LOGINDahil sa paghahanap ng magaling na mekaniko para sa kanyang business, makikilala ni Crius ang dalagang si Kael. Isang mekaniko at racer na may taglay na ganda ngunit may pagka boyish umasta. Mula sa mala aso't pusang pagtatagpo, mauwi kaya sa magandang relasyon matapos nilang magsama sa iisang trabaho?
View More“T-tubig...” mahinang tinig na halos pabulong, puno ng panghihina.Pagkatapos kong makausap si Darwin at masabi ang lahat sa mga kaibigan ko, natahimik kami. Parang biglang bumigat ang paligid. Kaya nang marinig naming may mahinang boses na humihingi ng tubig, sabay-sabay kaming napabalikwas, gulat na gulat, at agad na napalingon sa aming pasyente.“T-tubig...” ulit niya, kaya dali-dali akong lumapit.“Minion? Gising ka na!” halos pasigaw kong sabi, hindi maitago ang pag-asa sa boses ko.“Ay hindi, bro! Nag-sleep talk lang siya. Oo.” Salida na naman ni Gav, kaya agad siyang tinamaan ng sabayang batok mula kina Rio at Kurt.“Kapag di ka tumahimik, baka mag-sleep ka na rin ng dire-diretso at di na maka-talk. Gusto mo?” banta ni Kurt, kaya mabilis na natahimik si Gav. Kumuha ako ng bulak at dahan-dahang binasa iyon ng tubig, saka marahang idinampi sa tuyong labi ni Kael.“Tiis ka muna, ha? Tatanungin ko muna sa doktor kung kailan ka puwedeng painumin nang maayos.”“Wait, I’ll call the d
"Can you please sit down? Kanina ka pa lakad nang lakad diyan na parang nagle-labor, nahihilo na kami sa 'yo!" reklamo ni Kurt kaya napaupo rin ako sa wakas. They'd been watching me for a while now, tracing the same path over and over inside the room where Kael was confined."Ano bang problema?" Cassian asked, his brows knitted together."P-Paano ko sasabihin kay Darwin?"Sabay-sabay silang napabuntong-hininga."We don't know either, man," Rio said from where he was leaning against the wall. "Pero siguro mas okay kung diretsahan mo na lang.""Sasabihin ko na ba kahit hindi pa nagigising si Minion? Baka mag-hysterical 'yung gunggong na 'yon... OA pa naman 'yon madalas.""Dude," sabat ni Kurt, "kahit sino namang kaibigan, magiging OA kapag nalaman ang ganitong sitwasyon ni Kael. Natural lang 'yon, kaya mas mabuting ihanda mo na rin ang sarili mo."I froze, torn between calling Darwin right now or waiting a little longer."Do it," Gav urged, his tone carrying a hint of warning. "Pag nagk
Sinuyod namin ni Cassian ang posibleng dinaanan ni Minion bago ang aksidente, habang isa-isang tinitingnan ang mga kuha ng CCTV. Sa kabilang banda, sina Kurt, Rio, at Gav ay abala sa pakikipag-usap sa mga pulis na may hawak ng kaso."Wait. Rewind that part. Slow motion," utos ko sa lalaki na naka-duty sa control room.Sumilip kami ni Cassian sa screen. Doon, sa gilid ng kalsada, may isang sasakyang nakaparada. Bumaba ang bintana, at lumitaw ang mukha ng isang babae. Nakatingin siya nang diretso sa aksidenteng kinasangkutan ni Kael-parang pinapanood niya ang lahat mula sa simula."A woman? Who is she?" bulong ni Cassian, halatang naguguluhan.Pero ang mas nakakagulat ay ang driver ng kotse na bumangga kay Kael ay agad na tumakas at sumakay sa parehong sasakyan. At naroon, naghihintay ang babae.Nagkatinginan kami ni Cassian. Walang salita, pero mukhang iisa ang nasa isip. Mukhang tama ang aming hinala."Okay na po ba, sir?" tanong ng lalaking nag-o-operate ng CCTV."Ah, oo. Thank you,"
I woke up earlier than usual and waited for her in the living room while sipping my coffee. Humihikab pa ako dahil hindi naman talaga ako sanay gumising nang ganito kaaga. Kaya hindi ko na ikinagulat nang halos lumuwa ang mata ni Minion nang abutan niya akong nagkakape sa sala."Oh? Bossing? Bakit ang aga mo?" tanong niya, halatang nagtataka habang lumabas mula sa kanyang kwarto.I straightened up and placed my mug on the center table. "Uh, I'm waiting for you."Her brows arched. "W-waiting? F-for me?""Yeah."Napakurap siya nang ilang beses bago dahan-dahang lumapit at naupo sa single sofa sa tapat ko."Anong meron, bossing?""H-huh?" I blinked, confused."Kasi ang aga mo. Tapos naghihintay ka pa sa 'kin. Anong meron?""A-ah... papasok sa trabaho.""Eh?" Umangat lalo ang kilay niya."Why?"Tumayo siya at dumiretso sa kusina, marahil para magtimpla ng kape. "Akala ko naman kung ano na. Nakakapanibago lang kasi, bossing. Usually alas-nuebe ka na pumapasok. Ala-sais pa lang ngayon. Baka
Kinabukasan ay dumiretso muna ako sa office para tapusin ang trabaho ko bago pumunta sa garahe nung tanghali. Naabutan ko ang mga ito na nagkwekwentuhan habang nakaupo si Kael sa hood ng isang kotse na naroon, nakikipag tawanan sa mga katrabaho katabi si Jayson kaya awtomatikong nagsalubong ang aki
"You mean, mala aso't pusa kayo nyan noon?" tanong ni Gavriel na tinanguan ko naman. "At ang lakas ng loob mong insultuhin na mukhang taong grasa pero patay na patay ka naman ngayon?" Mapang-asar na sabi naman ni Kurt kaya sinamaan ko ito ng tingin. "Tss. Kahit naman kayo ang nakakita sa kanya no
"Hey, are you still okay?" Tanong ko kay Kael nang mapansin kong mapula na ang mukha nito. "Oo naman, bossing! Ikaw? Okay ka pa?""O-oo. Okay pa naman ako." Nag-aalinlangan kong sagot. Mukhang tinamaan na talaga sya sa aming iniinom."Miss Kael, pwedeng magtanong?" Mabilis akong napalingon kay Ku
Nasa kalagitnaan na kami ng aming pagkain nang magsimula ng magsalita ang Mommy ni Jassie. Akala ko'y tahimik na matatapos ang aking gabihan... pero malabo talagang mangyari. “What if, you spend your date on a trip? Like, out of town?” she suggested and looked to my Mom for approval. Ngumiti naman a






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews