"Ms. Fritzene Tengco, you're our choice to represent CAS Department in Mr. and Ms. BISU sa ating foundation day. Mr. Zeus Lorenzo De Villa from Architecture will be your partner. "
Mula kay Mrs. Catalina De Guzman ay lumipat ang tingin ng lahat sa kanya.
Nagulat man ay hindi maiwasang umangal ni Fritzene nang sabihan siya ng kanilang adviser na siya ang kandidata bilang Ms. CAS (College of Arts and Sciences) na ilalaban sa iba pang kandidata mula sa ibang Department sa darating na BISU Foundation weeklong celebration. Paano ba namang hindi? Sa dinarami - rami ng magiging kapareho ay si Zeus Lorenzo De Villa pa talaga? The High and Mighty Zeus!
Napakunot ang noo na nakatingin sa kanya si Mrs. Catalina De Guzman.
" May problema ba Fritz?" tanong ni Mrs. De Guzman habang nakatuon sa kanya ang mga mata nito sa kanya maging ng mga kaklase. Naghihintay ang mga ito ng kanyang sagot.
Nahihiya naman siyang tumugon sa guro. “Eh Maam, baka naman po puwedeng iba na lang?” Hindi naman sa ayaw niya. Kung tutuusin gusto naman talaga niya ngunit ang malamang si Zeus ang kapareho niya, hindi bale na lang. Igigive up niya ang kagustuhang maging Miss BISU.
"No my dear. Huwag mo sanang tanggihan ang aming proposal sa iyo. Ikaw talaga ang choice ng buong faculty. Kayo ni Zeus Lorenzo De Villa from Archi.Huwag ka nang mag – alala. We know, you can do it. Nasa sa iyo ang qualities na hinahanap namin na magrepresent sa ating Department.” Nakangiting sagot ng guro. “May tanong ka pa ba? Anything else?”
Natitigilang napailing na lang siya. Ano pa nga bang magagawa niya. Nandito na. Nakakahiya naman sa adviser niya at buong faculty na nagtiwala sa kanya upang magrepresent sa Department. Titiisin na lamang talaga niyang makita si Zeus tuwing may rehearsal.
“Anyway, we’re all here to help you.” Sabay tapik sa kanyang balikat ng guro. Tumalikod na ito upang magsimula ng klase sa kanila.
“Sana all” nakangiting sabi ng katabi niyang si Ninia Buendia. Ito ang kaibigan niya sa block section nila.
"Beke nemen gusto mong pumalit sa akin?" Hopeful pa rin na sabi niya.
Nangingiting umiling sa kanya ang kaibigan. "Hahaha.. para sa iyo talaga iyan sis."
Marahas na napabuntuhininga si Fritzene sa naging kapalaran. Ito na yata ang pinakamasamang Foundation Week para sa kanya.
****************************************
'Just thinking of the devil. Hayun siya oh, at may kalampungan na naman'
Fritzene couldn't help but rolled her eyes in disgust. Kung hindi si Apollo ang kasama ni Zeus, madalas ay may kasamang babae si Zeus tuwing makikita niya. Nasa kantina sila ni Ninia nang oras na iyon upang kumain ng lunch.
"Sa labas ng campus na lang kaya tayo mag - lunch?" atubiling yaya niya kay Ninia.
Nagtatakang napatingin sa kanya si Ninia. "Hello sis, ang init - init para lumabas pa tayo ng campus. Dito na lang tayo..." Napatigil si Ninia sa pagsasalita nang masulyapan sa isang table doon si Zeus kasama ang babaeng kulang na lang ay kumandong dito.
Tumaas ang kilay nito at nanunuksong tumingin sa kanya. "Ahhh.. kaya naman pala. Nagseselos ang enemy-zoned na friend ko."
"Duh.. hindi po ako nagseselos. Naiimbiyerna lang ako sa pagmumukha ng Zeus na iyan. At never akong magkakagusto diyan ano. "
Natawa na lamang ang kaibigan niya sa reaction niya. "Baka kainin mo ang sinabi mo? Ikaw talaga. Ang init init ng dugo mo kay Zeus. Hindi na kayo nagkasundo. "
Umiling iling siya. "You know the whole story hindi ba? Alam mo naman ang reason ko for hating him that much."
