LOGIN2 years ago...
LIBBY was on her way home mula sa ospital kung saan siya nagi intern bilang Physical therapist.. Sa ospital kung saan isang oras lang ang nakakaraan ay bigla siyang napadausdos sa sahig at nawalan ng malay. She was pregnant.
JACOB would be happy, anang isipan habang sinususihan niya ang p***o ng condo unit ng lalaki kung saan na rin siya nakatira halos magi isang taon na.
No, Jacob would be sooooo happy.
Hindi ba't ito ang laging nag-aaya ng kasal? Nangangarap na bumuo na sila ng isang pamilya? Pero lagi niyang iginigiit na kailangan nilang maghintay.
Not that she wasn't ready to be a mom. Pinapangarap din niya ito lagi. She's 24 years old, afterall. But she wasn't ready to face his family. Too insecure, in fact. Kaya nakukuntento siya sa sitwasyon nila.
During the day, they live their separate lives. What matters to her is that they come home together. Every night. Every single night. Kuntento na siya. Jacob loves her. Her. The ordinary Elizabeth Fabiana, loved by the budding tycoon Jacob La Guardia. Ang bunsong anak ng pamilya La guardia na kabilang sa mga prestihiyosong pamilya ng bansa.
They own La Guardia Corporation, one of the biggest real estate and property development companies in the country. Jacob himself has just recently started his very own company of Security Installation catering to big conglomerates.
"When will you agree to marry me?" minsan tanong sa kanya ni Jacob.
Now. Tomorrow. I should have married you long ago, sagot ng isipan. Pero nginitian niya lang ito. "What's the rush,babe?" and kissed him intently to keep him busy. To keep him quiet.
Hindi niya masabi ang mga insecurities niya. Siya na hanggang ngayon ay pilit iniaahon ang sarili mula sa hirap. At 24, hindi pa siya nakakapagtapos sa kursong Physical Therapy dahil working student siya. Hati ng oras sa pagtatrabaho at paga-aral.
When she first started college sinuportahan niya ang sarili sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa mga fastfoods. Buti na lang uso ang ESL jobs at nasimulan niyang magtrabaho bilang ESL teacher hanggang sa mag homebased na rin.
It was only last month na nagpahinga siya mula sa pagtatrabaho dahil nagsimula na ang internship niya.
Her mind is in a hurry. Gustung-gusto niya nang makapagtapos. Makapag-exam, pumasa. Kahit degree lang ang panghahawakan niya kapag pumayag na siyang ipakilala sa pamilya ni Jacob.
Jacob claims he's proud of her, and there's no doubt that's true.
But Libby grew up always being looked down upon. Her mom was famous for being the most beautiful sa kanilang bario sa probinsya. Pero dahil salat sa pamumuhay, nakipagsapalaran sa Maynila kung saan nagtrabaho bilang masahista.
She got involved with a married man, was abandoned when she got pregnant. At kung mahirap na ang buhay noon ni Barbara Fabiana, mas lalo pang humirap nang panindigan nitong buhayin at itaguyod ang anak.
They went back to the province kung saan lahat ng klase ng trabaho ay pinasok nito. Pakikisaka, paglalabandera, pagmamasahista, pagtitinda ng miryenda at kung anu-ano pa.
At sa halip na hangaan sa pagsusumikap nito, people demeaned and snickered. "Ka gandang babae pumatol sa may asawa, yan tuloy nagkakandamalas-malas."
"Hindi na yan aahon sa hirap. Idinadamay pa ang anak."
Ilan lang iyan sa mga lumalabas sa bibig ng tsismosa nilang mga kapit-bahay.
Tinuruan din siya ng mama niyang manghilot pero lagi siyang sinasabihang huwag iyong seryosohin, bagkus ay tutukan ang pag-aaral.
Namatay ang mama niya sa pneumonia ilang linggo lang matapos ang graduation niya sa highschool.
Nagbingibingihan siya noong burol kahit pa gustong sumabog ng dibdib niya sa galit.
"Sa ganda niyang iyan, maghanap na lang siya ng kahit matanda basta mayamang mapapangasawa para makaahon naman siya sa hirap. Huwag gagaya sa nanay niya."
She vowed she'd never do that. Hindi siya kakapit sa isang tao para lamang i-ahon ang sarili sa hirap.
Isang malayong kamag-anak ang nag-alok sa kanya na magbantay sa mamihan nito sa Maynila para raw tulungan siyang makapag-aral.
One time may regular customer silang matandang lalaki ang nagrereklamo sa masakit na balikat nito. Nag-offer siyang hilutin ang matanda at hindi inakalang dahil doon ay magkakaroon siya ng sideline. Halus gabi-gabing may kustomer siya ng hilot.
