Masuk
"What?" I asked the girl in front of me.
"Naku! Huwag mo ako ma-english english ispekening d'yan at baka mapalaban ka sa 'kin! Sinasabi ko sa 'yo!" mayabang nitong tugon. Nagsalubong ang mga kilay ko habang nagtatakang nakatingin sa babae. "Are you crazy? What are you talking about?" "Oh, bakit? Hindi ba may gusto ka sa 'kin kaya panay ang tingin mo? Naku! Huwag ako, boy! Alam ko na ang mga galawang gan'yan!" "You're unbelievable! Have you seen yourself?" "Aba! Alangan! Lagi ko kayang kinakausap ang sarili ko sa salamin! Magkasundong-magkasundo nga kami, e!" Nagpapatawa ba sya? She's really something... Baliw ba 'to? "Never akong magkakagusto sa kagaya mo! Look at you! Mas mukha ka pang lalaki sa 'kin! You're not my type!" I said while looking at her from head to toe. "Wow!" sarkastiko niyang sabi. "Grabe naman 'yon! Sagad hanggang balunbalunan, boy! Pogi yarn? Gagi 'to, a!" Para talaga siyang lalaki kung umasta. Tss. And she thinks I like her? Fuck! I'm not insulting her, but for fuck sake! She's not really my type. "Look, woman... I'm sorry, okay? It's not my intention to insult you. I'm here because I'm looking for someone." "Ganyan naman kayong mga lalaki. Pagkatapos nyong gumawa ng kalokohan, akala niyo mabubura ng simpleng sorry lamang ang lahat. Paano naman ang feelings naming mga babae? Nasasaktan din kami. May puso at kaluluwa—" "Stop!" sigaw ko dahil sa dirediretso nitong pagsasalita na tila nagdadrama pa. Natigil naman ito dahil sa gulat sa pagkakasigaw ko. Nag echo pa ito sa buong shop kung saan kami naroroon. "Pwede ba? Hindi ako nagpunta rito para makinig sa mga drama mo? I'm looking to my friend who owned this old shop. So, just call him and stop acting in front of me because, I'm not a movie Director. Okay?" nauubusang pasensya na wika ko sa babae. "Tss. Yabang naman nito! Banatan kita riyan, e!" bulong nito na hindi ko masyado naintindihan. "What?" "Wala! Tsismoso ka rin, e. Tatawagin ko na si Boss. Baka tumirik ka na riyan kasalanan ko pa!" At padabog itong umalis sa harapan ko. Tss. Sino ba ang babaeng 'yon? Bakit may babaeng tauhan ang mokong na iyon dito sa shop niya? Hindi naman pwedeng model ng sasakyan ang klaseng iyon. Mukhang tomboy, madungis dahil may mga kulay itim ang mukha nito. Nakasuot ng malaking t-shirt at pants na maong na sira ang tuhod. May magulong buhok na daig pa ang nakipag-away. Tinignan lang naman feeling may gusto na sa kanya. Napatingin lang naman ako dahil nga madungis siya. Tss. Never akong magkakagusto sa ganoong klase ng babae. Matapang pa sa mga lalaki at parang palengkera. Sakit sa ulo ang mga ganyan. Naupo na lamang ako sa isang sofa at hinintay ang paglabas ng pakay ko habang tinitingnan ang buong shop na puro tambak ng tools. May kinikita naman ang mokong pero bakit hindi nya palakihin ang shop na 'to? Wala rin akong nakikitang ibang empleyado kundi yung babaeng dragon na 'yun kung matatawag nga ba na empleyado ang isang iyon. tss.“T-tubig...” mahinang tinig na halos pabulong, puno ng panghihina.Pagkatapos kong makausap si Darwin at masabi ang lahat sa mga kaibigan ko, natahimik kami. Parang biglang bumigat ang paligid. Kaya nang marinig naming may mahinang boses na humihingi ng tubig, sabay-sabay kaming napabalikwas, gulat na gulat, at agad na napalingon sa aming pasyente.“T-tubig...” ulit niya, kaya dali-dali akong lumapit.