"Fritz, you better let bygones be bygones. Bakit kailangang ungkatin at balikan pa?" ani Ninia. That's what she likes about Ninia. She'll give you honest opinions kahit na masaktan ka sa sasabihin niya just to make you realize things over. Hindi siya kakampi sa iyo porke kaibigan ka niya.
Fritzene took a deep breath. "I will never ever forget that. Lalo pa at hindi naman siya kailanman bumaba and ask for forgiveness. If you're in my place, siguro naman ganoon din mararamdaman mo."
Napapalatak na napailing na lang si Ninia habang nakatingin sa pares na tinitignan niya.
Napapailing na lang si Zeus at nakangiti naman si Martheena habang pinagmamasdan ang mga magulang na masayang nagkukulitan sa garden. Sanay na silang ganito ang mga magulang. Mga bata pa sila sobrang sweet at maalaga ng mga ito sa isa't isa. "Tsk.. tsk.. ang cheesy." palatak ni Zeus although deep inside natutuwa siya sa nakikitang matatag na samahan at relasyon ng kanyang mga magulang. They've been married for almost 19 years at ni minsan ay hindi nila nakitang lumuha ang kanilang ina sa piling ng ama. Hindi man nila sabihin but they have high respect for their parents especially their Dad, Atty. Martin De Villa III is a firm, responsible and noble man. Their mom on the other hand, is a soft - spoken person, gentle and quiet. They looked up to their parents so much and wished they could have the same romantic relationship with the right person when the time comes. "Hahaha Bro, hi
It's 6:00 in the morning. Kahit puyat ng nagdaang gabi at weekend naman ay maaga pa ring gumising si Fritzene. Siya muna ang magbabantay sa Mini Mart ngayon. Magbabiyahe mamaya ang kanyang mga magulang patungo sa Baguio to celebrate their 18th wedding anniversary. They wanted her to join them ngunit aniya ay mas maigi na icelebrate ito ng mga magulang nang magkasama and enjoy each others company. "Morning Mom! Morning Dad!" bati niya sa mga magulang na kasalukuyang inihahanda ang kanilang almusal na luto ng kanilang kusinera na si Manang Matilda. Mabilis siyang humalik sa mga ito. "Happy Anniversary po." "Thank you dear. Hindi ba magbabago ang isip mo? Sigurado ka na bang dito ka na muna?" naniniguradong tanong sa kanya ng ina. Ipinagtimpla siya nito ng gatas at iniabot agad sa kanya. Natatawang tumango siya sa ina. "Yes Mo
Dahil Sunday naman bukas ay agad siyang pumayag nang magyaya si Ashley na samahan ito sa Sweet Buds cakes and pastry resto. Pagpasok pa lang sa resto ay agad niyang namataan si Zeus habang kausap ang cashier. Mukha namang kilig na kilig ang cashier gayung ang haba na ng pila ng mga customers. 'Grrr.. as in dumayo pa talaga ng Sweet Buds sa pakikipagharutan. Maanong magtrabaho muna bago magpabebe' Fritzene couldn't help but roll her eyes sa disappointment kay Zeus. Nahuli naman niyang matamang nakatingin sa kanya sina Zanjoe at Ashley. "What?" maang na tanong niya sa dalawa. Nangingiting umiling lang si Ashley sa kanya habang nagpatay malisya napasipol naman si Zanjoe to the tune of Kapag Tumibok ang Puso ni Donna Cruz. Napapailing na lang siya. 'Weird' "O andito ka na pala Fritz." ani Zeus nang mapansi
It was past 7:00 when he received a call from Zanjoe. Halos kararating lang niya galing sa pagsundo sa kanyang Ate Ynah sa SDGH. "What's up Zan?" tanong agad niya sa kaibigan. "Dude, I need your help. Nasiraan ang sasakyan ko. Kailangan kong sunduin si Ashley sa BISU. Kanina ko pa siya hindi macontact. Kinakabahan na ako Dude." Mahabang paliwanag ni Zanjoe sa pangyayari. Bakas sa boses nito ang matinding pag - aalala. "Tatawagan ko si Kuya Roldan nang matignan ang sasakyan mo. Nasan ka ba ngayon dude?" Agad niyang tanong sa kaibigan. "Nandito ako sa San Pascual dude. Please pakibilisan lang. Baka kung ano na nangyari kay Ashley." May urgency sa tinig nito kaya hindi niya maiwasang hindi mag - alala sa mga kaibigan. "Okay. Huwag ka nang mag panic. I'll be
