Mag-log inKahit labis ang pag-aalala ni Maxine kay Shawn at desperado siyang manatili sa tabi nito, wala siyang nagawa kung hindi ang umalis. Alam niyang kapag nagpatuloy siya sa pananatili, lalo lamang siyang masasaktan at mas lalo ring mahihirapan si Shawn.Kaya’t marahan siyang humakbang palayo, ngunit agad na nagsalita si Shawn.“Maxine, huwag kang umalis!”Biglang hinila ni Shawn ang kumot, pilit na bumangon mula sa kama at mabilis na lumapit. Mula sa likod, mahigpit niya itong niyakap, na para bang ayaw na ayaw niya itong pakawalan.Isinubsob niya ang kanyang guwapong mukha sa mahabang buhok ni Maxine. Paos ang kanyang boses at puno ng pagsusumamo nang magsalita.“Maxine, huwag kang umalis. Huwag mo akong iwan, okay?”Napapikit si Maxine. Ramdam niya ang sakit nito at ang sariling sakit na pilit niyang kinikimkim. “Shawn, bitawan mo ako. Kapag nagpatuloy pa ito, lalo kang mahihirapan.”Ngunit sa halip na sumunod, lalo pa siyang hinigpitan ni Shawn. “Kung gano'n, hayaan mo na lan
Lubos na naantig si Maxine. Hindi niya inaasahan na nais siyang gawing ampon nina Roberto at Margaret. Sa kaibuturan ng kanyang puso, matagal na niyang hinahangad ang ganitong bagay. Sa tuwing nakikita niya kung paano nila pinapahalagahan at minamahal si Monica, hindi niya maiwasang makaramdam ng tahimik na inggit.Ang kawalan ng ama at ina ay isang sugat na matagal na niyang dala-dala. Isang pangungulilang hindi kailanman tuluyang naghilom.At ngayon, handang punan nina Roberto at Margaret ang kakulangan na iyon para sa kanya.Unti-unting namasa ang malinaw na mga mata ni Maxine. Nanginginig ang kanyang boses habang nagsasalita.“P-Pumapayag ako, Mr. Aguilar, Miss Montefalco. P-Pumapayag akong maging anak ninyo!”Nagkatinginan sina Roberto at Margaret, at sa isang iglap ay napuno ng saya ang kanilang mga puso. Walang pag-aalinlangan, hinila ni Margaret si Maxine at mahigpit itong niyakap.“Napakaganda niyan, Maxine. Mula ngayon, magiging anak na kita.”Marahang tumango si Maxin
Nakahinga nang maluwag sina Roberto at Margaret matapos marinig ang sinabi ng doktor.“Sige, salamat po, Doc,” magalang na wika nila.Pagkaalis ng doktor, nanatili silang nakaupo sa tabi ng kama. Tahimik nilang pinagmamasdan si Maxine, na nakahiga at wala pa ring malay dahil sa labis na pagkapagod.Dahan-dahang iniabot ni Margaret ang kanyang kamay at marahang hinaplos ang maliit at maputlang mukha ni Maxine. Puno ng damdamin ang kanyang tinig nang magsalita siya.“Ginamot niya ako gamit nang halos dalawang oras tapos siya pa ang nahimatay dahil sa akin. Nagkataon lang na nagkakilala kami, pero napakabuti niya sa akin. Hindi ko alam kung paano ko siya mababayaran.”Pinakalma naman siya agad ni Roberto, marahang hinahaplos ang kanyang balikat.“Ayos lang si Maxine. Malakas siya.”“Roberto…” mahina ngunit mabigat ang emosyon sa boses ni Margaret nang magsalita. “Hindi ko alam kung bakit, pero tuwing tinitingnan ko si Maxine, parang may kakaibang pakiramdam na parang napakalapit ni
Tiningnan ni Margaret si Roberto, ang kanyang mga mata ay puno ng damdamin na matagal nang kinimkim. “Roberto, mahal kita.”Ilang saglit lang, mahigpit siyang niyakap ni Roberto. Ang klase ng yakap na tila nais siyang isama sa kanyang mga buto at dugo, na para bang natatakot siyang muling mawala ito sa kanyang mga bisig.Sa isip ni Roberto, mahal din siya nito. At pareho silang nagmamahalan.Isang matinding saya ang bumalot sa dibdib ni Roberto. Hindi siya makapaniwala, tila nangangamba pa rin na baka panaginip lamang ang lahat. Bahagya siyang lumayo upang masdan ang mukha ni Margaret, at halos pabulong na nakiusap.“Margaret, ulitin mo. Sabihin mo ulit na mahal mo ako.”Pumatak ang mga luha ng kaligayahan mula sa mga mata ni Margaret. Hindi na niya pinigilan ang sarili, saka isinigaw niya ang laman ng kanyang puso, malinaw at buong tapang.“Roberto, mahal kita! Minahal kita noon, ngayon, at mamahalin kita habambuhay. Palagi at magpakailanman!”Muli niyang niyakap ang leeg nit
