ANMELDENMatagal na panahon na nagkalayo sina Craige at Jessica. Sa kanyang edad, bata pa at puno ng sigla, natural lamang na malakas ang kanyang mga pagnanasa. Matapos niya lamang itong mahawakan, hindi niya maiwasang maramdaman ang muling pag-alab ng init sa kanyang damdamin.Sa sandaling iyon, bigla namang tumunog ang kanyang cellphone.Kinuha ni Craige ang telepono mula sa kanyang bulsa at binuksan ang facebook account niya. Isang bagong friend request ang lumitaw sa screen.Ang pangalang iyon ay 'Pretty Baby'.Bahagya siyang ngumiti nang mabasa 'yon.'Kailan pa niya pinalitan ang username nito sa Pretty Baby? Nagpapacute ba ito?' tanong ni Craige sa kanyang isipan.Ngunit hindi niya maikakaila na talaga namang cute ito. Tinanggap namN ni Craige ang friend request.Sa kabilang panig, halos mapatalon naman sa tuwa si Ericka.“Tinanggap niya! Tinanggap niya!” masigla niyang sigaw. “Ate Jessica, na-add na ako ni Mr. Montero sa Facebook!”Tinanggap nga ni Craige ang request ni Ericka.
Matagal nang nakatayo si Jessica sa tabi ng pinto. Sa sandaling lumapit ang malakas at nakakatakot na presensya ni Craige, agad na bumagsak ang anino nito sa kanya, dahilan para kusang umatras siya ng isang hakbang.Ngunit muntik na siyang bumangga sa pader. Agad naman na inabot ni Craige ang kanyang kamay, iniyakap ito sa manipis na baywang ni Jessica, at marahan siyang hinila palapit sa kanyang dibdib.Magkadikit na magkadikit ang kanilang mga katawan.Samantala, nanginginig naman ang mahahabang pilikmata ni Jessica bago magsalita.“M-Mr. Montero…”Tiningnan siya ni Craige mula sa itaas at nagsalita. “Bakit ka natataranta? Hindi ba ikaw ang humingi ng account ko?”Napaisip si Jessica. Sana pala hindi na lang niya tinanggap ang pabor ni Ericka. Ngayon tuloy ay siya ang nasa sitwasyong hindi niya alam kung paano aatrasan.“Mr. Montero, kung hindi ka komportable, huwag mo na lang ibigay sa akin—”Bago pa niya matapos ang sasabihin, lalo pang hinigpitan ni Craige ang pagkakahaw
Si Jessica ay patuloy pa ring dumaranas nang matinding morning sickness matapos niyang mabuntis. Sa pagkakataong ito, mas lalo pang sumama ang kanyang pakiramdam nang masuka siya ng maasim na likido. Ang bigla at matinding hilo at pagsusuka ay tila humigop ng lakas niya, hanggang sa mamula at mamasa ang kanyang mga mata sa luha ng hindi komportableng pakiramdam.Dahan-dahan niyang binuksan ang gripo at hinugasan ang kanyang mukha gamit ang malamig na tubig, sinusubukang pakalmahin ang sarili. Ngunit kahit ang lamig ng tubig ay hindi tuluyang nakapagpawi sa bigat na nararamdaman niya sa katawan.Sa sandaling iyon, may boses na biglang sumulpot sa kanyang likuran.“Hello, Sister Jessica.”Bahagyang natigilan si Jessica. Mabilis niyang itinuwid ang sarili at pinunasan ang mukha bago lumingon.“Hello. Pupunta ka ba rito sa restroom?”Ngumiti si Ericka, tila may halong hiya at pananabik sa mga mata.“Sister Jessica, kakilala mo po ba ang kuya ni Thalia?”Sa tanong na iyon, bahagyang
“Pipiliin ang hipag at itatapon ang kuya?”Natigilan si Craige habang kasalukuyang naghuhugas ng pinggan. Sandaling bumigat ang katahimikan sa kusina.'Sino ba talaga ang kapatid dito?' Tiningnan niya si Thalia nang bahagya, halatang hindi makapaniwala. “Paano kung wala naman akong ginawang mali? Paano kung si Sister Jessica mo ang nagkamali?”Agad namang sumimangot si Thalia na para bang imposible ang sinabi niya. “Paano mangyayari ’yon? Si Sister Jessica ko ay palaging tama!”Napangisi na lamang si Craige, halatang wala nang maikakaso pa sa sariling kapatid. Sa loob-loob niya, tila malinaw na malinaw na talagang si Jessica ang paborito nito, walang labis at walang kulang.“Kuya, bahala ka na. Bilisan mo at suyuin mo na si Sister Jessica.”Pagkasabi no'n, tumalikod na si Thalia at bumalik sa kanyang silid, na parang tapos na ang usapan.Naiwan naman si Craige sa kusina, nakatitig sa mga pinggang hawak niya.Natulala siya bigal. Para bang mas mabigat pa ang mga ito kaysa