Isang kaibigan ang nagbigay ng lakas ng loob sa kanya na mag-apply sa isang sikat na fastfood. Umalis siya sa mamihan at nakipagsiksikan sa mga bagong kaibigan na nakasama sa trabaho. At nang sa wakas ay nakaipon ng sapat ay nag enroll siya sa pinakamalapit na pamantasan.
From then on, there was no stopping her. She promised herself that no matter how long it takes tatapusin niya ang pag-aaral.
And then she met Jacob La Guardia.
She'd just started working part time as an ESL teacher sa isang maliit na kumpanya. Hindi ka puwedeng tumangging sumama sa mga Team Building kaya't hayun kasama siya sa beach ng hapong iyon.
Naglalaro sila ng Taboo words pero hindi sila masyadong makapag concentrate dahil sa ingay na nagmumula sa grupo ng mga kalalakihang naglalaro ng volleyball malapit sa kanila.
They've finally decided to move farther nang biglang mapatigil sila dahil naghiyawan na naman ang mga kalalakihan. This time, out of distress.
Mula sa kinatatayuan ay nakita niya ang isang lalaking namimilipit sa may buhangin habang di alam ng mga kasama nito ang gagawin.
Instinct made her run. She immediately knew they were not supposed to move him without identifying his needs.
Mabuti na lamang at protocol sa team building nila na laging may dalang first aid kit.
The guy was chanting curses. And he was doing it fluently, she noticed, na nagpangiti pa sa kanya habang lumuluhod sa may paanan nito.
"Who the hell are you?" he glared and growled,
Hindi siya sumagot bagkus ay sinenyasan lahat ng nakapalibot sa kanila na lumayo. Nakalapit na si Izza dala ang first aid kit.
Sprain. Iyon ang unang naisip niya habang sinusuri ang paa ng lalaki.
"I need to take off your shoes."
"Hey, are you a doctor?" tanong ng isa sa mga kalalakihan.
"You wish." aniya habang binubuksan ang first aid bag.
"Hinay-hinay ka miss. If you're not sure with what you're doing, he could sue you 'til your eyes bleed kapag nagkamali ka jan ng galaw."
She was about to bring out the bandages but stopped when she heard that. She let out a sigh, put back the bandages and started closing the bag.
"Hey, why did you stop?" kunut-noong tanong ng lalaking nakahiga
"It seems like you and your friends don't need any help afterall.” Tiningala ang mga nakapalibot sa kanila. “So, what do you propose to do? Bring out your phones and take pictures? I'm sure that would be very helpful."
"Don't go, damn it! Do what you were about to do!" anang lalaki nang simulan niyang tumayo.
Tinaasan niya ito ng kilay.
"Help me,please." he said between gritting teeth.
She bandaged his sprained ankle properly and because she suspected the possibility of fracture dahil sa matinding sakit na ipinapakita ng llaki, she advised them na dalhin na ito sa ospital.
"Wait!" sabi nito nang isasara na ng mga kasamahan ang van. "Miss, please wait."
Kunut noong napalingon uli siya. "Yes?"
"I need you to come with me to the hospital."
Ipinagtulakan siya ng traydor na mga kasmahan para makasasok sa van.
"I need you to come, I don't trust these morons." ang tinutukoy nito ay ang driver at kasama nito sa harapan.
The two 'morons in front heard that and groaned their protest pero kumindat lang ang lalaki sa kanya sabay ngiti.
Sabihin na nating nakuha siya sa isang ngiti. She was totally mesmerized. It was only then that she noticed how good-looking he was.
Umandar ang makina ng van at wala siyang nagawa kundi ayusin ang upuan at pumuwesto. Mabuti na lamang at di niya pa tinatanggal ang shorts at topper sa ibabaw ng one piece swimwear.
"My name's Jacob, by the way. What's yours?"
"Elizabeth."
"Elizabeth." ulit nito sabay tango ng marahan. "Libby. I'll call you Libby."
And that's when Libby's carefully planned life wavered a bit. She became feeble when it came to Jacob La Guardia. After three months of dating, she finally moved in with him.
Ang tanging pinanindigan niya na lamang ay ng pagiging independent niya pagdating sa pag-aaral. Tinanggihan niya ang ilang beses na pagooffer nito na pag-aralin siya.
But now with a baby on the way, napaisip si Libby na kailangan niyang magrelaks ng konti. May isang buhay na siyang mas dapat bigyang halaga. Maybe she needs to lower her guard a little. Maybe pride is not really what matters most now. Maybe she'd best give Jacob the chance to really take care of her...
