Share

Kabanata 307

Auteur: Glazed Snow
Pagkatapos ng diborsyo, tuwing humaharap si Maxine sa kanya, ipinapakita niya ang kanyang maliit na pangil tulad ng isang kuting na nagpapanggap na mabangis, inaabot ang maliliit nitong kuko para kalmutin ang puso niya. Hindi iyon masakit, pero nakakakiliti.

Bumagsak si Maxine sa mga bisig ni Shawn at agad siyang binalot ng malinis at malamig na amoy na kakaiba sa lalaki. Mas lalo siyang nagpumiglas.

“Bitawan mo ako!” sigaw ni Maxine.

Bahagya naman siyang itinulak ni Shawn, at saka diretsong bumagsak sa kama. Lumubog ang kanyang manipis at marupok na likod sa malambot na kutson. Ngunit pagbangon pa lamang niya, muling bumalot sa kanya ang amoy ng lalaki. Umangkla si Shawn ng isang tuhod niya sa kama, ang dalawang kamay ay nakapatong sa magkabilang gilid niya habang nakatingin sa kanya, may halong pang-aasar at ngiting nakakaloko sa mga mata nito.

“Sige nga, Maxine,” sabi ni Shawn, at nagpatuloy. “Ipakita mo sa 'kin kung gaano ka ba talaga ka-powerful.”

Halos nang-aalipusta na ang
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé
Commentaires (4)
goodnovel comment avatar
Emz
thanks ms A sa UD hayaan mo na sila ms A habaan mo pa ang story...
goodnovel comment avatar
arvie
ano bayan sana kahit dalawanq page nmn...
goodnovel comment avatar
Jhoyen Domingo
ANG TANGA NA NAMAN NI MAXINE KASING TANGA NG .......
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 363

    Dumating si Franco.Kahit sina Monica at ng iba pa ay nakita na siya kahapon sa fan hall, nang makita nila siya muli ngayon ay agad na nagbago ang kanilang mga ekspresyon. Halos maramdaman ang bigat ng presensya niya sa lugar na ito.Lumapit si Franco kay Maxine at nagsalita.“Maxine, kakaalis ko lang para sagutin ang tawag. Ano'ng nangyayari? May na-miss ba ako na sobrang exciting?” tanong ni Franco.Ngumiti naman si Maxine nang may galang, habang ang pulang mga labi niya sobrang nakakaakit.“Hindi, wala kang na-miss. Sa katunayan, perpekto ang timing mo. Gusto ng lahat dito na makilala ang boyfriend, oo, ikaw.”Binigyan niya si Franco ng isang makahulugang tingin. Sa sandaling iyon, agad naman na naintindihan ni Franco ang gusto niyang iparating. Inabot niya ang braso niya at niyakap ang banayad na balikat ni Maxine.“At sino naman ang mga ito?” tanong niya, bahagyang nagbibiro na may halo ring pagkamausisa.Isa-isa naman na ipinakilala ni Maxine ang lahat.“Ito si Madam Mar

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 362

    Agad namang pinanatili ni Amanda ang kanyang tuwid na postura, at ikinurba ang kanyang nagliliyab na pulang mga labi. “Maxine, huwag kang mainggit. Si Surgery Master ang boyfriend ko. Magpapakasal na kami sa lalong madaling panahon.”Tumango naman si Maxine nang mahinahon. “So, napalago pala ang inyong ari-arian ng sampung beses. Pero paano naman ang perang iyon? Sinabi ba ni Surgery Master kung kailan ninyo talaga ito matatanggap?”Namutla si Marivic sa sinabi ni Maxine, hindi makapaniwala. “Ah…”“Mukhang hindi niya sinabi. Hindi pa dumarating ang pera, kaya siyempre pwede niyang sabihing sampung beses lumaki ang pera, kung ilan man ang gusto niya. At sasabihin ko pa rin na manloloko si Surgery Master. Dapat kayong mag-ingat sa kanya,” dagdag na sabi ni Maxine.Agad namang nagalit si Amanda. Ang kanyang boyfriend ay si Surgery Master. Iyon ang kanyang pinakamahal na taglay, at hindi niya pahihintulutang maninira ang sinuman.“Maxine, naiinggit ka lang sa akin. Naiinggit ka

