LOGINAiden POV
"Hoy Aiden anong masamang hangin ang nagdala sa'yo dito?" bungad ng kaibigan ko pagpasok ko pa lang sa kanyang opisina.
"I know you miss me." ngisi ko at umupo. "I need your help for Ciara." dagdag ko pa.
"You mean Ciara Hendrix?" Tumango naman ako.
"Anong tulong ba ang kailangan mo?" Agad kung ikwenento sa kanya ang nangyari.
"Now I get it. Kumusta naman siya? I hope she's okay. Hindi biro ang nangyari sa kanya at sigurado akong magkakaroon siya ng trauma."
"Nakalabas na siya ng hospital. Mabuti na lang at hindi malala ang nangyari sa kanya." Saad ko.
"Hindi kita tatanggihan sa hinihingi mong tulong. Alam ko naman na hindi mababawasan 'yang kayamanan mo dahil sisiw lang sa'yo ang magbayad. Ako na mismo ang pupunta sa bahay nila para matingnan ko ang kung ano dapat na ayusin at baguhin."
"Salamat pre, maasahan ka talaga." saad ko.
"Pero bakit mo siya tinutulungan? Kaano ano mo si Ciara?"
Nagkibit balikat naman ako dahil kahit ako ay hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko ito ginagawa. Siguro ay naaawa lang ako sa kanya.
"Tawagan mo na lang ako kapag okay na at para maipadala ko na din sa'yo ang bayad. Salamat ulit pre." anas ko.
"Don't mention it, kaibigan ko kayo ni Hunter kaya kapag kailangan niyo ng tulong ay handa akong ibigay 'yon.
"Ulol! Ang sabihin mo malaki lang ang sinisingil mo!" Natatawang sambit ko.
"Business is business man."
Hindi na din ako nagtagal do'n at nagpaalam na para umalis. Alam kung marami din siyang ginagawa kaya ayaw kung makaabala.
Hapon na nang makabalik ako sa condo kung nasaan si Ciara, tinapos ko pa kasi ang mga kailangan ayusin para hindi na siya mamroblema sa nangyari.
Tumikhim ako sa gilid niya dahil mukhang hindi niya napansin ang pagdating ko.
"Nandito kana pala." ani niya.
"Kararating ko lang din. Mukhang seryoso ka sa pinapanood mo. Anyway, take this." Inabot ko sa kanya ang envelop.
"What is this?" takang tanong niya.
"Nandiyan na lahat sa loob ng folder ang patunay na bayad kana sa lahat ng damages na nangyari sa sunog. At tungkol naman sa bahay niyo ay may kinausap na din ako na mag aasikaso at mag aayos noon."
Nakita ko naman ang saya at pagningning ng kanyang mga mata. "T-thank you Aiden."
"You're welcome, Ciara." Sagot ko.
Pero nanatili ang tingin nito sa akin. "P-pero anong kapalit nito? Alam kung hindi ito libre."
"Anong kapalit nito?" dagdag niya pa.
"Huwag mo muna isipin ang bagay na 'yan." Saad ko.
Pero nanatili pa rin ang tingin nito sa akin. "Alam kung hindi ka basta tutulong ng libre lang Aiden. Hindi ka maglalabas na malaking halaga kung walang kapalit. Pero hindi naman kita mababayaran agad sa laki ng ginastos mo kaya maaga pa lang ay nagtatanong na ako sa'yo para mapaghandaan ko. Alam ko kung gaano ka katuso."
Natawa naman ako dahil sa sinabi nito. "Alam kung mataas ang pride mo at hindi ka papayag na magkaroon ng utang lalo na sa akin Ciara. Why don't you work with me?" Anas ko.
"At anong klaseng trabaho naman? Ang maging sex slave mo?" Prangka nitong sabi.
"Nice suggestions Ciara." Ngisi ko.
"Fuck you! Umayos ka nga!"
"Stay with me." Seryosong wika ko.
"Seryoso ka ba? Nasisira na talaga ang ulo mo. Ano na lang ang sasabihin ng iba kapag nakita tayo magkasama? Baka akalain pa nila may relasyon tayo."
"It's up to you Ciara. Basta sinabi ko na kung ano ang gusto ko." Mahinang turan ko.
Napailing naman ito. "You are really a devil."
Ciara POV
Hindi nga ako nagkakamali sa lalaking ito. Alam kung may kapalit ang ginawa niyang pagtulong sa akin. Hindi siya basta basta maglalabas ng malaking pera para lang sa akin at mas lalong hindi siya mag aaksaya ng oras para lang ayusin ang naging problema ko ng libre.
Mabusisi kung binasa ang ibinigay niya sa akin na contract. Mukhang pinaghandaan niya ang bagay na ito. He's indeed a businessman.
"I need to be with you when you need me? Paano kung hindi ako available that time? Alam mong may business din ako at isa pa may sariling buhay din ako." tanong ko sa kanya.
"Hindi ko na kasalanan 'yan, ikaw naman ang boss sa cafe mo." Antipatiko talaga ang lalaking 'to.