Napapaluha siya mula sa halu-halong mga emosyon habang hinihintay na sagutin ni Jacob ang tawag niya sa kabilang linya,
"Hello? Libby, are you okay?" mejo nag-aalala ito dahil hindi normal na basta siya tumatawag habang nasa trabaho si Jacob.
"I'm okay. I just missed you."
Sandaling katahimikan. "Really?" alanganin pa rin ang lalaki.
"Really." tumawa siya. "Come home now?" it was only 2pm. Too early, really.
"Tell me you're really okay, Libby. And why are you home so early? You're supposed to be on duty." maririnig na nag-aalala pa rin ito.
"Medyo masakit lang ang ulo ko kaya umuwi ako ng maaga, but bring me home an ice cream and I'll be okay."
"Buco salad flavor or buko salad flavor?" sa wakas ay gumaan ng boses ng lalaki.
"You know me so well babe," napatawa siya ng mahina. "Love you."
"Love you, see you in a bit."
BUT she didn't see him in a bit.
She waited and waited hanggang sa magdilim. Noong una'y nakaramdam pa siya ng pagtatampo. Was there an emergency sa office at di ito makaalis? But no, if that were the case tatawag at tatawag ito.
When she tried calling him again, ‘cannot be reached na ang naririnig niya sa telepono.
Was there an accident? No! Agad na tanggi ng isipan.
But there was an accident.
It was already midnight nang isa sa mga kaibigan nito na si Rocco ang nakaalalang may girlfriend pala si Jacob na dapat ay nasa ospital din. He actually came to get her.
Manhid ang isipan niya habang binabagtas ng kotse nito ang kalsada papuntang ospital.
"I'm sorry talaga, we were all so worried na hindi ka namin naalala kanina." paulit-ulit na hingi nito ng paumanhin.
"How is he?" ang tanging tanong niya.
"We don't actually know yet. But his car was a total wreck. I'm sorry, what am I saying? I'm sure he's going to be alright."
Nasapo ni Libby ang tiyan at dahan dahang humugot ng hininga. Inhale, exhale...
He's going to be alright. Everything's going to be alright...
SHE was wrong.
Hindi niya malala ang mga sumunod na pangyayari. Everything seemed blur when she got out of the car to enter the hospital.
Her head was spinning nang marinig niya ang mga inabutan nilang nagbubulungan.
If he doesn't wake up any moment there's a big possibility he'll go comatose, possible brain injury, arm amputation...might not wake up at all...
At some point yata ipinaliwanag ni Rocco sa pamilya ni Jacob na girlfriend sya nito. That they've been living together for some time. Hindi nagregister sa utak niya kung paano iyon tinanggap ng pamilya ng lalaki, all she knew was that she finally had her chance to see through the glass window.
She stopped breathing for a while. Gilalas ang mukhang nakatingin sa kama kung saan naroon ang lalaking halos di makilala.
The man in the bed looked dead.
She didn't know how long she stood there.
Look where your selfishness has led to! Usig niya sa sarili. Look at what you did!!!
She took a step backward. And another hanggang sa tuluyan na siyang makalayo.
She ran.
And never stopped running.
CHAPTER 8Hindi na siya natulog.Libby stayed in the sala long after the house had gone quiet—after humina ang ingay ng mga kuliglig sa labas, after the old clock on the wall marked time she could no longer feel.Every few minutes, napapatingin siya sa pinto.Every time, umaasa.But the door never opened.She sat on the edge of the couch, knees drawn to her chest, arms wrapped tightly around herself as if that would keep her from falling apart. Every sound outside made her heart jump—the wind, the rustle of leaves.Jacob…She replayed everything over and over in her mind. His eyes. His scars. Ang paraan ng pagtrulak nito sa kanya—not in hatred, but in pain so raw it scared her.She deserved this. She deserved to be shoved. she deserved to suffer.I know, I know! sigaw ng isipan. But God, can you please keep him safe! If anything bad happened to him, it will be her fault once again.Past midnight, she stood and checked on Leo.Mahimbing ang tulog ng anak nila, ang maliit na dibdib ay
Jacob's POVJacob told himself he was doing the right thing when he took Leo outside.He needed air.Distance.Control.Pero hindi sapat ang sariwang hangin para kumalma siya.Ang tanging laman ng isipan ay si Libby—standing there in his house, in his space, breathing the same air he had learned to survive without for years. Every time he looked at her, memories clawed their way back in. The love. The betrayal. Ang kwarto sa ospital kung san nagising siyang wala ito.HIndi niya namalayang nakatulog na pala si Leo. His chest tightening at how familiar the weight of his son felt in his arms. This—this—should have been his life from the beginning.But it wasn’t.Naghihintay si Libby sa sala at agad nang umakyat sila.He felt her presence behind even before she spoke.“Jacob, we need to talk.”He pretended not to hear her.Talking was dangerous. Talking meant cracking. And if he cracked, he didn’t know if he could stop himself from begging her to stay—or screaming at her to leave.“We can