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 361

    Bahagyang nakakunot ang noo ni Shawn, at sa kabila ng kanyang kagwapuhan, ramdam ang tensyon sa kanyang tinig. “Sino ang nagbigay nito sa ’yo?” tanong niya sa babae.Itinaas ni Maxine ang isang kilay, na may halong aliw sa kanyang mga mata. “Ang boyfriend ko ang nagbigay sa 'kin.”Agad naman na lumamig ang ekspresyon ni Shawn. Naalala niya na nabanggit ni Maxine noon na may boyfriend na siya, at ngayon biglang lumitaw ang taong iyon.'Boyfriend?'“Is it that very rich boyfriend of yours?” tanong ni Shawn sa kanya.“Oo, siya,” sagot ni Maxine nang mahinahon.Napailing si Shawn , hindi maitago ang pagkalito.“Ang hayaan kang magmaneho sa mamahaling kotse at matira sa mamahaling condo at napakalaking galaw ‘yan. Hindi naman ganoon kalaki ang Cavite. Talagang hindi ko maintindihan kung sino ang boyfriend na tinutukoy mo,” saad ni Shawn.Iginalaw naman ni Maxine ang kanyang mga labi, na may bahagyang ngiti. “Mr. Velasco, kung hindi mo matukoy kung sino ang boyfriend ko, proble

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 360

    Tumalikod si Maxine upang umalis, ngunit agad hinarangan ni Shawn ang kanyang daraanan. Ang presensya niya ay parang anino na malaki, nakakapigil, at imposibleng lampasan.“Maxine, wala ka bang gustong sabihin sa 'kin?” tanong ni Shawn sa kanya.Dahan-daha namang iniangat ni Maxine ang kanyang malinaw at maningning na mga mata, malamig ang tingin na parang wala nang natitirang emosyon para sa lalaking nasa harapan niya.“Sabihin ano?”Nagtama ang kanilang mga mata. Kay Maxine ay malinaw at tahimik, habang kay Shawn naman ay nahaharangan ng kumpiyansa at pag-aangkin. Pinagdikit niya ang maninipis na labi at huminga nang malalim bago muling nagsalita.“Ang mamahaling kotse na minamaneho mo, ang condo na tinitirhan mo. Saan galing ang mga 'yon? Kaninong pera ang ginagastos mo?”Hindi kumurap si Maxine. Sa halip, marahan niyang inunat ang likod na payat, elegante, at puno ng dignidad. Ang sagot niya ay simple ngunit matalim.“Mr. Velasco, hangga’t hindi pera mo ang ginagamit ko, wal

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 359

    Nagulat sina Noran at Amanda nang makita si Monica na biglang pinabagsak sa sahig. Agad silang sumugod, sinusubukang iligtas siya.“Bitawan mo si Monica!” sigaw nila nang sabay.“Ito na ang iyong pangatlong babala. Kailangan na namin kayong paalisin sa lugar na ito!” tugon ng mga gwardiya.At sa isang iglap, itinaboy sina Monica, Amanda, at Nora mula sa Haven Condominium. Sa isang malakas na pagsara, bumagsak ang gate sa kanilang likuran.Si Monica ay nanatiling nakatitig, tahimik, habang si Amanda at Nora naman ay parehong nagulat.Sa isip nila, kailan pa ba sila hinarap nang ganito? Lalo na si Monica, palagi siyang tinatrato bilang isang iginagalang na bisita kahit saan siya magpunta kasama si Shawn. Ngunit ngayon, malamig siyang tinangay at pinauwi nang walang paalam. Ito ay tiyak na unang beses sa kanyang buhay.Galit na galit naman si Amanda, halos hindi mapigilan ang sarili niya.“Lahat nang ito ay kasalanan ni Maxine! Monica, ano ba ito? Mayroon si Maxine ng isang mamahal

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 358

    “Maxine, huwag mong sabihin na hindi mo sinusundan si Mr. Velasco? Halata naman talaga ma sinusundan mo siya hanggang dito!”Ito ang sinambit ni Nora sa kanya. “Maxine, talagang magaling ka, ano? Alam mo pa na nakatira si Shawn sa ika-siyam na palapag. Parang may obsesyon ka sa pagsunod sa kanya. May problema ka ba sa ulo o ano?”Tumingin naman si Maxine kay Shawn nang walang ekspresyon.“Mr. Velasco, nakatira ka sa ika-siyam na palapag?” tanong ni Maxine.Itinuro naman Shawn ang pintuan naman may numerong twenty-eight.“I am staying here.”“Ah,” sagot naman ni Maxine.Lumapit naman siya sa pintuan ng room twenty-seven, inilagay, at may malutong na click ang lumitaw. Bumukas ang pinto.Nabigla sina Monica, Amanda, at Nora sa kanilang nakita. Hindi nila akalain iyon.'Nakatira pala talaga si Maxine sa twenty-seven? Talagang nakatira siya sa Haven Condominium at ang kanyang pinto ay ilang hakbang lang kay Shawn?'Pumasok si Maxine sa loob, at bago isara ang pinto, sinulyapan

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status