Since hindi niya magagampanan ang pagdalo sa mga rehearsals sa Search for Mr. and Ms. BISU dahil sa pinsala at sugat na natamo sa pagkakabanggo sa kanya ni Zeus ay napagdesisyunan niya na magback out na lang sa nasabing pageant na sinang - ayunan naman agad ng mga Faculty Members ng departamento. Tamang hula lang na si Ninia, ang kanyang kaibigan ang ipinalit sa kanya. Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit maging si Zeus ay pinalitan ni Jasper Harvey Gutierrez, anak ng Vice - Governor ng lalawigan at varsity player ng BISU. "Sana si Zeus na lang nakapareho ko. Grr.. nakakainis naman. Sobrang hangin ng Jasper Harvey na yun." nanggigigil na sabi ni Ninia. Nasa library sila nang oras na iyon. "I'm sorry ha. You have to go through this dahil ko." apologetic na sabi niya sa kaibigan. Mabilis siyang pumili ng isang aklat. Gayundin si Ninia bago sila sabay na pumuwesto s
Hearing the news about what happened to her, her parents didn't consumed the week long celebration of their anniversary. Tinapos na agad ng mga ito ang isang linggo sanang bakasyon sa Baguio. Gabi na rin nang makarating ang mga ito sa kanilang tahanan. Agad na tinungo ng mga ito ang kanyang silid kung saan siya naroroon. "Oh my God, baby Fritz.. what happened to you?" nag aalalang mukha ng kanyang ina nang dumating ang mga ito at makita ang kanyang plaster casts. Tinignan nito at ininspeksiyon ang ang bawat bahagi ng kanyang katawan. "You should have told us earlier. Kung hindi pa namin nakausap si Pareng Martin, hindi namin malalaman." ang sabi naman ng kanyang ama. "Next time, mag - iingat ka na ha." She couldn't help but roll her eyes. "Mom, Dad.. wag masyadong OA. Okay lang po ako. Huwag na po kayong mag
Inihatid siya ng mga magulang sa labas ng gate nang malamang nasa tapat na si Zeus. Tumawag sa cellphone ang binata upang ipaalam na nasa tapat na ito ng kanilang bahay. Nang sa kanilang paglabas ay nagulat siya. And there they saw Mr. Timothy Abalos sitting on the hood of his car. Matiim itong tinitigan ng kanyang ama habang mukhang nag - aalala ang kanyang ina. Parang balewala naman ito kay Mr. Abalos na nakatingin naman sa kanya. Para siyang isang science creature na iniexamine nito sa paraan ng pagtitig nito. She could feel the tension between them. Nagpalipat - lipat ang tingin niya sa mga ito. Noon naman nagbukas ng pinto at umibis mula sa drivers seat ng sasakyan nito si Zeus. "Good morning po Tita, Tito. Morning Fritz!" masayang bati pa nito sa kanila. "Paano, let's go." yaya nito sa kanya. Bumaling at tumango dito ang kany
True to his word, maaga pa lang ay nakaabang na sa kanyang paglabas si Zeus. Prenteng nakasandal ito sa dingding sa gilid ng pinto ng kanilang classroom nang sila ay lumabas. Umaliwalas ang mukha nito nang makita siyang lumabas ng silid. Maagap na kinuha nito sa kanya ang kanyang bag at inalalayan siya. "Ayieee.. kinikilig ako. Sana all." bulong sa kanya ni Ninia na mukha namang nakarating sa pandinig ni Zeus base sa amusement na mababakas sa kanyang mga mata. Pinandilatan niya ang kaibigan ngunit mukhang hindi ito paaawat sa panunukso. "Zeus, alagaan mo ang puso ng kaibigan ko ha. NBSB yan." Of course, he knew it. Ito lang naman ang matiyagang bumakod sa dalaga at tumaboy sa mga nagtangkang manligaw kay Fritzene. Nakangiti namang tumugon si Zeus kay Ninia. "Of course, Ninia.. promise." Itinaas pa nito ang k