“Okay.”Agad na kinuha ni Maxine ang isang matalim na punyal. Mahigpit ang hawak niya rito, at ang kanyang mga mata ay naging seryoso. “Mr. Aguilar, magsisimula na po ako.”“Sige,” sagot ni Roberti nang walang pag-aalinlangan.Dahan-dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata, tila handang isugal ang lahat para sa iisang layunin. Ang mailigtas si Margaret.Itinaas ni Maxine ang kutsilyo. Kumislap ang talim nito sa liwanag, at ang matulis na dulo ay unti-unting lumapit sa dibdib ni Roberto, sa mismong tapat ng kanyang puso.“Hindi!”Sa sandaling iyon, parang may sumabog na takot sa hangin.Biglang bumangon si Margaret mula sa kama, kahit mahina pa ang kanyang katawan. Sa isang iglap, hinablot niya ang kamay ni Maxine, pinigilan ang punyal, at saka niyakap nang mahigpit si Roberto, parang natatakot na mawala ito sa kanya anumang oras.Binuksan ni Roberto ang kanyang mga mata, naguguluhan ngunit agad ding napuno ng pag-aalala ang kanyang tingin.“Margaret, ano'ng nangyari?”Umi
“I-Ikaw!” Galit na sumigaw si Margaret, nanginginig ang boses sa tindi ng emosyon.Isang mapanuyang tawa ang pinakawalan ni Imelda, tila ba lalo pang nasiyahan sa galit na kanyang naidulot. “Monica, tayo na.”Sa isang kumpas ng kanyang kamay, tumalikod siya nang may kayabangan. Walang pag-aatubiling sumunod si Monica sa kanyang tabi, at sabay silang naglakad palayo na parang walang anumang bigat ang kanilang iniwan sa likuran.“Monica!” muling sigaw ni Margaret, punong-puno ng sakit at pangungulila ang tono.Ngunit hindi na lumingon si Monica.Habang unti-unting naglalaho sa kanilang paningin ang dalawa, napahawak si Margaret sa kanyang dibdib. Halatang nahihirapan siyang huminga, at ang sakit na matagal niyang kinikimkim ay muling sumiklab.“Margaret!” Agad siyang inalalayan ni Roberto at niyakap nang mahigpit, bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.Mabilis namang lumapit si Maxine nang kalmado, ngunit may bahid ng pagmamadali ang kanyang boses sa kanyang pagsalita. “Mr
'I already met Surgery Master?'Walang kahit anong maalala si Shawn tungkol dito. Bahagya siyang napakunot-noo habang tinitingnan si Maxine sa malalim, tahimik, at puno ng pagsusuri na ekspresyon. Mula pa noon, may hindi maipaliwanag na pakiramdam na lagi siyang iniiwasan ng babae, na para bang may
Walang kahit ano na emosyon sa marangal at gwapong mukha ni Shawn sa mga oras na ito. Kalmado at walang pakialam ang kanyang boses nang magsalita siya.“Hindi pa.”“Mr. Velasco, kailangan nating aksyunan agad ang bagay na ito. Hindi pwedeng ipagpaliban ang kondisyon ni Monica,” pang-uudyok naman n
Tumingin naman si Raven kay Madam Agatha nang walang ekspresyon sa kanyang mukha.“Bakit mo ako hinahanap?” tanong niya rito.Lumapit si Madam Agatha at tinuklaw ang mga kalamnan sa baywang niya gamit ang daliring may pulang nail polish. “Ang tigas.”“Alisin mo ang kamay mo!” malamig na utos ni
Tumigil sandali sina Maxine, Althea, at Jessica sa kanilang narinig.“Sikat talaga ang bar sa restaurant na ito. Narinig ko na may main attraction dito na sobrang patok lalo na sa mayayamang babae. Kapag umaakyat siya sa entablado at nag-perfrom, hindi tumitigil ang tip galing sa mga babae,” saad n







