Dahil Sunday naman bukas ay agad siyang pumayag nang magyaya si Ashley na samahan ito sa Sweet Buds cakes and pastry resto. Pagpasok pa lang sa resto ay agad niyang namataan si Zeus habang kausap ang cashier. Mukha namang kilig na kilig ang cashier gayung ang haba na ng pila ng mga customers.
'Grrr.. as in dumayo pa talaga ng Sweet Buds sa pakikipagharutan. Maanong magtrabaho muna bago magpabebe' Fritzene couldn't help but roll her eyes sa disappointment kay Zeus. Nahuli naman niyang matamang nakatingin sa kanya sina Zanjoe at Ashley.
"What?" maang na tanong niya sa dalawa. Nangingiting umiling lang si Ashley sa kanya habang nagpatay malisya napasipol naman si Zanjoe to the tune of Kapag Tumibok ang Puso ni Donna Cruz.
Napapailing na lang siya. 'Weird'
"O andito ka na pala Fritz." ani Zeus nang mapansin siyang kasama nina Zanjoe at Ashley. Nakalapit na pala ito nang hindi niya napapansin. Maluwang ang pagkakangiti nito sa kanya. Mukhang in good mood kasi nakapang good times na sa cashier kanina.
'Grrr..'
"Eh ano naman sa'yo?" mataray niyang sabi kay Zeus. Hindi pa rin nawawala ang inis niya dito pagbungad pa lang nila sa resto.
Nakita niya ang bahagyang pagkunot ng noo ni Zeus. Kung naasar ito sa kanya, well, patas lang sila.
"Oh.. the resurrection of Ms. Minchin." lumingon pa ito kay Ashley. Inakay nito sa kamay si Ashley patungo sa kitchen. "Tayo na Sarah.. baka mapagalitan tayo ni Miss Minchin, bilis."
'Ahh.. talagang sinusubukan ako ng lokong to ah.'
Maagap niyang sinundan ang mga ito sa preparation area.
"At nagsalita ang ever bully jerk mighty Zeus."
Napalingon sa kanya ang mga taong naroroon kabilang na sina Apollo, Jared, Jamie at Zach.
"Oh, I'm so sorry for calling you Miss Minchin. It should be the overacting witchy Fritz. Like it?"
Bigla nilang narinig si Zach na nagsalita. "Umamin nga kayong dalawa inlove ba kayo sa isa't isa?"
"No!" halos sabay nilang sabi ni Zeus.
Pinagtaasan niya ito ng kilay bago padabog na lumayo na lang dito at tumabi kina Jamie.
"I don't like that jerk!"
"I don't like that witch either."
Marahas na nilingon niya ito pero halos manayo ang kanyang balahibo nang makitang ngumisi ang binata.
He really is annoying.. disgusting.. daredevil.. but undeniably handsome. Undeniably handsome? Saan galing yun?
'Wait.. wait.. wait. Message unsent. You already read the message? Okay forget what I said.'
*******************
It was past 7:00 when he received a call from Zanjoe. Halos kararating lang niya galing sa pagsundo sa kanyang Ate Ynah sa SDGH. "What's up Zan?" tanong agad niya sa kaibigan. "Dude, I need your help. Nasiraan ang sasakyan ko. Kailangan kong sunduin si Ashley sa BISU. Kanina ko pa siya hindi macontact. Kinakabahan na ako Dude." Mahabang paliwanag ni Zanjoe sa pangyayari. Bakas sa boses nito ang matinding pag - aalala. "Tatawagan ko si Kuya Roldan nang matignan ang sasakyan mo. Nasan ka ba ngayon dude?" Agad niyang tanong sa kaibigan. "Nandito ako sa San Pascual dude. Please pakibilisan lang. Baka kung ano na nangyari kay Ashley." May urgency sa tinig nito kaya hindi niya maiwasang hindi mag - alala sa mga kaibigan. "Okay. Huwag ka nang mag panic. I'll be
Since hindi niya magagampanan ang pagdalo sa mga rehearsals sa Search for Mr. and Ms. BISU dahil sa pinsala at sugat na natamo sa pagkakabanggo sa kanya ni Zeus ay napagdesisyunan niya na magback out na lang sa nasabing pageant na sinang - ayunan naman agad ng mga Faculty Members ng departamento. Tamang hula lang na si Ninia, ang kanyang kaibigan ang ipinalit sa kanya. Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit maging si Zeus ay pinalitan ni Jasper Harvey Gutierrez, anak ng Vice - Governor ng lalawigan at varsity player ng BISU. "Sana si Zeus na lang nakapareho ko. Grr.. nakakainis naman. Sobrang hangin ng Jasper Harvey na yun." nanggigigil na sabi ni Ninia. Nasa library sila nang oras na iyon. "I'm sorry ha. You have to go through this dahil ko." apologetic na sabi niya sa kaibigan. Mabilis siyang pumili ng isang aklat. Gayundin si Ninia bago sila sabay na pumuwesto s
Hearing the news about what happened to her, her parents didn't consumed the week long celebration of their anniversary. Tinapos na agad ng mga ito ang isang linggo sanang bakasyon sa Baguio. Gabi na rin nang makarating ang mga ito sa kanilang tahanan. Agad na tinungo ng mga ito ang kanyang silid kung saan siya naroroon. "Oh my God, baby Fritz.. what happened to you?" nag aalalang mukha ng kanyang ina nang dumating ang mga ito at makita ang kanyang plaster casts. Tinignan nito at ininspeksiyon ang ang bawat bahagi ng kanyang katawan. "You should have told us earlier. Kung hindi pa namin nakausap si Pareng Martin, hindi namin malalaman." ang sabi naman ng kanyang ama. "Next time, mag - iingat ka na ha." She couldn't help but roll her eyes. "Mom, Dad.. wag masyadong OA. Okay lang po ako. Huwag na po kayong mag