“Sige! Alam ko talaga na si Sister Jessica ang pinaka-nagmamahal sa akin.”Masayang sinabi iyon ni Thalia.Tahimik naman na kinuha ni Jessica ang kanyang mangkok at marahang inilagay sa ibabaw ng mesa. “Mr. Montero, kumain na tayo ng almusal.”Natapos ang pagkain sa isang atmosperang hindi maipaliwanag. Hindi naman ganap na malamig, pero may kakaibang bigat na hindi alam kung saan nanggagaling. Para bang may mga salitang gustong lumabas pero pinipigilan lamang.Tumayo si Jessica matapos ang ilang sandali at mahinahong nagsalita.“Mr. Montero, ako na ang maghuhugas ng pinggan.”Kahit hindi siya marunong magluto, kaya pa rin niyang gawin ang simpleng gawain tulad ng paghuhugas ng pinggan. At dahil mananatili siya roon, ayaw niyang maging isang taong walang naitutulong.Inabot niya ang mga mangkok at kubyertos, ngunit bago pa man niya ito tuluyang makuha, biglang hinawakan ni Craige ang kanyang manipis na pulsuhan at pinigilan siya.“Ako na.”Sa biglaang pagdikit ng kanilang mg
Labis ang pagkapahiya ni Jessica. Hindi niya talaga iyon sinasadya. Sa totoo lang, gusto niyang umiwas kay Craige, pero kung paano ay nauwi pa siya sa pagbagsak mismo sa mga bisig nito.At sa sandaling iyon, pagtingin niya sa napakaguwapong mukha ng lalaki, biglang sumagi sa kanyang isip ang mga alaala ng nakaraang gabi, kung paano siya nito pinigilan sa ilalim, kung paano siya hinalikan, at kung paano nito tinawag ang pangalan ng ibang babae.Alicia.Parang may matalim na bagay na muling sumaksak sa kanyang dibdib.Agad na bumalik ang ulirat ni Jessica. Mabilis niyang inabot ang kamay at tinulak si Craige palayo, umatras pa siya ng dalawang hakbang na para bang takot na muling magdikit ang kanilang mga katawan.“P-Pasensya na…” nauutal niyang sabi, hindi magawang salubungin ang tingin nito.Tinitigan siya ni Craige. Ang namumulang mukha niya. Ang bakas ng pagkalito sa kanyang mga mata. Ilang sandali, bahagyang umangat ang sulok ng labi nito. Isang ngiting mababaw, halos hindi ha
Tuluyan nang na-speechless si Roberto. Nanatili lamang siyang tahimik, tila hindi alam kung paano tutugon.Bahagyang nainis si Maxine. Ngayon lamang niya lubos na napagtanto kung gaano kaliit ang pasensya ni Shawn, na kahit sa ganitong sandali ay nangingibabaw pa rin ang kanyang pagseselos.Tuming
Tumingin si Shawn kay Roberto at mariing nagsalita.“Uncle Roberto, uulitin ko. Hindi ko papakasalan ang anak ninyo na si Monica. Ang taong mahal ko ay si Maxine.”Agad na napuno ng sakit at hinanakit ang mukha ni Monica nang marinig 'yon.“Shawn!”Bigla namang hinila ni Shawn si Maxine, tuluyan
Hindi na makapaghintay si Jessica kay Raven, kaya nagpasya siyang hanapin ito mismo. Hindi mahalaga kung hindi siya pupuntahan ni Raven dahil maaari siyang kumilos nang kusa.Pumunta siya sa casino at hinarang ang isa sa mga tauhan para tanungin ito.“Excuse me, pwede ko bang itanong kung narito s
Ngunit walang sumagot sa kanyang pagtawag. Walang Shawn na tumugon.Si Wilbert naman ay nasa labas pa, inihahatid ang mga bisita nila. Nakangiti siya nang may paghingi ng paumanhin ang nakabalot sa kanyang mukha, habang tinutulungan niya sina Mr. Catacutan at Mr. Lopez na sumakay sa kanilang mga sas