“Minion? Gising ka na!” halos pasigaw kong sabi, hindi maitago ang pag-asa sa boses ko.“Ay hindi, bro! Nag-sleep talk lang siya. Oo.” Salida na naman ni Gav, kaya agad siyang tinamaan ng sabayang batok mula kina Rio at Kurt.“Kapag di ka tumahimik, baka mag-sleep ka na rin ng dire-diretso at di na maka-talk. Gusto mo?” banta ni Kurt, kaya mabilis na natahimik si Gav. Kumuha ako ng bulak at dahan-dahang binasa iyon ng tubig, saka marahang idinampi sa tuyong labi ni Kael.“Tiis ka muna, ha? Tatanungin ko muna sa doktor kung kailan ka puwedeng painumin nang maayos.”“Wait, I’ll call the d
"Can you please sit down? Kanina ka pa lakad nang lakad diyan na parang nagle-labor, nahihilo na kami sa 'yo!" reklamo ni Kurt kaya napaupo rin ako sa wakas. They'd been watching me for a while now, tracing the same path over and over inside the room where Kael was confined."Ano bang problema?" Cassian asked, his brows knitted together."P-Paano ko sasabihin kay Darwin?"Sabay-sabay silang napabuntong-hininga."We don't know either, man," Rio said from where he was leaning against the wall. "Pero siguro mas okay kung diretsahan mo na lang.""Sasabihin ko na ba kahit hindi pa nagigising si Minion? Baka mag-hysterical 'yung gunggong na 'yon... OA pa naman 'yon madalas.""Dude," sabat ni Kurt, "kahit sino namang kaibigan, magiging OA kapag nalaman ang ganitong sitwasyon ni Kael. Natural lang 'yon, kaya mas mabuting ihanda mo na rin ang sarili mo."I froze, torn between calling Darwin right now or waiting a little longer."Do it," Gav urged, his tone carrying a hint of warning. "Pag nagk
Sinuyod namin ni Cassian ang posibleng dinaanan ni Minion bago ang aksidente, habang isa-isang tinitingnan ang mga kuha ng CCTV. Sa kabilang banda, sina Kurt, Rio, at Gav ay abala sa pakikipag-usap sa mga pulis na may hawak ng kaso."Wait. Rewind that part. Slow motion," utos ko sa lalaki na naka-duty sa control room.Sumilip kami ni Cassian sa screen. Doon, sa gilid ng kalsada, may isang sasakyang nakaparada. Bumaba ang bintana, at lumitaw ang mukha ng isang babae. Nakatingin siya nang diretso sa aksidenteng kinasangkutan ni Kael-parang pinapanood niya ang lahat mula sa simula."A woman? Who is she?" bulong ni Cassian, halatang naguguluhan.Pero ang mas nakakagulat ay ang driver ng kotse na bumangga kay Kael ay agad na tumakas at sumakay sa parehong sasakyan. At naroon, naghihintay ang babae.Nagkatinginan kami ni Cassian. Walang salita, pero mukhang iisa ang nasa isip. Mukhang tama ang aming hinala."Okay na po ba, sir?" tanong ng lalaking nag-o-operate ng CCTV."Ah, oo. Thank you,"
I woke up earlier than usual and waited for her in the living room while sipping my coffee. Humihikab pa ako dahil hindi naman talaga ako sanay gumising nang ganito kaaga. Kaya hindi ko na ikinagulat nang halos lumuwa ang mata ni Minion nang abutan niya akong nagkakape sa sala."Oh? Bossing? Bakit ang aga mo?" tanong niya, halatang nagtataka habang lumabas mula sa kanyang kwarto.I straightened up and placed my mug on the center table. "Uh, I'm waiting for you."Her brows arched. "W-waiting? F-for me?""Yeah."Napakurap siya nang ilang beses bago dahan-dahang lumapit at naupo sa single sofa sa tapat ko."Anong meron, bossing?""H-huh?" I blinked, confused."Kasi ang aga mo. Tapos naghihintay ka pa sa 'kin. Anong meron?""A-ah... papasok sa trabaho.""Eh?" Umangat lalo ang kilay niya."Why?"Tumayo siya at dumiretso sa kusina, marahil para magtimpla ng kape. "Akala ko naman kung ano na. Nakakapanibago lang kasi, bossing. Usually alas-nuebe ka na pumapasok. Ala-sais pa lang ngayon. Baka