"I can't believe you Aiden! Kahit na ako ang may ari noon ay hindi ko pa rin pwedeng pabayaan na lang, kailangan din ako do'n at ng mga empleyado ko." reklamo ko.
"Hindi naman kita kailangan kada minuto. So why bother about it? Hindi ako gano'n ka sama Ciara na idadamay ko pati negosyo."
Arrrgggg! Nakakainis na lalaki.
"Hindi ako robot na susunod sa kung anong gusto mo o sasabihin mo." seryosong bulalas ko.
"You agreed to be my slave Ciara. Ikaw ang nagpumilit na bayaran ako."
"Pero hindi sa ganitong paraan!" Giit.
"Then what?"
Bigla akong natameme sa tanong nito. Hindi ko alam kung sa anong paraan ko siya mababayaran dahil hindi naman sapat ang pera na meron ako. Hindi pwedeng bayaran ko siya ng isang bagsakan dahil hindi naman ako anak ng bilyonaryo.
Napairap na lang ako ng mga mata ko at saka tumayo.
"Saan ka pupunta? Nag uusap pa tayo!"
"Ano pa bang pag uusapan natin? Ikaw lang din naman ang masusunod.Kaya kakain na lang ako at gutom na ako." Sagot ko sa kanya.
Hindi naman ito umimik kaya dumiretso na ako sa kusina para ayusin ang inorder kung pagkain. Hindi ko alam kung kailan ako makakapagluto ulit na hindi naaalala ang nangyari.
Aiden POVMatapos ng pag uusap namin ni Hunter ay hindi na din ako nagtagal pa sa kompanya at umalis. Umuwi lang ako saglit sa bahay para magpalit ng damit at pagkatapos ay dumiretso na ako sa bar. Hindi ko naman pwede ayain si Hunter dahil may family dinner sila ngayon.Nang makarating ako sa bar ay agad akong umorder ng alak, marami nang mga tao lalo na’t friday ngayon. Habang umiinom ako ay biglang sumagi sa isipan ko si Ciara. Alam kung ilang beses na siyang pumupunta sa opisina, kahit sa condo at bahay ko pero hindi ko siya hinaharap at minsan naman ay natataon na wala ako. Mas mabuti na ako na lang ang umiwas kaysa masaktan ko pa siya lalo. Hindi pa akong handa na makipag usap sa kanya.I don’t want to hear any lies from her. I clearly saw everything, she don’t need to make a story,"Hi, handsome. I notice that you are alone. Is it okay if I accompany you?" Nabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang boses ng babae na lumapit sa akin.She's gorgeous at sexy, her clothes is way too
Linnea POVHindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng lungkot para sa kaibigan ko. Kilala ko siya bilang masiyahan kaya alam kung nasasaktan talaga siya ngayon. Kaya niyaya ko na lang muna siya na lumabas muna kami para maibsan naman ang pag iisip niya.Kahit na lagi pumupunta dito sa amin si Aiden wala naman siyang naikwekwento tungkol sa nangyayari sa kanila ni Ciara, marahil ay gusto niya na lang muna isarili ito. At mukhang wala din naman alam ang asawa ko dahil panigurado ay magsasabi ‘yon sa akin."Kalimutan mo na muna ang problema niyo ni Aiden, isipin mo muna ang sarili mo kahit ngayong araw lang. At saka mag ayos ka nga dahil halata na wala kang tulog ng ilang araw, sige ka at ipagpapalit ka talaga sa ibang babae kasi hindi ka na maganda.” biro ko sa kanya kaya hinampas ako nito sa balikat.“Ang kapal mo naman para sabihin na panget ako! Akala mo naman ay kinaganda mo na ‘yan.”"Ay hindi ba? Ang ganda at blooming ko nga, kaya patay na patay sa akin ang asawa ko." sagot ko sa k
Ciara POVNapasalampak ako sa sahig matapos marinig at mga katagang binitawan ni Aiden, gusto ko man siyang habulin pero wala akong lakas gawin ‘yon lalo na’t malinaw kung nakikita ang matinding galit sa kanyang mga mata. Alam kung gustong gusto niya akong saktan base sa pagkakakuyom ng kanyang kamao pero pilit niya itong pinipigilan.Alam ko sa sarili ko na wala kaming ginagawang masama ni Dane, kung sana ay nakikinig lang si Aiden sa paliwanag namin ay hindi kami aabot sa ganito. Alam kung iba ang tabil ng bibig nito lalo na kapag galit ito.Iyak lang ako ng iyak at umaasa na biglang bubukas ulit ang pintuan at babalik si Aiden, pero inabot na nang oras ay ni anino niya ay hindi ko nasilayan. Hanggang sa hindi ko namalayan at nakatulog ako.Nang magising ako ay nakita kung halos alas dos na nang madaling araw. Agad na hinanap ng mga mata ko si Aiden pero wala ito sa tabi ko at doon ko lang napagtanto na hindi talaga ito umuwi. Kinuha ko ang phone ko para tawagan ito pero ni isang be
Ciara POVIsang buwan na simula nang makabalik ako sa bahay namin at halos dito na din nakatira si Aiden dahil madalas siya dito magpunta at wala naman ‘yon problema sa akin at payag din naman ang kapatid ko para kahit paano daw ay may kasama ako kahit sinabi ko naman sa kanya na sanay na akong mag isa simula na nagtrabaho siya sa ibang bansa.Mag isa lang ako ngayon dahil may inasikaso si Aiden sa trabaho at baka gabihin na din ‘yon sa pag uwi. Ang alam ko ay may tinatapos sila ni Hunter kaya busy ang dalawang ‘yon.Habang nanonood ako ng netflix ay nakarinig ako nang nagdodoorbell sa labas. Wala naman akong inaasahan na bisita ngayon kaya hindi ko alam kung sino ‘yon. Ibinaba ko ang kinakain kung popcorn para tingnan kung sino ‘yon.Pagbukas ko noong gate ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Dane. "Hey, long time no see. Pasok ka. Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka para nakapagluto sana ako." anas ko.“Okay lang, hindi mo naman kailangan pa mag abala at isa pa ay umorder
Ciara POVNatapos ang araw na masaya kaming nakapagbonding na magkakaibigan, dahil sa ngayon lang nagtugma ang mga schedule namin. Sa loob ng ilang buwan ay masasabi ko na mas nakilala ko pa si Aiden, hindi ko man masabi na kilalang kilala na pero kahit papaano ay nagagamay ko na ang pag uugali nito."Tired?" tanong ni Aiden sa akin habang nagmamaneho ito."Slight.” nginitian ko ito. “Pero okay lang naman kasi masaya ako na nagkaroon ulit tayo ng oras na magkakasama?” dagdag ko pa. Hindi pa sana kami uuwi dahil ang gusto ni Linnea ay doon na lang kami matulog pero ayaw pumayag ni Aiden kaya nga ito kinantyawan ni Hunter.“Kailan mo pala balak na bumalik sa bahay niyo?”“Sa susunod na araw, tutal maayos naman na ulit ang bahay. Bakit gusto mo na ba akong umalis?” tanong ko.Tinaasan ako nito ng kilay. “I didn’t say that! I’m just asking.” Hindi ko mapigilan ang hindi matawa dahil halatang nainis ito.Hindi na ako nagsalita at sinandal ko ang ulo ko sa upuan dahil nakaramdam ako ng ant
Hunter POVNgayong araw ay nagpasya ang asawa ko na magsama sama kami dito sa bahay nila Ciara at Aiden na agad ko naman sinang ayunan. Masyado kaming naging busy kaya naging madalang ang pagkikita namin."Anong nangyari diyan sa kaibigan mo baby?" Tanong ko sa asawa ko ng makita kung hindi maipinta ang mukha ni Ciara na nakaupo. Ngayon ko lang napansin na nandito na sila dahil may kinuha ako sa taas.Mabilis na sinulyapan naman ng asawa ko ang kaibigan niya bago bumaling sa akin. "Baka nag away ang dalawa.""Yow Hunter, Linnea. Kumusta buhay?" Napatingin ako sa biglaang pagsulpot ni Aiden."Masaya pa din. Ikaw kumusta buhay mo ng may kasamang tigre?" pang aasar ko sa kanya.Nagkibit balikat na lang si Aiden at tumawa. "Ako na dito ang tutulong kay Hunter, puntahan mo na lang 'yung kaibigan mo na may topak." anas nito kay Linnea.Aiden POVMabilis na hinila ni Linnea si Ciara papunta sa pool area habang kami ni Hunter ay naiwan dito sa gilid para mag ihaw."What happened? Mukhang masa
Ciara POVNagising ako dahil sa tunog ng phone ko at nakita kung si Dane ang tumatawag."Hello Ciara?" "Ahm yes Dane? Kanina ka pa ba tumawag? Pasensya ka na tulog kasi ako." anas ko."Ngayon lang naman, nandito kasi ako sa labas ng unit mo."Napatayo naman ako ng wala sa oras at mabilis na pumunt
Aiden POVNang makarating ako sa tapat ng bahay nina Ciara at napakunot ang noo ko dahil sa nadatnan.Anong nangyari?Mabilis akong bumaba at nagtanong sa isang pulis na nandoon. At sinabi niya sa akin ang nangyaring sunog. Agad akong nakaramdam ng kaba para kay Ciara lalo na noong sinasabi sa akin
Aiden POVNapatingin ako sa relo ko at nakita kung mag aalas diyes na ng gabi. Kanina pa ako naiinis dahil anong oras na ay wala pa ang kikitain naming kliyente. Ramdam ko din ang pagkairita ni Hunter dahil kanina pa ito nagrereklamo at gusto na umuwi sa mag ina niya."Wala pa rin ba?" tanong ko ka
Aiden POVAfter what happened to us ay hindi ko na ulit nakita pa si Ciara, pansin ko din na iniiwasan niya ako sa tuwing nagkakataon na pupunta ako sa bahay nina Hunter at nandoon siya. Kaya nagpasya akong puntahan siya sa Cafe na pagmamay ari nito."Good morning Sir, how can I help you?" Bungad s







