ka rin. Malapit ka nang mahuli.”Ngumiti si Maxine, at ang kanyang ngiti, kahit maayos ay tila nagpapalabo sa pula ng kanyang labi. “Hindi ako nahuli. May isang minuto pa bago ang nakatakdang oras. Wala ba kayong pasensya na maghintay nang kaunti?” aniya sa mga ito.Napak

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 398

    Agad na naunawaan ni Mike ang ibig sabihin ng kanyang amo. Sa isip niya, ang tipaklong ay sumusunod sa kulisap, hindi alam ang ibon na nasa likod. Ang kanilang sariling CEO pala ang matagal nang naghihintay dito.Sa totoo lang, ilang beses nang hindi nahuli ng CEO ang totoong Surgery Master. Wala pang nakaligtas sa ilalim ng kanyang mga mata nang maraming beses, ngunit ang totoong Surgery Master na ito ang unang nagawa iyon. Mukhang determinadong ilantad ng CEO ang misteryosong Surgery Master sa pagkakataong ito.Wala namang ginawa si Shawn ngayong araw, ngunit alam niya ang lahat ng nangyari sa labas., “Sir, ngayong araw, isa-isa na nagpunta ang pamilya Garcia kay Mr. Castro at kay Franco, ngunit pareho silang nagsabi na hanapin nila si Maxine, na siya lamang ang makakaayos nang bagay na ito. Ano po sa tingin ninyo ang ibig sabihin nito?” tanong ni Mike.Ang gwapong mukha ni Shawn ay nababalot ng malambot na ilaw, at ang kanyang tingin ay malalim at mahiwaga nang magsalita.“Ano

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status