“Iyan na lahat ang gamit na dadalhin mo?” tanong ko nang makita na isang gym bag at isang malaking backpack lang ang dala niya.Tiningnan pa niya ang mga iyon bago sumagot. “Ito lang din naman ang dinala ko rito noon e. Alangan namang dalhin ko ang mga gamit ni Darwin?”“What do you mean? Lumipat ka sa apartment na ’to na damit lang talaga ang dala mo?”“Bakit? Kailangan ba dala ko pati appliances ng may-ari ng bahay at ng kapitbahay?”Napabuntong-hininga ako at tumango na lang.“O-okay... Sige, tara na. Ayos na ’yan. Kumpleto naman ang gamit sa bahay ko.”“May washing machine ka rin ba?” tanong niya.“Oo. Bakit?”“Buti naman. Hindi na ako magkukusot. Masakit na nga ang kamay ko sa kaka-kalikot ng makina sa garahe mo, masakit pa sa pagkukusot ng mga damit ko pag-uwi. Pagamit ako ng washing machine mo, bossing, ha?” Nakangisi pa siya habang nagtataas-baba ng kilay.“Oo na. May magagawa pa ba ako?”“Syempre wala! Pinili mo ’to e, kaya magtiis ka!” tumawa pa ito bago naunang sumakay sa k
While cooking something for breakfast, narinig ko ang pagbukas ng pinto mula sa guest room kaya nilingon ko ito. Lumabas ang humihikab na si Kael habang sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri."Good morning, Minion." Bati ko rito kaya agad niyang tinakpan ang kanyang bibig. Natawa naman ako."B-bossing... Gising ka na pala. G-good morning din." Nahihiya nitong bati pabalik."Bakit ang aga mo? Wala namang tayong pasok ngayon ah?" Tanong ko pa habang tinatapos ang aking niluluto."Nasa ibang bahay kasi ako kaya ganun. T-teka... M-may kalokohan ba akong ginawa kagabi? May n-nasabi ba ako?""Huh? Bakit? Meron ka bang hindi dapat masabi?" Tanong ko pabalik."Ha? Wala naman. T-teka nga, bossing! Tanong ko, tanong mo rin?" Naupo ito sa high stool at nilapagan ko naman sya ng timpla ng kape. Natawa pa ako sa kanyang reaksyon na para bang krimen na yung ginawa ko."Relax. Okay. Wala kang ginawang weird o nasabing kahit ano. Humaharok ka lang.""A-ako? Humaharok? Oy, bossing, 'wa
"Oh? Kayo na naman?" bungad sa amin ni Cassian pagkarating namin sa kanyang bar."Bakit parang ayaw mong nandito kami?" tanong ko rito. Napatingin ito sa kasama ko na panay ang linga sa paligid."Good luck naman sayo mamaya. Mukhang magiging caregiver ka na naman. Sabagay, mukhang bet na bet mo nam
Pagkatapos namin mag-usap ni Jassie ay lumabas ako para hanapin si Kael. Nakita ko itong naggagawa ng isang sasakyan kaya naupo muna ako kung saan malaya ko siyang mapapanood ng hindi siya naaabala at nilalapitan. Napabuntong hininga ako nang maalala na naman ang naging usapan namin ni Jassie. Iyon
Kinabukasan ay dumiretso muna ako sa office para tapusin ang trabaho ko bago pumunta sa garahe nung tanghali. Naabutan ko ang mga ito na nagkwekwentuhan habang nakaupo si Kael sa hood ng isang kotse na naroon, nakikipag tawanan sa mga katrabaho katabi si Jayson kaya awtomatikong nagsalubong ang aki
"You mean, mala aso't pusa kayo nyan noon?" tanong ni Gavriel na tinanguan ko naman. "At ang lakas ng loob mong insultuhin na mukhang taong grasa pero patay na patay ka naman ngayon?" Mapang-asar na sabi naman ni Kurt kaya sinamaan ko ito ng tingin. "Tss. Kahit naman kayo ang nakakita sa kanya no