Inihatid siya ng mga magulang sa labas ng gate nang malamang nasa tapat na si Zeus. Tumawag sa cellphone ang binata upang ipaalam na nasa tapat na ito ng kanilang bahay. Nang sa kanilang paglabas ay nagulat siya. And there they saw Mr. Timothy Abalos sitting on the hood of his car. Matiim itong tinitigan ng kanyang ama habang mukhang nag - aalala ang kanyang ina. Parang balewala naman ito kay Mr. Abalos na nakatingin naman sa kanya. Para siyang isang science creature na iniexamine nito sa paraan ng pagtitig nito. She could feel the tension between them. Nagpalipat - lipat ang tingin niya sa mga ito. Noon naman nagbukas ng pinto at umibis mula sa drivers seat ng sasakyan nito si Zeus. "Good morning po Tita, Tito. Morning Fritz!" masayang bati pa nito sa kanila. "Paano, let's go." yaya nito sa kanya. Bumaling at tumango dito ang kany
True to his word, maaga pa lang ay nakaabang na sa kanyang paglabas si Zeus. Prenteng nakasandal ito sa dingding sa gilid ng pinto ng kanilang classroom nang sila ay lumabas. Umaliwalas ang mukha nito nang makita siyang lumabas ng silid. Maagap na kinuha nito sa kanya ang kanyang bag at inalalayan siya. "Ayieee.. kinikilig ako. Sana all." bulong sa kanya ni Ninia na mukha namang nakarating sa pandinig ni Zeus base sa amusement na mababakas sa kanyang mga mata. Pinandilatan niya ang kaibigan ngunit mukhang hindi ito paaawat sa panunukso. "Zeus, alagaan mo ang puso ng kaibigan ko ha. NBSB yan." Of course, he knew it. Ito lang naman ang matiyagang bumakod sa dalaga at tumaboy sa mga nagtangkang manligaw kay Fritzene. Nakangiti namang tumugon si Zeus kay Ninia. "Of course, Ninia.. promise." Itinaas pa nito ang k
"You cannot take our daughter away from us!" nanggagalaiti ngunit bakas boses na umiiyak ang kanyang inang si Bing. "Please understand Bing. Inihabilin ko lang siya sa inyo when I was in the lowest point of my life. Alam ninyo yan. But when I was able to pick up the pieces of my life again, kayo naman ang nawala. Inilayo ninyo siya sa akin. Itinago nyo siya sa akin. That caused my life so empty and miserable." anang pamilyar sa kanyang tinig. Tinig ni Mr. Abalos. "That's not true. Kinailangan lang talaga namin na umuwi dito sa Pilipinas noon because my Mom died. Sinubukan naming hanapin ka, ngunit ni anino mo hindi namin nakita. Nang iwan mo sa amin si Fritzene, ni hindi namin alam ang gagawin. Ang dami naming sakripisyo mabuhay lang siya. And now you have the guts to show up and claiming you are the rightful father of Fritze
Nangingilid sa luha ang mga mata ni Fritzene habang isa - isang tinitignan ang mga larawan nilang buong pamilya sa photo album. Kaya pala. Kaya naman pala wala kahit isang katangian ng mga magulang ang nakuha niya. Tuwid ang buhok ng mga magulang habang ang sa kanya ay may pagka natural wavy. Kayumanggi ang kulay ng mga ito habang may pagka mestisa naman siya. Parehong mataas ang height ng mga ito habang petite naman siya. Bakit ba hindi niya napagtuunan ng pansin ang mga bagay na iyon? Ang sabihing masakit ay kulang. Mula pagkabata hanggang sa nagkaisip, buo ang kanyang paniniwala sa kanyang pagkatao. She thought she had a perfect life. Ngunit ang lahat pala ay huwad lamang. She felt betrayed. She felt useless. She felt like a trash. Bakit ganoon? Ang daming katanungan sa kanyang isip na naghahanap ng kasagutan. "Fritzene
He could see those guys ogling on Fritzene. He could feel the tensions in his muscles. Mabilis niyang binistahan ang kanyang relo sa bisig. It's 8:45 in the evening! What the hell! Mabuti na lamang pala at sumama siya kina Clark, Mattias at Scott nang magyaya ang mga ito sa kanila ni Apollo sa bar. Hindi naman nakasama si Apollo dahil sa problemang kinakaharap ng pamilya nito ngayon. Ashley became hot topic and trending in national news today nang masangkot ito sa isang pangyayari sa Boss Cafe sa San Diego with Asias Teen Sensation Kristel Almabis. Hindi rin magkamayaw ang mga paparazzi sa kanilang lugar na laging nakaantabay sa paglabas ni Ashley upang makuha ang side nito sa isyu at relasyon nito kay Hugh Perez, isang singer actor and model. Bigla siyang napatayo sa harap ng counter ng bar kung saan sila nakaupong magkakaibigan nang makitang ikawit ng isa sa mga lalaki ang kamay sa beywang ni Fritzene. Napansin naman