CHAPTER 6Magdidilim na, ngunit hindi pa rin muling nagpapakita si Jacob matapos siyang iwan kanina.So, she got all the time she needed.To cry.Mula kahapon, pinipigilan na niya ang luha—sa takot na kapag sinimulan niya ito, ay hindi na niya kayang pigilan pa. At tama siya.Nang marinig niya ang tunog ng kotse na minaneho ng lalaki palayo, tuluyan siyang bumigay. She sobbed like there was no tomorrow.She cried for Leo—na nadadamay at naiipit sa gulo ng mga magulang.She cried for herself—dahil walang kahit anong pagsisisi ang kayang burahin ang bigat ng kanyang kasalanan.At higit sa lahat, she cried for Jacob. For the old Jacob she loved… and for the cold, broken man she turned him into.Namumugto ang kanyang mga mata nang bumaba sila ni Leo. Sa kusina, nadatnan nila ang isang may edad na babaeng abalang nagluluto.“Ako si Susan,” pakilala nito, may malumanay na ngiti. “Tagalinis at taga-palengke ni Jacob.”Napag-alaman niyang ngayon lamang ito natawag para magluto.“Di ko akalain
TAHIMIK na pinanonood ni Libby mula sa kanyang kinatatayuan sina Jacob at Leo na naglalaro ng bola sa damuhan. Halos magi isang oras na nang magsalubong sila sa reception ni Lyka at sabihin nitong nasa labas sina Jacob at Leo. Pinigilan niya ang sariling lumabas agad, thinking she owed it to him na bigyan ito ng privacy kasama ang bata since Lyka convinced her Leo was in good hands.“Sorry ha, hindi ko kasi alam ang sasabihin ko nung kausapin ako na iwanan sila.” ani Lyka. Meaning nahuhulaan na rin nito na si Jacob ang ama ng bata kaya’t hindi alam kung paano ilugar ang sarili. “Nakita ko namang komportable na si Leo kasi mejo nakipaglaro muna siya sa amin at nung makitang tumatawa na si Leo saka niya ako sinabihan.” pagpapaliwanag pa nito.She was about to ask more questions nang biglang matahimik dahil nakitang papalapit sa kanila si Fiona. NAgmamadaling lumayo si Lyka.Napalunok si Libby pero alam niyang kailangan niyang magpaliwanag sa nakalapit ng babae. "I'm so sorry about all o
THE pain that hit him was incomparable to anything he’d ever felt before. After all that she did, after leaving him that way, hindi inakala ni Jacob na may mas malala pa palang ginawa si Libby.A child. He’s got a child. With just one look alam niya na.He looked at Libby and saw despair on her face, but how real is that? He’d already learned how cunning this woman could be. Was she laughing deep inside?Nakita niyang nagsalita si Libby pero wala siyang marinig because all his other senses went numb, and things seemed to be moving in slow motion. He realised she was asking the others to leave the room and to bring the child with them.Nanlaki ang mga mata niya. “No!” he shouted vehemently. Unbelievable! They were actually taking his son away. “Don’t you dare!”All eyes went to him, including that of the child na halatang nagulat at natakot.“Jacob please,” narinig niyang sabi ni Libby. “I promise he’ll just be outside. We need to talk. Alone.”Right, he considered. Alone. He wouldn’t
Present...NAKABIBINGING katahimikan ang bumalot sa buong reception area matapos ang pahayag ni Jacob.Libby was in daze. Para bang paulit-ulit na nage echo angboses ng lalaki.She managed to focus her eyes on Jacob only to see his triumphant sneer.Oh Jacob, her heart cried. Ramdam na ramdam niya ang galit nito. Jacob who had never been angry with her. Who had always been patient with her even during her most stubborn moments. He was now looking at her with all contempt. Inanunsyo ang nakaraan nila with only one intention, which is to malign her. Hurt her.“So where do we do this famous welcome massage this place is so proud of?” tanong ng lalaki. As if he didn’t just drop a bombshell. Tinaasan siya ng kilay. “My massage?”Nanginginig ang boses ni Libby nang magsalita. “Sumunod ka.” She walked past him and didn’t bother looking back kung nakasunod nga ito. Part of her was hoping he wouldn’t follow. Huh, wishful thinking.They briefly went of the main building saka pumasok sa unang m







